Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PANGATNIG

Ano ang pangatnig?


Tinatawag na pangatnig ang mga kataga o lipon ng mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita,
parirala sa kapwa parirala at sugnay sa kapwa sugnay upang maipakita ang dalawa o higit pang
kaisipan sa loob ng pangungusap. Ang pangatnig ay ginagamit din sa mga pangungusap na
tambalan, hugnayan at langkapan.

Mga Uri ng Pangatnig

1. Panapos - pangatnig na nagsasaad na malapit nang matapos ang pagsasalita o ang
nais ipahiwatig ng pangungusap.
Halimbawa:
a. Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam kong promosyon sa trabaho.
b. Sa lahat ng ito, dapat tayong magkaisa.
c. Sa di-kawasa, ang pagtalakay sa pagpapatalsik kay Ombudsman Gutierrez ay
tinapos na ng Kamara.
d. Sa bagay na ito, nasa ating mga kamay na ang paghuhusga.

2. Pananhi - nagsasaad ng kadahilanan o katuwiran para sa natapos na kilos.
Halimbawa:
a. Sumakit ang kanyang lalamunan dahil sa kasisigaw.
b. Sanhi sa init ng panahon kaya siya nilagnat.

c. Umapaw ang ilog sapagkat walang tigil ang ulan.
d. Nahilo si Anna mangyari ay ikot siya nang ikot.

3. Pamukod - pangatnig na ginagamit sa pagbukod o pagtatangi.
Halimbawa:
a. Kung ikaw o si Liza ang bibigyan ng parangal ay wala akong tutol.
b. Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung si Roger man ang piliing lider natin.
c. Walang diprensiya sa akin maging si Jose ang magwagi sa paligsahan.
d. Ni sermunan ni saktan ay hindi ko ginagawa sa aking anak.

4. Paninsay - pangatnig na sinasalungat ng naunang parte ng pangungusap ang ikalawang bahagi
nito.
Halimbawa:
a. Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit (kahit na) maraming naninira sa kanya.
b. Nakatapos si Ramon ng medisina bagaman tindera lang sa palengke ang kanyang ina.
c. Nanalo pa ring musa si Rosa datapwat may mga kaibigang bomoto sa kalaban niya.
d. Mayaman nga si Donya Rustica ngunit matapobre naman.
5. Panubali - nagsasaad ito ng pag-aatubili o pag-aalinlangan.
Halimbawa:
a. Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi nang maaga ang tatay.

b. Sasayaw ako kung aawit ka.
c. Pag umulan, hindi makakapunta rito si Boyet.
d. Hindi tayo makakahuli ng maraming isda sakaling lumitaw ang buwan.
6. Panimbang - pangatnig na gamit kung naghahayag ng karagdagang impormasyon at kaisipan.
Halimbawa:

a. Nagpiknik sa bukid sina Jose at Maria.
b. Pati ang gamit ng iba ay kanyang iniligtas.
c. Anupat pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral para makaahon sa kahirapan.
d. Nagtanim siya ng upo at saka patola.
7. Pamanggit - pangatnig na gumagaya o nagsasabi lamang ng iba.
Halimbawa:
a. Siya raw ang hari ng sablay.
b. Sa ganang akin, mali ang paniniwala mo.
c. Di umano, mahusay umawit si Blanca.
d. Masisipag daw ang mga taga-Ilokos.

8. Panulad - gumagaya o tumutulad ng mga pangyayari, kilos o gawa.
a. Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin.
b. Kung sino ang unang tumakbo, siyang mananalo.
c. Kung gaano ang iyong itinulong, siya ring ibibiyaya sa iyo.


9.Panlinaw - gamit ang pangatnig na panlinaw upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang
banggit.
Halimbawa:
a. Nahuli na ang tunay na maysala kaya makakawala na si Berto.
b. Nagkasundo na ang mga trabahador at may-ari, kung gayon ay magbubukas na ang planta.


PANG-ANGKOP

ANG PANG-ANGKOP ay mga katagang idinudugtong sa pagitan ng dalawang salita upang maging
kaaya-aya ang pagbigkas ng mga ito at magkaroon ng ugnayang panggramatika. Ito ay maaaring
matagpuan sa pagitan ng pang-uri at pangngalan. Ang pang-angkop ay ang mga katagang na, ng at g.

NA ginagamit kung ang nauunang salita ay iuugnay sa sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig
(consonant) maliban sa titik na n. Ito rin ang ginagamit sa mga salitang English na inuulit.

Halimbawa:

1. malalim bangin ===> malalim na bangin
2. mataas tao ===>mataas na tao
3. feel feel ===>feel na feel
4. yamot yamot ===>yamot na yamot

5. tulay bato ==>tulay na bato

NG ginagamit kung ang unang salita ng iuugnay ay nagtatapos sa patinig (vowel).

Halimbawa:

1. malaya isipan ===> malayang isipan

2. malaki bahay ===>malaking bahay

3. buo buo ===> buong-buo
4. madamo hardin ===>madamong hardin
5. sombrero pandan ===>sumbrerong pandan

G ginagamit an gang iuugnay na unang salita sa sinusundan nito ay nagtatapos sa katinig na n.

Halimbawa:
1. aliwan pambata ====> aliwang pambata
2. balon malalim ===>balong malalim
3. pamayanan nagkakaisa ===> pamayanang nagkakaisa

4. pamilihan bayan ===>pamilihang bayan

5. institusyon pangmental ===>institusyong pangmental

PANG-UKOL
Ang Pang-ukol (Preposition) ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip,
pandiwa at pang-abay na pinag-uukulan ng kilos, gawa, ari, balak o layon.
Dalawang Pangkat ng Pang-ukol
A. Ginagamit bilang pangngalang pambalana (common noun) mga pantukoy na ang layon, gawa,
kilos o ari ay para sa lahat o balana.
Mga Halimbawa:
1. Ang tema ng talakayan ay ukol sa kahalagahan ng edukasyon.
2. Ang mga donasyong ibinigay ng mga pulitiko ay para sa mga nasunugan.
3. Ang mga piling guro ay binigyan ng parangal.
4. Laban sa pamahalaan ang kanilang isinusulat.
5. Ang mga aklat na ito ay para sa batang-lansangan.

B. Ginagamit na pantukoy sa ngalan ng tanging tao mga pantuloy na ang layon, gawa, kilos o ari ay
para sa tanging ngalan ng tao.
Mga Halimbawa:
1. Ang librong kanyang binabasa ay ukol kay Imelda Marcos.

2.Para kay Nilo ang asong ito.
3. Ayon kay Jose Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

4. Ang kanilang tinatalakay ay tungkol kay Juan.
5. Hinggil kay Willie ang kanilang pinag-uusapan.
Iba Pang Uri ng Pang-ukol
1. sa , sa mga
2. ng, ng mga
3. ni, nina
4. kay, kina
5. sa, kay
5. nang may
6. alinsunod
7. para sa, para kay
8. hinggil sa, hinggil kay
9. ayon sa, ayon kay
10. nang wala

You might also like