Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Jazille N.

Lardizabal BSME-4B
Ang dokumentaryo ng I-Witness na pinamagatang Anghel Sa Dapithapon ni
Kara David ay tungkol sa dalawang batang may Progeria. Ang Progeria ay isang sakit
na kung saan mabilis na tumatanda ang katawan ng isang bata. Ang mga may ganitong
sakit ay tinatayang nabubuhay lamang ng 14-16 taon. Walang gamot sa sakit na ito.
Hindi ito nakakahawa at hindi rin namamana kundi bigla nalang itong sumusulpot sa isa
sa bawat 4 na milyong bata. Sa buong mundo, 45 lang ang kilalang kaso ng Progeria.
Isa sa kanila si Rachel, 9 na taong gulang. Kinupkop si Rachel ng mga madre ng
Tahanang Walang Hagdanan noong siyay 5 taong gulang pa lamang. Mahirap lang
ang kanilang pamilya kaya ang mga madre ang tumutustos sa kanyang pagpapagamot.
Minsan sa isang buwan lang nya nakikita ang kanyang ina at kanyang pamilya ngunit
kitang kita ang kakaibang saya sa kanya sa tuwing umuuwi sya sa kanila. Alam ni
Rachel na may sakit sya at alam nya rin na sa edad sa 15 ay maaari na syang
mamatay. Marahil hindi pa ito lubusang naiintindihan ni Rachel sa mura nyang edad
pero gayunpaman, pinili nyang mabuhay ng masaya at puno ng pagmamahal at sa
ganitong paraan, napapasaya nya ang mga tao sa kanyang paliid.
Magkaiba sila ni Maureen, 14 na taong gulang. Si Maureen ay nasa huling yugto
na ng Progeria at ang kanyang pangangatawan ay maihahalintulad na sa isang
matandang 80-100 yrs. old. Malala na rin ang kanyang sakit sa puso na isa sa mga
sakit na dulot ng Progeria. Ayon sa doktor, hindi na ito magagamot at ang tanging
magagawa nalang ay pasayahin si Maureen sa kanyang nalalabing mga araw. Di tulad
ni Rachel, kasama ni Maureen ang kanyang pamilya. Minabuti rin ng kanyang ina na
tiyaking hindi alam ni Maureen ang sitwasyon nya upang hindi na ito mag-alala at
malungkot pa. Bagamat may pagkakaiba, si Rachel ay madaldal at masayahin


samantalang si Maureen naman ay tahimik at mahiyain, parehas silang mapagmahal na
anak at itinuturing silang mga anghel na pinahiram lamang ng Diyos sa kanilang mga
magulang.
Tinalakay sa dokumentaryong ito kung gaano kahirap lalo na para sa mga
magulang ang pagkakaroon ng Progeria ng kanilang anak. Sa sitwasyon ni Rachel,
gustuhin man nyang makasama ang kanyang pamilya sa araw araw, hindi ito maaari
dahil mahirap lang ang kanilang pamilya at wala silang pantustos sa pagpapagamot
nya. Sa tingin ng kanyang ina, mas mapabubuti ang kalagayan ni Rachel sa piling ng
mga madre dahil doon ay naibibigay nila ang mga pangangailangan nya. Sa kaso
naman ni Maureen na medyo nakakaginhawa sa buhay ang pamilya, malaya nyang
nakakapiling ang kanyang ina. Sa kadahilanang ito, hindi magawang ipaalam ng
kanyang ina sa kanya na saglit na panahon nalang ang ilalagi nya sa mundo. Ayaw ng
kanyang ina na mag-alala at malungkot pa si Maureen kayat minabuti nyang ilihim
nalang ito sa anak at itago nalang ang sakit na kanyang nararamdaman.
Minsan, kung sino pa ang binigyan lang ng maiksing buhay, sila pa ang mas
nakakaalam kung paano ito pahalagahan. Sa aking palagay, nais ipahiwatig ng
dokumentaryong ito na may mga taong maiksi lang ang pinagkaloob na buhay at gaano
man nila naisin na manatili pa ng mas matagal sa mundo, hindi na ito maaari. Kayat
tayong mga biniyaan ng mas mahabang buhay, dapat nating pahalagahan ang bawat
oras nito.

You might also like