Life of Rizal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

BUHAY KABATAAN NI JOSE RIZAL

Ang Pamilya ni Rizal


Si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda ay isinilang sa Calamba, Laguna sa
pagitan ng alas-onse at alas-dose, Miyerkules. Hunyo 19, 1861, ilang araw bago magkabilugan
ang buwan. Muntik ng ikamatay ng kaniyang ina ang panganganak sa kanya dahil sa kalakihan
ng kanyang ulo. Ayon sa talambuhay ni Rizal na Memorias de un Estudiante de Manila (Mga
Alaala ng isang Mag-aral sa Maynila), na kung saan ginamit niya ang ngalang P. Jacinto, ang
pagkaligtas ng kaniyang ina ay bunga ng pamamanata niya sa Birhen ng Antipolo.
Bininyagan siya sa simbahang Katoliko ng kanyang bayan noong Hunyo 22, edad tatlong
araw, ng kura paroko, si Padre Rufino Collantes. Ang kanyang ninong ay si Padre Pedro
Cosaas, taga-Calamba. Sa karangalan ni San Jose, ang ngalang Jose ang pinili ng kanyang
ina.
Si Jose Rizal ay ikapito sa labing-isang anak nina Francisco Mercado Rizal at Teodora
Alonzo Realonda Rizal. Ang kanyang ama ay tubong Bian at ipinangangak noong Mayo 11,
1818. Nag-aral siya ng Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila. Habang nag-
aaral sa lungsod, nakilala niya si Teodora at silay ikinasal noong Hunyo 28, 1848. Inilipat niya
ang kaniyang pamilya sa Laguna pagkaraang mamatay ang kanyang mga magulang. Namuwisan
siya sa asyendang pag-aari ng mga Dominiko. Siya ay masipag, bihirang magsalita ngunit mas
maraming nagagawa. Isa siyang huwarang Ama ayon sa tala ni Rizal. Namatay siya noong Enero
5, 1898 sa edad na 80.
Ang apelyidong Mercado ang ginamit noong 1731 ni Domingo Lamco (kanunu-nunuan
ni Rizal sa partido ng kanyang ama). Si Lamco ay isang mangangalakal na Intsik na nagmula sa
Chinchew (o Changchow) lungsod ng Fookien. Dumating siya sa Maynila noong 1690. Siya ay
nanirahan sa Bian at di naglaon ay nagpakasal kay Ines de la Rosa, isang mayamang Tsinong
Kristiyano sa Maynila.
Ginawa niyang Mercado ang kanyang apelyido na akma naman sa kanyang pagiging
negosyante. Sa Filipino, ang salitang Mercado ay nangangahulugang palengke. Naging anak nila
si Francisco, na napangasawa naman ni Cirila Bernacha, isang Tsinong Pilipino. Si Francisco ay
nahalal na gobernadorcillo (pinuno ng bayan). Isa sa mga anak nila, si Juan Mercado (lolo ni
Rizal) ay napangasawa naman ni Cirila Alejandro, isang mestisang Intsik. Nahalal din siyang
gobernadorcillo tulad ng kanyang ama. Nagkaroon ng labintatlong anak si Kapitan Juan, at ang
bunso ay si Francisco, ang ama ni Rizal.
Bilang pagtalima sa Batas Claveria ng 1849 na nagtakda ng apelyidong Kastila sa mga
mamamayan ng Pilipinas, ang mga Alonso ay nagdagdag ng Realonda at ang mga Mercado ay
Rizal. Ang apelyidong Rizal ay mula sa salitang racial na ang ibig sabihin ay bukid na
tinatamnan ng trigo, na inaani habang lunti pa at muling tutubo. Ang apelyidong ito ay ibinigay
ng isang Kastilang alkalde mayor na kaibigan ng pamilya.
Si Doa Teodora Alonso Realonda, ang ina ng ating pangunahing bayani, ay isinilang sa
Maynila noong Nobyembre 8, 1826. Ang kanyang mga magulang ay sina Don Lorenzo Alberto
Alonso ng Ilocos at Brigida Quintos ng Bian.Ang kanyang mga kapatid ay sina Narcissa,
Gregorio, Manuel at Jose Alberto.
Nakapg-aral si Teodora sa Kolehiyo ng Santa Rosa, isang kilalang paaralan para sa
kababaihan sa lungsod. Mahinhin siya kumilos, may matatag na kalooban, mahusay sa
matematika at panitikan. Namatay siya noong Agosto 16, 1911 sa edad na 85.
Si Francisco at Teodora ay biniyayaan ng labing-isang supling. Sila ang mga anak:
1. Saturnina (1850-1913) ang palayaw niya ay Neneng; ikinasal kay Manuel T. Hidalgo
ng Tanawan, Batangas.
2. Paciano (1851-1930) katapatang-loob ni Rizal; pagkatapos barilin si Jose, sumapi siya
sa Rebulusyong Pilpino at naging heneral; pagkaraan ng himgsikan ay nagsaka sa
kanyang bukid sa Los Baos. Nagkaroon siya ng dalawang anak sa kanyang
kinakasamang si Severina Decena. Namatay siya noong Abril 13, 1930 sa edad na 79.
3. Narcissa (1852-1939) palayaw niya ay Sisa, ikinasal siya kay Antonio Lopez, isang
guro sa Morong.
4. Olimpia (1855-1887) Ypia ang kanyang palayaw; ikinasal siya kay Silvestre Ubaldo,
isang operator ng telegrapo sa Maynila. Nag-aral siya sa Colegio de la Concordia.
Namatay siya pagkaraan ng 13 oras na panganganak.
5. Lucia (1857-1919) Nag-aral din siya sa Colegio de la Concordia. Nagpakasal siya kay
Mariano Herbosa ng Calamba, na pamangkin ni Padre Casaas. Namatay si Herbosa
noong 1889 at tinanggihang bigyan ng Kristiyanong libing dahil bayaw siya ni Rizal.
6. Maria (1859-1945) Biang ang kanyang palayaw; ikinasal siya kay Daniel Faustino
Cruz ng Bian, Laguna.
7. Jose (1861-1896) ang pangunahing bayaning Pilipino; palayaw niya ay Moy at Pepe.
Sa Dapitan, nakisama siya kay Josephine Bracken, isang Irlandes mula Hongkong.
Nagkaanak siya ng lalaki at pinangalanan siyang Francisco ni Rizal, sunod sa ngalan ng
kanyang ama. Ngunit ilang oras lamang ito nabuhay pagkasilang. Sa Dapitan na nailibing
ang sanggol.
8. Concepcion (1862-1865) ang kanyang palayaw ay Concha; namatay siya sa sakit sa
edad na tatlong taon.
9. Josefa (1865-1945) Panggoy ang kanyang palayaw; naging pangulo ng kababaihang
grupo ng Katipunan. Namatay siyang walang asawa sae dad na 80.
10. Trinidad (1868-1951) Trining ang kanyang palayaw. Namatay din siyang matandang
dalaga sae dad na 83.
11. Soledad (1870-1929) palayaw niya ay Choleng. Ikinasal siya kay Pantaleon Quintero
ng Calamba.
Ang mag-anak na Rizal ay kabilang sa mga principalia (mayayaman) ng bayan noong
panahon ng Kastila. Sila ay kinikilala sa Calamba dahil sa kanilang katapatan at pagiging
masinop sa buhay. Nakapagpatayo sila ng isang malaking bahay sa tabi ng simbahan. Mayroon
silang karuwahe, simbolo ng yaman noong panahon na iyon. Ang kanilang pribadon aklatan
(pinakamalaki sa Calamba) ay may mahigit na 1,000 tomo. Napag-aral ang lahat ng anak.
Ang Calamba noon ay isang asyendang bayan. Mula sa lupang inuupahan sa Ordeng
Dominiko, nakapag-aani sila ng palay, masi at tubo. Mayroon din silang alagang baboy, manok
at pabo sa kanilang likod-bahay. Bukod dito, si Doa Teodora ay may maliit na tindahan, maliit
na gilingan ng arina at gawaan ng hamon.
Sa Calamba
Sa kanyang kamusmusan, si Jose ay masasabing maliit at sakitin. Dahil dito,
ipinagpatayo siya ng kanyang ama ng maliit na bahay-kubo na mapaglalaruan niya sa araw.
Kapag naiiwan siyang mag-isa, pinagmamasdan niya mula sa kanyang bahay-kubo ang mga
bulaklak, ulap sa kalangitan at mga ibong lumilipad. Kinalulugdan niya ang kagandahan ng
kalikasan.
Si Doa Teodora ang siyang unang nagturo kay Jose sa pagbabasa ng alpabeto sa edad na
tatlong taon. Sa edad ding ito, nakakasama na si Jose sa pagdarasal ng pamilya. Sa edad na lima,
nagsimula ng bumasa si Jose ng Bibliya na nakasulat sa Kastila.
Sama-samang manalangin ang pamilya Rizal (mga magulang at anak) sa orasyon kapag
takipsilim, sa pagrorosaryo bago matulog sa gabi, at gayon din sa pagsisimba. Pagkatapos ng
rosaryo, nagkukuweto ang mga yaya sa mga batang Rizal tungkol sa mga engkantada, nabaong
yaman, punong namumunga ng brilyante at iba pang kababalaghan. Ito ang nakapukaw sa interes
ni Rizal sa mga alamat at kuwentong-bayan.
Ang magkakapatid na Rizal ay magkakalapit sa isat isa. Sa mga kapatid na babae, si
Concha (Concepcion) ang madalas niyang kalaro. Nang magkasakit at mamatay si Concha sa
edad na tatlo, si Jose ay labis na nalungkot. Ito ang unang kalungkutan niya.
Noong Hunyo 6, 1868, nagtungo si Jose ay ang kanyang ama sa Antipolo para sa
peregrinasyon na ipinanata ni Doa Teodora nang ipinanganak si Jose. Hindi nakasama si Doa
Teodora dahil kasisilang pa lang niya noong kay Trining. Ito ang unang peregrinasyon ni Jose sa
Antipolo at gayon din ang unang pagtawid niya sa Lawa ng Laguna.
Sa mga ikinuwento ng kanyang ina, ang tungkol sa batang gamugamo ang nakintal sa
kanyang isipan. Nabanggit ito sa isang gabi habang tinuturuan si Jose ng kanyang ina sa pagbasa
ng El Amigos de los Nios. Wala rito ang interes ni Rizal interes ni Rizal kundi sa gamugamong
umaaligid sa liwanag ng ilawang langis. Itinigil ni Doa Teodora ang pagtuturo sa kanyang anak.
Isinialaysa niya ang ukol sa pagbabawal ng inang gamugamo sa paglapit ng batang gamugamo sa
ilawan upang hindi mapahamak. Ngunit nagpatuloy pa rin ang batang gamugamo sa paglapit sa
ilawan hanggang sa di sinasadya ay nadikit ito sa apoy at nasawi, Habang pinapatulog na ang
batang Jose, nasabi ni Doa Teodora na huwag nitong tularan ang batang gamugamo nang hindi
sia mapahamak niyo tulad ng nangyari dito sa katapusan ng istorya. Ngunit higit na hinangaan ni
Jose ang batang gamugamo dahil sa lakas ng loob nitong lapitan ang ilaw kahit ikapapahamk pa
ng sarili nitong buhay.
Mula sa pagkabata, naipakita rin niya ang talino niya sa sining. Sa edad na 5, gumuguhit
na siya sa pamamagitan ng lapis at humuhubog ng magagandang bagay na yari sa luwad o wax.
Isang araw noong si Jose ay anim na taong gulang, biniro siya ng kanyang mga kapatid
dahil mas mahaba pa ang panahon na inilalaan niya sa eskultura kaysa sa paglalaro. Sa gitna ng
nagtatawanan niyang kapatid, sinabi niya: Sige, pagtawanan ninyo ako ng pagtawanan ngayon!
Balang ataw kapag patay na ako, ang taumbayan pa ang gagawa ng mga monument para sa
akin.
Isa sa mga pinagpipitaganan ni Rizal sa Calamba noong siyay bata pa ay si Padre
Leoncio Lopez, kura ng bayan. Siya ang nagtimo sa kanyang pagkatao ng mataas ang
pagpapahalga sa karapatan ng ibang tao at makabuluhang nagpaliwanag sa mga bagay-bagay sa
paligid.
Mayroon si Joseng tatlong tiyuhin na nakaimpluwensiya sa paghubog ng kanyang
katauhan. Si Tiyo Jose Alberto, na nag-araln labing-isang taon sa isang paaralang Ingles sa
Calcutta, India at nakapaglakbay sa Europa ang naghikayat sa kanya sa pag-ukit at paglililok sa
pamamagitan ng putik at pagkit.
Si Tiyo Manuel, sa isang mabulas na tao ang nagturo naman sa kanya ng mga laro tulad
ng paglangoy, pagbubuno, pangagabayo at pisikal na ehersisyo. Si Tiyo Gregorio, na palabasa,
ang nagpatingkad sa hilig naman niyang magabasa.
Sa edad na walo, nalikha ni Jose ang kanyang unang tulang pinamagatang Sa Aking mga
Kababata. Sa gayon ding edad nasulat niya ang kanyang unang dula na isang komedyang
Tagalog. Itinanghal ito sa isang pista sa Calamba at nagustuhan ng mga tao. Napanood din ito ng
isang gobernadorcillo mula sa Paete, isang bayan ng Laguna. Humanga rin siya rito at binili ang
manuskrito ng dula sa halagang dalawang piso. Naitanghal ang naturang dula sa pistang bayan
ng Paete.
Habang lumalaki si Rizal, kumuha ng pribadong guro ang kanyang mga magulang. Si
Maestro Celestino ang una. Pagkaraan naman ay si Maestro Lucas Padua. Nang lumaon, si G.
leon Monroy, dating kaklase ng kanyang ama, ang naging guro ni Rizal. Nanirahan ang naturang
guro sa kanilang tahanan ngunit pagkaraan ng limang buwan, siyay binawian ng buhay.
Pagkamatay ni G. Monroy, nagpasiya ang mga mgaulang ni Jose na ipadala na siya sa paaralan
sa Bian.
Mga Karanasan sa Bian
Isang Linggo ng Hunyo, 1869, nagtungo na si Jose sa Bian kasama si Paciano sakay ng
karomata. Nagpunta sila sa bahay ng isa nilang tiyahin kung saan mangungupahan si Jose.
Nabanggit ni Jose sa kanyang pinsang si Leandro ang ukol sa paghanga niya sa kanyang mga
magulang at mga kapatid habang sila ay namamasyal noong gabing iyon. Naalala niya ang
kanyang pamilya pati na rin ang bayan ng Calamba.
Si Maestro Justiniano Cruz ang kanyang naging guro. Ang paaralan ay nasa bahay ng
guro, isang bahay-kubo at di-kalayuan sa bahay ng Tiya ni Rizal. Kilala ni Paciano ang guro
dahil dati na siyang naging estudyante nito.
Sa pagkakalarawan ni Jose, si G. Cruz ay matangkad, payat, mahaba ang leeg, matangos
ang ilong at ang katawan ay medyo pakuba. Mahusay siya sa gramatika pero may kabagsikan.
Pinagtawanan si Jose ni Pedro, anak ng guro, habang nakikipag-usap sa guro sa unang
araw pa lamang ng klase. Kinahapunan ng araw na iyon, hinamon niya si Pedro sa isang
suntukan. Naging popular si Jose sa kanyang mga kaeskwela dahil natalo niya si Pedro sa laban
na iyon.
Maayos ang buhay estudyante ni Jose sa Bian. Gising na siya ng alas-kwatro ng umaga
para magsimba o dila kayay para mag-aral ng aralin, at pagkaraan ay magsimba. Pupunta siya
pagkaraan sa bakuran at mamimitas ng prutas. Pagkatapos ng kanyang almusal, papasok siya sa
paaralan hanggang alas-diyes. Pagkaraan ng tanghalian ay babalik siya sa paaralan ng alas-dos at
lalabas ng alas-singko. Hindi nawawala sa iskedyul niya ang pagdarasal, pag-aaral, pagguhit at
paglalaro pagkatapos ng klase.
Sa mga araling pang-akademiko, nangunguna si Jose sa klase. Kaya lamang, may mga
pagkakataon na siya ay nabibigyan ng lima o anim na palo dahil sa sumbong ng ilang kaklase
niya ukol sa kanyang pakikipag-away. Hindi naman talaga siya palaaway, pero hindi niya
tinatakbuhan ang anumang hamon.
Bago mag-Pasko noong 1870, nakatanggap si Jose ng liham mula kay Saturnina upang
ipaalam na uuwi na siya ng Calamba. Barkong Talim ang kanyang sasakyan. Noong Disyembre
17, 1870, sabado, masaya si Joseng lumulan dito dahil ito ang unang pagkakataon niya na
makasakay sa barko. Si Arturo Camps, isang Pranses na kaibigan ng kanyang ama, ang siyang
nakasama niya sa biyahe.
Pagbalik sa Calamba
Bago ang Hunyo, 1872, si Doa Teodora ay ipiniit dahil sa maling paratang na
diumanoy pagiging bahagi niya sa tangkang paglason sa kanyang hipag, asawa ng kanyang
kapatid na si Jose Alberto.
Pagkagaling ni Jose Alberto sa kanyang paglalakbay buhat sa Europa, natuklasan niyang
may kinakasama na ang kanyang maybahay. Sa galit niya, nais na niyang hiwalayan ang
kanyang asawa. Para maiwasan ang iskandalong ito, pinakiusapan ni Doa Teodora ang kanyang
kapatid na patawarin na lamang ang kanyang asawa. Pumayag naman si Jose Alberto kaya
bumalik siya sa piling ng kanyang asawa. Ngunit may ibang plano ang kanyang maybahay.
Nakipagsabwatan ito sa isang tenyenteng Kastila ng guwardiya sibil. Nagsampa siya ng kaso
laban sa kanyang asawa at kay Doa Teodora. Ayon dito, nais daw siyang lasunin ng
magkapatid.
Pagkaraang dakpin si Doa Teodora, pinaglakad siya mula Calamba hanggang sa Sta.
Cruz, kabisera ng Laguna. Napiit siya sa kulungang probinsyal.
Taong 1872 din naganap ang pagbitay sa tatlong pari, sina Padre Mariano Gomez, Jose
Burgos at Jacinto Zamorra. Sila ay inakusahan ng pakikipagsabwatan sa pag-aalsa sa arsenal ng
Cavite. Hinatulan sila ng hukumang-militar na parusang kamatayan sa paraan Garrote. Ang
pagkamartir ng GOM-BUR-ZA ay ipinagluksa ng mag-anak na Rizal at maraming makabayang
mamamayan ng Pilipinas. Higit itong dinamdam ni Paciano, dahil si Padre Burgos ay naging
kanyang kaibigan, guro, at kasama sa bahay habang nag-aaral siya sa Colegio de San Jose.
Noong maganap ang pag-aalsa sa Cavite, si Paciano ay 20 taong gulang at si Jose ay 11 taon.
Maraming pamilya ang nanahimik na lamang upang hindi mapahamak. Sa Pilipinas,
noon ay wala pang tinatawang na opinyong publiko. Ang mga pahayagan ay naglalaman ng
hindi gaano. Wala pang malayang talakayan ukol sa mga isyu.
Sa Ateneo Municipal (1872-1877)
Ang Ateneo Municipal (ngayoy Ateneo de Manila) ay isang kolehiyong nasa
pamamahala ng mge Heswitang Kastila. Dati itong tinatawag na Escuela Pia (paaralan ng
kawanggawa). Itinatag ito noon 1817 ng pamahalaang panlungsod. Nang magbalik ang mga
Heswita noong 1859, pagkaraan ng silay mapaalis noong 1768 sa Pilipinas, ibinigay na sa kanila
ang pamamahala ng Escuela Pia. Ang paaralang ito ay nasa loob ng Intramuros, sentro ng
administrasyon ng mga Kastila.
Noong siyay labing isang taong gulang na ay inihanda na siya sa pag-aaral sa Maynila.
Noong panahong iyon ay tatlo ang paaralang sekundarya sa Maynila para sa mga batang lalaking
may taglay na katalinuhan at maykaya sa buhay. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
Seminaryo ng San Jose, Kolehiyo ng San Juan de Letran at ang Ateneo Municipal ng mga
Heswita. Sinamahan ni Paciano si Jose sa Maynila at kumuha ng pagsusulit sa San Juan de
Letran. Nakapasa siya ngunit nagbago ang isip ng kanyang ama nang umuwi si Jose sa Calamba.
Sa Ateneo Municipal de Manila niya gusting mag-aral. Noong unay ayaw siyang tanggapin
sapagkat nahuli siya sa pagpapatala at may kaliitan at kapayatan daw siya. Salamat sa tulong ni
G. Manuel Xeres na pamangkin ni Padre Burgos at natanggap din si Jose sa Ateneo Municipal de
Manila noong ika-10 ng Hunyo, 1872.
Magbuhat noong siya ay magpalista sa kolehiyo, ginamit na niya ang pangalang Jose
Rizal. Ito ang payo ng kanyang kapatid na si Paciano, sa pangambang baka mapasok sa gulo si
Jose kapag nahayag silang magkapatid kung Mercado ang gagamitin. Sa panahong iyon, si Jose
lamang sa buong pamilya ang gumagamit ng apelyidon Rizal. (Nabanggit ni Jose ang mga bagay
na ito sa kaibigan niyang si Ferdinand Blumentritt na nagbigay sa kanya ng damdamin na isa
siyang bastardo. Ang apelyidong Mercado ay ginagamit lamang niya sa mga opisyal na
dokumento tulad ng kanyang pasaporte.)
Nang panahong iyon, ang Ateneo ay kinikilalang isang paaralang may makabagong
pamamaraan ng pagututuro. Ang mga mag-aaral na nakatira sa loob ng paaralan ay tinatawag na
emperyo ng Romano samantalang ang mga pangkat na sa labas ng paaralan naninirahan ay
tinatawag na emperyo ng Kartigano. Ang mga pinakamarunong sa bawat emperyo ang
ginagawang emperador. Makalipas lamang ang isang buwan ay naging emperador na si Jose
ngunit bago siya naging emperador ay nalagay muna siya sa pinakahuling hanay ng emperyo
sapagkat noon ay may kahinaan pa siya sa wikang Kastila. Upang matuto siyang mabuti ng
Kastila ay nagsasadya siya sa Dalubhasaan ng Santa Isabel tuwing reses upang mag-aral ng
wikang Kastila.
Sa simula ng kanyang pag-aaral ay itinira siya sa tahanan ng isang matandang dalagang
nagngangalang Titay na may pagkakautang sa kanyang mga magulang ng tatalong daang dolyar.
Ang ina ni Titay ay may sira sa isip ngunit hindi naman nananakit. May mga mestisong Kastila
ring nangangasera roon. Nang sumunod na taon ay inilipat siya ng tirahan sa pangaserahan ni
Donya Pepay, isang biyuda.
Mula sa Ateneo, si Pari Jose Bech ang unang propesor niya. Ang propesor na ito ay
payat, matangkad, hukot ng kaunti at matigas ang mukha. Ang paring ito ay sumpungin, kung
minsay parang bata at kung minsay agad namang nagagalit sa mga ksamahan.
Minsay nasugatan ang damdamin ni Jose sa isa niyang propesor na nagbitiw sa kanya ng
di kanais-nais na pananalita. Dahil dito ay parang nawalan siya ng sigla sa pag-aaral noong
ikalawang semestre. Nagtamo siya ng mga marakang sobresaliente sa lahat ng asignatura ngunit
hindi naman siya nakatanggap ng anumang gantimpala at pagkilala. Bumalik siya sa Calamba
pang magbakasyon. Lingid sa akala ay dumalaw siya sa kanyang ina na nooy nakabilanggo sa
Sta. Cruz.
Bago lumuwas si Jose upang mag-aral sa Ateneo ay nagkaroon ng suliraning pampamila
ang kanyang Tiyo Jose Alberto. Idinawit ng kanyang asawa ang kanyang ina sa sumbong.
Matapos ang bakasyon ay bumalik na muli si Jose sa Maynila. Ikalawang taon na niya
noon sa Ateneo, (1873-1874). Itinanghal na naman siyang emperador sa kinabibilangan niyang
pangkat. Nang matapos ang taon ay nagtamo siya ng marakang sobresaliente sa lahat ng
asignatura. Pinagkalooban siya ng medalyang ginto. Dahil sa labis-labis ang kanyang kagalakan
at umuwi siyang taglay ang tagumpay noong Marso, 1874.
Ang nalalabing mga araw nng kanyang pagbabakasyon, ginugol niya sa pagbabasa upang
malibang.
Binasa niya ang nobelang The Count of Monte Cristo na isinulat ni Alexander Dumas.
Nakintal sa kanyang isip ang karanasan ng pangunahing tauhan na si Edmond Dantes na
nabilanggo ng mahabang panahon at di nabigyan ng makatarungang paglilitis. Ito ay nakatakas at
napadpad sa Isla ng Monte Cristo. Nakakuha siya roon ng nakabaon na yaman at ginamit niya
niya ang mga bagay na ito upang makapaghiganti. Nabasa rin niya ang Travels in the Philippines
ni Dr. Feodor Jagor, isang Alemanyang siyentipiko na bumisita sa Pilipinas noong 1859-1860.
Sa obserbasyon ng may-akda, nabanggit niya na may pagkukulang ang Espanya sa kolonisasyon
nito sa Pilipinas. Sinabi rin niya na darating ang araw na mawawala sa Espanya sa Pilipinas at
papalit ang Amerika bilang kolonisador.
Ikatlong taon na nuon sa Ateneo ni Rizal ng maging panauhin sa Calamba ang
Gobernador Heneral. May bilang na pagsayaw ang palatuntunan para aliwin ang mga panauhin.
Ang isa sa mga sumasayaw ay si Soledad na kapatid ni Jose. Nang matapos ang pagsasayaw ni
Soledad ay kinalong ito ng Gobernador Heneral at itinanong kung ano ang nais niyang
gantimpala. Hiniling ni Soledad na palayain ang kanyang ina. Ipinagkaloob ng Gobernador
Heneral ang kahilingang ito. Ipinakilala lamang ng pangyayaring ito ang katunayan na marupok
ang batayan ng katarungan sa Pilipinas noong panahong iyon dala ng mga pangyayari.
Ipinasok si Jose bilang interno, bago natapos ang ikatlong taon sa kanyang pag-aaral sa
Ateneo, sapagkat napakagulo sa pangaserahan ni Donya Pepay. Dito naging tahimik ang
kanyang buhay at naiukol niyang mabuti ang panahon sa pag-aaral sapgkat walang mga ingay na
gumagambala sa kanya. Naging paborito niyang propesor si Pari P. Francisco de Paula Sanchez,
na noon ay 26 na taong gulang, bagamat malungkutin ay inilarawan ni Jose na isang modelo ng
katuwiran. Hinikayat ni P. Sanchez si Jose na pagbutihin ang pagsulat. Siya ang ngaing
mapanuring kritiko ni Jose sa larangan ng panitikan.
Sa pagtatapos niya sa ikaapat na taon sa Ateneo ay nagtamo siya ng pinakamataas na
marka sa lahat ng asignatura at tumanggap pa siya ng limang medalyang ginto ng karangalan. Di
dapat makaligtaan na hinangaan ng mga Paring Heswita ang kakayahan ni Rizal sa paglilok sa
imahen ng Birheng Maria sa kahoy na batikuling. Hinilingan si Rizal na ipaglilok sila ng
Sagrado Corazon de Jesus. Si Romualdo de Jesus ang naging guro niya sa paglilok. Ang
propesor naman niya sa solfeggio sa pagguhit at pagpipinta ay si Don Agustin Saez.
Masabing higit na tagumpay ang mga huling taon ni Rizal sa Ateneo (1876-1877). Siya
ang nagtamo nang pinakamataan na karangalan sa pagtatapos niya sa Bachiller en Artes sa kabila
ng pangyayaring binawas niya ang panahong ginugol sa pag-aaral sapagkat inuukol naman niya
sa gawain para sa kinabibilangan niyang mga samahan, katulad ng Congregacion Mariane,
Akademya ng Panitikang Kastila at Katutubong Agham (Ciencia Natural). Hindi niya itinigil ang
pagsusulat ng mga tula at gayon din ang pagguhit sa ilalim ni gurong Don Agustin Saez, isang
bantog na pintor at gayundin sa pangangalaga ng gurong si Romualdo de Jesus. Ang nililok
niyang mga imahen ng Mahal na Birhen at Sagrado Corazon na nakalimutang dalhin ni Pari
Leonart ay inilagay sa itaas ng pinto ng dormitoryo ng Ateneo at namalagi roon ng maraming
mga taon tanda ng pagpapahalaga sa pinakadakilang estudyante ng Ateneo.
Ang mga tulang naisulat niya sa Ateneo samantalang nag-aaral ay ang mga sumusunod:
1. Maligayang Bati (Felicitation) Itoy isinulat niya para sa bayaw niyang si Antonio
Lopez sa kahilingan ng kanyang kapatid na sa Narcissa
2. Ang Pagsakay: Imno sa Hukbo g mga Pandigmang-Dagat ni Magallanes (El Embarque: a
La Flota de Magalleanes)
3. Ang Paghahamok: Si Urbiztondo, ang kilabot ng Jolo (El Combanta, Urbiztondo, Terror
de Jolo)
4. Ang unang makaligid sa daigdig at kastilang si El Combanta Espanol: El Cano, El
Primero ed dar La Vuelta al Mundo)
5. Ang kasawian ni San Eustaquio
6. Isang alaala sa Aking bayan (Un Recuerdo a Mi Puebro)
7. Matalik na Pagtutulungan ng Relihiyon at ng Edukasyon
8. Sa pamamagitan ng Edukasyon ay tumanggap ng Liwanag ang Bayan
9. Ang kabayanihan ni Columbus
10. Si Colon at si Juan II (Colon y Juan II)
11. Malaking Kaaliwan sa Gitna ng Malaking Kasawian
12. Ang Pakikipag-usap ng Pamahalaan sa mga Mag-aaral
Sa Gulang na labing-anim na taon nagtapos si Rizal ng pag-aaral sa Ateneo. At noong
Marso 23, 1877, natamo niya ang katibayan sa bachiller en artes na may pinakamataas na
karangalan, nagkamit din siya ng limang medalyang ginto bilang gantimpala sa kanyang
kahusayan sa ibat ibang asignatura.
Noong panahon ng Kastila, ang Bachiller en Artes ay katumbas ng paaralang sekundarya
at mga unang taon ng kolehiyo. Ito ay isang kwalipikasyon upang makakuha ng kurso sa
unibersidad. Nais ni Don Francisco at ni Paciano na ituloy ni Jose ang kanyang pag-aaral sa
unibersidad. Tutol si Donya Teodora at nasabi sa kanyang asawa na marami na siyang alam at
kung mas marami pa ang kanyang malalaman, tiyak na mapupugutan na siya ng ulo.
Kapa nagpatuloy ng pag-aaral si Jose, tataas ang pinag-aralan niya. Noon, ang mga may
mataas na pinag-aralan ay ituturing na kaaway ng mga nasa puwesto.
Sa Unibersidad ng Santo Tomas (1877-1882)
Nagpatala si Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas noong Abril, 1877. Sa unang taon ay
nag-aral siya ng Pilosopiya bilang pagsunod sa kagustuhan ng kanyang ama. Lumipat siya ng
kurso sa Medisina nang sumapit ang taong aralang 1878-1879 bilang pagtalima naman sa payo
ng rector ng Ateneo. Gusto rin niya ang kursong ito upang magamot ang nanlalabong paningin
ng kanyang ina. Kasabay sa pagtuklas niya ng ng karunungan sa panggagamot ay nag-aral siya
ng pagiging agrimensor sa kinagigiliwan niyang paaralan sa Ateneo.
Matagumpay siyang nakapasa sa pagususlit sa pagka-agrimensor noong siyay
labimpitong taong gulang lamang ngunit hindi niya kaagad nakuha ang kanyang titulo dahil sa
siyay lubang bata pa.
Samantalang nag-aarala siya sa Santo Tomas ay madalas din siyang magsasadya sa
Ateneo dahil sa kanyang mga paglahok sa kilusang panrelihiyon at pampanitikan na
pinamamahalaan ng mga samahang kinaaniban niya. Naging kasiya-siya sa kanya ang malimit
na pagpunta sa Ateneo sapagkat ang mga propesor dito ay higit na magigiliw at matutulungin sa
kanya.
Sa gulang na labing-ani ay nadama na ni Rizal ang unang pag-ibig. Ang dalagitang si
Segunda Katigbak, taga-Lipa, Batangas ang nakapagpatibok ng kanyang puso. Minsan ay
dumalaw si Rizal sa kanyang lola sa Troso, Maynila noong Disyembre, 1877. Maraming
panauhin ang kanyang lola at isa nga rito si Segunda Katigbak. Lubha siyang nahalina sa
kagandahan ng dalaga.
Si Rizal ay kilala ng karamihan sa mga panauhin na mahusay gumuhit na larawan kayat
nahilingan si Rizal na iguhit ang larawan ni Segunda. Pinaunlakan niya ng buong kasiyahan at
ninging ang kahilingan at iyon ang naging daan ng kanilang magandang pagkikilala. Naging
madalas ang pagdalaw ni Rizal sa Kolehiyo ng La Concordia na tinitirahan ni Segunda bilang
interna. Kasama roon ni Segunda si Olimpia na nakatatandang kapatid ni Rizal na doon din nag-
aaral.
Ang kabiguan sa pag-ibig ni Rizal ay naranasan niya sapagkat si Segunda ay ikakasal na
pala sa amain niton si Miguel Luz. Habang silay nag-uulayaw ay naramdaman niya ang
kabiguan sa pag-ibig.
Ipinabatid niya kay Segunda noong siyay nagpapaalam na aabangan niya ito sa kahuli-
hulihang pagdaan sa Calamba. Ngunit dahil sa masaang panahon ng araw ng pag-alis ng dalagita
ay naiba ang daraaanan ng bapor na sinasakyan nito kayat hindi na dumaong sa Calamba. Dali-
daling sumakay ng kabayo si Rizal upang makarating sa pook na kinaroroonan ni Segunda.
Inabangan niya ang pagdaraan ng kalesang kinalululanan nito matapos makadaong ang bapor.
Nakita niya ang dalagang ikinakaway ang isang panyong puti at nakangiti sa kanya. Inangat niya
ang kanyang sombrero bilang pagpupugay at pagmamahal. Ang tanging naiwan sa kanyay ang
alaala ng una at mahiyaing pag-ibig.
Nang sumapit ang pangalawang taon niya sa UST ay nangasera siya sa bahay ni Donya
Concha sa Intramuros at dito niya nakilala ang kanilang kapitbahay na dalagang si Leonor. Si
Leonor ay anak nina Kapitan Juan at Kapitan Sanday Valenzuela. Nagkaibigan sila at tinuruan
ang dalaga ng isang paraan ng pagsulat. Itoy ang paggamit ng asin at tubig kundi isasalab sa
apoy ang papel ay hindi mababasa at makikita ang nakasulat. Hindi nagtagal ang kanilang pag-
iibigan at nagturingan silang magkaibigan na lamang.
Pagkatapos ng karanasan ni Rizal sa pag-ibig ay may sumunod na pangyayaring naging
lubhang mahalaga at makabuluhan sa kanyang buhay. Itos ng matira siya sa bahay pangaserahan
ng isang pinsan ng kanyang mga magulang, sa kanyang Tiyo Antonio Rivera. Dito niya nakilala
ang kaakit-akit at mahinhing anak nito na si Leonor. Lubusang nabihag ng kagandahan ni Leonor
ang pihikang puso ni Rizal.
Isang araw ay nasugatan si Rizal dahil sa pakikipag-away sa mga mag-aaral na Kastila at
mestisong Kastila. Siya ang pinakalider ng mga mag-aaral na Pilipino. Pinagtulung-tulungan siya
ng mga kaaway kayat dumugo ang kanyang ulo. Dinala siya ng kanyang mga kaibigan sa
kanyang tinitirahan. Ang pagkakataong ito ang naglapit sa kanilang dalawa ni Leonor. Ang
dalagitang si Leonor ang nagyaman ng kanyang mga sugat at nadama niya ang mapagpalang
haplos ng malalambot na mga kamay nito. Ninais niya n asanay magtagal ang paggaling ng
kanyag mga sugat upang lagi niyang madama ang mapagpalang kamay ni Leonor.
Hindi nag-atubiling magpahayag ng damdamin ng pag-ibig si Rizal kay Leonor sapagkat
marubdob ang damdaming nadarama niya sa dalaga. Silay nagkakaunawaan ngunit ang kanilang
pag-iibigan ay lingid sa kaalaman ng mga magulang ng dalagita. Ginamit ni Leonor ang lagdang
Taimis sa kanyang mga sulat kay Rizal.
Sa bakasyon ng unang taon ni Jose sa Santo Tomas, nagbalik siya ng Calamba. Isang
madilim na gabi noong 1878, hindi niya napansin ang isang lalaking nadaanan niya sa kanyang
paglalakad sa kalsada ay isa palang tenyente ng Guardia Civiles. Nagalit ang tenyente at
hinampas niya ng kanyang espada ang likuran ni Jose.
Nagpunta siya sa Kapitan-Heneral, na noon ay si Gob. Hen. Primo de Rivera. Ngunit
hindi niya natamo ang katarungan. Sa loob ng dalawang lingo, gumaling din ang kanyang mga
sugat.
Taong 1879, nagkaroon ng paligsahan sa panitikan ang Liceo Artistico-Literario de
Manila. Si Jose, na noon ay 18 na taong gulang, ay nagpasa ng kanyang tulang pinamagatang A
La Juventud Filipina (Para sa Kabataan Pilipino). Naipakita niya sa mga kabataang mag-aaral
ang kanilang kahalagahan bilang pag-asa ng bayan. Sa tulang ito unang naipakilala ang kanyang
kaisipan tungkol sa Pilipinas bilang isang bansang iba sa Espanya.
Nang sumunod na taon (1889), nagkaroon ng panibagong patimpalak sa panitikan para sa
ikaapat na sentenaryo ng kamatayan ni Cervantes, dakilang Espanyol at manunulat ng Don
Quixote. Maraming sumali, kapwa katutubo at Espanyol, may mga pari, mamamahayag at mga
propesor. Isinumite ni Jose ang dulang alegorikal na mag pamagat na El Consejo de Dioses (Ang
Sanggunian ng mga Diyos)
Paliwanag:
Ilang tala Ukol sa Sanggunian ng mga Diyoses
Ang dulang ito ay pinamagatang El Consejo de los Dioses ang nagtamo ng unang
gantimpala sa isang timpalak-pamapanitikang idinaos ng Liceo Artistico-Literario noong 1880.
Ito ay bilang paggunita sa ika-4 na sentenaryong anibersaryo ng pagkamatay ni Miguel
Cervantes de Saavedra, isang Kastilang napabantog sa daigdig dahil sa kanyang Don Quixote
de la Mancha. Sa timpalak na ito, pinahintulutang sumali ang lahat, maging Indio (Pilipino) o
Kastila. Nang maipahayag ang nanalo ng unang gantimpala, matinding pagtutol ang ipinakita ng
mga manonood, sapagkat isang Indio ang nagwagi, na wala iba kundi si Jose Rizal.
Ang talinghaga o alegoryang ito ay nasa anyong tuluyan. Sa simula ay makikitang
nakaupo si Jupiter sa kanyang tronong ginto hawak ang kanyang setro na yari sa kahoy na sipres.
Sa gawing kanan niya ay si Juno, na may kumikinang na putong sa ulo at isang pabo real. Sa
dakong kaliwa naman ay si Minerva, ang paham sa karunungan, anak at tagapayo ni Jupiter, na
napapalamutian ng kanyang mga salakot at ng kanyang mga kalasag at sibat. Naroon din si
Saturno na nakatalungko. Si Venus naman ay nakahilig sa puno ng rosas na naglalambing sa
pag-ibig (kay Cupido). Si Apolo ay kumakalabit sa kanyang lirang ginto at garing, at
nakikipaglaro sa walong Paraluman. Sina Marte, Belona, Alcides at Momo ay pabilog na
nakapaligid. Sa dakong likuran nina Jupiter ay sina Hebe at Ganimedes. Sa dakong likuran ang
Katarungan at nakaupo sa trono.
Pagkaraang magsayaw ang mga musa, nimpas, nayades at mga ondinas, dumarating si
Mercurio upang ipaalam kay Jupiter na hindi makararating sina Neptuno at kanyang pulutong
dahil binabantayan nila ang mga dagat.
Nagsipag-inuman naman ang mga diyoses ng inuming pangwalang kamatayan. Nagpasya
si Jupiter na magkaroon ng isang pagdiriwang dahil hindi naakyat ng mga palalong anak ng Lpa
ang Olimpo nang mapagpatung-patong nila ang mga bundok. Nabaon ang ilang tao sa
naglalagablab na Etna.
Isang timpalak-panitik ang idaraos ni Jupiter sa sinumang taong-lupa na karapat-dapat
magtamo ng mga gantimpala. Ihahandog niya ang tambuli ng mga mandirigma na yari sa metal
na si Vulcano lamang ang nakakaalam; isang lira na yari sag into at garing na gawa rin ni
Vulcano ngunit ang kwerdas ay gawa ng mga Paraluman; at isang laurel sa kanyang korona na
ginawa ng mga Gracias (tatlong magkakapatid na babaing magaganda at mapagbigay ng
kabutihan)
Buong kapalaluang binanggit ni Juno si Homero, na sumulat ng Iliada at ng Odisea.
Tumutol naman si Venus. Para sa kanya, higit na karapat-dapat si Virgilio, ang umawit ng
tungkol sa tagumpay ni Eneas. Si Eneas ay mas dakila raw kaysa sa magagaliting si Akiles
(bayani sa aklat ni Homer). Nanunudyo pang sumalungat si Momo, ang pilantod. Nayamot si
Juno.
Nagsalita naman si Minerva. Ipinaalala niya ang maipagmamalaking si Cervantes ng
Espanya, ang may-akda ng walang kamatayang Don Quijote.
Si Cervantes ang nagwawasto sa kamlian nang hindi nagbububo ng dugo at namatay sa
gitna ng karalitaan. Sumang-ayon si Apolo kay Minerva ngunit hindi naman si Marte, na
tagahanga ni Venus. Ipinagtanggol ni Minerva si Cervantes ngunit minaliit naman niya si Marte
dahil sa pagkakasugat nito sa isang pangkaraniwang tao.
Nilapitan ni Belona si Marte at nakahanda siyang tumulong. Tumabi naman si Apolo kay
Minerva at humanda sa pagtudla. Nagimbal ang Olimpo na waring guguho na. Galit na pinatigil
ni Jupiter sina Minerva, Apolo, Marte at Belona.
Tinapos ni Jupiter ang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtawag kay Katarungan.
Tinimbang ni Katarungan ang mga aklat na di kumikiling kaninuman. Inilagay ni Mercurio sa
mga pinggan ng timbangan ang Eneida ni Virgilio at Quijote ni Cervantes. Lumabas na
magkasimbigat sila. Gayundin ang Iliada ni Homer sa aklat ni Cervantes.
Napagpasyahan ni Jupiter na ibigay kay Homero ang tambuli, kay Virgilio ang kudyapi at
kay Cervantes ang laurel na korona. Pagkaraang magsipagsayaw ang mga Paraluman, ang mga
Nimpas at Nayadas at gayundin mapatugtog ang mga instrument gaya ng kudyapi, plauta,
tambuli at korneta, nagsipagtabi ang mga diyoses at mga dioyosas sa magkabilang panig ng
dulaan.
Ilang bagay ukol sa katauhan ng mga diyoses at diyosas:
Jupiter, ang kinikilalang makapangyarihan sa lahat, sa Olimpo o kalangitan at gayundin
sa lupa
Juno, isang diyosang Romano na asawa ni Jupiter
Palas o Minerva, ang diyosa ng karunungan
Saturno, ang ipinanalagay ng Romanong tagapag-ingat ng mga binhi
Venus, ang diyosa ng pag-ibig at kagandahan
Cupido, ang diyos ng pag-ibig, na kinakatawan ng isang batang may pakpak, may dalang
busog at pana
Mga Paraluman, sa wikang Tagalog at Musas naman sa Kastila ay mga anak ni Jupiter
kay Mnemosina, diyosa ng mga alaala
Mercurio, ang utusang kapalagayang-loob ni Jupiter na may pakpak sa mga sapatos kaya
mabilis
Neptuno, diyos ng karagatan
Vulcano, tagagawa ni Jupiter ng mga kasangkapan niyang panumpa o pandigma, na gaya
ng kidlat at lintik
Hebe, isa sa mga pangalawan diyos-diyosan
Ganimedes, isa rin sa mga pangalawang diyos-diyosan na tagpag-alaga ng mga agila at
iba pang mga hayop na may pakpak
Momo, diyos ng katatawanan
Marte, diyos ng digma
Belona, kaibigan at kakampi na Marten a mandirigma rin
Katarungan, diyosang may piring at may dalang timabangan at espadang mahaba at
matalim. Tungkulin niyang magbigay ng hatol sa anumang usapin
Ondinas, mga babaing namumuhat rin, naglalaro at nagsasayaw sa mga tubigan
Nimpas, mga magagandang babaing tagagubat na nagsasayaw at naglalarong parang mga
bata sa kabukiran, sa mga palanas at iba pa. May mga korona silang bulaklak
Nayades, mga babaing singaw sa mga tubigan
Ang mga inampalan, na binubuo ng mga Kastila ay nagkaroon ng masusing pagsusuri sa
mga lahok. Nang banggitin kung anong gawa ang nanalo, nagkaroo ng matunog na palakpakan;
ngunit nang sabihin ang pangalan ng sumulat at isa itong Indio, nawala ang palakpakan. Sa
kabila ng mga pagtutol, ibinigay pa rin kay Jose ang gantimpala isang gintong singsing na may
nakaukit na mukha ni Cervantes. Nagkamit ng ikalawang karangalan ang isang Kastilang
manunulat, si D.N. Del Puzo. Nagalak si Jose sa kanyang pagkapanalo sapagkat napatunayan
niyang di totoong mga Kastila lamang ang nakahihigit sa anumang larangan.
Bagaman nag-aaral ng medisina si Jose, nakasulat par rin siya ng mga tula at isang
sarswela. Noong 1879, sinulat niya ang tulang Abd-el-Azis y Mahoma, na binigkas ng isang
Atenista, si Manuel Fernandez, noong gabi ng Disyembre 8 bilang parangal sa Immaculada
Concepcion, patron ng Ateneo.
Noong taon ding iyon, sinulat niya ang isang sonatang pinamagatang A Filipinas, para sa
Samahan ng mga Iskultor. Dito, hinikayat ni Jose ang mga artistang Pilipino ng magbigay-dangal
sa Pilipinas.
Noong 1881, nalikha niya ang isang tulang pinamagatang A1 M.R.P. Pablo Ramon,
nanagpapahalaga sa kabutihang ipinapakita ng nasabing rektor ng Ateneo.
Madalas napapaaway ang mga estudyanteng Pilipino sa mga estudyanteng Kastila.
Iniinsulto sila sa tawag na Indio, chongo!. Tinatawag naman nilang Kastila, bangus! ang
mga nakakalaban. Nakakasama rin si Jose sa mga pag-aaway na ito, na kung saan ginagamit niya
ang kaalaman sa pag-eeskrima at wrestling (Pagbubuno).
Noong 1880, itinatag niya ang isang lihim sa samahan ng mga estudyanteng Pilipino at
tinawag ang grupong Compaerismo (Pagsasamahan), at ang mga kasapi naman ay tinawag na
Kasama ni Jehu, na batay sa ngalan ng isang heneral na Ebreo na nakipaglaban sa mga
Arminiano. Si Jose ang pinuno ng samahan, at ang pinsan niyang si Galiano Apacible ang
kalihim.
Sa isang labanan na nangyari sa may Escolta sa Maynila, nasugatan ang ulo ni Jose.
Dinala siya ng kanyang mga kaibigan sa kanyang pinangangaserahang bahay, ang Casa
Tomasina na pag-aari ng kanyang tiyuhing si Antonio Rivera, ama ni Leonor. Ginamot ni Leonor
ang kanyang mga sugat.
Pasyang Mangibang-Bayan
Ang paglisan ni Jose patungong Madrid ay matagal nang nabuo sa kanyang isipan.
Tatapusin na lamang niya ang kursong Medisina sa Madrid. Sinuportahan naman ito ni Paciano
at ng Ama ni Leonor.
Maraming dahilang kung bakit nais niyang sa Europa tapusin ang pag-aaral. Una, hindi
nga siya gusto at di-masiyahan sa pamamaraan ng pagtuturo sa U.S.T. Ikalawa, ibig niyang
makapagdalubhasang mabuti sa medisina upang mapagaling ang mata ng kanyang ina. Ikatlo,
may hangarin siyang masaksihan at mapag-aralan ang katayuan ng kanyang bayan sa mga bayan
sa Europa. Gusto niyang mapag-aralan ang mga dahilan ng kanser na lumalaganap sa ibat ibang
larangan ng buhay dito sa Pilipinas at pagkatapos ay iisip siya ng paraan kung papaano
ipababatid sa bansa at sa pamahalaang Kastila ang mga pagbabagong kakailanganin sa Pilipinas.
Sa kanyang palagay, sa ganyang paraan giginhawa at lalaya ang mga mamamayan.
Ang pag-alis ni Jose ay ginawa niyang lihim. Ang pasaporte niyay nasa pangalang Jose
Mercado. Hindi niya ito ipinaalam sa kanyang mga magulang lalo na sa kanyang ina, dahil batid
nitong hindi siya papayagan. Hindi nais ng kanyang ina na malayo sa kanyang mga anak. Subalit
nabanggit niya ang kanyang plano kay Paciano, sa kanyang Tiyo Antonio Rivera, sa mga kapatid
na sina Neneng at Lucia, sa mag-anak na Valenzuela (Kapitan Juan at Kapitana Sanday at
kanilang anak na si Orang), kay Pedro Paterno, sa kanyang kumpareng si Mateo Evangelista, sa
mga paring Heswita ng Ateneo, at ilang malalapit na kaibigan gaya ni Chengoy (Jose M.
Cecilio).
Sa Paciano na may sariling lupang ari-arian at kumikita na, ang siyang nagbayad ng
pasahe ni Jose at nangakong magbibigay ng buwanang sustento. Ang ilang malalapit na kaibigan
ni Jose ang naglakad ng pasaporte niya. Ang mga Heswitang pari ay nagpadala ng lihan ng
rekomendasyon sa mga miyembro ng kanilang kapisanan sa Barcelona.
Nakagawa pa si Jose ng liham ng pamamaalam sa kanyang mga magulang na
nagpapahayag ng kanyang paghingin ng tawad bung ng paglilihim niya sa kanila. Sa kasintahan
niyang si Leonor Rivera nakapag-iwan siya ng isang maikling tula na naglalaman ng kanyang
pamamaalam.

ANG BITAG SA IKALAWANG PAGLALAKBAY NI RIZAL SA PILIPINAS
Noong tanghali ng araw ng Linggo, ika-26 ng Hunyo, 1892 bumalik sa Pilipinas si Rizal
kasama ang kanyang kapatid na si Lucia. Ang unang pag-uwi niya ay noong 1887. Isinalaysay ni
Rizal ang mga pangyayari sa kanyang talaarawan, ang mga ginawa buhat ng siyay dumating sa
siyudad hanggang ipatapon siya sa Dapitan. Walang nakapigil kay Rizal sa kabila ng mga
paalalang ginawa ng kanyang mga kaibigan at kamag-anak ay hindi rin siya napigilan sa muling
paglalakbay pabalik sa Pilipinas. Itinalaga na niya ang kanyang sarili sa anumang mangyayari.
Sa kanyang talumpating binitiwan sa kanyang mga kababayan sa Europa, sinabi niya ang
ganito Ang labanan ay nasa Pilipinas at wala sa Madrid. Doon tayo magtagpo-tagpo,
magtulungan, sama-samang makibaka at magdusa alang-alang sa kapakanan ng ating bayan.
Ang layunin ni Rizal sa pag-uwi sa Pilipinas ay upang: (1) Malaman kung maari pang
magbago ang pasya ni Gob. Hen. Despujol tungkol sa kanyang proyekto sa Borneo (Borneo
Colonization Project); (2) itatag ang samahang La Liga Filipina; (3) Harapin ang mga
maykapangyarihan dahil sa mga paratang sa kanya at tuloy matigil na ang pagpaparusa sa
kanyang pamilya at kababayan.
Sa kanyang pagdating sa Maynila, isang pangkat ng mga kawal, aniya, kasama ang ilang
pinuno ng guwardiya sibil ang sumalubong sa kanya sa piyer; sa Hotel de Oriente siya nagtuloy,
pinakamabuting Hotel sa Maynila ng panahong iyon. Kinahapunan nang arawa din iyon, saiyay
nagtungo sa Malacaang upang makipanayam sa Gobernador-Heneral Eulogio Despujol tungkol
sa kaso ng kanyang pamilya at tungkol sa plano na magtatag ng kolonya sa Borneo. Matapos ang
ilang ulit na pakikipanayam sa Gobernador-Heneral ay pumayag din na bawiin ang parusang
pagpapatapon sa kanyang ama at mga kapatid na babae, ngunit hindi ang sa kanyang kapatid na
lalake (si Paciano) at si Ubaldo na kanyang bayaw. Ngunit sa kanyang pakikipanayam noong
ika-6 ng Hulyo, 1892 ay naiba ang desisyon ng Gobernador-Heneral. Nang tanungin siya kung
may plano sa siyang bumalik sa Hongkong at tinugon niya ito ng pagsang-ayon, ipinaalam ng
Gobernador-Heneral na may natagpuang mga polyeto sa mga dala-dalahan niya. Ang tinutukoy
ay ang limang babasahin na may pamagat na Pobres Frailes na gawa ni Fr. Jacinto at nalimbag
sa Imprenta de las Amigos del Pais Manila. Ayon kay Craig ay napasama sa ibang mga walang
kabuluhang papel na nadampot ni Lucia sa tahanan ni Jose Maria Basa at sama-samang
nilukamot at isiniksik sa punda ng kanyang unan na ginamit niya sa bapor. Ngunit may kutob si
Rizal na sa Maynila na inilagay ng mga kaaway ang mga babasahing ito. Ito ang nakapagwakas
sa kanyang kalayaan. Dahil sa mga polyetong ito ay iniutos ni Despujol na ikulong si Rizal sa
Fuerza de Santiago ng walang paglilitis hanggang sa ipatapon sa Dapitan. Ngunit bago
naipatapon ay naitatag na ni Rizal ang La Liga Filipina.
Pagkakatatag ng mga Liga Filipina
Pagkatapos ng isang linggo nang siyay dumating sa Maynila, itinatag ang La Liga
Filipina. Noong ika-3 ng Hulyo, 1892. Kinagabihan ng pakikipanayam ni Rizal kay Gobernador
Heneral Despujol. Sa bahay ni Doroteo Ongjungco, Ilaya Street, Tondo, Manila. Ayon kay
Craig, ang balak ay iminungkahi ng isang kasapi ng masong Kastila at ang nagpanukala ay si
Jose Maria Basa. Ang La Liga Filipina ay pansibikong samahan ng mga Filipino na naglalayon
ng pagbabago sa ilalim ng pamamahala ng mga Kastila. Ang saligang batas nito ay kanyang
sinulat sa Hongkong. Ang ilang sa mga naroon ay sina:
Pedro Serrano Laktaw - Panday Pira
Domingo Franco - Felipe Leal
Jose A. Ramos - Socorro
Ambrosio Salvador - Gobernadorcillo
Bonifacio Salvador - Gobernadorcillo
Bonifacio Arevalo - Hurem
Ambrosio Flores - Musa
Moise Salvador - Araw
Faustino Villaruel - Ilaw
Numeriano Adriano - Ipil
Andres Bonifacio - May Pag-asa
Apolinario Mabini - Katabay
Deodato Arellano
Agustin de la Rosa
Mariano Crisostomo
Estanislao Legaspi
Teodoro Plata
Juan Zulueta
Luis Villareal

Ang mga nahalal na opisyales ay sina: Ambrosio Salvador, pangulo-isang mason at
gobernadorcillo ng Quiapo; Deodato Arellano, kalihim; Bonifacio Arevallo, Ingat-yaman; at
Agustin dela Rosa, Fiscal.

Layunin ng La Liga Filipina
1. Pagbuklurin ang buong bansa sa isang solidong kapulungan
2. Pagtutulungan sa bawat pangangailangan at kagipitan
3. Pagdadamayan sa lahat ng uri ng pagmamalabis at kawalang katarungan, pagpapasigla sa
edukasyon, agrikultura at pangangalakal.
4. Pag-aaral at pagpupunyaging makamtan ang kahilingang pagbabago
Ang sagisag o motto ng La Liga Filipina ay Isay katulad ng lahat (Unus Instar
Omnium)
Pagdakip kay Rizal
Sa pakikipanayam ni Rizal kay Gob. Hen. Despujol ay nabigla na lamang siya nang
siyay ipadakip noong Hulyo 7, 1892 at ipatapon sa isang pulo sa timog. Siyay inilulan sa isang
karwahe at inihatid sa isang piitan sa Fort Santiago. Tinigil siya rito hanggang noong ika-15 ng
Hulyo. Nang umaga ng araw ring iyon, lihimyang isinakay sa bapor Cebu papuntang Dapitan,
isang ilang na bayan ng Zamboanga.
Sa dekretong nilagdaan ni Despujol noon ika-7 ng Hulyo, 1892 ay isinaad ang mga
sumusunod na kadahilanan sa pagpapatapon kay Rizal:
1. Naglabas siya ng mga aklat at mga artikulo sa ibang bansa na tumutuligsa sa Inang
Espanya pambabatikos sa katolisismo at mga prayle
2. May natuklasan sa kanyang maleta nang lumunsad siyang galing Hongkong na mga
babasahing may pamagat na Pobre Prailes (Ang kahabag-habag na mga Prayle)
3. Ang kanyang pangalawang nobelang El Filibusterismo ay inihandog niya sa tatlong
paring martir na sina Mariano Gomez, Jacinto Zamora at Jose Burgos at ipinalimbag pa
sa pahina ng pamagat ang mga salitang wala nang nalalabing dapat gawin para sa
kaligtasan ng Pilipinas kundi ang humiwalay sa Inang bayan
4. Layunin ng kanyang mga gawain at sulatin ay upang mawalan ng pananampalataya ang
mga Pilipino sa simbahang katoliko
Kasaysayan ng Dapitan
Ang Dapitan ay isang bayan ng Zamboanga sa isla ng Mindanao. Sa liham ni Rizal kay
Jose Maria Basa noong Disyembre 18, 1894, kaibigan niya sa Hongkong, sinasaad na: Ang
bayan ng Dapitan ay mahirap. Ito ay malungkot at ilang na lugar.
Ang pangalang Dapitan, ayon kay Rizal, ay nangangahulugang Tagpuan. Hango sa
salitang bisaya na dapit, nangangahulugang Nag-aanyaya.
Ang Dapitan ay natuklasan ng isang datu ng Bohol na si Lagubayan bago pa dumating
ang mga mananakop na Kastila. Ayon sa tradisyon, si Lagubayan ay isang matatag at matapang
na datu ng Bohol. Kasabayan niya sina Sikatuna at Sigala, ang magkapatid na datu rin ng Bohol.
Isang araw, ang mga katutubong mandirigma ay minaltrato ang magandang kapatid ni
Lagubayan na si Illison. Ikinagalit ito ni Lagubayan at hinikayat ang mga ibang kasamahan na
lisanin ang lugar nila at manirahan sa ibang lupain kung saan ligtas sila sa masasamang
kasamahan.
Mahigit na 800 pamilya ang sumama kay Lagubayan. Sa pamumuno niya nilisan ang
pook, sakay sila ng mga bangkang tinatawag na barangay.
Pagkatapos ng ilang araw na paglalakbay, narating nila ang pampang na iyon sila
nanirahan hanggang maging bayan ng Dapitan.
Dumating ang mga Kastila sa Dapitan noong 1565. At nakipagkasundo si Lagubayan kay
Miguel Lopez de Legaspi. Maraming Filipino ang hindi natuwa sa hindi paglaban ng mga taga-
Dapitan sa nabanggit na dayuhang mananakop, ngunit naniniwala ang pangkat ng mga taong ito
na mainam ang talikuran ang pakikihamok sa mga Kastila at makipagtulungan na lamang sa mga
ito.
Si Lagubayan at ang kanyang mga inapo ay nagpamalas ng hindi matatawarang
paglilingkod at katapatan sa Espanya at sa pananampalatayang Katoliko.
Ang kahanga-hangang simbaha ng St. James ang simbolo ng Kristiyanismo sa Dapitan.
Ito ay itinayo ng mga paring Heswita noong 1883. Si St. James the Greater ang siyang patron ng
Dapitan. Sa mga unang bahagi ng pananakop ng mga Kastila sa ating bansa, ang Dapitan ay
paminsan-minsang sinasalakay ng mga pirating Moro. Itinayo ng mga paring Heswita ang
simbahan ng St. James sa lungsod upang mapangalagaan ang mga Dapitano mula sa pananakop.
At paglipas ng tatlong siglo, ang St. James ay patuloy na gumaganap ng mahalagang tungkulin
sa buhay ngf mga Dapitanons.
Pagpapatapon sa Dapitan
Sakay ng barkong Cebu si Rizal patungong Dapitan. Nang ika-17 ng Hulyo, 1892.
Narating nila ang Dapitan. Ito ang simula ng maraming taon niyang pagtitiis na mamuhay ng
malayo sa mga mahal sa buhay.
Umalis ang bapor sa ganap na ikaisa ng umaga, Hulyo 15. Sa isang mahusay na kamarote
sa kubyerta tumigil si Rizal. Ang kanyang kamarote ay malapit sa kamarotehan ni Kapitan
Delgras. May mga sakay din itong mga sundalong Kastila, para sa mga garrison sa Mindanao.
May dalawang bilanggong militar na Kastila, isang sarhento at isang corporal, na parehong naka-
kadena. Sa kanyang tala-arawan, inilarawan ni Rizal ang mga nangyari at nakikita sa barkong
sinasakyan.
Tumagal nang apat na taon ang pagkakatapon niya sa Dapitan. Si Padre Pablo Pastells,
paring superyor ng Samahan ng mga Heswita sa Pilipinas ay lumiham kay Padre Antonio Obach,
heswitang misyonero sa sa Dapitan. Ayon sa liham ay maaaring maniraha si Rizal sa kumbento
kung susundin ang mga sumusunod na kundisyon
a. Babawiin niya ang kanyang mga sinabi laban sa mga pari at dapat niyang ipakita ang
kanyang pagiging maka-Kastila at hindi siya sang-ayon sa rebulusyon.
b. Dadalo sa mga rito ng simabahan at ikukumpisal niya ang lahat ng nakaraang pangyayari
sa kanyang buhay.
c. Kikilos siya katulad ng isang taong Kastila at isang taong relihiyoso.
Hindi pumayag si Rizal sa mga kondisyon at tinanggihan ang pagtira sa kumbento
kasama ni Padre Obach. Doon siya tumigil sa tahanan ng komandanteng tagapagbantay niya na
si Kapitan Ricardo Carnicero.
Buhay sa Dapitan 1892
Buong buhay ni Rizal, napiakita ang kanyang talent sa pakikipagkaibigan hindi lang sa
mga kababayan kundi pati sa mga Kastila, Intsik, Hapones, British, French, Aleman at ibang
mga dayuhan. Ang kanyang katalinuhan, kakayahan sa pagsasalita ng ibat ibang lenguahe,
kanyang kabaitan at pagkamaginoo si Rizal ay naging kahanga-hanga sa ibat ibang lahi.
Samantalang naninirahan si Rizal sa bahay ng komandanteng si Kapitan Carnicero. Si
Carnicero, na bata pa at noong mga panahong iyon ay binata pa, ay isang malayong pala-isip,
isang bukas ang kaisipang tao na nagalak sa pagkakaroon ng isang bisitang kagaya ni Dr. Rizal.
Nagin magkaibigan ang komandante at ang prisoner, kayat maganda ang ulat ng una tungkol
kay Rizal. Bilang katibayan sa pagkakaibigan ng dalawa, lumikha si Rizal ng isang tulang
handog niya sa kaarawan ng kapitan noong ika-26 ng Agosto, 1892. Ito ay may pamagat na A
DON RICARDO CARNICERO.
Dito napag-isipan ni Rizal na napapanahon na upang siya ay mamuhay na ng tahimik. Naging
kapaki-pakinabang ang apat na taong pagkakatapon kay Rizal sa Dapitan. Ginugol niya ang
kanyang panahon sa ibat ibang proyektong makatutulong sa mga mamamayan mula sa Dapitan.
Pagkaraan ng dalawang buwan niya sa pagdating sa Dapitan, pinalad siyang manalo sa
loterya sa Maynila, ang tiket niya Blg. 9736 na nabili na kasama ni Kap. Carnicero at Francisco
Edillor (isang Kastilang nakatira sa Dipolog, isang bayang malapit sa Dapitan) ang nanalo ng
ikalawang premoyo na P20,000.
Ipinagpatuloy niya ang mga gawaing pansining. Nagpinta siya sa langis ng magagandang
kurtina sa simbahan. Naglilok din siya ng mga istatwa. Kabilang sa kanyang mga nililok ay ang
Ang Aking Pamamahinga (My Retreat), Kay Josephine (To Josephine), at Ang Awit ng
Manlalakbay (The Song of the Traveler).
Pagkat isang manggagamot, siya ang nagbukas ng isang klinika para sa lahat ng uri ng
tao, lalo sa mahihirap. Naging tanyag siya bilang isang siruhano sa Dapitan at sa buong Pilipinas.
Ang kanyang ina at kapatid na si Maria ay dumating sa Dapitan noon Agosto, 1893. Sa
pagkakataong ito isinagawa ni Rizal ang pagtitistis sa mata ng kanyang ina. Ang pagtitistis na ito
ay matagumpay ngunit ang mga mata ay nagkaroon ng komplikasyon ng alisin ang benda ng
kanyang ina, nang hindi nalalaman ni Rizal. Nasabi tuloy ni Rizal sa kanyang bayaw na si
Hidalgo na nauunawaan na niya ngayon kung bakit hindi dapat gamutin ng isang duktor ang
miyembro ng kanyang pamilya.
Ang kanyang karanasan sa kanyang pagiging agrimensor ay nakatulong sa paggawa niya
ng isang paraan para ang malinis na tubig sa bundok ay makarating sa bayan ng Dapitan sa
pamamagitan ng mga kawayan. Noong Marso 1895, inumpisahan ni Rizal ang paggawa sa
patubig. Sa panahong iyon si Padre Francisco de Paula Sanchez, ang paboritong guro sa Ateneo
de Manila ay nasa Dapitan. Bukod dito, pinaganda rin niya ang liwasang-bayan. Pinuri at
pinahahalagahan ang kakayahan ni Rizal sa inhinyeriya ni G.H.F. Cameron, isang inhinyerang
Amerikano.
Ayon kay Rizal, upang ang isang tao ay mabuhay ng marangal at matutong pangalagaan
ang kanyang karapatan bilang tao ay pahalagahan ang edukasyon. Dahil dito ay nagtayo siya ng
paaralan at ginanyak ang mga kabataang mag-aral. Labing-anim ang kanyang nagin estudyante.
Bingiyang diin niya ang kabuluhan ng sipag at tiyaga, Ang mga aralin ay binubuo ng pagbasa,
pagsulat, heograpiya, matematika, gawain industriyal, agham at mga wika tulad ng Ingles at
Kastila. Kasama rin sa kurikulum ang pagpapalakas ng katawan katulad ng boksing, gymnastics,
pamamangka at iba pa.
Isa sa mga pinagkakaabalahan ni Rizal sa Dapitan ay ang pag-aarala ng kalikasan. Ibat
ibang hayop ang kanyang pinangalap at pinag-aralan. Nakatuklas si Rizal ng mga pambihirang
espesimen na kinabitan ng kanyang pangalan. Ang mga itoy Draco Rizali (isang pambihirang
tutubi) Asogonia Rizali (isang maliit na uwang) at Rhacophorus Rizali (pambihirang palaka).
Sa nakalipas na tatlong taon, hindi sumulat si Rizal ng tula. Napansin ng kanyang ina ang
pagiging abala. Hiniling ni Doa Teodora na igawa siya ng isang tula. Bilang tugon sa kanyang
ina sinulat niya ang Mi Retro (My Retreat). Ipinadala sa Ina noong Oktubre 22, 1895. Ang tulang
ito ay tungkol sa kanyang naging tahimik at payapang buhay sa Dapitan bilang isang bilanggo.
Nagsaka si Rizal at nagnegosyo. Kumita siya bilang isang magsasaka at bilang isang
mangangalakal. Si Ramon Carreon, isang negosyanteng taga-Dapitan, ang kanyang naging
kasosyo. Ipinakita niya ang kanyang kasanayan bilang isang imbentor sa pamamagitan ng
pagiimbento ng isang makinang kahoy na nakakagawa ng 6,000 tisa sa isang araw.
Ang huling pag-ibig ni Rizal ay si Josephine Bracken, isang magandang Irish na taga
Hongkong. Isinilang noon Okt. 3, 1876. Ang mga magulang niya ay sina James Bracken, isang
corporal sa British Garrison at si Elizabeth Jane McBride. Sa batang edad siya ay naulila at
lumaki sa pangangalaga ni George Taufer, isang Amerikanong inhinyero. Noong March 1895,
dumating si Josephine at kanyang ama-amahan para ipagamot ang mata ng huli. Sinamahan sila
ng isang Pilipinang nagngangalang Manuela Orlac. Sa unang kita pa lang ni Rizal ay nabighani
na siya kay Josephine. Di naglaon a nagkaibigan ang dalawa. Nang balakin nila ang magpakasal
sa simbahan tinanggihan ito ng kura ng Dapitan siya ay kailangan munang magbitiw sa
masoneriya. Naisipan ni Rizal na isaayos na ang lahat sang-ayon sa batas ng simbahan. Lumiham
siya sa Arsobispo ng Cebu upang humingi ng pahintulot na silay ikasal subalit hindi ito agad
natugunan. Ikinasal nina Rizal at Josephine ang kanilang sarili sa harap ng Diyos at nagsama
bilang mag-asawa. Naging maligaya ang pagsasama ng dalawa. Ngunit sa kasawian-palad, ang
anak nila, isang lalaki, ay namatay tatlong oras pagkapanganak. Francisco ang ipinangalan sa
sanggol, sunod sa pangalan ng ama ni Rizal. Ito ay iniliham ni Rizal sa kanyang ina noon Marso
12, 1896.
Ang Katipunan
Kinagabihan ng ipatapon ni Gobernador Despujol si Rizal sa Dapitan noon ika-7 ng
Hulyo, 1892, sa pamumuno ni Andres Bonifacio, ay nagkaisa ang mga Pilipinong mag
magkakatulad na paniniwala na magtatag ng Katipunan. Ginanap ang lihim na pagpupulong sa
bahay ni Deodato Arellano sa Azcarraga St. (ngayon ay Claro M. Recto Avenue) Tondo,
Maynila. Ilan sa mga dumalo ay sina Valentin Diaz, Teodoro Plata at Ladislao Diwa.
Bumalangkas ng isang kapisanang ang layuniy (1) mabuklod ang mga Pilipino at (2) lumaban
upang makamit ang kalayaan. Tinawag nila ang kapisanan na Anak ng Bayan o KKK o
Katipunan. Lingid sa kaalaman ni Rizal ay ginamit ng lihim na samahang ito ang kanyang
pangalan upang makakuha ng hgit na maraming kasapi.
Si Emilio Jacinto na tinagurian Utak ng Katipunan at kinilala bilang si Pingkian ang
tumayong kanang kamay ng dakilang Plebian na si Bonifacio.
Pagdalaw ni Dr. Pio Valenzuela
Noong Hunyo 21, 1896, nang inakala ni Andres Bonifacio na handa na sila sa
paghihimagsik, isinugo niya si Dr. Pio Valenzuela sa kay Rizal sa Dapitan upang hingin ang
kanyang suporta. Nagsama pa si Dr. Valenzuela ng isang bulag upang mapagtakpan ang tunay
niyang pakay kay Rizal.
Ayon kay Dr. Valenzuela, nang mapagwari ni Rizal ang kabuuan ng kanyang balak ay
malungkot niyang sinabi kay Pio ang hindi niya pagsang-ayon. Sapagkat alam niyang hindi pa
handa ang buong bansa at kulang sila sa mga sandata. Sa inihando na tulong ng katipunan na
siyay makatakas, tumanggi rin si Rizal dahilang nakapangako na siya na hindi siya tatakas at
wala siyang balak na sumira sa kanyang salita. Ipinagtapat ni Rizal na siya ay may balak na
pumunta sa Cuba bilang duktor ng hukbo upang sa gayon ay mapag-aralan niya ang mga bagay-
bagay tungkol sa digmaan sa paraang praktikal. At kung dumating na ang araw, kung handa na
ang mga Pilipino at mayroon nang sapat na gamit ay maaari nang ipagpatuloy ang pakikidigma.
Muling Paglalakbay
Sumulat ng dalawang beses si Rizal kay Gob. Hen. Blanco, tianggap ni Rizal ang
kasagutan nitong huli na nagpapahintulot sa kanya sa pagtungo sa Cuba. Ang paglilingkod sa
Cuba au iminungkahi ni Blumentritt. Mahigit na apat na taon na siyang hindi nakakapaglakbay
kayat muli nanamang sumilay sa kanyang mukha ang kasiglahan. Nilisan ang Dapitan noong
Hulyo 31, 1896 lulan ng bapor Espanya patungong Maynila, kasama ang asawang si Josephine,
kapatid na si Narcisa at mga pamangkin. Ayaw na niyang abutin ng siya sa Pilipinas ng
pagsisimula ng himagsikan. Kailangang abutan niya ang bapor Isla de Luzon patungong
Espanya. Subalit nang siyay dumating sa Maynila noong Agosto 6, ang bapor na magdadala sa
kanya sa Espanya ay nakaalis na. Kinakailangan pang maghintay siya ng ibang bapor na
maghahatid sa kanya sa Espanya papuntang Cuba.
Samantala, ang kilusang katipunan ay natuklasan ng mga Kastila noong ika-19 ng
Agosto, 1896 sa pamamagitan ni Teodoro Patino. Ang mga katipunero ay nagsimula nang
maghimagsik noong ika-13 ng Agosto, 1896. Lulan ng bapor de Panay si Rizal, umalis na sa
Maynila. Sa naturang bapor ay binigyan siya ng isang sarili at napakabuting kamarote. Mahusay
ang pakikitungo sa kanya ng kapitan ng bapor.Nang ang barkoy makarating na sa Singapore, si
Rizal ay hinikayat nina Roxas at ng ilang pang mga Pilipino na lumunsad na sa bapor at tuimigil
na lamang sa Singapore. Ngunit hindi ito pinakinggan ni Rizal dahil sa siyay nananalig sa
magandang liham na ipinadala sa kanya ni Gob. Blanco. Hindi nagkabula ang hinala ni Roxas
sapagkat noong Setyembre 30 siyay ginawang bilanggo sa barko ng kapitan ng Isla de Panay.
Tinangka ding itakas ng mga Pilipino sa Europa si Rizal tulad nina Dr. Antonio Regidor at Sixto
Lopez sa pamamagitan ng paghahain sa Punong Mahistrado ng Habeas Corpus ngunit walang
nangyari. Sumapit sa Barcelona noong Oktubre 6 ang bapor at si Rizal ay ibinilanggo kapagdaka
sa kastilyo ng Montjuich, bilangguang kuta ng lungsod. Kinahapunan ng araw ding iyon, si Rizal
ay pinabalik sa Pilipinas lulan ng SS Colon, isang bapor militar. Noong Nobyembre 3, 1896
nakarating sa Maynila si Rizal at ipiniit sa Fort Santiago.
Ang Paglilitis kay Rizal
Nagkaroon ng isang masusing pagsisiyasat bilang pang-una sa pormal na paglilitis sa
hukumang militar. Pinasimulan ang paglilitis kay Rizal noong ika-29 ng Nobyembre 1896. Ang
pag-uusig ay ginampanan ni Koronel Francisco Oliva. Dalawang uri ng katibayan ang inilahad
laban sa kanya: ang (1) sinumpaang pahayag at (2) katibayang dokumento. Sa paglilitis ang mga
dating kasamahan ni Rizal ay nagpahayag ng laban sa kanya. Ilan sa mga ito ay sina Moises
Salvador, Domingo Franco, Deodato Arellano, Ambrosio Salvador at Pio Valenzuela.
Nakapinsala rin ng malaki ang mga artikulo, tula, liham at talumpati na nagpapatunay sa
kanyang pagiging makabayan maging ang mga ito ay siya o ibang tao ang sumulat.
Disyembre 7, 1896, ang usapin ay iniharap kay Huwes Nicolas dela Pea at inihayag ng
huwes ang kanyang mungkahi:
a. Ang nasasakdal ay kailangang maiharap sa paglilitis sa pinakamadaling panahon
b. Si Rizal ay mananatili sa piitan
c. Ang pagtatanggol ay gagampanan ng isang opisyal ng hukbong kastila at hindi ng isang
manananggol
d. Magmulta siya ng halagang isang milyong piso
Disyembre 8, 1896, ang usapin ay ibinigay kay Piskal Enrique de Alcocer. Isang
karapatan lamang ang ipinahintulot sa kanya, ito ay makapamili ng magiging tagapagtanggol. Sa
listahang ibinigay sa kanya, ang kanyang pinili ang pangalan na nakapukaw sa kanyang pansin.
At hindi siya nagkamali sapagkat si Tenyente Luis Taviel de Andrade ay kapatid ng naging
tagapag-alaga niya na ibinigay ni Gobernador Terrero noon.
Noong Disyembre 11, 1896 ang mga paratang ay binasa kay Rizal at sa kanyang
tagapagtanggol. Siya ay inakusahan ng: (1) Pag-aalsa (2) Sedisyon at (3) Pagatatag ng illegal na
samahan. Kinamakalawahan, ang usapin ay dinala kay Gobernador Camilo C. Polajeva at
sinabing ang huling paglilitis ay sa Disyembre 26, 1896.
Naghanda ng isang manipesto si Rizal para sa kanyang mga kababayan na humiling na
itigil na nila ang kanilang paglaban. Ipinahayag pa niya rito ang kanyang pagtutol sa rebulusyon.
Ngunit ang dokumentong ito ay hindi nakarating sa kamay ng mga Pilipino, sapagkat inakala ni
Huwes dela Pea na itoy lalong makapagpapaalab sa pagnanasang lumaban.
Bisperas ng Pasko ng ipahayag ng Huwes ang bubuo ng hukumang lilitis kay Rizal.
Lubhang naging luksa ang pasko ni Rizal. Sumapit ang Disyembre 26, 1896 araw ng paglilitis.
Sa Cuartel de Espanya naroroon ang bumubuo ng konsehong pandigma na siyang lilitis kay
Rizal. Itoy pinangungunahan ni Tenyent Koronel Jose Togores Arjona (pangulo), Kapt.
Santiago Izquierdo Osorio, Kapt. Braulio Rodriguez, Kapt. Ricardo Muoz Arias, Kapt. Manuel
Diaz Escribano at Kapitan Fernando Perez Rodriguez. Ang tumayong piskal ay Enrique de
Alcocer. Kabilang din doon sina Josephine Bracken at isang kapatid ni Rizal at maraming nais
makasaksi sa paglilitis.
Samantala naging mapayapa ang kalooban ni Rizal habang pinakikinggan niya ang
napakahabang talumpati ni Enrique de Alcocer maliban na lamang noon narinig niyang sinabi ng
piskal na siyay nananawagan sa katarungan, sa pagkaawa, sa damdaming bayan para sa mga
asawa at mga nangulilang nagdadanas ng hirap dahil sa taksil na digmaan. Nangalugod ang mga
Kastila nang hiniling ng piskal ang parusang kamatayan para kay Rizal.
Si Luis Taviel ay nagpasimula ng magtanggol kay Rizal. Sa pamamagitan ng pagsasabing
mahirap maunawaan ang usapin ni Rizal dahil sa damdaming laban sa nasasakdal. Winakasan
niya ang kanyang pagsasalita sa pagsasabing Ang mga hukom ay hindi dapat maging
mapaghiganti manapay dapat maging makatarungan. Naging mahusay ang pag-tatanggol ni
Andrade. Ngunit ang kapalaran ni Rizal ay nakapinid na. Nang araw ding iyon, ibinaba ng
hukuman ang kaparusahang siyay mahahatulang barilin. Ang usapin ay muling iniharap kay
Polajeva, noon din ay hiningi ang opinion ni Hukom Nicolas dela Pea sa hatol kay Rizal.
Sinang-ayunan nito ang hatol na kamatayan. Pinagtibay ito noong Disyembre 28. Iniutos nang
Gobernador Heneral na barilin si Rizal sa Bagumbayan sa Disyembre 30, 1896.
Ang Huling Araw ni Rizal
Mula sa silid ng Fort Santiago ay ipiniit ang bayani ng lahi na may bantay na isang
opisyal at dalawang alagad. Sa loob ng silid na ito ay may isang mesang sulatan at mga
kagamitan sa panulat, isang kama at isang altar sa dulo.
Dinalaw siya rito nang madalas ng mga pari kaya ng malaunan ay gumawa si Rizal ng
retraksiyon at ipinahayag na muli niyang kinilala ang katolisismo at binabawi ang anumang
salita o gawa laban sa pagiging isang anak ng simbahan.
Dumalaw din sa kanya doon sina Donya Teodora, Don Francisco at Narcisa. Si Donye
Teodora at Narcisa lamang ang pinayagang pumasok sa loob. Humingi ng tawad si Rizal sa
kanyang ina. Bago lumisan ang mga ito ipinamigay ni Rizal sa mga mahal niya sa buhay ang
mga kagamitan nito. Ibinigay kay Trining ang lutuang alcohol na iniregalo ni Paz Pardo de
Tavera kay Rizal. Pagkabigay ay ibinulong sa wikang Ingles ang Theres something inside upang
hindi ito maunawaan ng tanod na nasa loo bang sipi ng tulang Mi Ultimo Adios na ayon kay
Agustin Craig ay sinulat ni Rizal noong Disyembre 12, 1896.
Kinabukasan sa ikaanim ng umaga, dumating si Josephine na kasama si Narcisa. Hiniling
ni Rizal na ikasal sila. Sa maikling seremonya ay ikinasal ni Padre Vicente Balaquer ang dalawa.
Isang aklat na panrelihiyon na may pamagat na Imitacio de Cristo ang ibinigay ni Rizal kay
Josephine sa kanilang kasal. Sinulatan niya ito Sa aking minamahal at namimighating asawa,
Disyembre 30, 1896
Nagkaroon din si Rizal ng pagkakataong makasulat sa kanyang mga magulang na
humingi ng kapatawara sa lahat ng paghihirap na idinulot niya sa mga ito. Kay Paciano,
ipinahayag niya ang pagmamahal sa kapatid, at ang kanyang kawalang-malay sa mga
pagbibintang sa kanya. Kay Blumentritt, sinabi niyang sa pagtanggap ng liham na itoy siya ay
patay na sapagkat siyay babarilin at siyay mamamatay sa maling paratang ng rebelyon.
Nang ika-6:30 ng umaga ng Disyembre 30, 1896 mula sa Fort Santiago, lumakad si Rizal
sa daang Malecon patungong Bagumbayan. Noon ay maaliwalas ang umaga. Apat na sundalo
ang nangunguna sa kanya, sa kanan ay si Luis Taviel de Andrade at sa kanan ay si Padre Vicente
Balaguer. Siyay nakadamit ng itim. Ang mga kamay ay natatalian sa mga siko subalit may
kaluwagan upang maging malaya sa pagkilos, sa kanyang kamay nakasabit ang isang rosaryo.
Habang siyay naglalakad ay tumingin siya sa langit at nasabi niya sa pari, Napakaganda ng
araw padre. Tuwing umagang ganito ay naglalakad kami ng aking mahal. Nang madaanan niya
ang harapan ng Ateneo, nakita niya ang tuktok ng paaralan. Nagtanong siya.
Iyon ba ang Ateneo, Padre?
Oo, ang tugon ng pari.
Pitong taon akong nag-aral diyan.
Hanggang sa marating nila ang bagumbayan. Punong-puno ng sundalo ang kapaligiran.
At ang lahat ay handa sa pagsaksi sa kamatayan ni Rizal. Tinutulan ni Rizal na siyay barilin sa
likod pagkat siyay hindi naging taksil sa kanyang bayan. Hiniling niyang siyay humarap sa
mga babaril sa kanya subalit hindi siya pinagbigyan. Nang pakawalan na ang mga punlo, pumihit
si Rizal kayat ng siyay mabulagta, nakatuon ang kanyang mga mata sa langit.
Noong ika 7:30 ng umaga, Disyembre 30, 1896 ay tapos na ang lahat.
Mga Tala sa Pagkakasulat ng El Filibusterismo
Sinimulang sulatin ni Jose Rizal ang El Filibusterismo sa Calamba noong Oktubre, 1887.
Ilang buwan pagkarating niya mula sa sariling bayan sa Europa, naging bahagi si Rizal sa ilang
malupit na pangyayari. Nabalitaan niya ang nangyari sa kanyang pamilya at sa kanyang mga
kaibigan na inapi ng mga pari. Habang siyay nasa London, ayon sa liham kay Ponce, binago
niya ang ilang kabanata ng nobela. Dumating na marahil sa kanya ang pag-amin sa katotohanan
na wala ng nalalabi sa mga Pilipino kundi ang pagbangon. Ang suliranin ng mga magsasaka ay
hindi malulunasan. At siyay naghimagsik, gaya ng malimit niyang masabi sa kanyang mga
kaibigan. Kaya pala, ang ganitong damdamin ang nais niyang maipahayag sa kanyang sinulat na
aklat. Si Rizal ay nag-isip na ng himagsikan nang panahong ito ipinahayag ng kanyang mga
kaibigan lalo na si Jose Alejandro, isang mag-aaral sa inhinyeriya na kanyang nakasama noong
1890 sa Brussels.
At nabanghay ang katauhan ni Simon. Ang kawalang pag-asa ng panahong iyon ni Rizal
ay kinatawan ni Simoun at ang kanyang lihim na pagnanais ng himagsikan ay sinagisag nito.
Ang damdaming ito ang namayani sa kanya sa pagsulat ng iba pang bahagi ng nobela sa Paris, sa
Madrid hanggang sa matapos niya ito noong ika-29 ng Marso, 1891. Pagkalipas ng tatlong taon
doon pa lang nailimbag ang nobela sa F. Meyer Van Loo Press, bilang 66 Viaandren Street.
Ngunit naubos ang lahat ng kanyang salapi sa pagpapalimbag ng aklat. Mula sa Paris
dumating ang tulong ni Valentin Ventura. Nabalitaan niyon ang pangangailangan ni Rizal upang
mapalathala ang aklat at ang kabuuan ng gagastusin sa pagpapalimbag ay kanyang ipinadala.
Noong ika-18 ng Setyembre, 1891 ang El Filibusterismo ay natapos limbagin. Ang
orihinal na manuskrito ay kanyang inihando kay Ventura at binigyan niya iyon ng isang kopya
na may lagda niya, upang ipakilala ang kanyang pagtanaw ng utang na loob. Ang iba pang unang
kopya ay ipinadala niya kay Sixto Lopez ay Basa. Pinadalhan din niya si Blumentritt, Ponce,
Lopez-Jaena, T.H. Pardo de Tavera, Antonio at Juan Luna, M.H. del Pilar at iba pa.
Ang mga unang kopya na inilimbag sa Genta ay ipinadala sa Hongkong ngunit iyon ay
sinamsam ng mga may kapangyarihan.
Ang nobela inihando niya sa alaala ng mga paring sina Gomes, Burgos at Zamora na ang
kamatayan ay nag-ukit sa kanyang kamalayan sng kintal ng iyon ay isalaysay sa kanya ng
kanyang kapatid na si Paciano noong siya ay paslit pa lamang sa Calamba.

You might also like