Filipino 8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

1

BRIGHTWOODS SCHOOL
High School Department
SY 2014-2015


Filipino 8
2
nd
Quarter Lecture

PANGKALAHATANG IDEYA





Nilalaman din nito ang mayamang panghihikayat ng Pilipinas sa pamamagitan ng ibat
ibang mga pelikulang Pilipino. Mailalahad ang mga ito sa pamamagitan ng pakikinig at panonood.
Naririto ang araling ating tatalakayin:
Aralin 1 Ang Tulang Pantanghalan at mga uri nito
Aralin 2 Mga halimbawang tula
Aralin 3 Mga Pelikulang Pilipino: Komedya

Anu-ano Ang Mga Matutuhan Mo Sa Handout Na Ito?
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang:
makikilala mo ang ibat ibang uri ng tulang pantanghalan sa Filipino
maipaliliwanag mo ang katangian ng bawat isa
maipakikita mo ang pagpapahalaga sa ibat ibang uri ng tulang pantanghalan na
nabanggit sa pamamagitan ng masusing pakikinig at pagbabasa ng mga
halimbawa
ng bawat isa

makikita ang kulturang Filipino sa mga Pelikulang Pilipino: Komedya

Ang Pilipinas ay mayaman sa ibat ibang anyo ng panitikang naglalarawan
sa kulturang Filipino. Sa handout na ito, makikilala mo ang isang anyo ng panitikan
sa Pilipinas. Ilalarawan dito ang tanyag na mga halimbawa ng tulang pantanghalan.
Isa-isang ilalahad sa handout na ito ang ibat ibang uri ng tulang patnigan.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon sa iyo na basahin ang ilang
halimbawa ng tulang pantanghalan.
2

TULANG PANTANGHALAN
_________________________________________________________________

Aralin 1: Tulang Pantanghalan: Pagtatanghal sa mga Nakaraang Kasaysayan



Basahin Natin Ito
Ang tulang dula o tulang pantanghalan o dulang pantanghalan ay kahit
anumang drama na sinulat bilang isang berso para wikain. At ang dula ay
isinasagawa sa tanghalan kaya ito ay tinawag na dulang pantanghalan.

Aralin 2: Tulang Pantanghalan Uri at Halimbawa










Ang dula ay ang pagtatanghal ng kalooban ng isang
pakikipagtunggali ng tao sa mahiwagang
kapangyarihan ng kalikasang humahadlang at
humaharap sa atin: isa ito sa inilalagay sa tanghalan
upang doon makibaka sa kamatayan, sa batas-
panlipunan, sa kaniyang kapwa-tao, sa kaniyang sarili,
kung kinakailangan, sa mapag-adhikang interes,
kapinsalaan, at ibat ibang paghahangad ng mga taong

Ang uri ng tulang pantanghalan ay hindi lamang
sumasaklaw sa moro-moro o komedya, tibag,
panunuluyan, sarsuwela, senakulo, kundi gayon din sa
mag-isang salaysay (monologo), lirikong dula, tulang
dulang katatawanan, tulang dulang kalunos-lunos,
melodramatikong dula at dulang parsa.
3

TULANG PANTANGHALAN
_________________________________________________________________
Basahin Natin
1. MORO-MORO O KOMEDYA isa sa ugat ng dulang Tagalog noong
panahon ng Espanyol na pasalaysay ang paraan ng pagkakasulat.
Layunin nitong palaganapin ang diwa ng Kristiyanismo. Isa itong libangan
ng mga Pilipino na itinatanghal sa pagdiriwang ng piyesta sa ibat ibang
lugar.
2. PANUNULUYAN dulang panlansangan tungkol sa paghahanap ng matutuluyan ni
Birheng Maria na malapit nang manganak. Ginagawa ito tuwingbuwan ng Disyembre bilang
paghahanda sa Kapaskuhan.
3. TIBAG tungkol sa paghahanap ng krus na pinagpakuan kay Hesukristo. Nang makita at
bilang paggalang, iprinusisyon nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino.
4. SARSUWELA isang masayang dula. May tugtugan at awitan. Minsan ay may kalakip
na pampatawa, may kaunting aksiyon o tunggalian. Ang salitaan ay patula o paawit.
5. SENAKULO pandulaang bersiyon ng Pasyon tungkol sa hirap at sakit ng Panginoong
Hesukristo.
Iba pang uri:
1. TULANG DULANG MAG-ISANG SALAYSAY (MONOLOGO) isang tao lamang ang
nagsasalita mula sa simula hanggang sa katapusan ng dula. Hindi lamang para kaniyang
sarili kundi gayon din para sa mga kalagayan at himig at sa lahat ng mga natutukoy sa tula.
2. TULANG DULANG LIRIKO-DAMDAMIN taglay nito ang kawilihan sa mga kalagayan,
kilos at damdaming ipinahahayag sa pamamagitan ng mga salita ng taong kinauukulan.
3. TULANG DULANG KATATAWANAN/ KOMEDYA nasusulat sa pamamaraan at
paksang- diwang kapwa katawa-tawa.
4. TULANG DULANG KALUNOS-LUNOS/ TRAHEDYA tumutukoy ito sa
pakikipagtunggali at pagkasawi ng isang pangunahing tauhan laban sa isang malakas na higit
na makapangyarihan, tulad ng tadhana, bagay na saw akas ay nagbubunga ng pagkahabag o
pagkakasindak ng tumutunghay.

4


TULANG PANTANGHALAN
_________________________________________________________________
5. TULANG DULANG MADAMDAMIN/ MELODRAMA isang dula na naglalarawan ng
galaw ng isang lubhang madamdamin at nakasisindak na pangyayari, nakahihigit sa karaniwang
karanasan ng isang tao.
6. TULANG DULANG PARSA itinatanghal ang mga pangyayaring lubhang katuwa-tuwa,
sagana sa mga kabaligtaran at ang balangkas ay higit na katawa-tawa kaysa makatuwiran.


Aralin 3: PELIKULANG PILIPINO: KOMEDYA
Ang paggamit ng komedya sa mga pelikula ay isa sa paborito ng
mga Pilipino. Para sa masa, nakakaaliw ang mga eksenang nagdudulot ng
tawanan at halakhakan. Ibat ibang uri ng komedya ang matatagpuan sa
mga pelikulang Pilipino. Meron iyong nakalulugod na romantic-comedy.
Meron din mga parodiya na ang layunin ay pagtawanan ang ibang mga
seryosong pelikula, mga inaakalang horror sa simula pero komedya pala.
Isa rin sa mga paboritong uri ng komedya ng mga Pilipino ay yaong mga
pelikulang mga bakla o nasa ikatlong kasarian ang bida.
Isa sa mga inahangahan pagdating sa pagpapatawa ay ang yumaong si Dolphy ay hindi
lamang isang idolo; siya ay isa ring artist na sa mga nilikhang karakter ay
mababanaag ang bugso ng iba't ibang emosyon, ang malawak na
pananaw, ang kaluluwa ng Filipino. Kadalasang papel niya'y
pangkaraniwang mamamayan - - maralita at api-apihan pero parating
masaya, may pangarap, at di nagpapatalo sa bawat paghamon ng buhay;
sa bandang huli'y nalalampasan ang sunud-sunod na krisis. Mala-henyo niyang tinatalakay ang
bawat pagsubok ng tadhana, at sa nakatatawang paraan at paggamit ng perfect timing, pinapakita
ang bawat damdamin ng isang nilalang: saya, lungkot, sigla, panlulumo, kapilyuhan, takot, tapang,
kabiguan, tagumpay. Damang-dama ng mga manonood ang pakikipagsapalaran ng bawat
karakter ni Dolphy; kitang-kita nila ang mga sarili sa pagkatao nito.


5

You might also like