Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Gregorio Zara nag-imbento ng videophone at nag-developed ng Zara Effect o Electrical Kinetic Resistance

Si Gregorio Y. Zara ay isang Pilipinong imbentor mahigit 30 gamit sa eroplano tulad ng Earth
Induction Compass at Vapor Chamber, ilang enerhiya na ginagamitan ng araw tulad ng Solar
Energy Device, Solar Water Heater, Solar Stove at Solar Battery. Siya ang may-akda ng
isang physical law of electrical kinetic resistance na tinatawag na Zara effect.
Ipinanganak noong Marso 8, 1902 sa Lipa, Batangas si Gregorio. Kinakitaan na ng likas na
katalinuhan kaya't nagtapos siya sa elementarya at mataas na paaralan na Valedictorian. Nag-aral
siya sa Unibersidad ng Pilipinas bago nagpatuloy sa Massachusetts Institute of Technology at
nagtapos ng BS Mechanical Engineering. Kinuha niya angMaster's Degree sa Aeronautical
Engineering sa University of Michigan.
Ang kanyang Doctorate Degree sa nakuha sa Sorbonne University of Paris. Nabigyan si
Gregorio ng Brevet d' Invention Award ng Ministre de Industrie ng Kaharian ng Belgium dahil
sa kanyang imbensyong Earth Induction Compass. Ang compass na ito ay nakapagbibigay
impormasyon kahit nasa itaas pa ng ere ang eroplano. Siya rin ang nakaimbento ngVapor
Chamber kung saan maaaring pag-aralan at obserbahan ng sinuman ang di-nakikitang (invisible)
mga partikulo ng radioactive sources. Ang kanyang Solar Energy Device ay nakapag-iipon
(converge) ng sikat ng araw hanggang 3,000 F at ang kanyang Solar Water Heater na maaaring
makapag-init ng tubig hanggang 180F sa loob lamang ng 7 minuto; ang kanyang Solar Stove na
maaaring makapagluto ng iba't ibang pagkain at ang Solar Battery na nakakapag-andar ng radio
at electric fan.

Paulo Campos gumawa ng pinaka-unang radioisotope laboratory sa Pilipinas.
Si Paulo C. Campos (1921 2007 ) ay kilala bilang Ama ng Medisinang Nukleyar. Siya rin ay kilala
dahil sa kanyang kontribusyon sa pananaliksik sa sakit na goiter. Siya ang utak sa pagkakatayo
ng radioscope laboratory, research laboratory at klinika para sa goiter sa Pilipinas. Sa kanyang
paglathala ng iba't-ibang sulatin ukol sa sakit na goiter, siya ay pinarangalan bilang Pambansang
Siyentipiko noong 1988.
Ipinanganak siya sa Dasmarias, Cavite noong Hulyo 27, 1921. Nakapagtapos siya ng pag-aaral
sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1945, sa John Hopkins School of Medicine (1953), at sa Oakridge
Institute of Medicine (1958).
Nakapagsilbi bilang Chairman ng National Research Council ng Pilipinas (1981-1984) at ng National
Academy of Science and Technology (1978 - 1989).
Ang kanyang pag-aaral na pinamagatan niyang "The Genetic Factor in Endemic Goiter" ay
naipresenta sa Lungsod ng Mexico na kung saan siya ay binigyan siya ng nominasyon
ngInternational Atomic Energy Agency para sa isang Nobel Prize taong 1970.

Agapito Flores nag-imbento ng fluorescent lamp
Si Agapito G. Flores ay isang Pilipinong imbentor na inakalang bumuo ng imbudo ng fluorescent
light tube.
Siya ay ipinanganak sa Guiguinto, Bulacan noong 28 Setyembre 1897. Siya ay nagmula rin sa
angkan ng mahihirap.
Dahil sa kahirapan, hindi natapos ni Flores ang kanyang pag-aaral sa mataas na paaralan.
Namasukan siya sa isang talyer, kahit na mahirap lamang siya ay may mataas na pangarap.
Nagtungo siya sa siyudad at nanirahan sa Tundo, Maynila. Nag-aral siya ng elektrisyan sa isang
paaralang pambokasyonal. Makalipas ang isang buwan, siya ay namasukan.
Siya ay nagsagawa ng eksperimento tungkol sa ilaw na karaniwang gamit lalo na sa gabi. Nais
niyang makatuklas ng ilaw na ang liwanag na dulot nito ay katumbas ng liwanag sa araw. Ang
kanyang pagsisikap ay di nagtagal at nagbunga na siyang kilala ngayon at ginagamit lamang dito sa
Pilipinas kundi maging sa buong daigdig.
Ang imbensiyon na ito ay pinakilala niya kay Pangulong Manuel L. Quezon. Nagulat ang presidente
sa natuklasan ni Flores. Hindi siya makapaniwala na ang isang tubo na yari sa bote ay magagamit
at makakalikha ng liwanag. Pero sa panahong ito, inilabas na sa publiko ng General Electric sa
Estados Unidos ang flourescent light.
Filipino scientist, Pedro Escuro is best known for his isolation of nine rice varieties.
Pedro B. Escuro (1923 ) ay kilala sa kanyang kontribusyon ukol sa Genes ng mga halaman at
pagpapatubo nito (Plant Breeding) tulad ng palay. Siya ay pinarangalang "Pambansang Siyentipiko"
para Genetic at Plant Breeding noong 1994.
Ipinanganak sa Nabua, Camarines Sur noong Agosto 2, 1923. Nakapagtapos siya ng magna cum
laude sa kursong Bachelor of Science in Agriculture major in Agronomy saUnibersidad ng
Pilipinas sa Los Baos, Laguna noong 1959. Natapos niya ang kanyang Master's Degree (Masters
of Science in Plant Breeding) mula sa Unibersidad ng Cornell noong 1964, at doctorate
degree (Ph.D. Genetics and Plant Breeding) mula sa Unibersidad ng Minnesota sa Estados
Unidos noong 1969. Nagawaran siya ng Doctor of Science, Honoris Causa sa Unibersidad ng
Pilipinas noong 1979.
Kilalang premyadong plant breeder si Dr. Escuro, iskolar at guro. Ang kanyang mga pananaliksik
ang naglunsad sa pagkakaroon ng mga magagandang uri ng bigas katulad ng classic C4-63 na
marami kung anihin, matibay laban sa mga sakit at pesteng insekto, masarap kainin at nagsilbing
halimbawa at sukatan ng mataas na uri ng bigas, hindi lamang sa Pilipinas, kundi maging sa
maraming bansa sa Asya.

You might also like