Ang Kasaysayan ng Maikling KuwentoPresentation Transcript
1. naglalahad ng madulang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-
iiwan ng kakintalan sa isipan at damdamin ng mambabasa 2. A. Ang Mga Bahagi ng Maikling Kuwento: 3. 1. Simula- Lubhang mahalaga ang bahaging ito sapagkat dito nakasalalay ang kawilihan ng mambabasa. Kinapapalooban ito ng mga sumusunod: a. pagpapakilala sa tauhan b. pagpapahiwatig ng suliraning kakaharapin ng mga tauhan. c. pagkakintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming palilitawin sa kuwento. d. paglalarawan ng tagpuan 4. 2. Tunggalian- ang pinagbabatayan ng buhay ng maikling katha dahil ito ang nagbibigay daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga pangyayari 3. Kasukdulan- sa bahaging ito unti- unting naaalis ang sagabal, nalulutas ang suliranin, dito natutukoy ang katayuan ng pangunahing tauhan kung siya ay mabibigo o magtatagumpay 5. 4. Wakas- naihahatid ng may-akda ang mensahe sa bahaging ito. sa wakas ng kuwento. 6. B. Sangkap ng Maikling Kuwento: 7. 1. Tagpuan- tumutukoy ito sa pook o lugar na pinangyarihan ng kuwento. Naglalarawan ito ng ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan. 2. Tauhan- ang nagbibigay buhay sa kuwento, makikilala sila sa kanilang panlabas na kaanyuan- pisikal at pananamit, kilos na magpapahiwatig ng kanilang ugali at diyalogo. 8. 3. Banghay- ito ang pagkakasunud- sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Bahagi ng Banghay a. simula b. suliranin c. saglit na kasiglahan d. kasukdulan e. kakalasan f. wakas 4. Tema o Paksa- ito ang sentral na ideya sa loob ng kuwento o ang mahalagang pangkaisipan ng akda. 9. C. Uri ng Maikling Kuwento: 10. 1. Kuwento ng Katutubong Kulay- binibigyang diin ang kapaligiran, pananamit ng mga tauhan, uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook. 2.Kuwento ng Pakikipagsapalaran- nasa balangkas ng pangyayari ang kawilihan o interes sa kuwentong ito. 3. Kuwento ng Kababalaghan- mga di- kapani-paniwalang bukod pa sa mga katatakutan ang siyang daan ng 11. 4. Kuwento ng Tauhan- ang interes ng diin ay nasa pangunahing tauhan. 5. Kuwento ng Katatawanan- ang diin ng kuwentong ito ay magpatawa at bigyang aliw ang mga mambabasa. 6. Kuwento ng Pag-ibig- tungkol sa pag- iibigan ng pangunahing tauhan at ang katambal niyang tauhan 12. 7. Kuwento ng Kapaligiran- ang paksa ay mga pangyayaring mahalaga sa lipunan, kadalasan patungkol sa kalikasan. 13. KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG MAIKLING KUWENTO KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG MAIKLING KUWENTO 14. A. Bago Dumating Ang Mga Kastila 15. Kuwentong bitbit dito nag-ugat ang maikling kwento, maiikling salaysay na pumapaksa sa mga anito, lamanlupa, malikmata, multo at iba pang mga bunga ng guniguning di kapanipaniwala.. 16. B. Panahon ng Kastila 17. Kakana sumulpot pagdating ng Espanyol,naglalaman ng mga alamat at engkanto, panlibang sa mga bata kuwento ay tungkol sa buhay ng mga santo at santa -layunin nila ay mapalaganap ang Kristiyanismo. Parabula- naglalaman ng mga talinghaga at nagtuturo ng aral. Hal. Ang Mabuting Samaritano 18. C. Panahong Post Kolonyal ( Panahon ng Amerikano) 19. Ang maikling kuwentong Tagalog ay naisulat noong mga unang sampung taon ng mga Amerikano. Mga unang anyo nito ay ang dagli at pasingaw. dagli - maikling- maikling salaysay na gayong nangangaral nang lantaran ay namumuna, nagpapasaring at nanunuligsa. Hal: Sumpain Nawa Ang Mga Ngiping Ginto ni Cue Malay 20. Nagsisulat ng dagli sina Valeriano Hernandez Pena, Inigo Ed Regalado, Patricio Mariano, Pascual Poblete atbp. na inilathala sa pahina ng pahayagang Muling Pagsilang noong 1903. Yumabong ang uring ito ng salaysay sa tulong pa rin ng pahayagang Democracia, Ang Mithi, Taliba hanggang 1921. 21. Halimbawa ng dagli ni Salvador R. Barros: "Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae, at reporter ay may malaking ipinagkakaiba. "Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa kabila. "Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig. "At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa pahayagan." (Sampagita, 8 Nobyembre 1932) 22. pasingaw- patungkol sa mga paralumang hinahangaan, sinusuyo, nililugawan at kung anu-ano pa. Sa mga dahon ng pahayagang Kaliwanagan at Ang Kapatid ng Bayan ito kumita ng liwanag. Madalas na ang mga may-akda nito ay gumagamit o nagtatago sa kanilang mga sagisag panulat. 23. Napatanyag at namalasak ang pagsulat ng dagli at naging katha at sa bandang huli ay tinawag na maikling katha hanggang 1921. Noong 1910, nagtagumpay ang Elias ni Rosauro Almario sa pahayagang Ang Mithi sa bisa ng 14,478 na boto ng mga mambabasa. 24. Mga Samahang Pampanitikan 1. Ang Aklatang Bayan nagsimula ang maikling katha nang hindi pa ganap ang banghay at nakakahon pa ang karakterisasyon. 2. Ang Ilaw at Panitikan (popularisasyon) Isinilang ang Liwayway na naging tahanan ng mga akdang Filipino. 25. 3. Parolang Ginto ni Del Mundo- katipunan ng mga pinakamahusay na kuwento sa bawat gawain at sa bawat taon. Pumagitna rin sa larangan ng pamumunang pampanitikan si Alejandro Abadilla sa kanyang Talaang Bughaw. 4. Panitikan- sa panahong ito sinunog ng mga kabataang manunulat ang mga akdang pinalagay na hindi panitikan. 26. 5. Ilaw ng Bayan Sa panahong ito ay nangibabaw ang bisa ng mga kabataang manunulat sa panitikan sa Wikang Ingles. 27. Alejandro G. Abadilla The father of modern Filipino poetry. 28. 1.Ang Kuwentong Ginto (1925-1935) 20 kuwentong ginto.nina Abadilla at Del Mundo 2. Ang 50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista (1939) ni Pedro Reyes. Katipunan ng mga pinakamahusay na katha ni Hernando R. Ocampo at ang mga manunulat sa Ingles na sina NVM Gonzales, Narciso Reyes, Cornelio Reyes at Mariano C. Pascual. 29. Taong 1920, ang mga kathang Tagalog ay nagkaroon ng banghay at ang karamihan nito ay nalathala sa mga babasahin sa Maynila. Dito unang namayani sina Deogracias A. Rosario, Amado V. Hernandez, Jose Esperanza Cruz, Rafael Olaya, Teofilo Sayco atbp. 30. Deogracias A. Rosario Ipinanganak noong 17 Oktubre 1894 sa Tondo, Maynila, Amang Maiikling Kwentong Tagalog 31. Kapansin-pansin ang pagkagiliw ng mga manunulat sa matamis, mabulaklak at maindayog na pananalita. Karaniwang paksay pag-ibig na inaaglahi, hinahdlangan o pinapagdurusa, hindi makatotohanan ang mga sitwasyon at pangyayari at waring nangungunyapit pa rin sa tradisyon ng romantisismo hanggang sa pagdating ng 1930. 32. D. Panahon ng Hapon 33. Pansamantalang napinid ang mga palimbagan sa panahon ng mga Hapones ngunit pagkaraan ng ilang buwan ay muli itong nabuksan. Pinahintulutang makapaglathala ang Liwayway kayat biglang nakapasok ditto ang mga akda na dati ay hindi tinatanggap ng naturang babasahin. 34. Dahil dito ang mga manunulat na dating nagsusulat sa Ingles ay nangagtangkang magsulat sa Tagalog. Nagdaos ng timpalak ang Liwayway at pinili ang mga pangunahing kuwento noon na tinipon sa isang aklat. Ang 25 Pinakamabubuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943. 35. Nanguna sa timpalak ang sumusunod na apat na kuwento.: Pangunahin- Lupang Tinubuan Narciso Reyes Pangalawa Uhaw Ang Tigang na Lupa Liwayway A. Arceo Pangatlo- Nayon at Dagat-dagatan NVM Gonzales Pang- apat- Suyuan sa Tubigan Macario Pineda 36. Kabilang sa mga bagong pangalan sina Liwayway A. Arceo, Amado Pangsanghan, Aurora Cruz, sa mga nanguna sa kanila, nakilala sina Teodora Agoncillo, Gemilliano Pineda at Serafin Guinigundo atbp. 37. Liwayway Arceo 38. E. Panahon ng Kalayaan 39. Ang Gantimpalang Carlos Palanca, isang timpalak pantikan ay nagdulot ng bagong hamon sa mga manunulat sa Ingles at Pilipino. Nagsimula ang patimpalak sa maikling katha noong 1950 40. naitatag ang Kapisanang KADIPAN (aklat, diwa at panitikan) na itinatag sa pamamahala nina Ponciano B. Pineda at Tomas Ongoco ng MLQU. ang Diwa at Panitik (1965) ay nagpalabas ng magasing Sibol na ang nilalaman ay tuntunin sa panitikan, wika at pagtuturo 41. Noong Enero 1962, ang magasing Akda ang naging kaakit-akit na babasahing naglalathala ng mga orihinal na akda at salin saTagalog ng mga manunulat sa Ingles Ang magasing Panitikan ay muling pinalabas ni Alejandro G. Abadilla noong Oktubre, 1964 at tumagal hanggang 1968 42. Nagtaguyod ang Pamantasan ng Ateneo ng Urian Lectures na pinamahalaan ni Bienvenido Lumbera. Ang Gawad Balagtas ay patimpalak ng pamahalaan noong 1969. nilahukan ng katipunan ng sampung akda. Nagwagi si Wilfredo Virtusio ng unang gantimpala sa kanyang Si Ambo at Iba Pang Kuwento. 43. Ang huling taon sa dekada 60 ang panahon ng protesta. Ang mga manunulat ay pumaksa sa kaawa- awang kalagayan ng iskuwater, sa mga suliranin ng magbubukid at manggagawa. 44. F. Panahon ng Bagong Lipunan (Batas Militar) 45. Sa kadahilanang halos lahat ng kuwentista sa Pilipinas sa panahong Batas Militar ay kasangkot sa kilusang makabayan, tampok sa kanilang mga akda ang mga suliraning tulad ng paghihikahos ng marami sa pagpapasasa ng iilan, kabulukan sa pagpapatakbo ng pamahalaan, kawalan ng katarungan sa mga limot na mamamamayan at pang- aalipin ng negosyanteng dayuhan at ng sabwatan ng mga burgis. Lantad ang poot sa mga akdang ito. 46. Sagisag- isang magasing inilathala ng Kagawaran ng Pabatirang Madla upang magkaroon ng mapaglalathalaan ng mga akdang hindi tinatangkilik ng mga popular na babasahin.Nagtaguyod din ito ng Gawad Sagisag at nakatuklas ng mga bagong manunulat. 47. Ang iba;t ibang kuwentong lumabas at naisulat sa panahong ito ay pawing sumasaling sa ugat ng lipunan. Nakilala sa panahong ito ang mga kuwentistang sina Alfredo Lobo, Mario Libuan, Augosto Sumilang, Lualhati Bautista, Reynaldo Duque, Benigno Juan, Benjamin Pascual, Domingo Landicho, Edgardo Maranan, Wilfredo Ma. Virtusio at Pedro S. Dandan. 48. Sa panahong ito, naging palasak ang pagpunta ng mga Pilipino sa bang bansa lalo na sa Estados Unidos, ito ang naging batayan ni Domingo Landicho upang isulat ang kuwentong Huwag mong Tangisan Ang Kamatayan ng Isang Pilipino sa Dibdib ng Niyebe na siyang pinagkalooban ng gantimpalang Palanca noong 1975. 49. Samantala, noong 1979-1980, isang simple subalit pinakamakahulugang kuwento ang napili ng Palanca upang gawaran ng gantimpalang pinakamahusay para sa taong iyon ang kuwentong Kandong ni Reynaldo Duque. 50. G. Kasalukuyang Panahon 51. Nagpatuloy ang Liwayway sa pagbubukas ng kanilang pinto para sa mga manunulat ng kuwentong ngayon pa lang sumisibol.Maraming kuwentong nailathala ng mga pagbabagong naganap sa bansa pagkaraan ng EDSA Revolution. Ito ang mga kuwentong nagtataglay ng diwa, saloobin, at paniniwala ng mga manunulat sa bagong panahon. 52. Nagkaroon ng ibat ibang pamamaraan ng pagkukwento. Ang mga paksang dati ay hindi naisusulat ay napapansin. Naging matimpi ang pagtalakay ng paksa. Madula ngunit maligoy. Ang mga katangiang iyan ay namalagi hanggang sa kasalukuyan at itoy tinawag na kontemporaryong maikling kwento. Topic/ Paksang Aralin: MAIKLING KUWENTO Year Level of Students: Para sa Ika-apat na taon ng sekondarya OBJECTIVES/ LAYUNIN: a. Nasusuri ang ibat ibang elemento ng maikling katha, gaya ng tagpuan, tauhan, banghay at iba pa; b. nakasasali ng masigasig ang mga mag-aaral sa talakayan; c. makalugdan ang pagsali sa mga aktibiting may kaugnayan sa aralin. MAIKLING KUWENTO Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay. Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan. Tinatalakay ang natatangi at mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. May kapayakan at kakauntian ng mga tauhan. Nagpapakita ng isang makabuluhang bahagi ng buhay ng tao. Topic/ Paksang Aralin: MAIKLING KUWENTO Year Level of Students: Para sa Ika-apat na taon ng sekondarya OBJECTIVES/ LAYUNIN: a. Nasusuri ang ibat ibang elemento ng maikling katha, gaya ng tagpuan, tauhan, banghay at iba pa; b. nakasasali ng masigasig ang mga mag-aaral sa talakayan; c. makalugdan ang pagsali sa mga aktibiting may kaugnayan sa aralin. MAIKLING KUWENTO Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay. Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan. Tinatalakay ang natatangi at mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. May kapayakan at kakauntian ng mga tauhan. Nagpapakita ng isang makabuluhang bahagi ng buhay ng tao. UGAT NG MAIKLING KUWENTO Mitolohiya Itoy salaysay tungkol sa ibat ibang diyos na pinaniniwalaang mga sinaunang katutubo. Ang salaysay na ito ay tungkol sa mga kababalaghan at tungkol sa kanilang mga pananalig at paniniwala sa mga anito. Alamat Isinasalaysay ng kuwentong ito ang pinagmulan ng isang bagay, pook, pangyayari at iba pa. Pinalulutang din dito ang mahahalagang mensahe at mga aral sa buhay. Pabula Itoy isang uri ng kuwentong gumagamit ng mga hayop bilang mga tauhan. Bagamat kathang-isip lamang ang kuwentong ito walang tiyak na batayan. Ang pabula ay naghahatid pa rin ng mahahalagang mensahe at aral ng buhay. Parabula Itoy salaysay na hango sa Bibliya. Lumulutang dito ang moral at ispiritwal na pamumuhay ng mga tao at ang paglalahad ay patalinghaga. Kuwentong Bayan Ipinapakita sa salaysay na ito ang pag-uugali, tradisyon, paniniwala, pamahiin at kultura ng isang lipi. Inilalahad din dito ang mga suliraning hinarap ng tribu na siyang mag-iiwan ng aral at tiyak na mensahe sa mga mambabasa. Anekdota Itoy nagsasalaysay ng mga pangyayaring katawa-tawa at ang mga pangyayariy kapupulutan ng mga aral sa buhay. MGA URI NG KUWENTO 1. Kuwentong Nagsasalaysay Ito ay masaklaw, timbang na timbang ang mga bahagi, maluwag at hindi apurahan ang paglalahad. 2. Kuwentong Pangkatauhan Binibigyang diin nito ang tauhan o mga tauhang gumagalaw sa kuwento. (Halimbawa: Kuwento ni Mabuti ni G.E.M.) 3. Kuwentong Katutubong Kulay Binibigyang diin nito ang tagpuan at kapaligiran ng isang pook. Masusing inilalarawan ang mga tao sa isang pook, ang mga pamumuhay nila, ang kanilang mga kaugalian at gawing napapaloob sa kuwento. ( Halimbawa: May Daigdig sa Karagatan ni Clemente Bautista) 4. Kuwentong Sikolohiko Inilalarawang mabuti nito ang mga tauhan sa isipan ng mambabasa upang maipadama ang damdamin at nararanasan ng isang tao sa harap ng isang pangyayari o sitwasyon. 5. Kuwentong Talino Mahusay ang pagkakabuo ng balangkas nito, kailangang lumikha ang may-akda ng makauliraning kalagayan upang mamahay sa pag-aalinlangan hanggang sa ang takdang oras ay sumapit ang paglalahad ng kalutasan. 6. Kuwento ng Katatawanan Ang takbo ng mga pangyayari ay may kabagalan at may mangilan-ngilang paglihis sa balangkas at galaw ng mga pangyayari. 7. Kuwento ng Katatakutan Pinupukaw nito ang kawilihan ng mambabasa sa halip na ang kilos sa kuwento. Binibigyang diin ang simulang kaisahan at bisa. UGAT NG MAIKLING KUWENTO Mitolohiya Itoy salaysay tungkol sa ibat ibang diyos na pinaniniwalaang mga sinaunang katutubo. Ang salaysay na ito ay tungkol sa mga kababalaghan at tungkol sa kanilang mga pananalig at paniniwala sa mga anito. Alamat Isinasalaysay ng kuwentong ito ang pinagmulan ng isang bagay, pook, pangyayari at iba pa. Pinalulutang din dito ang mahahalagang mensahe at mga aral sa buhay. Pabula Itoy isang uri ng kuwentong gumagamit ng mga hayop bilang mga tauhan. Bagamat kathang-isip lamang ang kuwentong ito walang tiyak na batayan. Ang pabula ay naghahatid pa rin ng mahahalagang mensahe at aral ng buhay. Parabula Itoy salaysay na hango sa Bibliya. Lumulutang dito ang moral at ispiritwal na pamumuhay ng mga tao at ang paglalahad ay patalinghaga. Kuwentong Bayan Ipinapakita sa salaysay na ito ang pag-uugali, tradisyon, paniniwala, pamahiin at kultura ng isang lipi. Inilalahad din dito ang mga suliraning hinarap ng tribu na siyang mag-iiwan ng aral at tiyak na mensahe sa mga mambabasa. Anekdota Itoy nagsasalaysay ng mga pangyayaring katawa-tawa at ang mga pangyayariy kapupulutan ng mga aral sa buhay. MGA URI NG KUWENTO 1. Kuwentong Nagsasalaysay Ito ay masaklaw, timbang na timbang ang mga bahagi, maluwag at hindi apurahan ang paglalahad. 2. Kuwentong Pangkatauhan Binibigyang diin nito ang tauhan o mga tauhang gumagalaw sa kuwento. (Halimbawa: Kuwento ni Mabuti ni G.E.M.) 3. Kuwentong Katutubong Kulay Binibigyang diin nito ang tagpuan at kapaligiran ng isang pook. Masusing inilalarawan ang mga tao sa isang pook, ang mga pamumuhay nila, ang kanilang mga kaugalian at gawing napapaloob sa kuwento. ( Halimbawa: May Daigdig sa Karagatan ni Clemente Bautista) 4. Kuwentong Sikolohiko Inilalarawang mabuti nito ang mga tauhan sa isipan ng mambabasa upang maipadama ang damdamin at nararanasan ng isang tao sa harap ng isang pangyayari o sitwasyon. 5. Kuwentong Talino Mahusay ang pagkakabuo ng balangkas nito, kailangang lumikha ang may-akda ng makauliraning kalagayan upang mamahay sa pag-aalinlangan hanggang sa ang takdang oras ay sumapit ang paglalahad ng kalutasan. 6. Kuwento ng Katatawanan Ang takbo ng mga pangyayari ay may kabagalan at may mangilan-ngilang paglihis sa balangkas at galaw ng mga pangyayari. 7. Kuwento ng Katatakutan Pinupukaw nito ang kawilihan ng mambabasa sa halip na ang kilos sa kuwento. Binibigyang diin ang simulang kaisahan at bisa. 8. Kuwento ng Kababalaghan Binibigyang diin nito ang mga bagay na kapana-panabik, hindi kapani-paniwala at salungat sa hustong bait, kaisipan at karanasan ng tao. Kataka-taka ang mga pangyayari subalit magbibigay ang mga ito ng kasiyahan sa mambabasa. 9. Madulang Pangyayari Ang mga pangyayari ay kapansin-pansin, lubhang mahalaga, nagbunga ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga tauhan. 10. Kuwentong Pakikipagsapalarang Maromansa Nasa balangkas ang kawilihan sa halip na sa mga tauhan ang kawilihan, sa mga kawil ng mga pangyayari ang siyang bumabalot sa pangunahing tauhan. MGA MAHALAGANG SANGKAP NG MAIKLING KUWENTO 1. Tagpuan Tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan ng kuwento at kasama nito ang panahon, oras at kapaligiran. Ang mga ito ay nakatutulong nang malaki sa pagbuo ng namamayaning damdamin. 2. Banghay Ito ang kawing-kawing ng mga pangyayari na kapag nakalas ay tapos na ang kuwento. Sa bahaging ito nailulutas ang tunggalian ng mga tauhan sa kuwento. 3. Tauhan Ang mga taong nagbibigay buhay sa takbo ng mga pangyayari sa kuwento. Ang pinakamahalagang papel sa kuwento ay ginagampanan ng pangunahing tauhan o protagonist, sa kanya nakatuon ang interest ng mga tauhanng sumusuporta sa kanya at mga tauhang kumakalaban sa kanya. IBA PANG SANGKAP NG MAIKLING KUWENTO * Paksang Diwa Ito ang pinakadiwa ng katha. Ito ang pang- isipang iniikiran ng maliliit na himaymay ng katha at nabubuo ng manunulat ang kasiyahang pandamdamin at pangkaasalan sa mambabasa. * Himig Ito ang maglalantad sa kulay ng kalikasang pandamdamin ng kuwento. Maaring masaya ang kuwento o kayay malungkot, mapanudyo, mapagpatawa at maromansa. * Paningin Ito ang pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari. Matutukoy ng isang mambabasa ang ibat ibang sangkap ng akda sa pamamagitan ng paningin. Sa pamamagitan ng paningin, makikilala ng mambabasa ang inilalahad na lugar, panahon at ang relasyon ngn mga tauhan. MGA BAHAGI NG MAIKLING KUWENTO 1. Simula/ Panimula Sumasaklaw ito sa tagpuan o pook na pinangyarihan, kung kailan naganap ang mga pangyayari at sa mga tauhang gumaganap sa kuwento. 2. Saglit na kasiglahan Sa bahaging ito ipinapahiwatig ang suliraning kakaharapin ng pangunahing tauhan. 3. Tunggalian Dito inilalahad ang magkakakawing o magkakabuhol na mga pangyayari. Ang paghaharap ng pangunahing tauhan at iba pang mahahalagang tauhan sa masalimuot na mga kaganapan sa kuwento, ang pinakawili-wiling bahagi ng sinubaybayan ng mga mambabasa. 4. Kasukdulan Ito ang bahagi ng kuwento na nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapanabikan o interes sa mambabasa. 5. Kakalasan/ Wakas Ang mga pangyayaring magkakabuhol sa katawan ng kuwento ay unti-unti nang nakakalas sapagkat nagkakaroon na ng liwanag ang solusyon sa mga ito. Dito binibigyan ng pagkakataon ang mambabasa na tapusin ang kuwento at magkaroon ng pagkakataong gamitin ang kanyang pag-iisip. Mga Sanggunian o Ugat ng Panitikang Pilipino ni Carmelita Siazon-Lorenzo o Panitikan para sa mga Kolehiyo at Pamantasan ni Consolacion P. Saucoet.al