BAGO mag-9 ng gabi nuong Enero 20, 1872, nilusob ng 40
manggagawa at sundalong Pilipino ang tanggulang San Felipe sa Cavite. Panguna ang isang sargento, si La Madrid, pinatay nila ang 7 pinunong Espaol sa tanggulan (fuerza, fort). Saka lamang sumali sa aklasan ang mahigit 100 tauhan sa mga barko duon, mga Pilipino rin. Pagkaraan lamang ng isang oras, nuong ika-10 ng gabi, pinaputoknila ang isang caon upang ipahayag sa kabayanan ang kanilangtagumpay - naagaw na nila ang fuerza at ang imbakan ng sandata (arsenal) ng Cavite. Tumakas ang isang tenienteng Espaol upangmagsumbong subalit nabihag siya ng mga taga-Cavite, kaya kinabukasan na bago nakarating sa Manila ang balita ng aklasan. Pagsikat ng araw kinabukasan, mula sa mga pader (paredes, walls) ng fuerza, hinikayat ng mga nag-aklas ang iba pang sundalo at manggagawang Pilipino sa himpilan (guarnicion, garrison) sa Cavite subalit tumanggi ang karamihan ng mga sundalo. Sa halip, pinaligiran nila ang fuerza at arsenal kaya napilitang magtago sa luob ang bandang 200 nag-aklas. Nuong araw ding iyon, dumating ang hukbong Espaol mula sa Manila - 2 regimientos (regiments) ng mga sundalo at isangbrigada ng artilleria, may dalang 4 caon - na pinasugod ni generalRafael Izquierdo, governador ng Pilipinas nuong 1871 hanggang 1873, at kung kanginong lupit ay siyang naging sanhi ng kaguluhan. Kasama ng mga sundalong nakapaligid sa fuerza, paulit-ulit sumalakay ang hukbong Espaol subalit palagi silang napaurong ng mga nag-aklas. Nang nalaman ng mga Espaol na walang pagkain sa luob ng fuerza at arsenal, pinasiya nilang gutumin na lamang ang mga nag-aklas, at nagbantay sa paligid ang hukbo. Hindi nagtagal, nagwagayway ng puting watawat ang mga nag- aklas at sumuko. Pinabayaan silang lumabas sa fuerza, bitbit pa rin ang puting watawat, hanggang bandang 15 hakbang nang pinagbabaril sila ng nakapaligid na hukbo. Patay na lahat ang unang pangkat ng sumuko nang salakayin ng mga Espaol ang luob ng fuerza. Walang laban ang mga nag-aklas na naiwan sa luob at agad natapos ang bakbakan. Lahat ng buhay pa ay binihag, nilitis at binitay, maliban sa mga tauhan ng mga barko, na hinatulang makulong nang 10 taon saMindanao. Sa paglitis lumitaw na ayaw magbayad ng buwis ang mga nag- aklas, buwis na mahigit 200 taon nang libre sila bilang sundalo at tauhan ng barko ng hukbong Espaol. Si Izquierdo ang nag-utos na pagbayarin sila ng buwis mula nuong 1972. Sa pagparusa, dapat sana ay natapos na subalit ginamit ni Izquierdo ang aklasan upang sugpuin ang lumalagong kalampag (campaa, agitation) ng mga Pilipino na maituring na kapantay ng mga Espaol, at palitan ng mga paring Pilipino ang mga frayleng Espaol. Hindi pa napupuksa ang aklasan sa Cavite, pinadakip na ni Izquierdoang mga tanyag na Pilipino sa Manila, sa paratang na kasabwat sa tangkang ihiwalay ang Pilipinas sa Espaa. Kasali sa mga dinakip ang 3 Pilipinong pari, pamuno sa kalampag na palitan ang mga frayleng Espaol - sina Jose Burgos, Mariano Gomez at Jacinto Zamora. Gomez, Burgos, Zamora NUONG panahong iyon, ang tanging pag-asa ng Pilipino na makapantay ang Espaol ay mag-pari. Dahil sa malawak na pag- unlad sa Europa at paglay ng Americas mula sa pagsakop ng Espaa, unti-unting yumaman ang mga mestizo at principales sa Pilipinas, subalit tanghal pa rin ang pagiging pari nuon dahil matimtiman ang mga tao. Ito ang nilandas ng 3, marurunong at nagtapos lahat ng pagka-pari saUniversidad de Santo Tomas. Nauna si Gomez, mestizong Intsik na 73 taon gulang at cura sa Bacoor, Cavite. Siya ang sumulat at naglabas ng pahayagang La Verdad (Ang Totoo, The Truth) tungkol sa karumal-dumal na kalagayan ng mga tao sa Pilipinas. Duon din niya nilathala ang mga maka-unlad na sulat at panawagan niPadre Burgos. Sumunod si Zamora, mestizong Espaol na ipinanganak sa Pilipinas nuong 1835 at naging cura ng cathedral ng Manila sa Intramuros. Pinaka-bat at pinaka-sikat si Burgos, mestizong Espaol na isinilang sa Pilipinas nuong 1837. Nag-aral at nagsilbi siya sa isang matalinong Pilipinong pari, si Pedro Pelaez, na pambat ng kalampag na palitan ng mga Pilipino ang mga frayleng Espaol. Nang namatay si Pelaez sa lindol sa Manila nuong 1863, si Burgos ang pumeka. Sumulat siya ngmanifesto nuong 1864, hindi sa pangalan niya, angal sa pagpahirap sa mga Pilipinong pari. Bilang tagapag-suri ng mga pari sa mgaparoco (synodal examiner of parish priests) sa cathedral ng Manila, mabisa si Burgos at maraming frayle ang nagalit sa kanya. Ilang ulit siyang inaway ni Gregorio Martinez, arsobispo ng Pilipinas nuong 1862 - 1875. Nang hindi nagtagal, nagtatag ang mga principale sa Manila ngcomisin de reforma (Lupon sa Pagbubuti), isa si Burgos sa nagsap, at siya ang natanghal na pinuno, ng isang sangay(subcomisin, sub-committee) para sa mga pari. Katulong niya sinaGomez at Zamora, at sinimulan silang tawagin ng mga Espaol sa Manila at paligid na los filibusteros (mga naghihimagsik). Nilitis Nang Mabilis Kasabay ng 3 pari, ipinadakip ni Izquierdo sina Agustin Mendoza,cura ng simbahan sa Santa Cruz, Antonio Regidor, kilalang abogado at concejal sa Manila, Joaquin Pardo de Tavera, isangconcejal din, Feliciano Gomez, Enrique Paraiso, Jose Basan,Maximo Paterno, Crisanto Reyes, Ramon Maurente at iba pang mga tanyag na pari at principales sa Manila. Dinakip din ang lahat ng Masn sa buong kapuluan, pinarusahan o ipinatapon. Ipinasara ang maraming masonic lodges. Sa Cebu, natutop nang biglaan ang Logia Espaola habang nagpupulong. Lahat ay dinakip at ihinarap sa hukuman. Ang maraming dinakip sa Manila ay nilitis saisang hukumang militar (court martial) sa paratang na nagsabwatan upang magtatag ng republica sa Pilipinas. Isang pinuno ng hukbong Espaol, si Manuel Boscaza, ang hinirang na fiscal sa paglitis na ginanap nang madalian. Isa ring sundalo, si capitanFontivel, ang abogado ni Padre Burgos. Umamin ang isa sa mga nasakdal (accused), si Francisco Saldua, na kasabwat siya sa aklasan at sa tangkang himagsikan laban sa Espaa. Kumalat ang bulong na patatawarin siya kung ti- testigo siya laban sa 3 pari. Tutuo man o hindi, bumaligtad si Saldua at ipinagkanulo ang mga kasama niyang pinaratangan. Hinayag niyang 3 ulit siyang nagdala ng sulat kay Padre Zamora na agad nagtungo sa bahay ni Padre Burgos. Sinabi rin daw sa kanya nisargento La Madrid, ang pinuno ng aklasan sa Cavite, at ng isang kapatid ni Pio Basa na si Padre Burgos ang mamumuno sa pamahalaan, at siya ang hihingi ngtulong mula sa sandatahang dagat ng America. Ilang sundalo ng hukbong Espaol ang nagpahayag ng narinig nila sa ibang tao na sakaling magwagi ang himagsikan, ang magiging pangulo ng bagong republica ay ang pari ng paroco ni San Pedro. Ito ang tawag sa paroco ng cathedral sa Manila. Ang pari duon ay sa Padre Burgos, sunod ang pang-2 niya, si Padre Zamora. Isang testigo, si Enrique Genato, ang nagsabi na nagpulong nang lihim sina Burgos, concejal Regidor, Marcelo del Pilar, Rafael Labra, Antonio Rojas at iba pa. Pinag-usapan daw nila ang mga frayle, himagsikan at digmaan. Ipinahayag naman ni Marina Chua Kempo na narinig niyang pinag-usapan ng mga nasakdal ang gagawing paglipol (massacre) sa mga Espaol, at si La Madrid daw ang itatanghal na governador o pinunong militar (capitan general). Isang frayle, si Fray Norvel, ang nagsiwalat na hinihimok ng mga meztiso (creoles, half-breeds) ang mga tao na maghimagsik laban sa Espaa. Nakita raw niya sa Burgos na nagpamudmod ng mga kasulatan na laban (subversive) sa pamahalaan at kaharian. Pati ang casera ng bahay na tinirhan ni Burgos ay tumestigo. Madalas daw mag-usap ang mga dumalaw tungkol sa baril at caon, sumisigaw pa ng Fuera oficiales, canallas, envidiosos, malvados! ( Palayasin ang mga nanunungkulan, ang mga baboy, mga inggit, mga masama! ) at kung minsan naman, Viva, Filipinas libre, independiente! ( Mabuhay, Pilipinas na malaya at nagsasarili! ) Subalit lagi raw silang sinuway ni Burgos at pinayuhang magsikap mapagbuti ang kalagayan ng mga tao nang walang dahas o digmaan. Hiniling ni capitan Fontivel, ang tagapag-tanggol ni Padre Burgos, na pawalang bisa ang mga paratang dahil walang sapat na katibayan, subalit tumanggi si generalIzquierdo at inutos na ipagpatuloy ang paglitis. Nais ni Fontivel na ukilkilin ang testimonio ni Saldua subalit itinigil na ng hukuman militar ang paglitis, may sakit daw siSaldua at hindi na kayang tumestigo uli. Nuong ika-11 ng gabi ng Febrero 15, 1872, matapos nag-usap ang mga juzgador nang 8 oras, hinatulang mabilanggo nang 10 taon ang ibang nasakdal. Ang iba naman ay ipinatapon sa Guam sa tagal ng mula 2 hanggang 8 taon. Si Saldua at ang 3 paring Burgos, Gomez at Zamora ay hinatulan nila ng bitay. Ginarote Sa Bagumbayan WALA kaming kasalanan! Hinarap nina Burgos at Zamora ang mga juzgador. Wala kaming kinalaman sa aklasan sa Cavite! Wala kahit anumang katibayan laban sa amin! Walang kabuluhan kumuha ako ng sariling tagapag-tanggol, wika naman ni Gomez. Ayaw nyong mga jusgadores na ipakita kung sino ang nagparatang sa akin. Kahit na alam nyong wala akong sala, buo na ang pasiya nyong hatulan ako, at wala akong kapangyarihan baguhin ang inyong pag-iisip. Ikinulong sila sa piitan ng hukbong Espaol. Hindi nakapaniwala siZamora na papatayin siya dahil lamang nanawagan siyang gandahan ang turing sa mga Pilipinong pari, at unti-unti siyang nasiraan ng bait, wala nang kibo at lagi na lamang nakatitig sa malayo. Kinabukasan, inutos ni general Izquierdo kay arsobispo Martinezna hubaran ng pagka-pari (defrock) ang 3 bago mabitay, subalit tumanggi si Martinez, hanggang makakita ng katibayan laban sa mga pari. Sa halip, inutos niya na patunugin ang mga kalembang(campanas, church bells) ng cathedral sa Manila nuong araw ng bitay, Febrero 16, 1872, nang dumagsa ang maraming tao saBagumbayan. Nasaksihan nilang unang binitay si Saldua, nakangiti hanggang bandang huli dahil sa maling akala niya na patatawarin siya dahil sa kanyang testigo. Sumunod ang matandang Padre Zamora, tas ang nu, dilt ang mga mat. Binigyan niya ng bendicin ang mga tao na nakaluhod sa paligid. Walang dahong nalalagas kundi sa takda ng Dis, wika niya sa frayleng Recollect na nag- confesar sa kanya. Yari din lamang amen niyang mamatay ako dito ngayon, mahal kong Padre, masunod ang kaluoban niya! Si Padre Zamora ay sukdulang baliw na. Walang imik na lumapit nang tawagin, umupo sa bitayan, at walang imik na namatay. Huling tinawag si Padre Burgos. Napa-iyak parang bat, tinung niya ang ulo sa mga kaibigang namatyagan niyang nakapaligid. Pagka-akyat sa bitayan, hinayag niya kay comisario Boscaza, Senores, pinapatawad ko kay. Naway patawarin din kayo ng Dis! Anong kasalanan ang nagawa ko? bulalas ni Burgos sa mga frayle na nasa tabi niya, hinimok siya mamatay nang tahimik. Talaga bang mamamatay ako nang ganito? Dis ko, wala bang katarungan sa daigdig?! Patawad po, Padre, lumuhod sa harap ni Burgos ang verdugomatapos niyang igapos ito sa garotte, kailangan pong patayin kita, labag man sa kaluoban ko! Pinapatawad kita, hijo, sagot ni Burgos, tupdin mo ang iyong tungkulin. Pagkabitay kay Burgos, namighati ang mga tao sa paligid, lumuhod lahat at nanaghoy nang panalangin para sa patay. Nabalisa ang mga Espaol at mga frayle at nagkulong lahat sa luob ng Intramuros. Sa halip na matakot ang mga tao gaya ng tangka ni general Izquierdo, ang pagbitay sa 3 pari ay lalong nagpalawak ng pagpuna ng mga Pilipino sa kalabisang dinaranas nila. Nagsimulang natiklop ang hinawa ng mga karaniwang tao sa politica de reforma ng mga Pilipinong pari at principales. Sa udyok ng mga frayle, nagpatuloy ang pag-usig sa mga nananawagan ng reforma, kahit na pagka-alis ni Izquierdo nuong 1873. Upang makaiwas, ilang principales ang tumakas at nanirahan sa Hongkong at iba pang lungsod sa mga kalapit na bayan. Ang mga maykaya ay nagtuloy sa Europa, pati sa Espaa mismo na, dala ng walang tigil na sigasig ng mga makabagong Espaol, ay mas mapagpalaya at maka-unlad kaysa sa Pilipinas. Sila ang nagmana ng tinig na naudlot nuong bitayin sina Gomez, Burgos at Zamora. Pagkaraan lamang ng 8 taon, sumaliw sa tinig si Graciano Lopez Jaena na dumating sa Espaa nuong 1880. Napalitan ang politica ng reforma ngpolitica ng propaganda. copyright 2005