Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Buod ng Sona 2014 ni

Pangulong Noynoy
Aquino III

Tungkol sa kahirapan / Economiya
- Nasimulan na po natin ang Expanded Conditional Cash
Transfer Program nitong Hunyo, na may pondong P12.3
bilyon
- Ang mahihirap na Pilipino na umangat ang status
na poverty line ay di na babalik sa ilalim ng poverty line ulit.
Tungkol sa Turismo
- Dadami ang biyahe ng lokal flight carriers palabas at
paloob ng bansa matapos naibalik ang good rating sa
mga flights sa Pilipinas.
Imprastruktura
- Dumoble ang budget simula noong 2011 hanggang 2014 na
P404 billion
- Mga butas sa sistema sa DPWH, tinugunan na kaya
naiwasan ang korapsyon.
- Ang Metro Manila Skyway Stage 3 na bahagi ng Metro
Manila Expressway na proyekto noong dekada 70s,
inilunsad ngayong taon
- Pinakamalaking PPP project, ang Laguna Lakeshore
Expressway Dike, bubuksan na ang bidding bago mag-2014
- Clark Green City sa Tarlac ang susunod na Bonifacio Global
City
AFP modernization
- Dumating na rin po ang 4 na refurbished UH1 helicopters
at 2 modernong navy cutters at ang gobyerno magdadagdag
pa ng mas maraming aircraft & radar system
- Dahil sa maayos na procurement, tapat na pangangasiwa
sa pondo, may savings: P1.2B, ipinambibili na natin ng mas
marami pang baril.
- Nagbabago na rin nga po ang mukha ng ating kapulisan.
Naabot na ang 1:1 police to pistol ratio.
- Ipinapatupad natin sa National Capital Region ang
operation lambat matapos triplihin ang checkpoints.
Ang mensahe ni Pangulong Noynoy Sa mga kumukontra sa
pamahalaan.
- Ang pinakamaingay na kumukontra sa atin ay ayaw ng
reporma.
- Inatasan nyo ako itimon ang bangka ng estado sa isla kung
saan mas maayos ang buhay. Pero ayaw tayong pumalaot
dahil walang maaabuso
- Para sa mga ginawang negosyo ang kanilang posisyon,
mawawalan sila ng pagkakataong magsamantala
- Mas malakas tayo magsagwan tungo sa pagbabago
- Lumilinaw ang benepisyo ng reporma, pahirap nang
pahirap ang pag-asang magtagumpay ang panlilinlang nila.
- Kontra sila sa mga maagang naililikas sa panahon ng bagyo
dahil sa pinahusay na
- Nangarap tayo, nagsimula tayo, nagsikap tayo, nakabuwelo
tayo, at ngayon, umaarangkada na nga po ang Pilipino
- Pero buo ang loob ko. Mas malakas po tayong mga handang
makisagwan tungo sa pagbabago.
- Wala pa tayo sa pwesto, inaatake na nila ako; ngayong
pangulo na ako, patuloy pa rin ang mga kontra sa pagbabago
- Tuloy pa rin ang mga kontra sa pagbabago. Tingin ko,
maski sa pagbabago sa pwesto, hindi pa rin sila titigil.
Mas malakas po tayong mga handang makisagwan tungo sa
pagbabago
- Sa paghakbang sa tuwid na daan, pinili ninyo ang mabuti at
ang tama; tumotoo kayo sa akinat ako naman ay tumotoo
sa inyo.
- Mga Boss: Binigyan ninyo ako ng pagkakataong pamunuan
ang transpormasyon
Mga positibong proyektong nabanggit nung SONA 2013 and
mga natupad or unti unti na natutupad
Proyekto pangkapayapaan
- Matapos ang mahabang negosasyon, naibalik natin ang
tiwala. Nilagdaan na ang Comprehensive Agreement on the
Bangsamoro
- Makabangong AFP natupad na dahil sa 1 to 1 ratio ng mga
pistol ng kapulisan natupad na
Trabaho
- Trabaho sa maraming Filipino 1.65 Milyon ang nadgdagan
Ekonomiya
- Pag-angat ng ekonomiya tuloy tuloy pa rin
Edukasyon
- Pangangailangan ng K12 tuloy tinutugunan

You might also like