Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DATE:

EPP 4
I. LAYUNIN:
Natatakay ang mga salik na dapat isaalang-
alang sa pagbabalak ng pagkain.
Nakapagbabalak ng masustansiya, mura at
sapat na pagkain para sa mag-anak.

II. PAKSA: Mga Salik sa Pagbabalak ng Pagkain

Kagamitan: Mga Larawan

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral sa nakaraang-aralin.
2. Pagganyak Pagpapakita ng mga
larawan ukol sa aralin at pagtatanong
ukol ditto.
B. Panlinang na Gawain
1. Mga Tanong:
Bakit dapat isaalang-alang ang
edad at trabaho sa pagbabalak ng
pagkain?
Bakit kailangan ng mga bata ang
higit na maraming pagkain?
Ano ang menu? Gumawa ng
isang menu para sa tanghalian.

2. Gawain
Mga Salik sa Pagbabalik ng Pagkain ng Mag-anak
1. Kabuuan ng mag-anak o dami ng taong bumubuo
rito.
2. Gulang at uri ng gawain- ang mga batang nag-
aaral at lumalaki ay nangangailangan ng higit na
masustansiyang pagkain dahil madali silang
mapagod at nagagamit ng knilang katawan ang
sustansiyang kinain. Ang mga may mabibigat na
gawain, tulad ng pagtatrabaho sa mainit na lugar o
pagbibiyahe ay kailangan ng higit na maraming
pagkain kaysa sa mga gumagawa lamang sa
opisina na hindi lubhang pinagpapawisan.
3. Badyet ng mag-anak dito nakasalalay ang
halagang iuukol sa pamimili ng pagkain at uri ng
pagkain. Kahit na maliit ang kita, mahalaga pa ring
pumili ng masustansiyang pagkain.
4. Sustansiyang kailangan ng bawat kasapi
kailangang marunong pumili ng masustansiya at
murang pagkain ang nagbabalak ng pagkaing ng
mag-anak.
5. Ang kalinangan at pananampalatay ay maari ring
batayan sa pagbabalak ng pagkaing bibilhin.
6. Pagkaing nasa panahon makatitipid kung ang
mga pagkaing nasa panahon ang bibilhin at lulutin.
7. Panahon ng paghahanda ng pagkain
8. Kaalaman sa lutuin o ng mga resipi ng pagkain
9. Mga kagamitan at kasangkapang gagamitin sa
pagluluto.
10. Kaalaman sa paggawa ng menu
Huwaran sa Pagbabalak ng Pagkain
Ang huwarang pagkain ay isang talaan na
nagtataglay ng mga uri ng pagkaing angkop sa almusal,
tanghalian, at hapunan:
AGAHAN:
Inumin - (kape, gatas, juice)
Kanin - (carbohydrates)
Ulam - (protina)
Prutas
TANGHALIAN/HAPUNAN
Inumin - (katas ng prutas)
Kanin nagbibigay lakas at init sa katawan
Ulam manok, isda, baka (protina, mineral, tagabuo ng
katawan)
Prutas saging pinya, manga nagsasaayos ng katawan
Ang menu ay isang listahan ng mga pagkain
sa isang kainan. Ito ay maaring menu sa almusal,
tanghalian o hapunan.
Mga Alituntuning sa Pagbabalak ng MENU
1. Gawing batayan ang tatlong mga pangunahing
pagkain.
2. Magplano ng menu para sa ilang araw. Ingatan
hindi maulit ang ulam sa susunod na lingo.
3. Gamitin ang pagkaing nasa panahon. Ang mga
itoy mura at sariwa pa.
4. Magplano ng menu na medaling baguhin kung
kinakailangan.
5. Iwasang magdulot ng iisang uri ng pagkain sa
isang hain o magkatulad na uri sa paghahain.
Halimbawa ay pansit at sopas.
6. Huwag magplano ng pagkaing parehong
maasim o kaya ay may sarsa.
7. Magplano ng pagkaing kaakit-akit sa paningin.
8. Huwag pagsasabayin ang mga putahing
nangangailang ng parehong kasangkapang
gagamitin.
9. Huwag pagsabayin ang mga putahing
kailangan isilbi na bagong hango sa lutuan.
10. Bawasan ang paggamit ng mga pampalasa sa
pagkain.
11. Huwag pagsasabaying ihain ang mahirap
tunawing na pagkain sa katawan.
12. Bigyang halaga ang mga kagustuhan at
pagkaing kailangan ng mag-anak.
Pagsulat ng Menu
1. Simulan sa malaking titik ang lahat ng salita
maliban sa panganig, pang-ukol at pantukoy.
Pagpapahalaga: Maibigay ang kailangang
sustansiya at pagkain ng bawat kasapi ng
mga mag-anak.
2. Isulat ang mga putahe ayon sa sunod-sunod na
paghahain ng mga ito.
3. Ang pinakamahalagang putahe ay isinusulat sa
kanan o gawing ibaba.
4. Ang kabagay ng pangunahing putahe ay
isinusulat sa kanan o gawing ibaba.
5. Isulat ang inumin ng menu na kasama ng huling
putahe.
6. Ang mga bagay na tulad ng asukal, krema at
mantikilya ay hindi na isinusulat sa menu,
maliban kung ang mga ito ay nakakaganda sa
menu.
Halimbawa ng MENU
Almusal:
Tinapay/Kanin Pineapple juice
Jam Keso/Tortilyang Itlog
Kape/Gatas
Saging/Papaya
Tanghalian/Hapunan
Corn Soup with Malunggay
Adobong baboy/manok Kanin
Kamatis at Bagoong
Mangga
Tsaa na may Kalamansi

3. Pagbuo ng Kaisipan Mahalagang
isaalang-alang ang mga salik sa
pagbabalak ng pagkain upang
maibigay ang kailangang sustansiya at
pagkain ng bawat kasapi ng mag-anak.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalapat Pagsagot sa mga tanong
sa itaas.

IV. PAGTATAYA:
A. Punan ng tamang sago tang mga puwang.
Hanapin ang sagot sa loob ng kahon.
1. Ang ay isang listahan ng mga pagkain sa
isang kainan.
2. ang tawag sa gabay sa pagluluto ng
isang pagkain.
3. Ang ang halagang iniuukol sa pamimili
ng pagkain at uri ng pagkain.
4. Ang ay isang talaan na nagtataglay ng
mga uri ng pagkaing angkop sa almusal,
tanghalian at hapunan.
5. ang tawag sa inumin na inihahain tuwing
oras ng pagkain maliban sa tubig.

B. Lagyan ng tsek ang pangungusap na
tumutukoy sa mga salik na dapat tandaan
sa pagbabalak ng pagkain.
1. Higit na masustansiya ang mga pagkaing
mabibili nang mahal.
2. May mga pagkaing mura na masustansiya
pa.
3. Malaki ang matitipid kung marunong
magbalak ng pagkain.
4. Palaging sundin ang mga pagkaing gusto ng
mga bata.
5. Ang mga manggagawa sa pabrika ay higit
na nangangailangan ng mga pagkaing
nagbibigay lakas.
6. Hindi na mahalaga ang budyet sa
pagbabalak ng pagkain.
7. Mas makatitipid kung mga pagkain
napapanahon ang bibilhin.
8. Unang dapat isaalang-alang ay ang
sustansiya na kailangan ng mag-anak.
9. Mahalagang gamitin lamang ang
makabagong kagamitan sa paghahanda.
10. Dapat na ihandang pagkain ay iyong
matagal iluto.

V. TAKDANG-ARALIN
Magtala ng wastong pamamaraan ng pamimili.
Beverage Menu huwaran ng pagkain
Wine recipe budget

You might also like