Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Talumpati ng Tungkol sa Kahirapan PROBLEMA NG BAYAN

Isa sa pinakamalaking kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang kahirapan. Pero


bakit nga ba maraming Pilipino ang nagdurusa dahil dito?

Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng kanilang
kakulangan sa pera, napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais. Dahil doon,
patuloy na dumarami ang bilang ng krimen sa ating bansa. Nadadagdagan din lalo ang bilang ng
mga namamatay. Pero bakit hindi kumikilos ang ating mga pinuno ukol sa mga isyung ito?

Sadyang mahirap ang maging isang mahirap. Pero madaming paraan upang itoy
labanan kung ating nanaisin. Marami na tayong nabalitaan mula sa pagiging maralita, ngayon ay
natatamasa na ang kaginhawaan. Dahil iyon sa kanilang pagsisiskap para sa kanilang nais na
makamit.

Maraming mamamayan ang nakakaranas ng kahirapan, kung mapapansin natin,
nagkalat ang mga batang iniwan o inabandona ng kanilang mga magulang na walang ibang
matuluyan. Lalo na rin sa mga squatters area. Magulo at tila ba walang kaginhawahan at
kapayapaan sa lugar na iyon. Kung ating susuriin, mas marami ang bilang ng mga taong sadlak
sa kahirapan. Ngunit bakit ang mga taong may mataas na katayuan sa buhay, sa halip na
tulungan ang mga ito, lalo pa nilang itinutulak sa kahirapan. Kaya ang mahihirap, lalong
naghihirap. At ang mayayaman, lalong yumayaman. Dulot ng walang pagkakaisa, may pag-asa
pa ba ang bayang ito na umunlad?

Ako, bilang isang kabataan, ay may layuning iwasan ang pagiging isang mahirap, at hindi
maituturing na basura lamang sa isang lipunan. Sa simpleng pamamaraan, akoy magsisikap
makapagtapos ng pag-aaral. Nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi
lamang ako, pati ikaw, tayong lahat, kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo
ay may magagawa para sa kinabukasan ng ating bayan, isang bansa na magagamit,
maipagmamalaki, at higit sa lahat, maipapamana sa susunod pang henerasyon.

You might also like