Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

PAGHAHALAMANG GULAY

Ang paghahalaman ay isang sining ng pag-aalaga at pagtatanim ng mga halamang ornamental,


gulay at mga punongkahoy. Itoy isang gawaing nagdudulot ng maraming kapakinabangan sa
pamilya, pamayanan at sa bansa.

Ang pamilya na nag-uukol ng panahon sa paghahalaman ay makatitipid sa kanilang gugulin sa
pagkain. Ang anumang lumabis sa kanilang pangangailangan ay maaari nilang ipagbili sa pamayanan
at sa pamilihan. Kung sarili ang lupang tataniman makapipili ng uri ng halamang itatanim batay na
rin sa mga pangangailangan ng pamilya. Mula sa mga halamang tanim ay matugunan ang
sustansyang pangangailangan ng katawan tulad ng protina, carbohydrates, fats, minerals at iba pa.
Ang mga halamang tanim ay nakapagpapaganda rin ng paligid bukod pa sa nagagamit nang
makabuluhan ang malayang oras sa pagtatanim.

Ang paghahalaman ay isang gawaing nakatutulong hindi lamang sa kabuhayan ng pamilya kundi
pati rin sa programa ng pamahalaan tungo sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Sa katunayan, may
mga ahensya o sangay ng pamahalaan na tumutulong sa pagpapaunlad ng mga gawaing tulad ng
pagbibigay ng libreng seminar, pamimigay ng mga babasahin/ polyeto at iba pa ukol sa
makabagong pamamaraan.

PANGUNAHING PAMAMARAAN SA
PAGHAHALAMANG-GULAY
1. Pangangailangan ng halaman:

a. Matabang Lupa dapat buhaghag, magaan at masustansya ang lupa sa lugar na
pagtanima ng halamang-gulay.
TATLONG PANGUNAHING URI NG LUPA
1. Loam
2. Luwad
3. Buhangin
LOAM - ang pinaka-angkop sa paghahalamang-gulay sapagkat ito ay buhaghag, magaan
at madaling bungkalin.
b. Sikat ng Araw ang init ng araw ay tumutulong sa mga halaman sa paggawa nila ng
pagkain.
c. Tubig kailangan diligan ang mga halamang-gulay araw-araw upang masipsip ng mga
ugat nito ang sustansiyang taglay ng lupa.
a. Sariwang Hangin


2. Pagpipili ng Halamang Itatanim
3. Paghahanda ng Lupang Pagtataniman
4. Paghahanda ng Lupang Taniman
1.paglilinis ng lupang taniman.
2.pagsaukat ng lupang taniman.
3.pagtutulos ng apat na sulok ng tamang taniman.
4.pagbubungkal ng lupa.
5.paglalagay ng pataba ng lupa.
6.pagpipino ng lupa.
7.pagdidilig ng lupa.
Sa Paghahanda ng Kamang tniman kakailanganin ang mga sumusunod na
kagamitan at ito ay ang mga sumusunod : piko, asarol kalaykaty at ang lugar
na paglalagyan ng mga punla
1.Sa paghahanda ng kamang taniman tiyakin na ang lupang gagamitin ay
walang mga nakakasagabal tulad ng mga basura at mga kemikal na maaaring
makasira sa kalidad ng mga halamang patutubuin
2. Gamit ang piko, bungkalin at alisin ang nga di kailangan tulad ng mga
damong ligaw at mga halamang maaaring makakuha ng sustansya at mga
mineral na para sa halaman.
3. Sa pamamagitan ng kalaykay. buhaghagin ang lupa upang maging pantay
ang distribusyon nang lupa sa bawat lupang paglalagyan ng punla.
4. Gumamit ng dulos at pisi upang magkaroon nang susunding tanda sa
paglalagyan nang punla.
5. Isaayos ang lupa sa anyong kama upang magkaroon nang pantay na
distrubusyon ang bawat punla at ang lupang paglalagyan ng mga halaman.
6. Maaaring gumamit ng sisidlang punlaan sa mga bagong sibol na halaman
upang mapangalagaan ang mga ugat nito.
7. Lagyan nang angkop na pataba ang mga halaman .
8. Upang maiwasan ang pagkakakaro nang mga peste tulad ng mga uod at mga
damong ligaw ugaliing maglagay ng mga pestisidyo upang maiwasan ang
pagkasura ng mga ito.


Paghahanda ng Lupang Taniman
Mahalagang maihanda ang lupa bago magtanim. Makakapag-aani nang masagana at
mataas na uri ng gulay kung maayos at angkop ang lupang tataniman. Narito ang mga
hakbang sa paghahanda ng lupang taniman.

You might also like