Ang Talambuhay Ni DR

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Talambuhay ni Dr. Jose P.

Rizal

Kapanganakan

Si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, o mas kilala sa tawag na
Jose Pepe Rizal, ay isinilang sa Calamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Siya
ay ang pampito sa labing-isang anak nina Francisco Engracio Rizal Mercado y
Alejandro, isang mayamang magsasaka, at Teodora Morales Alonso Realonda y
Quintos. Ayon sa mga kwento, muntikan ng mamatay si Teodora sa panganganak kay
Pepe dahil sa kalakihan ng kanyang ulo. Bininyagan siya sa Simbahang Katoliko noong
Hunyo 22 ng isang kuro paroko, si Padre Rufino Collantes, isang Batangueno. Ang
kanyang naging ninong ay si Padre Pedro Casanas, isang taga-Calamba at matalik na
kaibigan ng pamilyang Rizal. Ang kanyang pangalang Jose ay pinili ng ina dahil sa
siya ay isang deboto ng San Jose.

Kabataan

Ang kanyang ina ang kanyang naging unang guro, at ipinagpatuloy ni Pepe ang
kanyang pormal na pag-aaral sa Binan, Laguna. Dahil sa kagustuhan ng kanyang ama,
ipinadala si Pepe sa Maynila upang mag-aral sa Ateneo de Manila University at doon ay
tinamo ang Bachelor of Arts noong 1877 sa edad na labing-anim, at nakasama pa sa
siyam na estudyanteng nabigyan ng namumukod-tanging marka. Nagtapos din siya
bilang isang asesor noong Marso 21, 1877 at naipasa ang Lupong Pagsusulit noong
1878, ngunit hindi muna siya pinahintulutang magtrabaho bilang asesor dahil sa
kanyang murang edad. Noong 1878, pumasok siya sa University of Santo Tomas
upang mag-aral ng medisina ngunit umalis dito dahil sa diskriminasyong nararanasan
niya mula sa mga paring Dominikano. Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral ng medisina at
pilosopiya sa Universidad Central de Madrid sa Espanya. Sa edad na 23, iginawad sa
kanya ang Lisensiya sa Medisina at sa edad na 24, ay natapos din niya ang kurso sa
Pilosopiya. Siya ay nagsanay ng medisina sa Hospital de San Carlos ngunit itinigil niya
ito upang mag-aral ng optalmohiya sa Paris at sa Aleman. Sa taon din ng kaniyang
pagtatapos ng medisina, siya ay nag-aral ng ibat-ibang wika katulad ng Ingles, Arabe,
Katalan, Tsino, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges,
Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog at mga katutubong wika ng Pilipinas.

Marami ang humanga at hinangaan ni Rizal bago niya natagpuan ang kanyang
asawang si Josephine Bracken. Isa sa mga tunay niyang minahal ay ang kanyang
malayong pinsan na si Leonor Rivera. Una silang nagkakilala sa Manila, noong labing-
apat na taong gulang pa lamang si Leonor. Minahal nila ang isat isa ng tunay, ngunit sa
kasamaang palad, ipinakasal si Leonor ng kanyang ina sa isang mayamang ginoo na si
Henry Kipping. Si Leonor umano ang inspirasyon ni Rizal para sa karakter ni Maria
Clara sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Isang haponesa naman ang nakatagpo
ni Rizal sa bansang Hapon, nang siya ay maanyayahan na maging kasapi ng pasuguan
ng Kastila sa bansang iyon. Ito ay si Usui-Seiko o O-Sei-san, na pinaniniwalaang isa sa
tatlong babaeng labis na minahal ni Rizal. At ang kahuli-huliang babae sa kanyang
buhay at ang kanyang asawa na si Josephine Bracken ay isang Irish na nagmula sa
Hongkong na nagpunta ng Dapitan upang ipagamot ang mata ng kanyang ama-
amahan. Dahil sa madalas na pagkikita nila, sila ay nagkaramdam ng pagmamahal sa
isat isa. Sila umano ay nagkaroon ng anak, si Francisco Rizal y Bracken, ngunit itoy
nabuhay lamang ng iilang oras.

Kamatayan

Dahil sa gusto niyang makamit ang kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya,
ginamit ni Rizal ang talento niya sa pagsusulat para itoy mabigyang daan. Isinulat niya
ang Noli Me Tangere at ang El Filibusterismo na nagpapakita ng pagmamalupit at
ang kawalan ng hustisya ng mga Espanyol. Naalarma ng husto ang mga Kastila, kaya
naman ninais nilang mahuli at maikulong si Rizal, dahil na rin sa takot na baka magising
sa katotohanan ang mga Indio. Siya ay inaresto sa Barcelona at isinailalim ang trial sa
Maynila. Dito ay iginawad siya ng execution by firing squad. Naisagawa ito noong
Disyembre 39, 1896.


References:

http://en.wikipedia.org/wiki/Jos%C3%A9_Rizal (Jose Rizal, Wikipedia)
http://www.joserizal.com/ (Jose Rizal - Biography, Life and Works)
http://www.joserizal.com/talambuhay-ni-dr-jose-rizal/ (Talambuhay ni Jose Rizal)
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Jose_Rizal (Jose Rizal, Wikifilipino)
http://www.scribd.com/doc/20184699/Mga-Pagibig-Ni-RIZAL (Mga Pagibig ni
Rizal)

You might also like