Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mga Pinagmulan ng Tao

Dryopithecus
Ito ang unggoy na pinaniniwalaang pinagmulan ng tao dahil sa hugis ng ngipin nito na nahahawig sa tao. Ito ay natuklasang
nabuhay may 14-20 milyong taon na ang nakaraan.
Ang Dryopithecus ay isang genus ng unggoy na kilala mula Silangang Aprika hanggang Eurasia. PInaniniwalaang sila ay
nabuhay noong late Miocene period. Ang unang specie nito ay unang nadiskubre sa lugar ng Saint-Gaudens,Haute-Garonne,
sa Pransya noong 1856. Ang ibang mga kalahi nito ay nakita sa Hungary, Espanya, at Tsina.
Ang mga Dryopithecus ay suspensori, may malaking utak, at may naudlot na paglaki. Mayroon silang malambot na panga, na
may bagang na may kakaunting balot ng enamel, na nangangahulugang ito ay kumakain ng puro prutas at punongkahoy,
katulad ng kinakain ng isang natural na unggoy.
Ang Dropithecus ay may taas na 60 sentimetro o 24 na pulgada sa haa ng katawan, at mas kamukha ng isang unggoy kaysa
sa isang modernong unggoy. Ang istruktura ng kanilang mga paa at paligid ng kamay ay nagpapakita na ito ay naglalakad na
katulad ng isang modernong chimpanzee, ngunit hindi nakatiklop ang kamay, gaya ng paglalakad ng isang unggoy. Ang
mukha nito ay laging nakatungo dahil likas na ito sa kanila.
Ramapithecus
Higit na maunlad naman ang unggoy na natuklasan sa Siwalik Hills ng India; ito ay nakatindig nang tuwid na tindig kung kaya
nakagagawa na ito ng mga simpleng gawain.
Ang Ramapithecus ay hango sa pangalan ng isang epikong Hindu na pinangalanang Ramayana, ang sikat na epiko sa India
magpahanggang ngayon. Ang ibig sabihin ng Rama ay dakilang tagapagtanggol. Ang Ramapithecus ay isa sa mga ninunong
unggoy na nabuhay mula 12-14 milyong taon na ang nakararaan. Ang unang mga bungo nito ay natuklasan sa Siwalik Hills ng
India noong 1932. Ito ay kasama sa genus ng mga Sivapithecus. Ang mga Sivapithecus ay isang genus ng mga extinct na
primates na nabuhay noong 12.5-8.5 milyong taon na ang nakakalipas, sa tinaguriang Miocene period. Nakita sila noon pang
ika-19 na siglo doon din sa Siwalik Hills na ngayon ay nasa India, Nepal, at Pakistan. Anuman sa mga species nito ay
pinaniniwalaang ang ninuno ay ang mga orangutan.
Ang mga Ramapithecus ay may taas na 1.5 na metro o 4.9 talampakan sa haba ng katawan, na halos kapareho ng laki ng
isang modernong orangutan. Sa halos lahat ng aspeto, mas kamukha nito ang isang chimpanzee, maliban sa mukha at tindig,
na katulad ng isang orangutan. Base sa hitsura ng paligid ng kamay at uong katawan nito, sinasabi nito na mas lumagi ito sa
lupa ng mas matagal,na nangangahulugang ito ay nakakapaglakad na sa sariling dalawang paa nito. Mas malaki ang mga
ngipin nito sa harap at mayroong mas malalaking bagang kaysa sa mga Dryopithecus, na nangangahulugang ang kinakain nit
ay matitigas na pagkain, katulad ng mga buto ng halamang at mga damo ng savannah.
Mas malaki ang mga ngipin nito sa harap at mayroong mas malalaking bagang kaysa sa mga Dryopithecus, na
nangangahulugang ang kinakain nito ay matitigas na pagkain, katulad ng mga buto ng halamang at mga damo ng savannah.
Ang kanilang pagtayo sa dalawang paa ay maaaring sanhi ng tintawag na ecological succession, kung saan nagbabago ang
anyo ng isang lugar dahil sa pabago-bagong panahon dito.
Ang mga Ramapithecus noon ay mayroon nang tinatawag na Foramen Magnum, ang butas sa bungo na nagkokonekta ng
utak sa spinal cord. Sinasabing mas malaki na ang utak nila kaysa sa mga sinaunang unggoy. Mas malaki din ang kanilang
mga panga, at pantay ang kanilang mga ngipin.
Australopithecus africanus
Ito ay natagpuan sa Taung, South Africa. Ito ang unang pangkat ng Homo. Ang utak nito ay sinlaki ng sa modernong tao. Ito
ay nakalalakad na gamit ang kanyang dalawang paa at may taas na 4-5 talampakan. Ang kanyang mga kagamitan ay gawa sa
matutulis na bato.
Ang A.africanus ay isang ninunong hominid, na nabuhay noong 2-3 milyong taon na ang nakararaan, sa tinatawag na
panahon ng Pliocene. Ang katawan ng isang A.africanus ay ginawa ng may hubog, kaya ipinagpalagay na ito ang direktang
ninuno ng mga modernong tao. Ang mga nakitang bungo nito ay tanging sa Africa lamang natagpuan: sa Taung(1924),
Sterkfontein(1935), Makapansgat(1948), at sa Gladysvale(1992).Ang ibig sabihin ng australopithecus africanus ay southern
ape of Africa Ang unang nadiskubreng kalansay nito ay nakita sa Taung, Kimberley, South Africa na nakita ng heologong si
Raymond Dart.
Ang bungo ng isang A. africanus ay halos kamukha ng isang primitibong unggoy, na kahawig nito sa laki at hugis ng mata,
ngipin, at ang pinakamahalaga ay ang butas nito sa ilalim ng bungo, na tinatawag na Foramen Magnum, na
nangangahulugang sila ay mayroon nang posturang kahawig sa tao.

You might also like