Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

E

P
P

4
ModifiedInSchoolOffSchoolApproachModules(MISOSA)
DistanceEducationforElementarySchools
SELFINSTRUCTIONALMATERIALS
PANGUNAHINGPARAAN
NGPAGPAPARAMI
NGHALAMANG
ORNAMENTAL
DepartmentofEducation
BUREAUOFELEMENTARYEDUCATION
2ndFloorBonifacioBuilding
DepEdComplex,MeralcoAvenue
PasigCity
Revised2010
bytheLearningResourceManagementandDevelopmentSystem(LRMDS),
DepEdDivisionofNegrosOccidental
undertheStrengtheningtheImplementationofBasicEducation
inSelectedProvincesintheVisayas(STRIVE).
Thiseditionhasbeenrevisedwithpermissionforonlinedistribution
throughtheLearningResourceManagementDevelopmentSystem(LRMDS)Portal
(http://lrmds.deped.gov.ph/)underProjectSTRIVEforBESRA,aprojectsupported
byAusAID.
Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Republic of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit.

This material was originally produced by the Bureau of Elementary
Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.



1
PANGUNAHING PARAAN NG PAGPAPARAMI
NG HALAMANG ORNAMENTAL









Kung ikaw ay napapasyal o napapunta sa isang narseri,
naiisip mo ba kung paano napaparami ang mga halamang
ornamental. Sa inyong bakuran, nakita mo ba ang
ginagawang pagpaparami ng mga halaman ng iyong tatay at
kuya? Sa modyul na ito ay malalaman mo na isa sa mga
gawain sa pagnanarseri ay ang pagpaparami ng halamang
ornamental. Kung ikaw ay may balak magparami ng halaman,
kailangan mo ang sapat na kaalaman sa pangunahing
pamamaraan. Ito ay upang maging matagumpay ka sa
gawaing ito. Isang hanapbuhay rin ang pagpaparami ng
halamang ornamental. Isang magandang hanapbuhay rin
ang pagpaparami ng halaman.

















ALAMIN MO




2







Tingnan mo ang mga larawan. Pag-aralan kung paano napaparami ang
mga halamang ornamental.




































PAG-ARALAN MO




1.
2.
3.



3























Sa palagay mo alin ang madaling pagpaparami ng mga halamang
ornamental? Alin naman sa mga ito ang mahirap na pagpaparami?

(Basahin ang isang pakikipanayam)

Sa inyong barangay ang iyong kamag-aral na si J ulio ay inanyayahan
na makapanayam ang isang magaling na magsasaka ukol sa
pagpaparami ng mga halamang ornamental. Narito ang mga payak na
tanong ni J ulio kay Mang Ruben.

J ulio : Anu-ano po ang paraan ng pagpaparami ng
halamang ornamental?
Mang Ruben : Marami ang mga paraan ng pagpaparami ng mga
halaman tulad ng mga sumusunod:

1. pagpupunla sa pamamagitan ng buto
2. pagpuputol o pagtatanim ng mga sanga
3. pagpapaugat (pagmamarcot)
4. pagdurugtong (grafting)
5. pagpapabuko (budding)



4.
5.



4
J ulio : Marami pala ang mga paraan ng pagpaparami ng
mga halamang ornamental.
Mang Ruben : Oo, mayroon tayong limang mga pangunahing paraan
ng pagpaparami ng halaman.
J ulio : Ang sibuyas at bawang paano po pinadadami?
Mang Ruben : Ang sibuyas at bawang ay napararami sa
pamamagitan ng tubers. Maaari din sa buto.
J ulio : Maraming salamat po at nalaman ko ang mga
pangunahing paraan ng pagpaparami ng halaman.
Maaari po bang magbigay kayo ng mga halimbawa
ng mga halaman na angkop sa ibat ibang uri ng
pagpaparami.
Mang Ruben : Narito ang mga halimbawa.
sa buto ilang-ilang zinnia, tsitsirika
sa sanga Euphorbia, San Francisco, Rosal,
Sampaguita
pagdurugtong gumamela, santan, white angel
sa tubers o ulo azucena, suhi, dwarf banana,
bromeliad, iris lily, calla lily







Lagyan ng halimbawa ang mga puwang ng mga paraan ng pagpaparami
ng halaman.

Hal: zinnia
1. Rosal _________
Buto

2. sampaguita _________
3. calla lily _________
4. tsitsirika _________
5. San Francisco _________









SUBUKIN MO




5






Ang pangunahing pagpaparami ng halaman ay ang pagpapaugat at
pappupunla.






Mahalaga na matutuhan ang ibat-ibang paraan ng pagpaparami ng
halaman dahil makatutulong din ito sa inyong kabuhayan.







Subukin magpatubo ng buto ng halaman na mayroon sa inyo. Itala kung ilang
araw bago tumubo.







Magtala ng limang halamang ornamental na nakikita mo sa inyong paligid
na maaaring patubuin sa buto at lima din sa pag-papaugat.
Kapag nakapagtala ka at natapos mo maaari mo nang gawin ang susunod
na modyul.


Binabati kita at matagumpay mong
natapos ang modyul na ito! Maaari mo na
ngayong simulan ang susunod na modyul.


TANDAAN MO


ISAPUSO MO


GAWIN MO


PAGTATAYA

You might also like