Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

LACSINA, JEROME H.

Panitikang Pang-sining

Tatlong Kategorya ng Pampanitikang Sining ng Jama Mapun
1. Kung ikaw ay nasasama sa larangan ng agrikultura.
Halimbawa:
KWENTO NG TATLONG TAO
Si Tobag at ang kanyang dalawang asawa, si Masikla at Mayuyo ang kumuha ng mga
damo at inilagay sa palayok at iniluto. Binilin nila kay Mayuyo na bantayan ang nakasalang ngunit
huwag itong bubuksan. Hindi mapakali si Mayuyo. Naging mausisa ito at binuksan ang takip ng
palayok. Nalaman niya na kalahati ng palayok ay may lamang damo, ang kalahati ng palayok ay
bigas naman ang laman. Nang bumalik si Masikla, nagalit siya. Kaya sabi nila, hindi raw
kailangang magtanim ng palay, kailangan naman daw ay magluto ng damo sa ibabaw ng bigas.

2. Kung ikaw ay nasasama sa makasaysayang pangyayari ng bansa na tinatawag nilang TARSILA
o SALSILA (nakasulat na salaysay tungkol sa pinagmulan ng isang lahi o angkan sa mga Muslim).
Halimbawa:
PITONG BANAL NA MGA LALAKI
Nagpalaganap ng Isla sa Sulu.




Tatlong Kategorya ng
Pampanitikang Sining ng
Jama Mapun
Larangan
ng
agrikultur
a
Makasaysaya
ng pangyayari
ng bansa
Larangan ng
panrelihiyon
g
inspirasyon
3. Larangan ng panrelihiyong inspirasyon.
Halimbawa:
Si Allah at ang Paglikha ng Mundo
Sa simula ay mayroong kaisa-isahang dagat na tinatawag na Baharum Nur (liwanag
ng mabuting tubig) at sa dagat na iyon, mayroong isang bagay na mukhang bola. Ang bahay na
iyon ay tahanan ng Diyos na nahahati sa dalawa. Ang isang hati ay naging langit at ang kalahati ay
lupa. Mula sa pagningning ng sikat ng Diyos, lumitaw si Nur Mohammad (isang salita na
nagtatakda sa pagkabuhay ng kaluluwa ng isang propeta). Nang malaman ni Nur na siya ay nag-
iisa, sumigaw siya ng (Arastum Murabbikwen). Hindi pa man nababanggit nang lubusan nang
may isang dagundong mula sa langit na ang sabi Kabal Bala (paglapastangan sa Diyos) at
biglang nawala si Nur Mohammad.

Sining sa Pagtatanghal



LUNSAY
Ano: Larangan ng awitan at sayawan ng mga Jama Mapun
Paraan ng panliligaw na idinadaan sa pamamagitan ng sayaw.
Sino: Isinasagawa ng mga lalaki at babae sa hiwalay na linya o pabilog.
Paano:
Para makabuo ng bilog, ang dalawang magkakapareha ay may hawak na panyo o
maikling kahoy upang hindi magkahawak ang kanilang mga kamay.

Ang lalaki ay sinasabi ang mga kagandahan ng kanyang iniibig sa pamamagitan ng pag-
awit; ang babae naman ay sumasagot sa pamamagitan din ng pag-awit.

Habang umaawit sinasabayan naman ng pagpadyak ng paa kasabay ang pag-ugoy ng
dalawang kawayan.

Pitong Paraan ng Pagsasagawa ng Lunsay
Tugilah o mabagal
Lingagayon o mabilis
Nilabas o mabagal
Halintaroh
Palubulabu
Tinggayon
Moleh

QURAN (KORAN): ANG BIBLIA NG MGA MUSLIM
Ni: Magdalena O. Jocson
Malaki ang impluwensya ng panitikan sa buong daigdig. Maraming mga akda mula sa ibat ibang bansa
ang naging kilala na naglahad, nagsalaysay at naglarawan ng kanilang tradisyon, paniniwala, pamumuhay
at kabihasnan ng tao. Katangi-tanging kultura ang naipakita na lubhang nakaimpluwensya sa ibang mga
lahi.
Isa na rito ang QURAN ng mga Muslim. Ang salitang Quran ay mula sa salitang Arabic na garaa na
nangangahulugang nangulekta ng magkakasamang bagay-bagay o nabasa. Tinawag na Quran ang
banal na aklat ng mga Muslim sapagkat itoy koleksyon o katipunan ng mga tuntunin, mga batas, mga
kaugalian at mga paniniwalang panrelihiyong panlipunan, pangkabuhayan at pampulitika.
Ang Banal na Quran ay isang Banal na Pahayag bilang patnubay ng sangkatauhan. Ito ay mga salita
ni ALLAH na inihayag nang bahagi-bahagi kay Propeta Mohammad. Ang ilang bahagi ay inihayag sa
Mula sa
salitang
Arabic
na
garaa
Banal
na
Pahaya
g
Mga
batas,
mga
kaugalia
n
Mga
salita
ni
ALLA
H
Koleksyo
n o
katipunan
ng mga
tuntunin
Mecca, ang iba ay sa Medina sa ibat ibang pagkakataon sa loob ng dalawamput tatlong taon. Nagsimula
ang pagpapahayag sa buwan ng kalendaryong Muslim. Ang Banal na Mensahe ay dinala ng Espiritu Santo
na si Gabriel. Sinabi ito sa salitang Arabic kay Mohammad na siya namang nagpahayag ng sangkatauhan.
Noong buhay pa ang Propeta ng Islam, ang Quran ay nasa hiwa-hiwalay na papel. Ang unang caliph
na si Hazrat Abu Bakr ang nagpaaklat nito mula sa orihinal na manuskrito na pinatunayan naman ng mga
nakasaulo nito. Ang kopyang ito ay tinawag na Mus-haf. Sa utos ni Hazrat Uthman, inihanda ang pitong
kopya at ipinadala ito sa ibat ibang sentro ng Islam sa buong mundo. Ang isa sa pitong kopya nito ay
matatagpuan sa Tashkent, Russia.
Ang kasalukuyang bersyon ng Banal ng Quran ay kaparehong-kapareho ng mga itinuro ng Propeta sa
kanyang mga disipulo.
Walang pagbabagong ginawa sa mga salita o sa pagkakaayos ng mga berso at mga kabanata. Ang
pangkalahatang gawi ng mga Muslim sa pagkakasaulo ng Banal na Aklat ay tumitiyak sa kawastuan ng
nakaraan at ng hinaharap na bersyon.
Walang pari ang Islam. Dahil dito, ang bawat Muslim ay obligadong malaman at maunawaan ang
mensahe ng kanyang relihiyon at ang mga aral nito sa abot ng kanyang makakaya para sa kanyang
ikatatagumpay at ikaliligtas.

You might also like