APOSTOLOKONG PAGDALAW NI PAPA FRANCISCO SA PILIPINAS
Lubhang mahabaging Diyos lumalapit po kami sa aming pangangailangan, itinataas namin ang aming bayan habang inihahanda namin ang apostolikong pagdalaw ng aming Papa Francisco. Sa bawat kahilingan sabihin natin: Panginoon basbasan Mo ang inyong Simbahan! Naway maging tapat kami sa Santo Papa ang Bikaryo ni Kristo sa lupa. Panginoon basbasan Mo ang inyong Simbahan! Nawa manabik kami na makatagpo at pakinggan si Papa Francisco. Panginoon basbasan Mo ang inyong Simbahan! Naway mahabag kami sa mga mahihirap at nangangailangan. Panginoon basbasan Mo ang inyong Simbahan! Naway magdulot kami ng awa sa mga mahihina at nawawala. Panginoon basbasan Mo ang inyong Simbahan! Naway may pagpakumbaba naming ikumpisal ang aming mga kasalanan at magbalik-loob kami sa Diyos
Panginoon basbasan Mo ang inyong Simbahan! Naway makapakinabang namin palagi nang may paghahanda ng Banal na Komunyon. Panginoon basbasan Mo ang inyong Simbahan!
Manalangin tayo: Diyos naming Ama, kamiy iyong mga anak. Gawin mo kaming isang bansang may awa at habag, na may pananabik sanang makita namin si Papa Francisco ang aming Santo Papa, gawin mo kaming isang bayang magiting at banal sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.