Babaylan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ANG BABAYLAN

1. Paglalahad ng suliranin
Ang sinaunang barangay ay hindi lamang pinamumunuan ng Datu, meron din dalawa
pang pinuno na mayoon kanyang sari sariling lakas, and babaylan at panday. Batay sa binasa
ang babaylan ay siyang sentro ng kultura ng mga katutubo noon. Ang babaylan ay may alam
ng mga gamot, kuwento, awit at iba pang aspetong kultural noon. Pero anoang nangyari ng
dumating ang kristiyanismo? Ano ang mga naging problema ng babaylan, na siyang
tagahawak ng kultura at tagapagpasa nito? Ano ang nirerepresenta ng babaylan sa bayan
noon at paano ito nagpalit noong dumating ang kastila at kristyanismo?

2. Mga layunin:
Layunin ng groupo na isaliksik, at ipakita sa klase ang isa sa pinakamahalagang
bahagi ng katutubong barangay noon, ang babaylan. Isasaliksik ang ibat-ibang aspeto ng
buhay ng babaylan, ang kanilang kahalagahan sa lipunan, and kaninlang pangunahin,
pangalawa, at pangatlong pinaka importanteng gawain sa barangay noon, kabilang na din ang
mga kasuotan nito at iba pang aspeto ng kultura na nakaakibat nito. Ipapakita at itatalakay
namin ang unang pinakamahalagang gawain [and pagiging spiritual leader at herbalist] ng
mga babaylan. Ilalahad na rin namin ang iba't ibang implikasyon ng pagigigng [kadalasan]
pambabaeng trabaho nito sa barangay. isasaliksik na din namin kung ano ang naging
kahalagahan ng mga babaylan noong pagpasok ng mga Kastila sa bansa.

3. Konseptwal na balangkas:
I. Tatlong haligi ng barangay
a. Babaylan
b. Datu
c. Panday
II. Babaylan
a. Pang-kultural na aspeto
i. Sayaw
ii. Awit
iii. Kasuotan
iv. Ang babaylan kadalasan nagagampanan ng isang babae
b. Politikal na aspeto
c. Pang relihiyon na aspeto
d. Pang ekonomikong aspeto
e. Pang manggagamot [healer-herbalist]
III. Ang paggalaw ng panday sa ibat-ibang panahon
a. Panahong pre-kolonyal
b. Panahon ng kastila
i. Ang tabalan ng kristianismo at animism
1. Ang mga patakaran nila
a. Ang peminismo
b. Ang pagkakaroon ng iisang diyos

4. Saklaw at limitasyon:
Ang karamihan nang pananalaksik na ito aybatay sa panahong pre-colonial at
panahong pananakop ng kastila. Hindi tatalakayin ng malalim ang kapalaran ng mga
babaylan pagkatapos ng panahon ng Kastila, tulad ng panahon ng Amerikano o Hapon,
ngunit maisasama na din ang iilang bahagi ng kontemporaryong datos tungkol sa mga
babaylan para makita ang kasalukuyang kalagayan nila ngayon at para marinig ang mga
kanta nila, at kultural na gawain. Naka-sentro ang pananaliksik sa Babaylan lamang, at ang
relasyon nila sa ibat ibang bahagi ng barangay. Hindi tatalakayin [ng malalim] ang iba pang
mga lahigi ng katutubong lipunan tulad ng Datu at Panday.

5. Metodolohiya:
Ang pangunahing datos any manggagaling sa mga libro na nagtatalakay tungkol sa
buhay ng babaylan sa baranggay. Karamihan nito ay manggagaling sa Old Rizal Library, mga
libro tulad ng Ang Babaylan Sa Kasaysayan Ng Pilipinas ni Zeus A. Salazar o ang Song
of the Babaylan: Living Voices, Medicines, Spiritualities of Philippine Ritualist-Oralist-
Healers ni Grace Nono, na nakapanayam ang mga kasalukuyang mga Babaylan ng ibat
ibang tribo sa Pilipinas at naitala ang mga kultural na aspeto nito tulad ng kanta [na na-record
niya] at kaalaman tungkol sa mga halamang panggamot. Maliban sa mga libro, para sa ibang
pangunahing datos, pupunta ang mga estudyante sa National Museum of the Philippines para
makita ang kasuotan ng babaylan noon.
Gagamitin ang mga datos na ito para makabigay ng kumpletong deskripsyon sa mga
gawain, tungkulin, kahalagahan ng babaylan sa Barangay. Batay sa mga nakuhang datos
tungkol sa babaylan noong pagdating at panananakop ng Kastila at sa mga babaylan ngayong
panahon, kukumpara ang mga naging pagbabago ng buhay ng babaylan, at lung paano nagiba
ang ilan sa mga aspeto nito. Tatalakay rito ang makikitang pagkakaiba ng kristyanismo at
animismo na nagpalabas ng mga problema at issue sa kultura ng dalawang ito, tulad ng
pagkakaroon ng iisang diyos or kayay and feminism.

6. Pagsusuring-basa:
Makikita sa Ang Babaylan Sa Kasaysayan Ng Pilipinas ni Salazar na meron tatlong
haligi ang dating barangay, ang Babaylan, Datu at ang Panday. Ang panday ay ang
pangunahing tao sa barangay na mahusay sa paghubog ng mga metal at teknolohiya at
kaalamang teknikal noong panahon na iyon. Ang datu naman ay nangunguna sa barangay sa
aspeto ng digmaan at politika. Sa huli sinasabi ni Salazar na mahalaga din ang ginagampanan
ng babaylan o katalonan, na kadalasan ay babaeng na sa menopause, sapagkat sakanya
nakasentro ang kultura ng barangay.
Sa aspetong ito makikita sa Barangay : Sixteenth-century Philippine Culture and
Society ni Scott at sa Song of the Babaylan: Living Voices, Medicines, Spiritualities of
Philippine Ritualist-oralist-healers ni Grace nono na napakahalaga ng tungkulin ng ito
sapagkat sila ang may nakakaalam ng mga awit, tula, salaysay, kultura, kasaysayan ng
barangay. Halimbawa nito ay ang Dawak ng mga Kalinga at ang Daging ng mga
Maguindanao. Maliban dito sila na din ang sinaunang doktor noon, na nakakaalam ng mga
halaman na puwedeng panggamot, mga ritwal na nakakapagpaalis ng mga masasamang
espirito at iba pa. Maliban dito nabanggit sa libro ni Salazar at sa Centennial Crossings :
Readings on Babaylan Feminism in the Philippines ni Fe Mangahas at Jenny Llaguno na ang
babaylan ay puwedeng magkaroon ng anak, dito sa anak na ito, kadalasan babae, tinuturo ng
ina ang lahat ng kanyang nalalaman para sa pagtanda ng anak siya na ang magiging sunod na
babylan. Makikita dito na hindi lamang tagapagturo ang babaylan ng kanyang nalalaman
kundi siya rin ang nag papasa nito. Makikita rin dito ang Femenism dahil sa kadalasan babae
ang gumagampan sa tungkuling ito.
Nabanggit sa halos lahat ng libro na nagkaroon ng malaking problema sa pagitan ng
mga tinuturo ng Kristyanismo at and animismo. Maliban sa pagkakaroon ng iisang diyos ng
Kristiyanismo, ang relihiyong ito ay eksklusibong para sa kalalakihan ang kaparian at
kabanalan. Problema ito sapagkat makikita ang kahalagahan ng mga babae sa lipunan noon sa
imahe ng babaylan. Puwede masabi dahil dito, nagumpisa ang pagkawala ng peminismo sa
Pilipinas noon, kaakibat na din rit ang mga kultural na paniniwala, at ang pagkawala ng daing
kahalagahan ng babaylan na napalitan ng mga makabagong teknolohiya.
Subalit sito makikita sa libro at recordings ni Grace nono na meron iilang mga tribo
pa sa Pilipinas ang nagtataglay ng babaylan na sentro pa din ng kultura, awit, tula.

7. Pagbibigay kahulugan sa mga katawagan:
Babaylan Mga babae [o lalake] na pinuno ng barangay sa aspetong ispiritwal at
cultural
Datu pinuno ng barangay sa aspetong pulitikal at militar
Panday pinuno ng barangay sa apeto ng teknolohiya at kaalaman sa metal at
paggawa ng sandata at iba pa.
Femenisim Ang edolohiya na nagsasaad ng pantay-pantay na karapatan ng babae \
sa aspeto ng politika, ekonomiko at aspetong lipunan.
Ritualist-oralist-healers Mga tungkulin ng babaylan noon bilang pinuno ng mga
ritwal, tagapagpasa ng kultura, kuwento, tula, at ang
kahalagahan ng babaylan bilang doctor.
8. Balangkas ng Pagaaral:
I. Ang Barangay ay mayroong tatlong importanteng posisyon, o ang tatlong
haligi ng barangay: Ang babaylan, datu, at panday
a. Ang babaylan na kadalasan ay isang babae ang namumuno sa mga kultural
na aspeto ng barangay at nangunguna na din sa kaalamang pangmedesina.
b. Ang datu naman ay ang pinuno nang barangay sa aspetong politikal-militar.
c. Ang panday naman ay nangunguna sa aspetong panteknolohiya ng
sinaunang banrangay. Siya ang may alam ng mga metal at and paghubog
nang ibat-ibang sangkap galing dito tulad ng armas.
II. Sari-sari ang ginagawa ng babaylan sa barangay noon.
a. Siya ang mga tagapag kuwnento ng kasaysayan nila, ng mga awit, at
kultura nila noon.
b. And babaylan ay ang pangunahing tagapamagitan ng mundo ng espirito sa
mundo ng mga tao.
c. And babaylan any siyang may alam ng mga halamang nakakatulong sa
kalusugan at iba pa
d. Siya rin ay may tungkulin ipasa ang kanyang nalalaman sa kanyang anak
na kadalasay babae, para siya na ang maging susunod na babaylan.
III. Nagkaroon ng madaming problema sa pagitan ng Kristyanismo at animismo.
a. Isang aspeto ng problema at tumatalakay sa pagkakaiba ng paniniwala na
kung saan ang Kristyanismo ay may iisang diyos kumpara sa Animismo na
nakabatay sa mga espirito ng kalikasan.
b. Sa pagdating ng kasitla at kristyanismo makikita ang isa pang problema,
ang pagiging eksklusibo ng kaparian sa mga lalaki.
i. Makikita ang pagkawala ng kalagahan sa mga babae o ang
pagkawala ng femanism.
c. Makikita na dito ang pagkawala o paghina ng lakas at halaga ng mga
babaylan kaakibat na din ang pagkawala ng kultura.
i. Subalit, makikita pa din ngayon ang iilang mga tribo na mayroon
pa din mga babaylan na siyang may alam ng kultura nila at mga
kanta.

8. Sanggunian:
Cullamar, Evelyn Tan. Babaylanism in Negros : 1896-1907. No ed. Quezon City: New
Day Publishers, 1986. 140.
Mangahas, Fe, and Jenny Llaguno. Centennial Crossings : Readings on Babaylan
Feminism in the Philippines. No ed. Quezon City: C&E Publication, 2006. 192.
Nono, Grace. Song of the Babaylan: Living Voices, Medicines, Spiritualities of
Philippine Ritualist-oralist-healers. No ed. Institute of Spirituality in Asia, 2013. 400.
Salazar, Zeus A. Ang Babaylan Sa Kasaysayan Ng Pilipinas. No ed. Quezon City:
Palimbagan Ng Lahi, 1999.36
Scott, William Henry. Barangay : Sixteenth-century Philippine Culture and Society. No
ed. Quezon City: Ateneo De Manila University Press, 1994. 306.

You might also like