Jai

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Sangguniang Kabataan

Kung nais ninyong mabsa ang tekstong nakasulat sa Ingles, pindutin ang Sangguniang
Kabataan.
May kamalian sa paglikha ng kagyat (''thumbnail''): Hindi nasagip ang kagyat sa kapupuntahan

SK Logo
Ang Sangguniang Kabataan ay ang natatanging kinatawan ng lokal na pamahalaan na may
layuning mabigyang posibilidad upang isulong ang pakikilahok ng kabataan, mapabuti ang
kontak sa edukasyon at trabaho para sa kabataan, at mabigyang demokrasya sa paghahatid ng
serbisyong panlipunan para sa sektor ng kabataan.
Mga nilalaman
[itago]
1 Kasaysayan
2 Panlabas na Kawing
3 Mga Sanggunian
4 Pagkilala
[baguhin]Kasaysayan
Noong 1975, nagpalabas si Pangulong Ferdinand Marcos ng Presidential Decree (PD) 684 kung
saan ipinapahayag ang pormal na paglikha ng Kabataang Barangay (KB). Ang layunin ng KB ay
upang mabigyan ang mga kabataan ng isang tiyak na gagampanang papel sa komunidad at
mabigyan ng isang gobyerno ang kabataan bilang daan upang matulungan ang bawat isa na
umunlad at magsikap.
Matapos maipalabas ni dating presidente Ferdinand Marcos ang PD 684 ay ipinalabas naman
niya ang PD 1191, kung saan ginawa ang Pambansang Katipunan ng Kabataang Barangay
(PKKB) na noon ay direkta sa ilalim ng opisina ng pangulo. Ang PKKB ay binigyan ng
kapangyarihang may katangian ng isang korporasyon. Ito ay nangangahulugan na nagkakaroon
ito ng awtonomya sa pangangasiwa at gastos ng mga pondo.
Maraming proyekto ang nagawa ng Kabataang Barangay. Ilan dito ay ang mga Youth
Development Training (YDT) Program na naglalayong paunlarin ang mga kabataan sa serbisyo,
nasyonalismo, at iba pang mga kasanayan upang matulungan silang maging mas produktibong
lider. Ang KB din ay mayroong mga programa at proyekto ukol sa kabuhayan, edukasyon,
sports, at kultura. Gayunman, ang KB ay pinupuna dahil umano sa nilikha ito upang ipatupad
ang awtoritaryan na tuntunin at upang tumutol ang mga kabataan sa mga militanteng gawain.
Ayon sa mga kritiko, bigo ang KB na pagyamanin ang kabataan bilang demokratikong
puwersang sumasang-ayon sa panahon.
Ang mga kritisismong ito ay humantong sa pagsali ng mga kabataan sa ibang organisasyon kung
saan sila ay mahahasa bilang mga potensiyal na lider. Habang lumiliit ang bilang ng mga
sumasali sa KB, naging sikat naman ang aktibismo bilang paraan ng pakikilahok ng mga
kabataan sa pamahalaan. Noong Hunyo 1986, ang isang government-sponsor na pag-aaral sa KB
ang isinasagawa. Ang pag-aaral ay humantong sa mga sumusunod na mga mungkahi:
alisin ang KB;
magtatag ng isang National Youth Commission;
magtatag ng isang National Youth Assembly; at
magtatag ng isang tunay na representasyon ng kabataan sa gobyerno.
Bilang pagtugon sa mga mungkahi,inalis ng gobyerno ang KB at nagdaos ng konsultasyon sa
mga kabataan sa buong bansa. IPinasa kay Pangulong Corazon Aquino ang resolusyon.
Gayunman, binuo ng pamahalaang Aquino ang Presidential Council for Youth Affairs o PCYA
sa halip na ang iminumungkahing NYC. Mula noong 1987, naging kaugnay ang PCYA sa mga
kabataan bilang instrumento ng pag-unlad para sa hinaharap. Limitado lamang ang
kapangyarihan ng PCYA kung ihahambing ito sa hinahangad ng mga Pilipino na NYC. Ang
kawalan ng inisyatiba upang ipatupad ang mga suhestiyon ng mga kabataan sa pamamagitan ng
Konsultahang Kabataan ang nag-iwan dito nang walang anumang mga kabataang kinatawan ng
pamahalaan. Hindi nakatakas ang atensyon ito sa mga batang mambabatas. Mula 1988-1990,
sinimulan ng mga mambabatas ang pagpaplano na palitan ito ng Sangguniang Kabataan.
Ang panukala ay isinama sa 1991 Local Government Code (LGC), na kilala rin bilang ang
"Lokal Autonomy Law." Ang 1991 LGC o RA 7160 ay isang batas kung saan pormal na
tatanggalin ang KB at binibigyan ang mga kabataan ng isa pang pagkakataon na lumahok sa
pamamahala nang direkta mula sa pinakamababang antas hanggang sa pambansang antas sa
pamamagitan ng Katipunan ng Kabataan (KK) at sa Sangguniang Kabataan (SK).
Ang unang halalan ng mga pinuno ng SK ay ginanap sa 43,000 barangay sa buong bansa noong
Disyembre 4, 1992. Ang Butuan City SK Federation President Ryan Culima ay inihalal bilang
unang pangulo ng Pambansang Katipunan ng mga SK.
[baguhin]
Sangguniang Kabataan
Sangguniang Kabataan
4 AUGUST 2010 21,193 VIEWS 44 COMMENTS
Ano ang Sangguniang Kabataan (SK)?
Ang Sangguniang Kabataan (SK) ay halal na kinatawan ng mga kabataan sa bawat barangay sa buong bansa. Sa
bawat barangay ay may organisasyong tinatawag na Katipunan ng Kabataan (KK), mga kabataan na edad 15-17, na
siyang naghahalal ng SK chairman at mga kagawad.
Nilikha ang SK sa layunin na bigyang boses at kapangyarihan ang kabataan sa usaping pampamahalaan at
panlipunan. Ang SK ay may mandatong maging kinatawan ng kabataan at maglunsad ng mga programa para sa
kabataan sa barangay at sa lokal na pamahalaan.
Ang SK chairman sa bawat barangay ay umuupo bilang kagawad ng barangay. Sampung porsyento ng pondo ng
barangay ay inilalaan sa SK para sa mga proyektong nito para sa kalikasan, edukasyon at training sa mga kabataan,
paglaban sa droga, at iba pa.
Ang mga SK chairman ay bahagi din ng SK federation sa munisipalidad, siyudad o prubinsya. Ang ihahalal na
pangulo ng SK federation ay umuupo naman bilang konsehal ng nasabing munisipalidad, siyudad o prubinsya.
Ipinapatawag din ang SK national congress na siya namang naghahalal ng SK national federation officers.
Sino-sino ang maaaring maging bahagi ng SK? Paano sila inihahalal?
Sinumang kabataang Pilipino na edad 15 -17, na nakatira nang mahigit anim na buwan sa barangay na nais niyang
pagpaparehistrohan ay maaaring magparehistro bilang kasapi ng KK, na siyang maghahalal naman sa SK. Inihahalal
sa eleksyong kasabay ng barangay elections ang isang SK chairman at pitong SK kagawad.
Bakit dapat ireporma at palakasin ang SK?
Bagaman maganda ang layunin ng pagkakaroon ng kinatawan ang mga kabataan sa lokal na pamahalaan, binatbat
ng samut saring kontrobersya ang SK bilang isang institusyon. Nariyan ang alegasyon ng korupsyon (vote-buying,
pagkuha ng kickback sa mga proyekto at programa ng SK, pakikipagsabwatan sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno)
at di-episyenteng pamamahala. Ang mga ito ang nagtulak sa ilang organisasyon at mambabatas na maghain ng mga
panukalang batas na may layuning buwagin na ang SK.
Sa kabila nito, hindi dapat alisin ang mga lunsaran para sa mga kabataan na makilahok sa paggugubyerno at
paglilingkod sa kapwa-kabataan. Sa halip na tanggalin ang representasyon ng mga kabataan sa mga barangay, mas
nararapat na ireporma at palakasin ang SK bilang institusyon. Sa pamamagitan nito, maibabalik ang tiwala ng
mamamayan sa SK bilang tunay na kinatawan na magsusulong ng interes, karapatan at kapakanan ng kabataang
Pilipino.
Inihapag na ng Kabataan Partylist sa Mababang Kapulungan ang House Bill 1963 o ang Sangguniang Kabataan
Reform Act of 2010. Hangarin nitong amyendahan ang Republic Act no. 7160 na kasalukuyang nagtatakda ng
kapangyarihan at responsibilidad ng SK. Sa partikular, layunin ng panukalang batas na:
Baguhin ang age requirement para sa mga SK candidate. Mula 15-18 taong gulang, sinumang nagnanais
maging kabahagi ng SK ay dapat may edad na 18-21 taong gulang upang matiyak na may ligal silang
kapasidad na gampanan ang kanilang tungkulin.
Bigyan ang mga SK unit ng fiscal autonomy sa kanilang pondo at i-require silang ilagak ang pondo sa isang
bangko na pagmamay-ari ng gobyerno
Tiyakin ang transparency ng mga yunit ng SK sa pamamagitan ng mandatory na pagsusumite ng mga SK unit
ng isang quarterly financial report.
Italaga ang KK bilang pinakamataas na policy-making body ng SK. Tungkulin ng KK na magdaos ng regular
na konsultasyon sa ibat ibang organisasyong pangkabataan sa kanilang komunidad.
Hikayatin ang SK na manguna sa pagsusulong ng batayang karapatan ng mga kabataan tulad ng edukasyon
para sa lahat, maayos na trabaho para sa kabataan, sustainable development, karapatang pantao at
hustisyang panlipunan.
Ano ang dapat gawin?
Sa pakikipagtulungan ng National Youth Commission, inilunsad ng Kabataan Partylist ang Ayos! A campaign for
youth empowerment and public service, isang awareness at registration campaign sa mga komunidad at barangay
sa buong bansa.
Hinihikayat ang lahat na makiisa sa pagsusulong ng HB 1963 sa Kongreso. Maaari ring maglunsad ang mga
organisasyong pangkabataan at mga SK unit ng kampanya upang ipalaganap ang impormasyon at kaalaman hinggil
sa SK at sa HB 1963. Maaring bumuo ng petition letters at maglunsad ng signature campaign ang mga organisasyon
na kanilang ipapasa sa kongresista ng kanilang distrito at sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan.
Maaari ring makipag-ugnayan sa Kabataan Partylist. Inaanyayahan din ang lahat na magparehistro at lumahok sa
nalalapit na SK elections ngayong Oktubre 25.
Sangguniang Kabataan, nais ireporma ng mambabatas; pondo gustong alisin
July 17, 2013 8:59pm
19 19 0 682

Sa harap ng mga puna na nagiging sanayan lamang ng mga tiwaling opisyal at political dynasty ang Sangguniang
Kabataan (SK), iginiit ng isang kongresista na kailangan lamang i-reporma ang nabanggit na posisyon sa lokal na
pamahalaan sa halip na tuluyan itong buwagin.

Nitong Miyerkules, inihayag ni Valenzuela Rep. Magtanggol Gunigundo ang paghahain niya ng ilang panukalang
batas na naglalayong susugan ang ilang batas na may kinalaman sa SK.

Kabilang sa mga panukalang batas ay ang House Bill (HB) No. 1333, na naglalayong alisin ang inilalaang 10
porsiyentong alokasyon ng Internal Revenue Allotment (IRA) ng barangay para sa SK.

Kung maaalis ang nasabing alokasyon, makatitipid ang gobyerno ng P9.25 bilyon na maaaring magamit sa iba pang
mas mahalagang programa tulad ng edukasyon.

Bukod dito, nais din ni Gunigundo na itaas ang edad ng mga maaaring maging opisyal at kasapi ng SK, na mula sa
kasalukuyang 15 hanggang 17 anyos ay gagawing 18 hanggang 21 anyos.

Aalisin din ang mga SK Federation President bilang ex-officio member ng local government legislative bodies gaya
ng Sangguniang Bayan, Sangguniang Panglungsod, at Sangguniang Panlalawigan.

Ayon kay Gunigundo, isa sa mga pagkakamali sa kasalukuyang sistema ng SK ay ang pagbibigay ng karapatan sa
mga kabataang lider na humawak ng malaking pondo, gayung hindi sila maaaring kasuhan kapag nagkaroon ng
anomalya dahil sa pagiging menor de edad.

Basahin: Batas na lumikha sa SK election, panahon na umano para bisitahin ng Kongreso

Una rito, iminungkahi ni Henrietta de Villa, chairperson ng Parish Pastoral Council on Responsible Voting (PPCRV),
na panahon na para repasuhin ng Kongreso ang batas na lumikha sa SK dahil nagiging entry point umano ito ng
political dynasties.

Ayon sa pinuno ng PPCRV, masyado nang napupulitika at nagagamit ng mga halal na opisyal ang SK sa ilang lugar.

Naghain din ng panukalang batas si Gunigundo para itakda ang pagsisimula ng termino ng mga opisyal ng SK sa
Nobyermbre 30, at magkaroon ng limang taong termino.

Kailangan namang residente ng barangay sa loob ng anim na buwan ang mga maaaring bumoto para sa SK, at
dapat isang taon nang residente sa barangay ang mga tatakbo o kakandidatong opisyal.

Sa darating na Oktubre nakatakda ang eleksiyon ng SK, kasabay ng mga opisyal ng barangay.

Pero iminungkahi ni Elections chief Sixto Brillantes Jr. kay Pangulong Benigno Aquino III na suportahan ang mga
panukalang batas na naglalayong ipagpaliban ang nabanggit na halalan. --RP/FRJ, GMA News
Sangguniang Kabataan, nais ireporma ng mambabatas; pondo gustong alisin
July 17, 2013 8:59pm
19 19 0 682

Sa harap ng mga puna na nagiging sanayan lamang ng mga tiwaling opisyal at political dynasty ang Sangguniang
Kabataan (SK), iginiit ng isang kongresista na kailangan lamang i-reporma ang nabanggit na posisyon sa lokal na
pamahalaan sa halip na tuluyan itong buwagin.

Nitong Miyerkules, inihayag ni Valenzuela Rep. Magtanggol Gunigundo ang paghahain niya ng ilang panukalang
batas na naglalayong susugan ang ilang batas na may kinalaman sa SK.

Kabilang sa mga panukalang batas ay ang House Bill (HB) No. 1333, na naglalayong alisin ang inilalaang 10
porsiyentong alokasyon ng Internal Revenue Allotment (IRA) ng barangay para sa SK.

Kung maaalis ang nasabing alokasyon, makatitipid ang gobyerno ng P9.25 bilyon na maaaring magamit sa iba pang
mas mahalagang programa tulad ng edukasyon.

Bukod dito, nais din ni Gunigundo na itaas ang edad ng mga maaaring maging opisyal at kasapi ng SK, na mula sa
kasalukuyang 15 hanggang 17 anyos ay gagawing 18 hanggang 21 anyos.

Aalisin din ang mga SK Federation President bilang ex-officio member ng local government legislative bodies gaya
ng Sangguniang Bayan, Sangguniang Panglungsod, at Sangguniang Panlalawigan.

Ayon kay Gunigundo, isa sa mga pagkakamali sa kasalukuyang sistema ng SK ay ang pagbibigay ng karapatan sa
mga kabataang lider na humawak ng malaking pondo, gayung hindi sila maaaring kasuhan kapag nagkaroon ng
anomalya dahil sa pagiging menor de edad.

Basahin: Batas na lumikha sa SK election, panahon na umano para bisitahin ng Kongreso

Una rito, iminungkahi ni Henrietta de Villa, chairperson ng Parish Pastoral Council on Responsible Voting (PPCRV),
na panahon na para repasuhin ng Kongreso ang batas na lumikha sa SK dahil nagiging entry point umano ito ng
political dynasties.

Ayon sa pinuno ng PPCRV, masyado nang napupulitika at nagagamit ng mga halal na opisyal ang SK sa ilang lugar.

Naghain din ng panukalang batas si Gunigundo para itakda ang pagsisimula ng termino ng mga opisyal ng SK sa
Nobyermbre 30, at magkaroon ng limang taong termino.

Kailangan namang residente ng barangay sa loob ng anim na buwan ang mga maaaring bumoto para sa SK, at
dapat isang taon nang residente sa barangay ang mga tatakbo o kakandidatong opisyal.

Sa darating na Oktubre nakatakda ang eleksiyon ng SK, kasabay ng mga opisyal ng barangay.
Aquino III na suportahan ang mga panukalang batas na naglalayong ipagpaliban ang nabanggit na halalan. --
RP/FRJ, GMA News
Pero iminungkahi ni Elections chief Sixto Brillantes Jr. kay Pangulong Benigno
PANIMULA
A. Panukalang Pahayag

Ang panunuod ng anime ay nagdudulot ng mga positibong epekto sa mga manunuod nito.

B. Introduksyon o Paglalahad ng Suliranin

Ang paksa ng pananaliksik na ito ay ang mga positibong dulot ng panunuod ng anime.
Ang anime ay ang bersyon ng mga Hapon sa animation. Nauna munang sumikat ang bersyon
ng mga Amerikano tulad ng sa Walt Disney bago tuluyang matamo ng anime ang kasikatan nito
sa kasalukuyan. Ngunit kaalinsabay ng katanyagan nito ngayon ay ilan sa mga negatibong
binabato nila dito. Ang ilan sa mga negatibong kinakabit sa anime ay ang mga sumusunod:
karahasan, reality conflict, poor habits sa pag-aaral maging sa pisikal na aspeto, ang mga
masisidhing pagkahumaling ng mga Otaku (ito ay sobrang pagkaadik ng mga anime fans. Ang
ilan ay ginagaya ang kasuotan ng mga paborito nilang karakter at minsan pati ang mga
paguugali o kilos ng mga ito.), ang kadalasang konotasyon sa anime na sinasabing itoy
pambata lamang, at ang sinasabing post-coloniality dala ng anime sa ibang bansang
tumatangkilik dito. Subalit batid rin nga ba nila ang positibong epekto nito? Ang mga salik na
nabanggit ay pawing mga maling pagkakaunawa lamang sa anime. Yan ang mga suliraning
kinakaharap ng anime na bibigyang linaw ng mga mananaliksik. Bukod dito, may personal din
na udyok ang mga mananaliksik sa pagpili ng paksa sapagkat ang mga ito mismo ay may
pagkahumaling din sa panunuod ng anime na napag-obserbahan at natukoy na positibo ang
epekto nito sa pangkahalatan.



C. Rebyu/ Pag-aaral


Sa disertasyong ginawa ni Adam Greenwood ay nagtalakay at masusing inimbestiga ang mga
sanhi ng mga kadalasang pre-conceptions sa Japanimation o anime tulad ng karahasan,
kalaswaan, hypnotism dulot ng anime sa mga bata, maging ang mga pamagat ng anime. Ayon
sa kanya, ang may tuwirang impluwensya ang kultura ng Hapon sa paggawa ng mga animators
at artista ng mga anime. Ayon sa kanyang konklusyong nabanggit, ang hilig ng media na
tumutok lamang sa negatibong aspekto ng anime at ng manga ay nasolusyunan na ng ilang
dekada ng mga import strategy distributor ng Kanluranin. Sa isang hindi nagpakilalang
empleyado ng hindi pinangalanang manga ang umamin na ang manga sa UK ay mas medaling
pumatok sa mga taong may gulang na 18 hanggang 24. At para mas lalo pumatok pa ito,
dinadagdagan ito ng mga paglabas ng sex and violence titles, na dumaragdag sa heavy metal
cover artwork. (David Lubich, 1995).

Sa chapter III ng kanyang disertasyon, mayroon ding posibilidad na inaalok ng anime ay
limitado lamang sa imahinasyon ng animators, ngunit kaalinsabay dito ang kakayahan na
palabasin ang mahusay na paliwanag at mga metapora. Sakop ng anime ang mga isyung
pangsosyal na kinabibilangan ng kahulugan ng pamilya at relasyon sa kapwa, pang-ekonomiya,
mga hindi pagkakapantay-pantay ng lipunan, at maging ang mga hamon at hindi makatwirang
pagkakaroon ng gender stereotyping. Ito rin ay maari maging daan sa pagsisimula ng isang
seryosong sosyal at pulitikal na pagpuna; ngunit hindi lamang iyan, ito ang anime rin ay
maaaring maging pagtakas sa tunay na mundo at gawing pantasya na alinsunod sa
imahinasyong ng sumulat. Ito rin ay nagsisilbing outlet o palabasan ng mga simbuyo ng
damdamin.

Dahil sa parami na nang parami ang mga Pinoy na nahuhumaling sa anime, si Faye Martel ay
nagsasagawa ng isang pag-aaral. Inilalarawan niya ang mga katangian ng mga Filipino Otaku
bilang mahilig sa fan art; mayroong kakaibang sense of fashion; nagpapakita ng mga ugaling
tipikal sa mga may mga hinahangaan tulad halimbawa kapag nakikita nila ang bagong porma o
itsura ng kanilang hinahangaan sila ay napapatili; mayroon silang effort na pag-aralan ang
Nihonggo; mahilig gumamit ng mga smileys na Hapon (kung ang normal na smiley ay J , sa
mga otaku ito ay (^_^), (>_<) aray, (*^_^*) namumula pag nakangiti, (^_^)V simbolo ng
panalo o victory, (^^)// - palakpak); at mahilig makilahok sa mga cosplays. Batay sa konklusyon
niya, ang terminolohiyang otaku ay may negatibong konotasyon sa Hapon at ilang parte ng
US, pero ang mga Pinoy ay niyakap ito bilang pagkilala sa kanila bilang kabilang sa komunidad
na may masidhing interest sa pop culture ng Hapon. Ang komunidad na ito ay madalas
matatagpuan sa internet, nakikisalamuha sila sa kapwa nila miyembro,at nagbabahagi rin sila
ng mga impormasyong may kinalaman sa mga bagong palabas at mga nagbabadyang mga
gawain na pwedeng i-organisa ng komunidad na kanilang kinabibilangan. At hindi lamang iyan,
pinatunayan na ang lakas ng bansa na hindi Kanluranin tulad ng Hapon para maging
tagapagsimula ng paglalawig ng kanilang kultura maging ang pagbuo ng bagong kultura ay
maari rin pala maisakatuparan. Ibig sabihin, ang mga ibang Asyanong bansa ay may potensyal
din na magawa yung ginagawa ngayon ng Hapon na palawigin ang kanilang kultura at buo ng
bagong kultura. Mula sa pag-aaral ni Martel, napatunayan na ang mga kabataan ay hindi
passive recipients ng mga mensahe ng mass media. Mayroon silang kakayahang gamitin ang
ibat ibang uri ng komunikasyon at mag-ayos ng kanilang sarili para sa mga gawaing pwedeng
makatulong patatagin ang relasyon sa kanilang mga kaibigan na nakilala nila buhat sa kanilang
pinagkakahiligan.

D. Layunin

Ang pangkahalatang layunin ng pananaliksik na ito ay mailahad ang mga positibong dulot ng
anime ng sa gayon mabatid ng mga manunuod ang mga ito. Nais din liwanagin ng mga
mananaliksik ang mga negatibong iginigiit sa anime. Sa kabilang banda, ang tiyak na layom ng
pananaliksik ay ibigay ang porsyento ng mga nahuhumaling sa panunuod ng anime, alamin ang
mga nagpapa-espesyal sa anime, nagiging kadalasang dulot ng anime na unang nababatid ng
mga manunuod, at ang mga paraan kung papaano nagsisilbing inspirasyon ang anime.
Tutukuyin din ng mga mananaliksik ang bahagdan ng mga nakakarelate sa anime, mga
nagsasabing satisfying ang anime sa pangkahalatan, bilang ng tumuturing sa anime na isang
comfort zone, bilang ng mga naniniwala na hindi lamang ang anime ay pambata, pati na rin
ang mga naniniwala na ang anime ay sumasalamin sa kultura ng Hapon, at maski ang mga
naniniwala na kung ang bersyon ng animation ng Hapon ay hinangaan at tinangkilik ng marami
kaya rin ng mga Pilipinong makagawa ng sarili nitong bersyon na maaaring mapantayan o mas
makahigit dito.

E. Halaga

Ang mas malalim na pagkaunawa sa mga positibong dulot ng anime ay makakatulong upang
ang mga maling pagkaunawa sa anime. Makakatulong din ang pag-aaral na ito upang mabatid
ng mga manunuod lalo na ng mga kabataan na matukoy kung nasa tama o maling direksyon na
sila sa pagkahumaling sa anime. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, mas magiging
mapanuti na ang mga manunuod sa mga anime na kanilang tinatangkilik.


F. Konseptwal na Balangkas





Sa anime, maraming mga manunuod ang nakakarelate, nasasatisfy dito. Ito rin ay minsang
ginagawang mga comfort zone ng mga taong may problema sa buhay na nais malaman ang
solusyon o kasagutan sa kanilang suliranin o mga katanungan. Ang pinakatarget market ng
anime ay ang mga kabataan. Kaya naman, sila ang tuwirang apektado at unang nakakasagap
ng mga positibong epekto ng panunuod nito. Unang positibong epekto ng anime ay ang
naiiwang marka o tatak ng anime buhat sa mga elementong nagpapaespesyal dito. Dahil sa
mga elementong tulad ng graphics, storyline, soundtrack, at emosyon ng mga anime karakter
nasasanay ang pagiging mapanuri ng mga manunuod lalo na ng mga kabataan sa kanilang
npanuod. Ikalawang positibong epekto ay ang aral na napupulot ng manunuod lalo na ng mga
kabataan. Halimbawa ng mga aral na unang naisasapuso ng mga kabataan ay ang mga
sumusunod: halaga ng tunay na pagkakaibigan, tunay na diwa ng kapatiran, katatagan sa mga
pagsubok sa buhay, pagkakaroon ng tiwala sa sarili, at pagpapahalaga sa mga mahal sa
buhay. Ang anime ay hindi lamang para maaliw ang mga manunuod. Ginagamit ng mga
animators ang paraan ng paggawa ng anime para masabi sa tao o maisapubliko ang kanyang
mga ideya at maging ang natatagong realidad mula sa mga isyung bumabalot sa daigdig sa
pangkasalukuyan, Ang ikatlong positibong epekto naman ay ang inspirasyon. Sinasabing
motibasyon sa pag-aaral, pagpapalawak ng imahinasyon, at pagpapalawak sa mga pananaw
sa buhay ang sinasabing inspirasyong naidudulot ng anime. Dahil sa mga elementong
nagpapa-espesyal sa anime, nachachallenge ang mga manunuod lalo na ang mga kabataan sa
kagaling ipinapakita ng anime kaya naman ito ay nagsisilbing inspirasyon din. At sa huli, ang
pag-alis ng balakid o diskriminasyon ng kalalakihan sa kababaihan ay isa rin sa positibong dulot
nito. Sa pamamagitan ng anime, nagkakaroon ang mga kalalakihan at kababaihan ng parehas
na interes. Mula sa interes na iyon, maaaring masimulan ang isang pakikipagtalastasan at sa
ganitong paraan nawawala ang tinatawag na barrier na pumapalibot sa kanila. Iba-iba ang
preference ng mga kalalakihan at kababaihan, hindi kaagad magkakaintindihan ang mga
kalalakihan at kababaihan kung ang mga usapin ay nakatuon lamang sa isang panig tulad
halimbawa kung ang usapin ay puro kotse, may posibilidad na maubusan ng idea ang babae
tungkol sa kotse at nang sa kalaunan ma-out-of-place siya. Ngunit ang anime ay may sariling
kakanyahan upang mapagbuklod ang mga interes ng lalaki at babae kaya masasabing dahil sa
anime naaalis ang diskriminasyon o balakid ng mga kalalakihan at kababaihan.




Sa kabilang banda, masasabing nagiging epektibo ang anime kung maganda o positibo
ang epekto ang dulot nito. Paano nga ba malalaman kung ang isang anime ay
epektibo? Maaaring maging batayan ang mga sumusunod: epektibo ang anime kapag
nakuha nito ang atensyon at naibigan ng kanyang mga manunuod ang mga elementong
nagpapa-espesyal sa anime, tulad halimbawa ng kanyang mga graphics, storyline,
soundtrack, at emosyong pinapakita ng mga karakter na anime. Kadalasang
iminumungkahi na para ang anime ay pumatok, dapat ito ay appealing sa mga senses.
Ikalawa, nagiging epektibo ang anime kung nakapagpapakita ito ng ibat ibang mga aral
sa buhay; ngunit masasabing lalo pa itong mas epektibo kung ang mga aral na kanilang
pinarating sa mga manunuod ay naaaplika ng mga ito sa tunay na buhay. Ikatlo, ang
anime ay epektibo kung ito ay nagbibigay o nagsisilbing inspirasyon para sa iba. At
panghuli, epektibo ito kung may kakayahan ang isang anime na alisin ang barrier o
balakid o diskriminasyon ng kalalakihan sa kababaihan.

G. Metodolohiya

Isasagawa ang pananaliksik tungkol sa anime sa pamamagitan ng pagsasarbey sa 45 tao. Sa
ganitong paraan, matutukoy ng mga mananaliksik ang bilang ng mga nahuhumaling sa anime.
Magsasagawa rin ang mga ito ng panayam mula sa mga pangunahing apektado sa epekto ng
anime -ang mga kabataan. Ang ibang mga impormasyon ay matatamo sa pamamagitan ng
pagsasaliksik sa silid-aklatan at sa internet. Oobserbahan at masusing pag-aaralan din ang
mga angulo ng mga makakalap na impormasyon.

H. Saklaw at Delimitasyon

Saklaw ng panananaliksik na ito ang mga positibong epekto ng anime maging ang paglilinaw na
gagawin sa ibat ibang mga isyu na kinakaharap ng anime. Ang paglilinaw na gagawin ay i-
aaplika lamang batay sa sa teksto ng apat na anime na napili ng mga mananaliksik buhat sa
libu-libong anime na pinalabas, at pinapalabas mula sa mga lokal o maging sa internasyonal na
telebisyon, sa mga internet online, at pati na sa mga DVD binebenta sa ibat ibang mall o
palengke o bangketa. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: Full Metal Alchemist na pinalabas
dati sa GMA7 nang Hulyo 13, 2005 hanggang Mayo 2006, 10:00 hanggang 10:30 n.u; Slam
Dunk na pinalabas noong March 2005 sa GMA7, 5:30 n.h.; Naruto (season 1 & 2 pinalabas ng
ABS-CBN noong Hunyo 2004, 5:30 n.h; season 3 noong Abril 2005, 5:30 n.h.; at Naruto
Shippuden noong Hulyo 2008); at Gundam Seed (unang nilabas ng Cartoon Network nang
Pebrero 2005, 9:00 n.g.). Ang pagpili sa mga nabanggit na anime ay batay sa genre na
kinabibilangan nito, sa uri ng approach na ipinapakita nito sa kanyang mga manunuod, at ang
huli ay sa kadahilanan sikat sila o minsang sumikat na kinaantabayanan din ng mga Pinoy.
Hindi na sasakupin ng pag-aaral na gagawin ang isyu ng hentai o ang anime na may halong
pornograpiya.

I. Daloy ng Pag-aaral




Ang unang bahagi ng pananaliksik na ito ay ang Introduksyon sa napiling paksa,
kaangkop na dito ang dahilan kung bakit ito ang napiling paksa ganun din ang ilan sa
mga posibleng epkto o layunin at halaga nito sa mga manunuod at sa mga
tumatangkilik at sumusubaybay dito. Kabilang din sa unang bahagi ay ang kasaysayan
ng paksa at ilang mga pagpapakilala dito mula sa mga nakalap na impormasyon galing
sa mga bansang nagpasikat nito.




Ang ikalawang bahagi ng pananaliksik ay naglalaman ng mga mahahalagang datos at
impormasyon na nakuha namin sa ilang mga tao. Kabilang na dito ang mga taong
kasangkop sa aming interbyu at ilang mga napiling istudyante na rumerepresenta sa
mga nakalap na datos. Isa sa mahahalagang piktorya ng ikalawang bahagi ay ang
resulta ng interbyu at sarbey lalo na ang pagiinterpret sa mga natanggap naming
impormasyon na nagpapahayag ng mga posibleng epekto nito sa mga manunuod
katulad ng inspirasyong nakukuha nila sa panunuod nito.




Ang huling bahagi ng pananaliksik ay ang pangwakas. Dito nagkakaroon ng
masinsinang pagsusuri sa lahat ng datos at impormasyong na nakalap. Nakapaloob din
dito ang konklusyon kung saan nakatakda ang ilang prebahe sa pananaliksik, at mga
rekomendasyon para sa ilang mga manunuod bata man o matanda. Nakapaloob na rin
dito ang ilang positibong reaksyon at realidad ng mga manunuod sa mga ilang palabas
na napili naming pagaralan.
Posted by animeblasters
Labels: anime
R

You might also like