Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG ALAMAT NG GUBAT

Ang Alamat ng Gubat ay umiikot kay Tong, anak ni Haring Talangka, at sa kanyang
pakikipagsapalaran sa paghahanap ng puso ng saging sa gubat. Ang puso ng saging
ang katangi-tanging gamot na makakapagpagaling sa kanyang may sakit na ama.
Sa simula ng kanyang paglalakbay, una niyang nakita si Buwaya. Mabilis niyang
tinanong ito kung nasaan ang puso ng saging ngunit sa bawat tanong ni Tong ay
ipinagbabayad siya ng tatlong perlas. Si Maya, ang kanang-kamay ni Buwaya ay
ganon din ang gusto. At nang wala ng mabigay si Tong, biglang umatake si Buwaya
at gusto siyang kainin kaya dali-dali siyang tumakbo.
Kasunod niyang nakita si Leon na inutusan siyang magbigay ng mga itlog na inagaw
ni Buwaya kina Manok at Pagong kapalit ng pagturo sa kanya kung nasaan ang puso
ng saging.
Habang naglalakbay, di na mapigilan ni Tong ang tawag ng kalikasan. May nakita
siyang pulang bato at nalaman ito pala ay si Ulang. Si Ulang ay nasa tabing dagat
abala sa paggawa ng wala. Hindi siya gumagalaw at walang balak gumalaw
anumang oras.
Papunta na si Tong kina Manok at Pagong nang may marinig siyang nagpupulong. Ito
ang mga insekto na nag-aaway dahil sa planong paghihimagsik ni Tipaklong. Ang
paninindigan ni Tipaklong ay dapat sila rin ay matanggap bilang hayop. Sila ay
minamaliit ng ibang hayop dahil sa kanilang laki. Si Langgam naman ay di sang-ayon
dito dahil marami raw maapektuhan sa paghihimagsik ni Tipaklong. Gugulo lang raw
ang maayos niyang mga negosyo at pagmamay-ari. Idiniin niya na kaya ni Tipaklong
maghimagsik dahil walang mawawala sa kanya.
Nakarating na rin siya kina Manok at Pagong. Mabilis niyang binigay ang mga itlog sa
kanila at itinanong kung saan makikita ang puso ng saging. Si Aso daw ang
makakapagturo kay Tong kung nasaan ang puso ng saging. Sinamahan ni Pagong si
Tong papunta kay Aso.
Nang makarating kay Aso, na kinakaiin at isinusuka ang suka niya, itunuro agad nito
ang puno kung nasaan ang puso ng saging. Maibibigay lang daw ni Aso ito kung
magkakaroon sila ng kasunduan. Ibibigay ni Aso ang puso ng saging kay Tong para
mapagaling nito ang kanyang Amang Hari at ang kahilingan na nakapaloob sa puso
ng saging ay mapupunta kay Aso. Narinig ito lahat ni Kuneho na tutol sa mga
sinasabi ni Aso. Gusto ni Kuneho na sa kanya mapunta ang kahilingan. Maya-maya ay
nagkagulo na at naisipan kung sino ang magiging hari siya ang makakapagdesisyon
kung kanino mapupunta ang kahilingan.
Nagkabotohan kung sino ang gusto nilang maging hari ng kagubatan. Nauna si Aso
na marami ang bumoto. Sumunod naman si Langgam na binoto ng mga insekto. Siya
na dapat ang hari ngunit dumating si Tipaklong kasama ang kanyang mga libo-libong
alagad na mga langaw. Mabilis niyang naungusan si Langgam dahil sa dami ng
langaw na bumoto sa kanya. Hindi nagpatalo si Kuneho at binili ang boto ng mga
langaw at ni Aso sa pamamagitan ng pagbibigay ng dumi para sa langaw at suka
para kay Aso.
Sa pag-iisip na hindi matatapos ang botohang ito, naisipan ni Langgam na
magpaligsahan na lang sila para matapos ang gulo. Ang nanalo sa paligsahan ay si
Langgam na agad na tinanghal na hari ng gubat. Ngunit sa di inaasahang pangyayari,
may nakatapak kay Langgam at ito ay namatay. Hindi malaman kung ito ay
maruming pulitka o aksidente.
Hindi nagtagal pumunta na sina Aso, Pagong, Kuneho at Tong sa puno ng puso ng
saging. Doon nag-isip sila kung paano maaabot ang puso ng saging. Hindi na nila
inisip kung sino ang makakakuha ng kahilingan. At nagsimula na ang kanilang
pagkuha sa puso ng saging na laging nauudlot dahil lahat ay gusto sila ang
makakuha nito. Nakuha na nila ang puso ng saging ngunit hindi namalayan na
nandiyan na sina Buwaya at Leon kasama ang kapatid ni Tong. Ang kanyang kapatid
ay matagal ng may galit kay Tong dahil laging siya ang panapaboran ng kanyang
magulang. Pinagsamantalahan ng kanyang kapatid ang nobya ni Tong na lubos
niyang ikinalungkot. Dali-daling humiling si Kuneho na maayos at mailigtas ang lahat
ng hayop ngunit inagaw ito ni Aso at humiling ito ng suka. Sabay-sabay ang mga
gulong nangyayari bigla na lang nandilim ang paningin ni Tong.
Pagmulat niya ng kanyang mata, napadpad siya sa pampang ng isang tabing-dagat.
Doon meron siyang namumukhaan na pula na nilalang sa may tabing-dagat. Lumapit
siya at natukalasan na ito ay si Ulang. Ginising niya ito ngunit ayaw sumagot ni
Ulang. Doon lang niya nahinuha na si Ulang ay pumanaw dahil sa hindi paggalaw at
paggawa ng wala. Siya ay nabilad sa araw at di nakayanan ang init nito.
Sa pagdadalamhati niya, siya ay nagisip-isip sa kanyang mga nagawang pagkakamali
at nagdesisyon kailangan niyang magpatuloy sa paglalakbay niya. Sa knayang
paglalakad ay may nagtapon sa kanya ng saging. Ito ay si Matsing, tinanong niya ito
kung ano ang kailangan nito. Sinabi ni Tong na hinahanap niya ang puso ng saging. Si
Matsing ay dali-saling tumulong sa kanya. Ibinigay niya ang puso ng saging kay Tong
pero sinabi niya na wala naman karamdaman ang kanyang ama. Ginagawa lang niya
ito para mapagtakpan ang kanyang kamalian. Ang puso ng saging ay nagsisilbing
pampamanhid sa mga nararamdaman ng Amang Hari. Sinabi rin ni Matsing na dapat
di siya basta naniwala kahit kanino. Hindi dapat siya magpagamit sa mga tao at
matuto siyang manindigan.
Namulat si Tong sa mga pangaral ni Matsing at gusto niya ipaglaban ang karapatan
ng mga hayop sa gubat. Hindi siya natatakot sa kahit anuman ang mangyari, basta
ang mahalaga lang ay maipaglaban niya ang knaiyang pinaniniwalaan.

You might also like