Reflection On Albert Camus

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Reflection on Albert Camus Novel The Stranger

Hindi na siguro dapat na sabihin pa ang mga katagang walang kwenta dahil tila gamit
na gamit na ito ni Albert Camus sa kanyang nobela. Hindi na din siguro dapat igiit pa
na ang istoryang aking nabasa ay punong-puno negatibong kaisipan at ideya. At
marahil, pagkatapos basahin ang nobela ng aking mga kapwa mambabasa, sigurado
akong hindi man lamang nakakuha ng kahit kaunting simpatya ang bida galing sa
kanila. Inis at pagkamuhi ang marahil na naramdaman nila habang sinusulat ang
kanilang limangdaaning salita upang magsilbing repleksyon sa nasabing nobela.
Walang kwenta, ika nga. (ayan nasabi ko na tuloy)
Tulad ng pagtingin ko sa pisong barya, ayokong tingnan lamang ito sa harap na may
mukha ni Jose Rizal datapwat palagi kong gustong silipin ang likurang bahagi nito kung
saan naroon ang araw na sagisag ng bansa. Ganoon din ang pagtingin ko sa nobela.
Ayokong basta iayon na lamang aking repleksyon sa emosyon na aking naramdaman
pagkatapos ko itong basahin, dahil gusto kong hanapin ang ideyang nakatago sa bawat
katagang bumuo at ibinulalas sa kwento. Ayokong basta na lamang makuntento sa
impresyon.
Oo, aaminin ko, talagang nainis din ako sa daloy ng kwento. Mabagal at tila walang
patutunguhan. Higit pang nagpairita sa aking nararamdaman ang tila walang
kamuwang-muwang na karakter ni Monsieur Meursault; ang pangunahing tauhan ng
kwento. Wala siyang pakialam sa mga bagay sa kanyang kapaligiran. Madalang na
magpakita ng emosyon sa bawat sitwasyon at desisyong kanyang kinasangkutan. At sa
totoo lang, kahit na siya pa ang narrator ng nobela, bahagya ko lamang naramdaman
ang presensya niya sa kanyang mismong istorya. Siguroy nakakapanggalaiti nga kung
paano niya isinawalang-bahala ang mga importanteng bagay. Tulad na lamang ng
pagsasawalang kibo niya ng namatay ang kanyang ina. Kung isa kang karaniwang tao,
hinagpis at kalungkutan ang mangingibabaw na emosyon sa iyongunit iba si Monsieur.
Ilan pa sa mga pagpapatunay na kanyang kawalan ng emosyon ay ang pagsasawalang
bahala niya sa nararamdaman ng iba tungo sa kanya. Hindi man lamang niya binigyan
ng pansin ang pagmamahal na nararamdaman ni Marie. Ngunit ang bahagi na talagang
na nagpakita ng pagiging iba niya sa karamihan ay nang makapatay siya sa di
malamang dahilanna maski siya ay hindi niya rin malaman kung bakit. Higit niyang
binigyang pansin ang mga bagay na hindi ganoong pinahahalagahan ng ibang tao at
minamaliit naman ang mga bagay na tila napakahalaga sa iba. At ang masama pa,
nakikita niya ang mga bagay na ito na tila normal lamang ang mga ito at hindi karapat-
dapat na bigyan ng pansin. Ngunit sino nga ba ako upang husgahan siya? At marahil
kung mababasa niya man ito, may pakialam ba siya sa nararamdaman ko?
Kaya naman, hindi ko ginawang basehan ang aking mga pabalang na komento sa
nobela dahil gusto kong gamitin ang aking sariling pag-unawa. Alam ko na batid ni
Camus na hindi magugustuhan ng karamihan ang istoryang kanyang binuo sa una pa
lamang. Kung ganoon nga, bakit nga naman siya gagawa ng kwento na hindi
magugustuhan ng mga tao? Doon ko naintindihan na hindi hangad ni Camus ang
simpatya at kritisismo ng mga tao dahil ang tanging gusto niya lamang ay ipabatid sa
karamihan ang konsepto ng buhay na walang bahid ng kahulugan. Marahil ay tila nakita
ni Camus na nagiging natural na sa tao ang pagsandal sa pakahulugan ng bawat bagay
at hindi na tila napapansin na nawawala na ang kanyang indibidwalidad at sarili.
Oo, may nais ipabatid si Camus sa kanyang nobela sapagkat hindi nga naman siya
gagawa ng akda na ang intension ay kamuhian siya ng iba dahil hindi simpatya ang
hanap niya, kung hindi pag-unawa. Ikaw, may pakialam ka basa nararamdaman ko? O
tititigan mo lang ang kalahating mukha ni Rizal sa piso?

You might also like