Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangangalap ng datos

Hanguang elektroniko
Tuladng ng nabanggit na, ang datos/impormasyong makukuha online ay maaaring maituring na
primary o sekondarya, depende sa paggagamitan ng impormasyon. Sa silid-aklatan, maaaring makakita
ng ilang database tulad ng pro quest central o academic search primer depende sa silid aklatan na
maaaring ma access online. Hindi maipagkakaila na malaki ang maututulong ng nline sa lalong
pagpapabilis ng mga gawaing pampananaliksik. Ang mga sumusunod ay dapat bigyang pansin ng mga
mananliksik sa mga online na hanguan:
Mga domain na online:
1.) .com(komersyal) ang site na ito ay pinatatakbo ng isang negosyante
2.) .edu (edukasyonal) ang iste na ito ay pinatatako ng mg kolehiyo o unibersidad
3.) .gov (gobyerno) Ang site na ito ay pinatatakbo ng mga sangay ng gobyerno
4.) .net (network) kadalasan, ang ganiton mga site ay pinatatakbo ng ilang negosyante ng
imprastraktura na serbisyo tulad ng mga internet providers
5.) .org (organisasyon) kadalasan, pinatatakbo ang site na ito ng on profit na grupo o organisasyon

Pakatandaang hindi lahat ng impormasyong online ay mapagkakatiwalaan sa dahilang ilang
website ay hindi gaanong mahigpit sa pagpi-filter ng mga impormasyon. Nararapat lamang na suriin ang
mga datos na makukuha online at siguraduhing may angking kredibilidad ang mga ito. Kadalasan, ang
mga site na pinatatakbo ng mga organisasyong edukasyonal, panggobyerno at nonprofit ay
mapagkakatiwalaan, subalit dapat hindi magtapos ang ebalwasyon ng isang datos sa isang url (universal
resource locator) lamang. Ikonsidera rin sa pagpili ng impormasyon ang mga sumusunod:
1.) Ang impormasyong nakuha ay nagpapaliwanag nang maigi at nasusuportahan ng mga ideya.
2.) Ang impormasyon sa website ay hindi naa-access at nae-edit ng kung sino lamang.
3.) Awtoridad ang sumulat at walang pagkiling.

Ang mga sumusnod ay ilang halimbawa ng search engines at metasearch na magagamit sa
pananaliksik sa hanguang elektroniko:

Search Engines:
Alta Vista www.altavista.com
Dmoz www.dmoz.org
Google www.google.com
Lycos www.lycos.com
Ask www.ask.com
Gigablast www.gigablast.com
HotBot www.hotbot.com
Yahoo www.yahoo.com
Metasearch:
CLusty www.clusty.com
Dogpile www.dogpile.com
Metacrawler www.metacrawler.com

You might also like