Photography

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

Photojournalism

Katangian ng Magandang
Larawan
1. Aksyon o Galaw. Mahalaga ang
isang larawan ang pagpapakita ng
aksyon o tila galaw sa mga paksang
iyong kukuhanan upang maipalabas ang
natural na panghalina nito. Iwasan ang
pagkuha ng posed o firing squad.



Katangian ng Magandang
Larawan
2. Paksa. Katulad ng mga artikulo sa
pahayagan, malinaw na naipapakita ng
larawan ang paksang nais niyang
malaman ng mambabasa upang
magkaroon ng pokus at kabuluhan ang
mga bagay na napapaloob dito.

Katangian ng Magandang
Larawan
3. Tunggalian. Ang larawan ay dapat
magtaglay ng subject I object at
background na may tunggalian. Dapat
magkaroon ng ugnayan ang dalawa na
siyang magbibigay ng kwento sa larawan.
Maaaring ang ugnayan ay complementary
o sinusuportahan ang isat isa o maaari
ring contrary na kasalungat naman ang
nais ipakita ng dalawa.

Katangian ng Magandang
Larawan
4. Makataong Kawilihan Ito ang larawang
nagpapakita ng ibat ibang emosyong tunay at
makatotohanan. Maaaring batay ito sa mga
totoong pangyayari sa buhay o kaya ay di
nababantayang sandal.
Hal. Isang mag-aaral na napalundag dahil sa
sobrang galak nang tanghalin siyang panalo
hanggang s aisang inang tumatangis habang
yakap ang kanyang anak na nasawi.

Katangian ng Magandang
Larawan
5. Kapanahunan. Katulad ng mga balita sa
pahayagan, mainam din ang mga
larawang napapanahon kung saan
nagpapakita ng kasalukuyang kaganapan
sa isang lugar
6. Katanyagan. Mainam din ang paglakip
ng mga larawan ng mga tanyag na
personalidad na tunay namang
nakapupukaw ng interes ng mambabasa.


Katangian ng Magandang
Larawan
7. Kabuuan. Bigyang kahalagahan ang
kabuuan ng parte ng mga bagay na makikita
sa larawan. Kung tao ang pokus ng larawan,
iwasan ang pagputol ng bahagi ng katawan
nito gaya ng ulo o kamay. Maglagay ng
kaunting espasyo at gumamit ng tamang
proporsyon upang hindi magmukhang
masikip ang larawan tulad ng pangkatng
larawan na nawawalan ng bisa at istorya.

Katangian ng Magandang
Larawan
8. Kalinawan. May taglay na sapat na
liwanag uang malinaw na makikita ang
bawat detalye sa larawan. Hindi against
the lightna maaaring magbigay ng
sobrang putting liwanag na magpapalabo
sa kinuhang larawan.


Katangian ng Kumukuha ng
Larawan

1. May malawak na imahinasyon. Bago
maging isang larawan ang kukuhanan,
ang imaheng ito ay naunang nabuo sa
iyong isipan. Kailngan mo ng malawak na
imahinasyon at kaisipan kung paano
maipapalabas ang larawang nasa iyong
isipan gamit ang lente ng iyong kamera.

Katangian ng Kumukuha ng
Larawan
2. May pagpapahalaga sa katotohanan.
Ang iyong kinukuhanan ay
nangangailangan ng paglalarawan ng
katotohanan o realidad.

Katangian ng Kumukuha ng
Larawan
3. May karunungan sa pakikisalamuha. Upang
makakuha ng isang larawang makatotohanan,
dapat isaalang alangang paksang kukuhanan.
Minsan kailangan mong makibagay sa iyong
paksa sa pamamagitan ng pakikipagkwentuhan
sa kanila upang maging komportable sila sa
iyong presensya. Sa ganitong paraan hindi sila
mahihiya o maiilang kumilos habang kumukuha
ka ng larawan. Minsan pa nga hindi na nila
alintana na mayroong kumukuha sa kanila ng
larawan
Katangian ng Kumukuha ng
Larawan
4. May mahabang pasensya. Hindi lahat ng
pangyayaring gusto mong makuhanan ay
magagawa mo nang mabuti sa isang iglap
lamang. Minsan may mga kaganapang
kailangan ng masugid na paghihintay
bago mo makuhanan ng tama kaya dapat
laging nakaantabay ang iyong kamera at
magkaroon ng mahaba-habang pasensya
Katangian ng Kumukuha ng
Larawan
5. May kaalaman sa kanilang kagamitan.
Sa lahat ng nabanggit, ito ang lubhang
mahalaga sa lahat dahil hindi
maisasakatuparan ang pagkuha ng
anumang larawan kung hindi mo alam
gamitin ang iyong kamera.Kahit ano pang
uri ng kamera ang mayroon ka, walang
magiging pagkakaiba ang iyong kuha kung
hindi mo pag-aaralan ang wastong
paggamit sa kanila.

Uri ng Kuha
Rule-of-thirds
Silhouette
Extreme Long Shot
Long Shot
Medium Shot
Medium Close-up Shot

Close-up Shot
Extreme Close-up Shot
Over-the-shoulder Shot
Headroom
Human Interest
Paggamit ng mga Bagay sa Paligid
Symmetry
Rule-of-thirds
Ang ating mga mata ay kadalasang nakatingin hindi sa
gitna kundi sa ikatlong bahagi ng larawan. Kaya ang
dapat gawin sa pagkuha ng larawan ay sumunod sa
kuhang ito. Nakatutulong ito upang mabigyan ng
tamang diin ang paksa ng larawan. Kapag hindi itoi
nasunod, maaaring mapunta sa ibang bahagi ng
larawan ang atensyon ng mga nakakakita nito, at
matatalo nito ang layunin ng larawan.
Rule-of-thirds
Ang bahaging
may bituin ang
rule-of-thirds,
hindi dapat
nalalayo ang
kinukuhanan ng
larawan dito.

Silhouette
Ang magandang
epekto nito sa larawan
ay animoy
melodramatic ang
dating.

Extreme Long Shot
Malayo ang kumukuha
ng larawan mula sa
paksa ng larawan. Ito
ay ginagawa upang
ipakita ng malawakan
ang tagpuan. Ito ay
kadalasang tinatawag
na landscape shot.
Long Shot
Ipinapakita ng shot na ito
kung nasaan ang tao, ano
ang panahon, oras na
kinuha ang larawan at iba
pa. Ipinapakita nito ang
relasyon ng tao sa kanyang
background. Kadalasan na
ang shot na ito ay full shot
ng isang tao, mula ulo
hanggang paa, at ang
tagpuan na kinalulugaran.
Medium Shot
Ang kuha na ito ay
mula ulo hanggang
baywang.

Medium Close-up Shot
Ito ay kuha mula dibdib
hanggang ulo ng tao.
Ginagamit ito upang
makita ang mukha nang
mas malinaw habang
pinapanatili pa rin ang
background na
angpapahayag sa
relasyon nilang dalawa.
Close-up Shot
Ito ay ginagamit
upang ipakita ang
emosyon ng tao.
Ipinapadama nito sa
nakakakita ang
nadarama ng paksa
sa panahon na iyon.
Extreme Close-up Shot
Ipinapakita nito
ang bahagi ng
muka na
nagpapakita ng
matinding
damdamin.
Over-the-shoulder Shot
Ipinapakita nito ang
damdamin ng kausap
sa isang dayalogo.
Nagmumula ang kuha
na ito mula sa balikat
ng tao diretso sa
kausap niya.
Headroom
Mahalaga ang espasyo
sa may ulong bahagi ng
tao. Kaya kung mayroong
sapat na espasyo ay
maganda ang
kalalabasan nito at
matutungo ang atensyon
ng makakakita sa
mismong paksa,hindi sa
kapintasan ng larawan.
Human Interest
Mahalaga ang background
sa isang larawan ngunit
hindi maaaring puro ganito
lamang.
Hindi magiging kaakit-akit
sa mga makakakita kung
mangyayari ito. Kung
maaari, dapat ay may mga
tao palagi upang
mabigyang buhay ang
larawan.
Paggamit ng mga Bagay sa
Paligid
Upang lalong mapaganda
ang larawan, maaaring
gumamit ng ibat ibang
bagay sa paligid na
magsisilbing frame ng
larawan. Maaari itong
maging rehas, bintana,
takip ng basurahan, at iba
pa.
Symmetry
Upang bigyang diin
ang balanse na dapat
taglay ng parehong
bahagi ng larawan,
maaaring kumuha ng
ganitong larawan.
Thankyou
and
God Bless!!!

You might also like