Ang paghahayag ni Noynoy Aguino III ng kanyang report sa taong bayan ay binanggit punto por punto sa bawat categorya. Ang kanyang talumpati ay umabot ng isanag oras at tatlumput limang minuto. Bawat magandang mga mensahe pumapalakpak ang mga tao sa loob ng Batasan. Ang mga sumusunod ay ang Buod ng SONA 2014 ni Pangulong Benigyo Aquino III. Tungkol sa kahirapan / Economiya - Nasimulan na po natin ang Expanded Conditional Cash Transfer Program nitong Hunyo, na may pondong P12.3 bilyon - Ang mahihirap na Pilipino na umangat ang status na poverty line ay di na babalik sa ilalim ng poverty line ulit. - 27.9% na poverty incidence natin sa unang semester ng 2012, bumaba sa 24.9% sa kaparehong panahon noong 2013. - Nakatipid tayo dahil sa maayos na pangangasiwa ng pondo - Gumanda ang pagkolekta ng buwis sa P1.536T
Tungkol sa Turismo - Dadami ang biyahe ng lokal flight carriers palabas at paloob ng bansa matapos naibalik ang good rating sa mga flights sa Pilipinas.
Imprastruktura - Dumoble ang budget simula noong 2011 hanggang 2014 na P404 billion - Mga butas sa sistema sa DPWH, tinugunan na kaya naiwasan ang korapsyon. - Kasabay ng mga natipid ng DPWH, ang nailatag, napaayos, napagawang kalsada, umabot na sa 12,184 km - Ang Aluling Bridge (1978), bukas na sa publiko - Ang Metro Manila Skyway Stage 3 na bahagi ng Metro Manila Expressway na proyekto noong dekada 70s, inilunsad ngayong taon - Pinakamalaking PPP project, ang Laguna Lakeshore Expressway Dike, bubuksan na ang bidding bago mag-2014 - Clark Green City sa Tarlac ang susunod na Bonifacio Global City - Maliban sa mga proyekto sa Puerto Princesa Airport, abangan na rin ninyo ang Busuanga Airport.
AFP Modernization - Dumating na rin po ang 4 na refurbished UH1 helicopters at 2 modernong navy cutters at ang gobyerno magdadagdag pa ng mas maraming aircraft & radar system - Dahil sa maayos na procurement, tapat na pangangasiwa sa pondo, may savings: P1.2B, ipinambibili na natin ng mas marami pang baril. - Sa Setyembre inaasaha natin ng mas maraming refurbished helicopters. - Nagbabago na rin nga po ang mukha ng ating kapulisan. Naabot na ang 1:1 police to pistol ratio. - Ipinapatupad natin sa National Capital Region ang operation lambat matapos triplihin ang checkpoints.
Ang mensahe ni Pangulong Noynoy Sa mga kumukontra sa pamahalaan. - Ang pinakamaingay na kumukontra sa atin ay ayaw ng reporma. - Inatasan nyo ako itimon ang bangka ng estado sa isla kung saan mas maayos ang buhay. Pero ayaw tayong pumalaot dahil walang maaabuso - Hindi naman ako ang kinokontra ng mga ito, kundi ang taumbayang nakikinabang sa tuwid na daan. - Para sa mga ginawang negosyo ang kanilang posisyon, mawawalan sila ng pagkakataong magsamantala - Natural lang na kontrahin nila tayo. Ang pinakamaingay na kumukontra sa atin ay ayaw ng transpormasyon. - Mas malakas tayo magsagwan tungo sa pagbabago - Lumilinaw ang benepisyo ng reporma, pahirap nang pahirap ang pag-asang magtagumpay ang panlilinlang nila. - Kontra sila sa mga maagang naililikas sa panahon ng bagyo dahil sa pinahusay na - Magtatagumpay tayo dahil tayo ang nasa tama. Umaarangkada na ang Pilipino - Nangarap tayo, nagsimula tayo, nagsikap tayo, nakabuwelo tayo, at ngayon, umaarangkada na nga po ang Pilipino - Pero buo ang loob ko. Mas malakas po tayong mga handang makisagwan tungo sa pagbabago. - Wala pa tayo sa pwesto, inaatake na nila ako; ngayong pangulo na ako, patuloy pa rin ang mga kontra sa pagbabago - Tuloy pa rin ang mga kontra sa pagbabago. Tingin ko, maski sa pagbabago sa pwesto, hindi pa rin sila titigil. Mas malakas po tayong mga handang makisagwan tungo sa pagbabago - Sa paghakbang sa tuwid na daan, pinili ninyo ang mabuti at ang tama; tumotoo kayo sa akinat ako naman ay tumotoo sa inyo. - Nagsikap tayo, nakabwelo tayo, at ngayon, umaarangkada na po ang mga Pilipino - Mga Boss: Binigyan ninyo ako ng pagkakataong pamunuan ang transpormasyon - Sa lahat ng inabot natin, kuntento na ako dahil panatag ang akong kung akoy mawala, maraming magtutuloy ng sinimulan Mga positibong proyektong nabanggit nung SONA 2013 and mga natupad or unti unti na natutupad Proyekto pangkapayapaan - Matapos ang mahabang negosasyon, naibalik natin ang tiwala. Nilagdaan na ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro - Makabangong AFP natupad na dahil sa 1 to 1 ratio ng mga pistol ng kapulisan natupad na Trabaho - Trabaho sa maraming Filipino 1.65 Milyon ang nadgdagan Ekonomiya - Pag-angat ng ekonomiya tuloy tuloy pa rin Edukasyon - Pangangailangan ng K12 tuloy tinutugunan