Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

FILIPNO GRADE 7

Panuto: Bilugan ang lahat ng panghalip na panao sa bawat pangungusap.


1. Inalok ako ni Melissa na umupo sa tabi niya.
2. Nagpapatulong siya sa paggawa ng takdang-aralin natin.
3. Binasa namin nang sabay ang kwento sa aklat ko sa Filipino.
4. Natuwa sa amin si Ginang Amelia dahil nagtutulungan kami.
5. Pinahiram ni Paul sa akin ang bagong lapis niya.

Panuto: Isang liham ang ipinakikita sa ibaba. Salungguhitan ang panghalip na panao na
bubuo sa bawat pangungusap. Pumili sa mga panghalip na panao sa loob ng panaklong.

Mahal (niyang, kong, kitang) Emily,

Kumusta (ka, siya, ikaw) na? Pasensya na at ngayon lang (ikaw, tayo, ako) nakasagot
sa sulat mo. Malapit na kasi ang pagsusulit sa paaralan kaya abala (siya, kayo, ako) sa
pag-aaral. Ang paborito (mong, niyang, kong) asignatura ay Science. Dahil hindi (ako,
ikaw, ka) masyadong magaling sa Math, tinuturuan ako ni Kuya Mio.
Sana magustuhan mo ang larawan na pinadala (ko, mo, niya) kasama ng liham na ito.
Ang buong pamilya (mo, ko, niya) ay pumunta sa isang resort sa Laguna. Pati si Lolo
Manuel sumama sa (kanila, kayo, amin). Nahalata mo ba sa larawan na tumangkad na si Kuya Mio? Nahilig
nga (sila, siya, ka) sa paglalaro ng basketbol. Badminton naman ang
bagong hilig ko ngayon.
Naalala mo ba ang pinsan ko na si Maya? Magkaklase na (ako, siya, kami) ngayon.
Bagong lipat dito ang pamilya (niya, namin, mo) at natutuwa siya dahil nagkita kami.
Galing sa lalawigan ng Quezon ang pamilya ni Maya kaya marunong (ako, siya, tayo)
mag-Tagalog. May ate at kuya si Maya. Mabait (sila, kayo, kami) sa akin.
Kumusta naman ang pamilya mo? Masaya ba (kayo, kami, ko) sa bagong tirahan
ninyo? Sana makabisita (ka, siya, ako) sa inyo balang araw. Pangarap ko na magkita
(tayo, siya, ikaw) muli. Nalungkot ako sa pag-alis mo dahil (siya, ikaw, sila) ang unang
matalik kong kaibigan. Sigurado ako na (kami, tayo, ako) ay mananatiling magkaibigan.
Hihintayin ko ang tawag mo sa Sabado dahil marami pa (akong, ikaw, siyang) ikukuwento
sa iyo. Sabik na akong marinig muli ang boses (ko, mo, niya).

Nagmamahal,
Myra
Basahin ang maikling pabula. Gawan ito ng banghay. Isulat ang sagot sa loob ng parisukat.
Ang Aso at ang Kanyang Anino
Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali-daling hinawakan ang buto sa
pamamagitan ng kanyang bibig.
Dinala niya ang buto upang iuwi sa kanyang tirahan, ngunit nang siya ay malapit na, napadaan siya sa
isang ilog. Pinagmasdan niya ang ilog at doo'y nakita niya ang sariling anino. Sa pag-aakalang ibang aso iyon
na may hawak-hawak ring buto sa bibig, tinahulan niya iyon nang tinahulan upang maangkin din ang butong
pag-aari nito.
Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong hawak-hawak at nahulog sa ilog. Tinangay
ng agos ang buto at hindi na uli nakuha pa ng sakim na aso.















Lagyan ng ekis ang pandiwang ginamit. Tukuyin kung ito ay katawanin o palipat.
1. Nagtuturo ng libre sa mga matatandang hindi marunong magsulat at magbasa ang
pampublikong guro.
2. Masayang naghahabulan ang mga batang-kalye.
3. Nagbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo ang mga mag-aaral ng Sto. Nio Academy.
4. Ang magkakaibigan ay magtatanghal ng sayaw sa darating na palatuntunan.
5. Si Lola Preciosa ay nagbabasa ng bibliya tuwing umaga.
6. Ang dalawang binata ay seryosong nag-uusap sa sala.
7. Nagmungkahi ng bagong teknolohiya sa pagsasaka sa mga kanayon niya si G. Andres.
8. Maagang nakatulog si Dennis dahil sa sobrang pagod.
9. Pumunta kami sa Boracay.
Identification.
______________ Ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari.
______________ Nagsasaad ng kilos o galaw.
______________ Naglalarawan sa pangngalan.
______________ Humahalili sa ngalan ng tao.
______________ Uri ng tauhan na hindi nagbabago ang katauhan sa loob ng kwento.
______________ Uri ng tauhang nagbabago ang katangian sa kwento.
______________ Uri ng paglalarawan ng may akda sa mga tauhan na patimpi. Malalaman ang katangian batay
sa kilos at pinapakita ng tauhan.
______________ Pook at panahon kung kailan tiyempong naganap ang aksiyon.
______________ Tahasan o lantaran ang paglalarawan sa tagpuan.
______________ Matimpi ang paglalarawan ng may akda.
______________ Maayos na pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kwento.
______________ Sa bahaging ito ipinapakilala ng may akda ang mga tauhan.
______________ Dito inilalahad ang mga masasayang pangyayari sa kwento.
______________ sa bahaging ito hinaharap ng tauhan ang mga pagsubok at hamon.
______________ Ang Kapana-panabik na bahagi ng kwento.
______________ Ito ang rurok ng mga pangyayari.
______________ Dito inilalahad ang pinakamahalgang pangyayaring magdudulot ng tagumpay o kasawian ng
tauhan.
______________ Dito nalulutas ang pagsubok at hamon sa pangunahing tauhan.
______________ Ito ang kaganapan ng kwento.





Enumeration. BAWAL TUMINGIN SA IBANG PAHINA NG PAGSUSULIT.
a. Ibigay ang mga bahagi ng banghay ng kwento.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
b. dalawang uri ng tauhan
1.
2.
c. uri ng pang-uri
1.
2.
3.
d. limang pabula
1.
2.
3.
4.
5.
Essay: Ipaliwang ang mga sumusunod sa loob ng 5-7 na pangungusap lamang.
1. Ano ang pabula?

2. Sino si Esopo? Ano ang naiambag niya sa panitikan?

3. Ipaliwanag ang pinagmulan ng pabula batay sa mga sumusunod:
Roma


India


Jatakas


Pilipinas

You might also like