Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

wika at panitikan

SATURDAY, DECEMBER 4, 2010


Diskurso
Paglalahad
Ang Paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-linaw ang
isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng
nakikinig o bumabasa. Sa Pamamagitan ng paglalahad ay nagiging ganap ang
pagkatuto ng isang tao dahil nabibigyan siya ng pagkakataong makatuklas ng isang
ideya o kaisipan na makapaghahatid sa kanya ng kasiyahan at kalinawan sa paksang
pinag-uusapan.
Itinituring din ang paglalahad bilang isang uri ng
pagpapaliwanag ng tao ukol sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa kanyang mga
gawaing pangkomunikasyon.
Iba't ibang pamamaraan ang gamit ng tao sa paglalahad lalo't sa parang pasalita o
pabigkas. Ngunit kapag ito ay sa paraang pasulat, mahalagang makita ang mga
sumusunod upang maging epektibo sa bumabasa:
1. Gawing malinaw ang paksa at sikaping malinaw din ang pagkasulat nito.
2. Gumagamit lamang ng mga salitan at pangungusap na madaling maunawaan.
3. Sikaping maging maayos ang organisasyon.
4. Panatilihin ang makatawag pansin na simula, ang mayamang bahagi ng katawan at
kapana-panabik na wakas.
5. Basahing muli ang isinulat at iwasto kung kinakailangan.
6. Pumili ng angkop na pamagat at isulat sa gitnang bahagi ng papel.

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA PAGLALAHAD
1. Kalinawan - Malinaw ang paliwanag at angkop o tama ang mga salitang ginagamit.
2. Katiyakan - Nakafokus lamang sa paksang tinatalakay at tiyak ang layunin ng
pagpapaliwanaga. Iwasan ang mga bagay na di kaugnay sa tinatalakay.
3. Kaugnayan- magkaugnay ang mga pangungusap o talata.
4. Diin - binibigyang diin ang mga mahahalagang kaisipang nais talakayin.

MGA BAHAGI NG PAGLALAHAD
1. SIMULA - nakatatawag-pansin; nakakaakit; nakapupukaw;nakagaganyak at
nakahahatak ng kuryosidad.
Ilan sa mga halimbawa ng maaring simula:
a. Pagtatanong
b. Pagkukwento o Pagsasalaysay
c. Pagsipi o paghalaw ng isang saknong
d. Paggamit ng siniping pahayag
e. Dayalogo o usapan
f. Makatawag pansing pangungusap

2. Katawan o Gitna - binubuo ng talatang kinapalooban ng mga pangunahin at
pantulong na kaisipan upang maibigay ang detalye sa isang paksa. Dapat magkaroon
ng kaisahan, kaugnayan at diin ang mga kaisipan para hindi malito ang bumabasa.

3. Wakas - nag-iiwan ng isang impresyong titimo sa damdamin at kikintal sa isipan ng
mamababasa. gaya ng panimula, ang paglalahad ay maaaring wakasan sa iba't ibang
paraan. Balikan ang talakay tungkol dito na naisa-isa na sa mga naunang aralin.

MGA URI NG PAGLALAHAD

1. Pagbibigay Katuturan - napalilinaw nito ang pag-uunawa sa kahalagahan ng isang
bagay, tao, pangyayari, dinarama o konsepto.

2. Pagsunod sa Panuto/pamamaraan Halimbawa nito ang pagsunod sa isang recepi
o paraan ng paglaro ng isang uri ng laro.

3. Pangulong Tudling/Editoryal - nagpapahayag ng opinyon o palagay ng editor ng
isang pahayagan o magasin tungkol sa napapanahong isyu.

4. Sanaysay - anyong panitikan na naglalahad ng kuru-kuro, pananaw, paniniwala at
damdamin ng manunulat, hango sa kanyangkaranasan at sa inaakalang palagay niya
sa
katotohanan.

5. Balita - naglalaman ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa loob at labas ng
bansa.

6. Pitak - karaniwang makikita sa mga pahayagan o magazin.Naglalaman ng reaksyon,
kuru-kuro at pansariling pananaw hinggil sa isang napapanahong isyu o pangyayaring
nagaganap sa kanyang paligid o sa iba pang pook. Tinatawag din itong kolum.

7. Tala - paglilista ng mga bagay-bagay na dapat gawin o tandaan.

8. Ulat - paglalahad ng mga kaisipan o kaalamang nakuha, natutunan o nasaliksik mula
sa binasa, narinig, nakita o naranasan.


Sining ng Pagsasalaysay

Pagsasalaysay
Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay. katulad ito ng pagkukwento ng
mga kawil-kawil na pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining,
pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng
pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat; epiko at mga kwentong bayan.
Pagpili ng Paksa - Ito ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng salaysay.
Kailangan ito ay maganda at kawili-wili. Bukod dito,
mahalaga rin ito ay napapanahon at may dalang pakinabang
o kabutihan sa mga babasa.

Ilan sa mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa ay ang mga sumusunod:
1. Kawilihan ng Paksa - Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang damdaming pantao, may
kapanapanabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at may malinaw at maayos na paglalara wan sa mga
tauhan at tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan - mga datos na pagkukunan ng impormasyon.
3. Kakayahang Pansarili - ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan at hilig ng manunulat.
4. Tiyak na Panahon o Pook - ang kagandahan ng isang kwento ay nakasalalay sa malinaw at masining na
paglalarawan ng panahon at pook na pinangyarihan nito. kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa
panahong sakop ng salaysay at pagbangggit ng napakaraming pook na pinangyarihan ng salaysay.
5. Kilalanin ang mambabasa - sumusulat ang tao hindi para lamang sa kanya pansariling kasiyahan at
kapakinabangan kundi para sa kanyang mga mambabasa.
ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA
1. Sariling karanasan - pinakamadali at pinakadetalyadong praan ng pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito
ay hango sa pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay.
2. Narinig o napakinggan sa iba - maaring usapan ng mga tao tungkol sa isang pinagtatalunang isyu, mga
balita sa radyo at telibisyon at iba pa. Subalit, tandaan na hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat
paniwalaan. mahalagnag tiyakin muna ang katotohanan bago isulat.
3. Nabasa o Napanood - mga palabas sa sine, televisyon, dualng panteatro at ibp.
4. Likhang - isip - mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalikha ng isang salaysay.
5. Panaginip o Pangarap - Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maari ring maging batayan ng pagbuo ng
salaysay.

Katangiang Dapat Taglayin ng Salaysay
1. Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapana-panabik at napapanahon
2. Mahalaga ang paksa o diwa
3. maayos at di - maligoy ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
4. kaakit-akit na simulaKasiya-siyang wakas

Mga Bahagi ng Salaysay o Kwento
1. Simula
2. Tunggalian
a. Tauhan laban sa ibang tauhan sa kwento
b. Tauhan laban sa sarili
c. Tauhan laban sa kapaligiran o kalikasan
3. Kasukdulan - ito ang kapanapanabik ng bahagi ng isang kwento.
4. kakalasan - ito ang nagbibigay linayw sa mga tanong na nagpanabik sa mambabasa sa bahaging
kasukdulan. dahan - dahang bumababa ang pananabik ng mambabasa.
5. Wakas - kahihinatnan ng mga tunggalian sa kwento. Dito rin ipinapahayag ang mahalagang kaisipan o
mensahe sa kwento.







MGA ANYO NG SALAYSAY
1. Maikling Kwento - nagdudlot ng isang kakintal sa isip ng mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad
ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan.
2. Tulang Pasalaysay - patulong pasalaysay ng mga pangyayari na gumagamit ng pananalitang matalinhaga.
3. Dulang Pandulaan - binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, ang kanilang panlabas na
kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos ng buhok at mga gagamiting mga kagamitan sa
bawat tagpuan. Ang kwentong ito ay isulat upang itanghal.
4. Nobela - nahahati sa mga kabanata; punung - puno ng mga masalimuot na pangyayari.
5. Anekdota - pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari
6. Alamat - tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.
7. Talambuhay "Talaan ng Buhay" - pangyayaring naganap sa buhay ng isang tao mula simula hanggang
kamatayan.
8. Kasaysayan - pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang tao, pook o bansa.
9. Tala ng Paglalakbay (Travelogue) - pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran, pagbibiyahe o paglalakbay
sa ibang lugar.

PAGLALARAWAN - Ito'y isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong bumuo ng isang malinaw na larawan sa
isip ng mga mambabasa o nakikinig. sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak na salitang naglalarwan, gaya ng
pang-uri at pang-abay, malinaw na naipakikita ang katangian ng tao,
bagay, lugar o pangyayari na ating nakikita, naririnig o nadaramda. Napapagalaw at napakikislot din ng
paglalarawan an gating mga guni-guni, imahinasyon at nakatatawag ng paningin at pansin ng mga
mambabasa.

MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA PAGLALARAWAN
1. May tiyak at kawili-wiling paksa
2. Gumagamit ng wasto at angkop na pananalita.
3. Malinaw na pagbuo sa mga larawang nais ipakita.
4. Isinasaalang-alang ang pagpili ng sariling pananaw sa paglalarawan.
Iba't Ibang pananaw na magagamit:
a. distansya sa bagay na inilalarawan gaya ng agwat o layo nito
b. kung nasa loob o labas
c. ayon sa sariling palagay o damdamin ng naglalarawan bunga ng kanyang karanasan o ng
karanasan ng ibang tao.
d. ayon sa sariling palagay batay sa kanyang narinig o nabasa.
5. Pumupukaw ng higit sa isang pandamdam: Paningin; pandinig; pang-amoy; panlasa at panalat.
6. may kaisahan sa paglalahad ng mga kaisipang inilalarawan
7. May tiyak na layunin sa paglalarawan.

MGA URI NG SALAYSAY
1. kwento ng Tauhan - Binibigyang - halaga sa kwento ang kilos, galaw, pananalita at kaisipan ng
isang tauhan.
2. Kwento ng Tagpuan - Binibigyang - diin ang lugar na pinangyarihan sa kwento.
3. Kwento ng Banghay - Higit na pinahahalagahan sa kwento ang makabuluhang pangyayari at
kalagayang ginagalawan ng mga tauhan.

Paglalarawan
Paglalarawan
Ang paglalarawan ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-
palagay.
Maaring tungkol sa tao, hayop, bagay, lugar at pangyayari.
Ginagamitan ito ng makulay, mahuhugis at maaanyo at ibang mapapandamang
(naamoy, nalalasahan, naririnig) pananalita.
Layunin ng Paglalarawan
Layunin nito na makapagpamalas sa isip ng tagapakinig o mambabasa ng isang
malinaw at buong larawan.
Malimit gamitin ang Paglalarawan sa bahagi ng pagsasalaysay na mangangailangang
tumukoy ng mga kongkreto o abstrak na bagay na binibigyang-hugis o anyo upang
maliwanag na malikha sa isipan ang mga binubuong larawan.

Layunin ng Paglalarawan
Layunin din nitong makapagbigay ng impormasyon.
At para makapanggising ng damdamin.
Dalawang uri ng Paglalarawan
Karaniwang Paglalarawan- ito ang uri ng paglalarawan na purong pangkaalaman ang
mga detalyeng sinasabi.
Mga tiyak na impormasyon at pawang katotohanan lamang ang ginagamit na mga
katangian.
Ang damdamin at opinyon ng tagapaglarawan ay hindi dapat isinasama.

Masining na paglalarawan- ang masining na paglalarawan ay pangdamdamin. Mapapandama-
nakikita, naririnig, nahihipo, nalalasa ang mga pananalitang ginagamit dito.
Bukod sa iba pang mahalagang kasangkapang pampanlalarawan , gaya ng patambis
at tautay.
Ang mga detalyeng inihahayag nito ay katotohanan din, kaya lamang, nakukulayan na
ito ng imahinasyon, pananaw at opinyong pansariling tagapagsalasay.
layuninkasi rito ng tagapagsalaysay na maantig ang kalooban ng tagapakinig o
mambabasa upang mahikayat silang makiisa sa naguniguni o sadyang naranasan
nitong damdamin sa inilalarawan.

Ilang mahalagang kasangkapan ng Masining na Paglalarawan
Mas magiging madamdamin ang isang masining na paglalarawan kung maingat na
isasaalang-alang ang paggamit ng mga sumusunod nitong mahahalagang
kasangkapan.
Pandama- sa paglalarawan dapat gamiting mga pananalita ay yaong nararamdaman
ng limang pansama- naririnig, nakikita, naaamoy, nalalasa at nahihipo, sa gayon ay
higit na mauunawaan at kawiwilihan. Makukulay at mahuhgis o maanyo ang dapat
kasangkapan ng mga salita.
Paghahambing- malaki ang naitutulong ng paghahambing o pagtutulad o pagwawangis
sa paglilinaw ng mga bagay-bagay na inilalarawan. Higit ang impak na mararamdaman
kung kongkretong larawan ang naipahayag ng naglalarawan. May agwat, may bilang
may kulay, may anyo, may hugis, may amoy, may lasang nadarama.
Angkop na Salita- pinipili ang paggamit ng mga salita. Kailangan ay ang tiyak na
katangian ng bagay na inilalarawan o kung hindi man, ay ang salita na
magpapahiwatig sa bagay.
Pagtatambis- ang mga sawikain o kawikaan ay ang mga popular na idyomang
bukambibig ng lahat sa pagsasalita.
Itoy maaring salita o pariralang hindi tuwiang tumutukoy, sadyang lumilihis sa literal na
kahulugan at sa tuntuning pambalirala, maaring ang salitang pinagsama at may kani-
kaniyang kahulugan ngunit madaling napapalitan ng iba pang bagong kahulugan.
Katulad ng pagintindi sa isang tula o sawikain, upang lubos na maintindihan ang
isinasaad na kahulugan kailangang basahin o pakinggan sa pagitan ng mga linya.

Pangangatwiran
Pangangatwiran
- Ito ay isang pahpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang
panukala ay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin ang
mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala sa
pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag. (- Badayos)

- Sa pangangatwiran, ang katotohaanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng
mga katwiran o rason.
(- Arogante)

- Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang paggamit ng wasto, angkop at magandang
pananalita ay makatutulong upang mahikayat na pankinggan, tanggapin at paniniwalaan ng
nakikinig ang nangangatwiran.

- Ang pangangatwiran ay maituturing ding agham sapagkat ito ay may prosesong
dapatisaalang-alang o sundin upang ito ay maging mahusay at matagumpay, lalo na sa formal
na pangangatwiran gaya ng debate.

- Ang pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahil ang kahusayan ay maaaring matamo n imo
man subalit hindi sa paraang madali at sa maikling panahon lamang.

DAHILAN NG PANGANGATWIRAN:
1. upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o isyu.
2. maipagtanggaol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kanya.
3. Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao;
4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin
5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kanayng kapwa
Kasanayang Nalilinang sa Pangangatwiran
1. Wasto at mabilis na pag-iisip
2. Lohikong paghahanay ng mga kaisipan
3. Maayos at mabisang pagsasalita
4. Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling katwiran
5. Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o
pagpipigil ng sarili at pag-unawa sa mga karaniwang
inilahad ng iba o pagtanggap sa nararapat na kapasyalan.

URI NG PANGANGATWIRAN
1. Pangangatwirang Pabuod o Induktivo - nagsissimula sa mga halimbawa o partikular na
kaisipan o katotohanan at nagtatapos sa pangkalahatang simulain o katotohanan.
2. Pangangatwirang Pasaklaw o Pedaktivo - sinisimulan ang pangangatwiran sa pamamagitan
ng paglalahad ng pangkalahatan o masaklaw na pangyayari o katotohanan at mula rito ay
iisa-isahing ilalahad ang maliliit o mga tiyak na pangyayari o katotohanan.

Posted by ecila at 12:41 AM
Email ThisBlogThis!Share to TwitterShare to FacebookShare to Pinterest
No comments:
Post a Comment
Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)
ABOUT ME

ecila
View my complete profile

FOLLOWERS

BLOG ARCHIVE
2010 (10)
o December (10)
Group1-AP FAPE INSET Seminar View more documents f...
LP in Filipino UBD Sample Davao Seminar
Backward Design Template - Davao Seminar
table of specification template
fil 4 silabus and course outline
RVM Pedagogy Template
DI MASILIP ANG LANGIT
Diskurso
iba't ibang teoryang pampanitikan
paalam sa pagkabata


Picture Window template. Template images by Airyelf. Powered by Blogger.

You might also like