Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ano ang tula?

Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng taludtod. Ang tula ay isang anyo ng panitikan na
nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng
mga taludtud. Ang tula ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga
taludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong. Ang tula ay nagpapahayag ng
damdamin, kaisipan, gamit ng marikit na salita.
Panulaan
Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang
anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay
tinatawag na tula. Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin,
lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat.
Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.

Mga anyo ng tula
Malayang taludturan
Tradisyonal
May sukat na walang tugma
Walang sukat na may tugma
Mga uri ng tula
Liriko o pandamdaming tula
a. Awit/Kanta - tungkol sa pag-ibig, karaniwang malungkot ang paksa; binubuo ng tig-aapat na
taludtod ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may labindalawahing pantig, at ang
tradisyon na dulong tugma ay isahan. Ito ay ang karaniwang awiting ating naririnig.
b. Dalit/Hymno karaniwang panrelihoyn, partikular na nakasulat para sa layunin ng pagpupuri,
pagsamba o panalangin, at karaniwang ay ipadala sa isang Diyos o isang kilalang pigura o
maliwanag na halimbawa at may kahalong pilosopiya sa buhay.
c. Elehiya - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan.
d. Oda - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal); nakasulat bilang
papuri o inihahandog sa isang tao o isang bagay na nakukuha ng interes ng makata o
nagsisilbing isang inspirasyon.
e. Soneta - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o matinding pagkukuro-
kuro; hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
Naratibo o nagsasalaysay
- Isang tula na may balangkas. Maaring maikli o mahaba, at ang mga kwuwento ay may
kaugnayan sa maaring maging simple o kumplikadong pangyayari. Ito ay karaniwang hindi
madarama o makuwento gaya ng mga epiko, balada, idylls at lays.
Nalalarawan - naglalahad ng pangyayari
Padula/Drama
Tulang may aral - nagbibigay ng pahayag kung anong dapat mong gawin; halimbawa: balagtasan
Pampagkataon - may tiyak na pagdiriwang
Balagtasan
Duple
John Rendon L. Oaa IX- Mango

Elemento ng tula
Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may dalawa o higit pang taludtod.
Sukat - bilang ng pantig ng tula.
Tugma - pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.
Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay
nagtatapos sa patinig.
Kaanyuan (conssonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos
sa katinig.
Nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma
Sining o kariktang - paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita. Nagbibigay ng pangkalahatang
impresyon sa bumabasa.
Talinghaga - tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.
Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan upang ilantad ang
talinghaga sa tula
Anyo - porma ng tula.
Tono/Indayog - diwa ng tula.
Persona - tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan

You might also like