TANAGA-Ito ay binubuo ng apat na taludtod (verses) at sa bawat
taludtod ay may sukat(syllables) na pipituhin. Sa loob ng naturang
anyo, kailan ay ganap na maipahayag ng makata ang nais sabihin sa pamamagitan ng matalinghagang pangungusap. Halimbawa ng Tanaga Wala iyan sa pabalat at sa puso nakatatak, nadaramat nalalasap ang pag-ibig na matapat.
(PAG-IBIG) Alipatong lumapag Sa lupa nagkabitak, Sa kahoy nalugayak, Sa puso naglagablab!
(TAG-INIT) Haiku-isang tulang Hapon na may labimpitong patnig sa bawat taludtod. Ang unang taludtod ay may limang patnig,sa ikalawa'y pito at sa ikatlo ay may lima.Noon ay tinawag na hokku, ang nagbigay sa haiku ng pangalan nito ngayon ay isang manunulat na Hapones at siya si Masaoka Shiki sa katapusan ng 19th century. Halimbawa ng Haiku: Mabuting gawa Mayroong gantimpala Galing sa AMA. - Ama sa langit Ikaw ngayoy magalit Sa malulupit.