KASTILA Kalagayan ng Panitikang Filipino bago dumating ang mga Kastila Panitikang Filipino Ang Panitikan sa Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan sa bansang Pilipinas. Subalit nakakasama rin dito ang mga panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nasa labas ng sariling bansa, sapagkat inakdaan ang mga ito ng mga Pilipino, o ng may-lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa. Sa ngayon, ito ay tinatawag na Panitikang Filipino. Mga katangian ng Panitikang Pilipino Isang paglalantad ang panitikan ng mga katotohanang panlipunan at ng mga kathang-isip na guni-guni.
Hinahaplos nito ang mga sensorya ng tao: ang pantanaw, pandinig, pang-amoy, panlasa, at pandama.
Kapag binasa ang panitikan, pinagmumulan ito ng madamdaming emosyon sa isang tao o pangkat ng mga tao, sapagkat sinulat ang mga ito ng kapwa tao.
Madali at magaang ang pamamaraan ng pagkalat at pagpapamudmod ng panitikan sa Pilipinas. Sinaunang Panitikang Pilipino Dalawang bahagi ng Matandang Panitikan Panahon ng mga alamat Ang panahon ng mga alamat ay sumasakop mula sa panahon ng pagdating ng ikalawang pangkat ng mga Malay. Ang kanilang panitikan ay p asalita lamang na binubuo ng mgamitolohiya, alamat, kuwentong bayan, mahiya, seremonya sa pananampalatayay sumasambasila sa punongkahoy, sa araw at sa iba pang mga anito. Naniniwala rin sila sa pamahiin.
Kapanahunan ng mga Epiko o Tulang Bayani Nagsimula sa pa pali-palibot ng mga taong 1300 A.D. at nagtatapos sa panahon ng pananakop ni Legaazpi noong taong 1565. Kaligirang Pangkasaysayan ng Kapanahunan ng mga Alamat
1. Ang mga Ita o Negrito 2. Ang mga Indonesyo 3. Ang mga Bumbay 4. Ang mga Arabe at Persiyano Ang mga Negrito o Ita Ang kauna-unahang mga nanirahan sa Pilipinas ay ang mga Negrito o Ita. Sinasabi ng kasaysayang ang nga taong itoy dating nanirahan sa Tsina ngunit nang magkaroon ng pagsabog ang mga bulkan sa ilalim ng dagat ay nagkawatak-watak ang mga gilid ng lupa ng Tsina at ang sumabog na lupay naging Pilipinas. Hinango ang salitang Negrito mula sa Kastilang negro, at nangangahulugang "maliit na taong maitim", na tumutukoy sa kanilang maliit na pangangatawan. Walang sariling kulturang masasabi ang mga Ita. Wala silang nalalaman sa agham, paghahanap buhay, pamahalaan, sining, pagsulat, at sa pamumuhay. Sa panitikan ay wala silang nalalaman kundi ilang awitin at pamahiin. Ang mga Indonesyo (Indones) Sila ay nakarating sa Pilipinas may 8,000 taon na ang nakaraan. Ang unang sapit ng mga Indonesyo ay may lahing Mongol at Kaukaso kayat silay mapuputi at manilaw-nilaw ang balat. Matatangkad at balingkinitan ang kanilang mga katawan, makitid ang mukha, malapad ang noo, malalim ang mga mata at matangos ang ilong. Walang masasabing gaanong kultura ang kanilang dinala sa Pilipinas.
Pagkaraan ng 4,000 taon ay dumating naman ang ikalawang sapit. Iba ang hitsura nito kaysa sa mga unamg Indonesyong nandarayuhan sa atin. Ang mga itoy mabubulas at matipuno ang mga katawan ngunit maiitim. Silay may malapad na mukha, makapal na labi, malaki ang panga, malaki ang ilong, at bilugan ang mga mata. Sila ay may sariling sistema ng pamahalaan at may dalang panitikan gaya ng Epiko, Kuwentong Bayan, mga Alamat, mga Pamahiin at Pananampalatayang Pagano.
Ang mga Bumbay Ang mga Bumbay o Hindu ay nakarating sa Pilipinas noong ika-12 siglo. Ang unang sapit ng mga Bumbay ay nanggaling sa Borneo at silay nagdala ng pananampalatayang Budismo, Epiko at Mahiya.
Ang Ikalawang sapit ay nanggaling sa Java at Borneo din noong ika-14 na siglo, nagdala sila ng pananampalatayang Bramanistiko at panitikang epiko, awiting bayan atliriko. Marami ding mga salitang Bumbay o Hindu na bahagi na ng wikang Pilipino. Ang mga itoy, guro, bansa, mukha, likha, hukom, dukha at iba pa.
Ang mga Arabe at Persiyano Dumating ag mga mangangalakal na Arabe sa Pilipinas noong ika-12 siglo, ngunit ang nagdala ng pananampalatayang Muslim ay ang tinatawang na Hadramaut Sayyids mga misyonerong Arabe na nanggaling sa Malatsia at dumating sa Pilipinas noong ika 16-siglo. Kasama nila ang maraming mangangalakal na Arabe at Persiyano, silay nanirahan sa Mindanao at Sulu. Nagdala rin sila ng mga Epiko, Kuwentong Bayan, Dula at Alamat.
Kaligirang Pangkasaysayan Ukol sa Kapanahunan ng mga Epiko
1. Ang mga Malay 2. Ang mga Instik 3. Impluwensiya ng Imperyo ng Madyapahit 4. Ang Kaharian ng Malacca Ang mga Malay Tatlong pangkat ng mga Malay ang nakarating sa Pilipinas. Ang unang pangkat aynakarating dito noong kumulang humigit sa 200 taon bago namatay si Kristo at 100 taon pagkamatay ni Kristo. Ang mga Malay na itoy nagdala ng kanilang pananampalatayang pagano at mga awiting pangrelihiyon. Silay nangagtira sa kabundukan ng Luzon at sila ang mga ninunong mga Igorot, Bontok at Tinguianes. Ang ikalawang pangkat ay dumating dito mula noong 100 hanggang 1300 taon p agkamatay ni Kristo. Sila ang mga ninuno ng mga Tagalog, Bisaya, Ilokano at m ga iba pa. Silay may dalang wika, alpabeto, awiting bayan, kuwentong bayan, mga ala mat at mgakarunungang bayan. Ang mga ito bagamat mga tubong Malaysia ay kung saan-saan nanggaling na mga kalapit bansa gaya ng Borneo, Malacca at Indonesya at pagdating sa Pilipinas ay kumalat sila sa ibat ibang lalawigan ng Luzin at Visayas. Sila ang nagdala ng Baranggay. Ang ikatlong pangkat ay ang mga Malay na Moslem. Nagsidating sila noong 1,300 at 1,500 taon. Nanggaling sila sa Malaysia at nanirahan sa Mindananao at Sulu. Nagdala sila dito ng Epiko, Alamat, Kuwentong-Bayan at Pananampalatayang Moslem. Ang mga Instik Ang mga Intsik ay nakarating sa Pilipinas sa pagitan ng ikatlo hanggang ikawalong siglo. Ang mga Intsik ay nagdala ng kanilang wika- kayat mahigit sa 600 salitang Intsik ay bahagi na ng wikang Pilipino. Ang mga sali tang gusi, susi, mangkok, talyasi, kawali, kawa, bakya, tingi, I ngkong, Impo, bayaw, inso, kuya, diko, sangk o at mga iba pa ay nanggaling sa Intsik. Ang ilang kaugaliang sosyal ay galing din sa kanila. Ang Pilipinas ay nasakop ng mga Intsik noong taong 1405 hanggang 1417 noong panahon ni Yonglo.
Impluwensiya ng Imperyo ng Madyapahit / Kambodya Ang Imperyo ng Madjapahit na ang pinaka sentro ay Java sa Indonesya ay naging napakamakapangyarihan at maraming mga kalapit bansa ang nasakop. Kabilang dito ay IndoTsina, Cambodia, Siam, Anam, Tonkin at Pilipinas. Kayat ang Pilipinas ay nagkaroon ng impluwensiya ng mga bansang nabanggit lalo na sa panitikan. Ang mga kuwentong bayan ng Cebu, Panay, Negros at Palawan ay katulad ng mga kuwentong bayan ng mga nabanggit na mga bansa.
Ang Kaharian ng Malacca Sa pagbagsak ng Imperyo ng Madjapahit ay ang Imperyo naman ng Malacca ang naging makapangyarihan sa Silangan. Nagtatag sila ng pamahalaang pinamunuan ng mga Sultan o Rajah. Tumagal ang kapangyarihan ng Malaca ng may 20 taon mula noong 1430 hanggang 1450. Nagtatag sila ng pamahalaang pinamumunuan n g mga Sultan o Rajah. Sinasabing angkaraniwang pahayag na Alla-eh sa Batangas ay impluwensiya ng Imperyo ng Malacca.
Mga Panitikang umusbong sa Panahong ito Bulong Ang bulong ay isang uri ng tradisyonal na dula at itoy labis na pinaniniwalaan ng mga unang Pilipino. Isa pang pagbulong ay paghingi ng pahintulot sa pinaniniwalaan nilang nuno sa punso. Kasaysayan ng Alamat Bago pa dumating ang mga Kastila ay mayaman na ang mga Pilipino sa alamat. Ang alamat ay isang uri ng panitikang tuluyang kinasasalaminan ng mga matatandang kaugaliang Pilipino at nagsasalaysay ng pinagbuhatan ng isang bagay, pook o pangyayari. Ang pangyayariy hindi makatotohanan at hindi kapanipaniwala.
Ang Mga Kuwentong Bayan Bago pa lumaganap ang panitikang paulat ay laganap na sa Pilipinas ang kuwentong bayan. Itoy isang tuluyang kuwentong nagsasalaysay ng mga tradisyong Pilipino. Karamihan ng mga kuwentong baying Pilipino ay tungkol sa kanilang mga Diyos, at mga ispiritu na siyang nagtatakda ng kapalaran ng tao. Mga Katangian ng Panahong Ito Sa panahong ito dumating ang mga Malay na may sarili nang alpabeto na tinatawag na Alibata. Sila ang mga Malay na Muslim na maalam nang magsulat. Ito ang alpabetong Arabe na hanggan ngayon ay ginagamit pa ng mga Muslim sa Mindanaw at Sulu. Hinalinhan ng Kastilaang tawag sa alpabetong ito at tinawag na Baybayin at ngayon ay siyang tinatawag na Abakada.
Ang Bugtong Ang mga bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Itoy binibigkas ng patula at may lima hanggang labindalawang pantig. Ang mga Tagalog ang pinakamayaman sa bugtong. Ang mga Awiting Bayan Ang awiting bayan ay isang tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian,karanasan, pananampalataya, gawain o hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang pook.Maraming mga uri ng mga awitin. May mga awit tungkol sa pagdakila sa kanilang Bathala, pag- awit sa pagsisisi sa kasalanan, pag-awit upang sumagana ang mga ani, pag-awit tungkol sakatapatan ng pag-ibig, pag-awit sa pakikidigma, pag-awit sa tagumpay, pag-awit sa pagpapatulogng bata, pag-awit sa kasal, pag-awit bilang pagpuri sa kanilang mga ninuno.
Ang mga Karunungang Bayan Ang mga karunungang bayan ay binubuo ng mga bugtong, salawi kain, sawikain, kasabihan at palaisipan. Karamihan ang mga itoy nanggaling sa mga Tagalog at hinugot sa mgamahahabang tula. Ang mga unang salawikain at sawikain ay may pagkakatulad sa ma tula ngIndiya, Indonesya, Burma at Siyam. Itoy nagpapatunay lamang na noong unang panahon aynagdala ang mga bansang nabanggit ng impluwensiya ng kanilang panitikan sa Pilipinas Ang Salawikain Ang salawikain ay isang patalinhagang pahayag na ginagamit ng mga matatanda noongunang panahon upang mangaral at akayin ang mga kabataan sa mabuting asal. Itoy patulang binibigkas na may sukat at tugma. Ito ang nagsilbing batas ng magandang kaugalian at pagkilosnoong panahon ng ating mga ninuno. Ang Palaisipan Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Itoy gumigising sa isipan ng tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin. Kahit na sa paaralan ngayon ay ginagamit na ang palaisipan sapagkat itoy isang paraan upang tumalas ang isipan ng mga mag-aaral. Ang Mga Unang Dulang Pilipino Ang unang dulang Pilipino ay patula rin ang usapan. Nang dumating ang mga Kastila ay may nadatnan na silang mga dulang ginaganap sa ibat-ibang pagkakataon. Ang mga itoy ginaganap na kaugnay ng mga seremonya sa pananampalataya at pagpaparangal sa kani-kanilang mga pinuno at bayani.
Ang Mga Sawikain Ang sawikain, bagaman patula rin at may sukat at tugma ay iba kaysa salawikainsapagkatt itoy nagpapahayag ng katotohanan at nagpapakilala ng gawi o ugali ng isang tao. Ang Mga Kasabihan Ang mga kasabihan ay karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa isang gawi okilos ng ibang tao. Itoy patula rin.
Mga Ambag ng mga Dayuhan sa Panitikang Filipino Mga Negrito Awitin at pamahiin
Ang mga Indonesyo Epiko, Kuwentong Bayan, mga Alamat, mga Pamahiin at Pananampalatayang Pagano.
Ang mga Bumbay Nagdala sila ng pananampalatayang Bramanistiko at panitika ng epiko, awiting bayan at liriko.
Ang mga Arabe at Persiyano Epiko, Kuwentong Bayan, Dula at Alamat.
Ang mga Malay Una pananampalatayang pagano at mga awiting pangrelihiyon Ikalawa wika, alpabeto, awiting bayan, kuwentong baya n, mga alamat at mgakarunungang bayan Ikatlo Epiko, Alamat, Kuwentong-Bayan at Pananampalatayang Moslem.
Impluwensiya ng Imperyo ng Madyapahit Mga Kuwentong Bayan
Ang Kaharian ng Malacca Pamahalaang pinamumunuan ng mga Sultan o Rajah. Mga kuwentong bayan. Ang mga Instik Wikang Intsik at ilang mga kaugalian
Group 1 Members Rhay Racoma Kathleen Pel Marie Sy Vichelie Vagsater Angelica Tabugan Lily De Silva Nadine Zamora
Kurt Yu Marielito Osorio Shingo Murakoshi Patrick Abat