Ang Pancreas ay matatagpuan sa bandang itaas na bahagi ng tyan, ito ay
may endocrine at exocrine nakagamitan. Ang exocrine na kagamitan nito ay kinabibilangan din ng pagpapalabas ng pancreatic enzymes papuntang gastrointestinal tract nadadaan sa pancreatic duct. Ang endocrine nakagamitan naman ay naglalabas ng insulin, glucagon, at somatostatin diretso sa daluyan ng dugo. Ang mga lumabas sa exocrine na bahaging pancreas ay nakokolekta sa pancreatic duct, na dumudugtong din sa common bile duct na sya namang papasok sa ampulla of vater. Nakapalibot sa ampulla ay ang sphincter ng oddi, na sya namang bahagyang sumusukat ng daloy ng secretions na galling sa pancreas at gallbladder papasok sa duodenum. Ang mga secretions mula sa exocrine pancreas ay mga digestive enzymes na mataas sa protein content at electrolyte rich fluid. Ang mga secretion na ito ay alkaline dahil samataas na konsetrasyon nitong sodium bicarbonate na may roong kakayahan na magtunaw ng mataas na konsentrasyon ng acid na pumupunta sa duodenum. Ang mga ito ay ang amylase nasyang tumutunaw ng carbohydrates, trypsin na tumtunaw ng protein, at ang lipasenasya naming tumtunaw ng fats. Ang secretin ay ang hormone na responsible sa pag-stimulate para tumaas ang bicarbonate secretion mula sa pancreas at CCK-PZ na syang stimulus ng digestive enzyme. Ang Islet of Langerhans , ay ang endocrine na bahaging pancreas, it ay koleksyon ng cells na nasa pancreatic tissue. Ito ay binubuo ng alpha, beta, at ng delta cells. Ang hormone na nilalabas ng beta cells ay and insulin na syang meron kakayahang magpababa ng blood glucose. Ang mga alpha cells naman ay naglalabas ng glucagon na syang meron kakayahang magpataas ng blood glucose. At ang mga hormone nanilalabas ng delta cells na somatostatin ay kaya din magpataas ng blood glucose gaya ng glucagon.