Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Puwede rin bang kasuhan ng plunder si Viel Aquino-Dee?

DAPAT nang tumigil ang Palasyo sa pagdepensa sa presidential sister na si Viel Aquino-Dee na isinasangkot sa P230-
million milk fund scam na ginamitan ng DAP.

Hindi na binibili ng publiko ang paliwanag ni Secretary Coloma na walang kinalaman si Viel gayong mismong COA na ang
nagsabing may kuwestiyon sa paggamit ng pondo.

Ang simpleng tanong ng publiko, bakit nakaentra ang Assisi Development Foundation ni Viel sa feeding program gayong
kahit saang anggulo sipatin ay imoral ito?

Kung 25 percent ng P230 milyon ang sinasabing napunta sa foundation ni Viel, ibig sabihin, puwede rin siyang kasuhan ng
plunder dahil P57.5 milyon ang pinag-uusapan dito tulad ng inaakusa nila kay Napoles.

Sa halip na gamitin ang resources ng gobyerno sa pagtatanggol kay Viel na hindi naman government official, mas mabuting
linawin ng gobyerno kung paano nagkaroon ng papel ang foundation ng kapatid ng Pangulo sa proyektong ito.

Ano ang kaibahan ng foundation ni Viel sa foundation ni Napoles?

Ganoon ba talaga ang standard natin, kapag foundation ng ibang tao, ubod ng sama pero kapag foundation ng presidential
sister, mabuti?

Aba, aba, anong klaseng sistema ito?
* * *
Nakapagtatakang nawala sa picture si Senador TG Guingona sa imbestigasyon ng overpriced Makati City Hall.

Bilang chairman ng Senate blue ribbon committee, himala ng mga himala at hindi siya nagpapasikat at umeepal sa isyu.

Kunsabagay, mahirap sumalang si Guingona sa probe na ito sa Makati scam dahil mainit na mainit pa ang resulta ng Pulse
Asia survey na nagsasabing bias ang naging paghawak ng Senado sa imbestigasyon ng pork barrel scam laban sa tatlong
senador.

Mahirap argumentuhin ang 53% na resulta ng survey na nagsabing hindi naging parehas ang blue ribbon sa mga kasamahan
nilang mambabatas na pawang may balak sanang kumandidato sa 2016 presidential polls.

Kaya pala biglang sub-committee na lang ang nag-iimbestiga dahil napaso si TG na wala sa kalingkingan ng integridad ng
kanyang ama.

Sabi ko na nga ba, minsan nagbubunga rin ng balimbing ang kamias.

Ang problema kasi sa Senate blue ribbon committee, lalo sa kanilang chairman, parang huramentado ang paghawak nila sa
imbestigasyon.

Sa pag-uunahan na mapansin ng Palasyo, hayun, nagsiarte na parang mga imbestigador, prosecutor at judge para lunurin sa
akusasyon sina JPE, Jinggoy at Bong.

Sino ba naman ang makakalimot sa 3-point shot/buzzer-beater na pahayag ni Guingona para isalarawan ang magiging
testimonya ni Ruby Tuazon kahit hindi pa man nakapagsasalita?

Dito sa imbestigasyon ng overpricing sa Makati City Hall, dapat makakita na tayo ng non-partisanship probe para talaga
malaman ng publiko ang katotohanan.

Huwag na kayong masyadong dupang sa publicity dahil kahit anong tumbling pa ang gawin nyo sa imbestigasyon, nakikita
ng publiko kung nagpapanggap lang kayong galit sa katiwalian.

Iyong mga senador na gustong magpalakas sa Palasyo, huwag masyadong magpahalata sa imbestigasyon para hindi matulad
sa Senate blue ribbon ni Senador Guingona na tinagurian ng publiko bilang bias probe body.

By the way, Mr. TG, ano na ang balita sa imbestigasyon sa iba pang mambabatas na isinasangkot din sa pork barrel scandal,
lalo na iyong mga kakampi ng Pangulong Aquino?

Dapat siguro ituloy yan ng Blue Ribbon para maniwala ang bayan na hindi lang oposisyon ang gusto nyong ipakulong.

Kilos na para sikat at baka mapili pang vice president ng Liberal Party.
* * *
Hindi dapat hinahayaan ng PSG na nalilipasan ng gutom ang kanilang chaplain na si Monsignor Daniel Tansip.

Sa tingin ko, bukod sa puyat at kulang sa bitamina, palaging nauubusan ng pagkain si Chaplain kaya nang makahawak ng
mikropono, ang unang ibinulalas ay gusto niya ng lifetime presidency para kay Pangulong Aquino.

Tiyak na tiyak na kung nasa tamang estado ng kaisipan at busog si Monsi ay hindi niya masasambit iyon dahil unang-una,
alam niya namang labag sa batas ang habambuhay na pagka-pangulo at malaking bahagi na ng populasyon ang nakukunsumi
sa liderato ni Noynoy.

Father, kung talagang kapos sa supply ng pagkain dyan sa PSG, puwede nang pampalipas-gutom ang mga osts a dyan.

Di bale, Father Tansip, inihihingi ka namin ng tawad sa Diyos dahil posibleng hindi mo lang alam ang iyong ginagawa noong
mga oras na iyon.
Si ES Jojo, kakampi ni PNoy
SA patuloy na pagbulusok pababa ng trust rating ni Pang. Noynoy, kandarapa na umano ngayon ang Palasyo sa pag-iisip
ng mga paraan at diskarte kung paano muling pababanguhin ang kanyang pangalan.

Ayon pa sa ulat ni kasamang Christine Herrera noong Martes sa Manila Standard, isang crisis management team sa ilalim ni
ES Jojo Ochoa (Samar bloc) ang binuo para tugunan ang krisis sa kredibilidad at liderato ng ating mahal na Pangulo.

Hindi rin siyempre magpapahuli ang kampo ni Sec. Mar Roxas (Balay bloc) at ang buong Liberal Party at kinuha ang isang
dayuhang eksperto sa media spin (PR) sa katauhan ni Paul Bograd.

Reading between the lines, wika nga, malinaw sa artikulo ni kasamang Christine na hindi natigil at bagkus, lalo pang
naging malubha, ang away ng dalawang paksyon sa Palasyo partikular ngayon na halos tatlo na lang sa bawat 10 Pinoy ang
may bilib at tiwala pa kay Pang. Noynoy.

Kung babalikan ang mga pangyayari, aprub tayo sa sinabi (umano) ni ES Jojo na kasalanan lahat ng Balay Group (read:
Liberal Party at Hyatt 10) kung bakit umasim ang singhot, ehek, sipat ni Juan dela Cruz, sa ating mahal na Pangulo.

Ang problema sa DAP na nakikita na nating maglalagay kay PNoy, ES Jojo at maaaring sa kanyang buong Gabinete sa likod
ng rehas na bakal pagkatapos ng kanyang termino, sino ba ang may kagagawan? Si DAP, err, DBM Sec. Butch Abad ng
LP/Hyatt 10, hindi ba?

Inamin din ni Sec. Mar na siya ang nang-urot kay PNoy sa ideya ng term extension na sa halip makatulong ay lalo lang
gumatong sa nag-aalsa nang kalooban ng taumbayan.

Wala ring maitulong at bagkus ay dagdag pa sa poot ng taumbayan ang mga katsang ni SP Franklin Drilon pabor sa DAP at
sa kahit ano na lang gimik na maisip ng kanyang mga kapartido at iba pang sipsip kay PNoy para lang mailayo ang
kanilang mga sarili sa partisipasyon nila sa DAP at PDAF scams.

Bilang matagal nang observer sa ating pulitika, mga kabayan, katulad ni ES Jojo, hindi rin ako naniniwala na may
maitutulong pa ang bagong pakana, ehek, panukala, ni Sec. Mar na kunin ang serbisyo nitong si Bograd.

Dangan kasi, patapos na ang termino ni PNoy at ang hinahanap na lang ngayon ng publiko ay mga mabilis at kongkretong
mga hakbang at solusyon sa kanilang mga samut saring mga problema -- mataas na presyo ng bilihin, trapiko, kriminalidad,
kawalan ng hustisya, kawalan ng trabaho, mahirap na sitwasyon ng pagnenegosyo, etc., etc.

Mga ganitong bagay -- mga aksyon at programang may agarang epekto sa kanilang pamumuhay -- ang hinahanap ng mga
Pinoy at hindi mga kargadong tanong sa questionnaires para sa mga susunod na popularity surveys na umanoy
inihahanda nitong si Bograd.

At para kaninong interes ba talaga itong si Bograd na ang serbisyo ay dati na umanong kinuha ni Sec. Mar para sa siyempre
sa kanyang pansariling interes noong 2004 elections?

Sa madaling salita, kung babalansehin ngayon ang sitwasyon sa Malacaang na may dalawang grupong nagsusulong
umano ng kapakanan ni PNoy, malinaw na hindi ito totoo.

Sa isang panig kasi ay ang grupo ni ES Jojo na walang political ambition at ang kapalaran, wika nga, ay depende sa
magiging kapalaran ni PNoy.

Sa kabilang panig naman ay ang sanrekwang politiko at mga ambisyoso sa LP at Hyatt 10 na ngayon pa lang ay nag-iisip na
kung paano nila ililigtas ang kanilang mga political career (at mga nakulimbat sa gobyerno) sakaling tuluyang makanal and
administrasyon ni PNoy.

Kaya nga sa sitwasyong nalagay na siya ngayon sa balag ng alanganin, dapat pag-isipang mabuti ni PNoy kung sino ba
talaga ang kakampi niya sa sandamakmak na mga taong nakapaligid sa kanya.

Sa pagbasa ko sa sitwasyon, kay ES Jojo, nakasisiguro siya. Ewan na lang sa iba!
***
Nabanggit na rin lang ang PR consultant, mga kabayan, mukhang tuloy na tuloy na pagtakbo ni Sen. Antonio Trillanes sa
mas mataas na posisyon sa 2016.

Patunay dito ay ang pagpayag niya sa gusto umanong resbak ni PNoy kay VP Binay na nakita natin ang pagsisimula noong
Miyerkules sa ginawang imbestigasyon ng Senado sa umanoy bilyones na overprice ng mga Binay sa mga proyekto sa
Makati kung saan sila ang bueno de familia.

Kung matatandaan mga kabayan, si Sen. Trillanes ang secret emissary ni PNoy sa kasagsagan ng away ng Pinas at China sa
isyu ng West Philippine Sea, patunay na malaki ang tiwala ni PNoy sa kanyang kakayahan.

Sabi kasi ng mga miron, napikon (daw) si PNoy kay VP Jojo sa hinalang si Rambotito ang gumagatong sa isyu ng DAP
kaya binigyan niya ng go-signal si Sen. Trillanes na gisahin sa Senado ang mga Binay sa isyu ng tongpats sa Makati
Car Park building, etc., etc.

Ang nakikitang trade-off naman ng mga miron? Si Sen. Sonny ang eendorsohin ni PNoy bilang bise-presidente sa 2016.
Harinawa, hehehe.

Isa pang pruweba na gigil na si Sen. Trillanes na matawag na Mr. Vice President ay ang pagkuha niya, NPC vice
president Benny Antiporda, ng isang outside PR consultant.

Yun nga lang, mga kabayan, duda tayo kung bukod sa makakaltasan si Sen. Sonny dahil sa presyo nitong kanyang PR
consultant, may magagawa bang mabuti ang damuho para sa kanya, ano sa opinyon mo, fellow NPC director Boying
Abasola?

At sa hanay pa ng mga beterano sa media, kilalang matalas ang kanyang nakuha kayamagsuot na tayo ng helmet mga
igan dahil siguradong uso na naman ang bukulan, hahaha!

Oops! Wala akong masamang tinapay kay Sen. Sonny, mga kabayan at isa ako sa mga bilib sa kanyang mga prinsipyo at
mga paninindigan.

Gusto ko siyang magtagumpay dahil kailangan ng bayan ang mga katulad niya. Pero kung hindi siya mag-iingat sa kanyang
mga hakbangsayang lang ang lahat ng kanyang pinagpaguran.
FMDs CPR on DAP
Chilling effect on public spending, you say?

We think the deep freeze is on fiscal indiscretion or unbridled disbursement of public funds.

But then again, what can we expect from a staunch ally of Malacaang who unabashedly turned the Senate a traditional
political counterweight to the imperial overstretch of the Palace into a rubber-stamp legislative chamber?

The Constitution says all public spending must be legislated, and the Supreme Court has reaffirmed the constitutional
requirement in largely outlawing the controversial Disbursement Acceleration Program of the Aquino administration.

And by upholding this key provision of the basic law of the land, the SC just distilled a general constitutional principle into a
specific legal requirement you simply cant spend government funds without congressional authorization, stupid!

And what does Senate President Franklin Drilon exactly hope to accomplish by raising the chill factor among
economic managers even as he called on them to accelerate government spending?

Drilon noted the chilling effect of the SCs decision declaring parts of the DAP unconstitutional. Isnt this a desperate
attempt at resuscitating the DAP like the case of an emergency team frantically reviving a cardiac patient who just died on
arrival at the hospital?

During Tuesdays hearing on the proposed 2015 national budget, he noted that the governments expenditures have (gone)
down tremendously from 10 percent during the first quarter of 2013 to two percent during the same period this year.

You cant discount the fact that the bureaucracy is now concerned about spending given the decision of the Supreme
Court on the DAP, the Senate chief warned. You know whether you like it or not, the DAP had a chilling effect on the
government expenditures program.

The challenge, therefore, to our economic managers should be how to comply with the final decision of the Supreme Court
but at the same time accelerate government spending for the next three quarters or two he n said.

We have enough revenues, but were not spending well. In fact, our programmed budget deficit is way below our target,
Drilon added.

And if you think top administration officials are singing the same tune on fiscal policy, listen to its top money minder.

Budget Sec. Florencio Abad promptly contradicted Drilons observation, citing a 44-percent estimated growth in
the government expenditures on the second quarter of the year.

Were actually improving on that end, Mr. Chairman. The figures in June will show a 44-percent increase and that has been
brought mainly by finally the billings from the PhilHealth services (that) should come in, Abad said.

Oops, their slip is showing.

The PhilHealth subsidies, he said, would amount to P36 billion.

What about the other key social outlays? Are they also moving below the programmed speed limit?

We suggest Abad enroll Drilon in an accelerated course on the Aquino administrations supposedly Tuwid na Daan social
spending program.
Groups slam PNoys dictatorial tendencies
CITING President Noynoy Aquinos innuendoes towards Cha-cha and term extension, and his declaration of intent to clip the
powers of the judiciary after the Supreme Court declared his Disbursement Acceleration Program (DAP) unconstitutional,
progressive groups say this clearly reveals Aquinos dictatorial tendencies.

In a press conference held in Quezon City, the groups Sanlakas, Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Partido Lakas
ng Masa (PLM) and allied peoples organizations vowed to take to the streets and mobilize to fight President Noynoy Aquino
schemes to change the Charter in order to extend his term in office to secure himself in the face of recent Disbursement
Acceleration Program (DAP).controversy.

If a sitting President flounts the Constitutional tenets on checks and balance by flagrantly attacking the judiciary, flaunts his
control over the legislative branch, and pits this against the judiciary as well, does this not endanger the very delicate balance
of power of existing constitutional democracy? argued Atty. Aaron Pedrosa, national secretary-general of Sanlakas.

Pedrosa said that Aquinos recent moves against the judiciary, and calls for Cha-cha and term extension reminds us of how
President Ferdinand Marcos, who in 1972 was on his last year of his constitutionally-mandated second term made similar
innuendoes for term extension during the Constitutional Convention to amend the 1935 Constitution. We all know what
happened in September of 1972, Marcos usurped absolute power when he declared martial law and ruled as a dictator for the
next 13 years.

For his part, Leody de Guzman of BMP asserted that, the bottom line of recent political tumult since parts of the DAP were
declared unconstitutional by the SC is Aquinos intent to protect himself and his party mates from the consequence of such a
resolution, and to secure himself and his party of continued control over power beyond 2016.
Pagsusog sa Saligang Batas, o Cha-cha
Laman ng mga pahayagan noong Huwebes ng umaga, ika-14 ng Agosto, ang balitang pagiging bukas ng Pangulong Noynoy
sa Cha-cha. Ang pagpapahayag na ito ay naganap sa isang pribadong pakikipanayam na isinagawa ni Atty. Mel Sta. Maria,
resident legal analyst ng TV 5 at Dean ng Far Eastern University Institute of Law.

Ayon sa Pangulo, base sa aking pagkakaintindi ng balita, siya ay may dating mariing pagtutol o sarado - sa pagsasagawa ng
Cha-cha, ngunit ang paniniwala niyang ito ay natinag dahil sa desisyon ng Korte Suprema tungkol sa pagiging
unconstitutional ng PDAF at DAP. Pinagiisipan aniya nang malalim ang usaping ito dahil sa tinatawag niyang judicial reach,
o ang nagiging saklaw ng pagpapasiyang ginagawa ng KS.

Tila masyadong malimit na, aniya, ang paggamit ng KS ng kapangyarihang mag-check magapula o magrepaso ng
tungkulin ng ibang mga co-equal na sangay ng pamahalaan (i.e., lehislatibo at ehekutibo), na kung saan ay sinasaklawan rin
nito ang mga usaping pampulitikal. At bagamat binigyan din ng Saligang Batas ang KS ng karapatang talakayin ang mga
usaping ganito, ayon sa Pangulo, Ang problema lang ngayon, may nagtatanong, sobra ba?

Mayroong mga nag-iisip at di mawari kung di pa lampas-lampas sa saklaw na karapatang ibinigay ng SB ang ginagawang
pag-check na ginagwa ng KS.

Parang wala ng judicial restraint, o pagpipigil na isinasaalang-alang ang KS, na kung saan ang nangyayaring sistema, sa
pananaw at sa sariling pangungusap - ng Pangulo, ay ganito: Yung kongreso, executive, kumilos kayo, pero any time,
puwede naming kayong kastiguhinInstead of being judicious with judicial restraint, parang masyadong madalas
ginagamitNgayon, yung balance between the three branches, tila nawala.

Ang pagsasagawa ng Cha-cha ay maaaring makakapagpabago ng anim na taong limitasyon sa panunungkulan ng isang
pangulo. Nang itanong sa Pangulo kung bukas siya rito, ang sagot niya ay ganito: Nang pinasukan ko ito, ang tanda ko one
term of six yearsNgayon, after having said that, siyempre ang mga boss ko, kailangan kong pakinggan yon.

Hindi naman ibig sabihinna automatic na hahabol pa ako na magkakaroon pa ako ng dagdag dito, no. Nabanggit ng
Pangulo na gusto niyang kunsultahin ang mga tao mga boss niya - tungkol sa isang napakamahalagang katanungan; ang
kung paanong ang mga pagbabagong nasimulan na ay magawang permanente. Sa kanyang sariling mga kataga, How do we
ensure the reforms we began will become permanent?

Siyempre, umarangkada na ulit at rumaragasa ang mga komentaryo kontra sa Pangulo. Medyo natatawa kami ng kasama ko
habang pinakikinggan sa radio ang isang tila nanggagalaiting announcer (nakaangkas ako sa otto ng isang kapwa kong
inhinyerong papunta sa isang planta sa Bulacan) na di maitago ang pagkapiing niya. Unang-una ang kanyang kinakapanayam
ay isang abugadong kilala nang kontra sa Pangulo.

Ang nakakatawa ay halos siya lang ang nagsasalita, at sa pakiwari koy halos wala namang masyadong masambit ang
kawawang abogado kundi kalimitay isang kataga lang pwera na lang pagdating sa kanyang huling pangungusap. Lalo pang
naging parang komedya sa amin ng kasama ko ang aming pinakikinggan dahil nilagyan pa ng background music na,
maniwala kayot sa hindi, Ang Bayan Ko ni Ka Freddie.

Abay handang-handa pa sa ibang sound effects yung tao parang grand production - dahil ipinarinig pa ang oath taking ni
Pangulong Noynoy (na idinidiin ang panatang ipagtatanggol ang SB) at ang bahagi ng talumpati ng idolo ng marami, at
bayani ng bayan, ang yumaong si Senador Ninoy (na idinidiin naman pagpapalit ng SB ni Presidente Marcos bilang
pamamaraaan upang maideklara ang martial law at makapagpanatili pa siya sa puwesto.

Ang pamamaraaan na ginagamit ng announcer, sa aking pananaw, ay ang pagpapakawala ng tinatawag na subliminal
message na kung saan ang nakikinig ay puwedeng maimpluwensahan nang di nila namamalayan.

At ano ang impluwensiyang gustong itanim? Unang-una, na ang Pangulong Noynoy ay nagtaksil sa kanyang sumpang
ipagtatanggol ang Saligang Batas. Ang pangalawa ay ang paggaya niya sa pamamaraan ni Marcos na ginamit ang paraang
pagpapalit ng SB upang makapag-declare ng batas military at makapanungkulan bilang diktador.

Yung abugado naman na aking una nang nabanggit ay mayroon ding inilahad na payo naman ng yumaong Pangulong Cory
(sa isang dating pangulo na nag-iisip na magpalawig ng panunungkulan) na naglalaman - ayon sa aking pagkarining - ng
ganito: huwag mong isiping ikaw ay indispensable (ibig sabihin walang kapalit, o di kayay di pwedeng mawala) dahil sa
maraming ganyan na nasa mga libingan. At ang subliminal message dito sa aking pananaw - ay huwag mong isiping
indispensable ka.

Ang Pangulong Noynoy nga ba ay taksil sa kanyang sumpang ipagtatanggol ang SB? Siya nga ba ay may balak na maging
diktador kagaya ni Marcos? Siya ba ay nagiisip na indispensable siya.

Dahil sa limitasyon ng espasyo para sa paglalatha ng artikulong ito, ang aking sariling mga kasagutan sa mga tanong ay
ilalahad ko sa susunod na kolum. At bago ako tuluyang magwakas sa bahaging ito ng artikulo ay gusto ko lang ipabatid na
kinikilala ko nang lubusan ang karapatan ng nabanggit na announcer at abugado na maglahad ng kani-kaniyang mga
pananaw. At ito ding prinsipiyong ito ang aking sandigan sa pagbibigay naman ng aking mga kuro-kurong naisulat, at sa mga
sagot na ilalahad ko sa susunod na kolum - tungkol sa mga tanong.

Samantala, ang anumang komento o reaction sa mga naisulat ay malugod na pagpapahalagahan, at maaaring ipadala sa email
ng manunulat na ito sa sl3.mekaniko@gmail.com
Ang makatotohanang State of the Nation
Maaaring gumanda ang ekonomiya, subalit tila tatlo hanggang limang porsyento lamang ng populasyon ang nakakaramdam
nito.
Ang tanong ng ating mga manggagawa dumami ba ang mga Pilipinong nagkahanapbuhay? Bumuti ba ang kanilang
kondisyon sa trabaho sa nakaraang taon?

Pupuwede siguro tayong magbigay ng matematikong halimbawa sa isyung ito.

Ang malalaking kumpanya tulad ng SMART ay hindi bababa na mayroong limang libong empleyado. Kung totoo na dalawa
at kalahating milyong Pilipino ang bumangon mula sa kahirapan at nagkatrabaho sa nakaraang taon, katumbas ito ng
limangdaang kumpanyang kasing laki ng SMART na kumuha ng tig-limang libong manggagawa. Ang tanong ng
mamamayan, mayroon ba tayong nakita o nabalitaang limang-daang kumpanyang nagbukas at kumuha ng tauhan?
Nakakalungkot na ayon mismo sa International Labor Organization, ANG ATING BANSA ANG MAY PINAKAMATAAS
NA UNEMPLOYMENT RATE MULA PA NOONG 2010 SA ASEAN NATIONS.

Ginoong Pangulo, ang mga mamamayan na mismong ARAW-ARAW na dumaranas ng kahirapan, ang nagsabing wala
silang naramdamang pagbabago sa kanilang pamumuhay. Hindi naman po siguro kinakailangang kumplikado ang pormula
upang masabi kung talagang bumaba ang bilang ng mahihirap sa bansa. Simple lang ang batayan natin sa tanong na ito.
HANGGAT HINDI RAMDAM NG MAMAMAYAN, HANGGAT HINDI NABABAWASAN ANG MGA
NAGUGUTOM NA PAMILYA, HANGGAT HINDI MAKA-BULUHAN ANG PAGBAWAS NG KAWALAN NG
TRABAHO SA BANSA, AY HINDI PA SIGURO NATIN MASASABING TAYO AY TUNAY NA BUMANGON MULA
SA KAHIRAPAN.

Tila nakaligtaan din sa SONA ng Pangulo ang ating mga overseas Filipino workers o ang mga OFW Parang hindi sila
importante sa nakaraang SONA. Four thousand five hundred ang umaalis na OFWs araw-araw. Labing-dalawang milyon na
ang ating OFW at 12 percent ito ng ating populasyon. Batid natin na halos lahat ng bawat pamilyang Pilipino ay may mahal
sa buhay na OFW na sumusuong sa kapahamakan. Noon pa man, ito na ang mukha ng ordinaryong pamilyang Pilipino. Kaya
naman sila ang salamin ng TUNAY na kalagayan ng ating lipunan.

Marami sa ating mga kababayan ang wala pa ring trabaho. Kung meron man, hindi sapat ang kanilang sahod kaya pinipili na
lamang na mangibang bayan, mawalay sa pamilya, labanan ang kahirapan, at maharap sa panganib. Tulad sa Libya, pinili ng
ating mga kababayan na manatili sa gitna ng digmaan sa halip na umuwi dito. Hindi ina-alintana ang pagsabog ng bomba,
kaysa balikan nila ang gutom at kahirapan sa ating bansa.

Ginoong Pangulo, nangangailangan ng dagdag na tulong ang ating mga bagong bayani. Sila ay isa sa backbone ng
ekonomiya at marapat lamang na sila ay kalingain. Taasan dapat ang legal assistance fund para sa mga OFW para
maramdaman nila ang ating pamahalaan sa oras ng kanilang pangangailangan.

Ginoong Pangulo, ang sabi sa SONA, bumaba ang insidente ng krimen sa gitna ng maraming balita ng masaker, kidnapping,
ambush at iba pang krimen. Malaking bahagi ng mga headline araw-araw ay kaugnay ng kriminalidad. Ito ang
nakakabahalang sitwasyon. At sa kabila ng pamamahagi ng gobyerno ng mga bagong armas sa Kapulisan at Sandatahang
Lakas, bumaba pa sa 28.6% ang crime solution efficiency ng ating Kapulisan. Kinikilala natin ang nagawa ng
administrasyong Aquino upang maarmasan ang lahat ng pulis sa buong bansa. Sana ay makatulong ito sa pagsugpo ng
dumaraming bilang ng krimen.

Ang paglala ng krimen ay isang repleksyon ng lumalalang kahirapan. Ayon sa NSCB at PNP, lagpas isang milyon ang
krimen noong 2013, kumpara sa dalawang daang-libo noong 2012. Kabilang dito ang 27 mamamahayag at 10 meyor na
inambush at pinatay kamakailan. Ang kawalan ng katahimikan ay masamang pangitain din sa pang-engganyo ng mga
dayuhang namumuhunan. NAWALA NGA ANG WANGWANG SA DAAN, NAGLIPANA NAMAN ANG MGA
GAGAMBOYS, SOLVENT BOYS/ AT RIDING IN TANDEM. Nakakita na ba tayo ng wangwang ng pulis na
humahabol sa mga kriminal?

Malaki ring suliranin ang mabagal na hustisya, katulad na lang sa Maguindanao massacre. Limang taon na ang nakalipas,
patapos na ang termino ng pangulo, ay wala pa ring pasya ang Korte. Kung ang kasong ito ay hindi umuusad, paano pa kaya
ang maliliit na kasong dawit ang ordinaryong mamamayan at mahihirap?

MINDANAO

Kaya marahil sa Mindanao, Ginoong Pangulo, malayo pa tayo sa pagresolba ng tunay na suliraning nagdudulot ng rebelyon.
Mabuti ang mithiing kapayapaan sa MILF at ng Bangsamoro Law, subalit kung mananatili ang kahirapan sa Mindanao,
malamang mauuwi pa rin ito sa bagong rebelyon.

Ang kahirapan ang tunay na ugat ng mga paghihimagsik sa Mindanao. Sampu sa 16 na pinakamahihirap na probinsiya ay
matatagpuan sa Mindanao. Ang desperadong pamumuhay at pakiramdam na napapabayaan ng pamahalaan ang nagtutulak
para sa ating mga kababayang mag-aklas. Wala na nga silang makain na maayos, walong oras araw-araw pa silang
nakakaranas ng rotating brownout!

Ginoong Pangulo, malaki ang papel ng pagkakaroon ng regular na supply ng kuryente sa Mindanao. Kailangan natin ang
malinaw na polisiya at programa sa enerhiya ng Mindanao para sa mura, sapat at istableng kuryente. Ito ay upang
mahikayat natin ang mga mamumuhunan na mag-invest sa Mindanao at magdudulot ng pagsigla sa lokal na ekonomiya.

Kailangang maayos na pag-aralan ang mga paraan upang masulit ang pagiging food basket ng bansa ang Mindanao, at
marepaso ang Mindanao Strategic Development Framework na binalangkas ng NEDA.

CORRUPTION

Kaisa tayo sa kagustuhan ng mamamayan na lutasin ang isyu ng katiwalian. Isinumite mismo ng ilan sa ating mga kasama sa
oposisyon ang kanilang sarili sa proseso ng hustisya. Lumagda po ang inyong lingkod sa Blue Ribbon Committee Report sa
paniniwalang DAPAT IPAGPATULOY ang pag-usisa sa 71 bogus na NGO na tinukoy ng CoA bukod pa sa Napoles-
NGOs. Inaasahan nating hindi magtatapos sa pag-aresto at pagpapakulong sa tatlo nating kasamahan ang laban sa katiwalian
at korapsyon, upang hindi isipin na ito ay may bahid pulitika. Umaasa ang buong bansa sa pag-iral ng hustisya. Naway hindi
maging balakid ang usapin ng pagiging kapartido, kaalyado, kaibigan at kamag-anak sa nararapat na maimbestigahan ng
anumang uri at anyo ng katiwalian.

Sa kontrobersiya ng DAP, obligasyon nating sundin ang kapasyahan ng Korte Suprema na nagsasabing iligal ito. Sa
pagdeklarang unconstitutional ang PDAF, tumalima ang mga Kongresman at Senador. Bakit pagdating sa DAP, nagmaktol
ang Malakanyang?

Hindi natin kinukwestiyon ang magandang intensyon ng DAP. Ang kinukwestiyon natin ay ang prosesong pinagdaanan nito
na lumabag sa Saligang Batas. Sana ay humingi na lamang ng supplemental budget sa Kongreso ang Malakanyang katulad
ng naaayon sa batas.

You might also like