Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Sagisag ng Pilipinas

z
Narra - Pambansang Puno
Ang narra ay sumisimbolo ng katatagan ng isang Pilipino. Kahit ilang bagyo pa ang dumaan ito ay hindi basta
basta nabubuwag o natutumba. Katulad din ng isang Pinoy. Sa kabila ng napakaraming pagsubok na
dumarating sa buhay, nananatili pa rin itong lumalaban, matatag at napapatagumpayan ang bawat problema.




Sampaguita- Pambansang Bulaklak
Ang sampaguita ay sumisimbulo sa payak na kagandahan o payak na pamumuhay ng mga Pilipino. Ang kulay
nito ay sumisimbulo din sa busilak ng puso at dalisay na pamumuhay.




Anahaw - Pambansang Dahon
Ang anahaw ay isang pabilog na dahon na palma na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya. Ginagawa
itong pamaypay tuwing tag-araw.




Mangga - Pambansang Prutas
Ang mangga ay isang punong kahoy sa Asya na nagbibigay ng bunga. Ang bunga nito ay matamis kapag hinog
at masarap din kung hilaw. Sa Pilipinas, partikular sa Zambales at Guimaras, niluluwas ito palabas ng bansa
para pagkakitaan. Ito ay sumisimbulo sa pagiging mapagmahal ng mga pilipino dahil ito ay hugis puso




Bangus - Pambansang Isda
Pambansang sagisag ng Pilipinas ang mga bangus. Sapagkat mabagsik sa pagiging matinik ang mga ito, kung
ihahambing sa ibang mga pagkaing isda ng Pilipinas, naging tanyag ang pagbili ng mga naalisan ng tinik na
mga bangus mula sa mga tindahan at pamilihan.




Kalabaw - Pambansang Hayop
Tinuturing na pambansang simbolo ng Pilipinas ang kalabaw, dahil masipag at malakas ang mga ito tulad ng
mga Filipino.



Agila - Pambansang Ibon
Ang agila ay maituturing na hari ng himpapawid para sa mga hayop na lumilipad... sumasagisag ng
katapangan, lakas at pagiging malaya. ang agila ay tinatawag na teritoryal, pinuprotektahan nila ang kanila
teritoryo sa ibang gustong sumakop dito, kaya ito ang ating pambansang ibon




Lechon - Pambansang Pagkain
Ang Lechon o buong Baboy na inihaw ay paboritong handa ng mga Pilipino sa mga pistahan at mga tanging
pagdiriwang. Simbolo ito ng kasaganaan dahil ito ay karaniwang nakikita sa hapag at handaan ng mga
Pilipinong nakaririwasa ang pamilya.




Sipa - Pambansang Laro
Ang larong Sipa ay sumasagisag sa pagiging mabilis sa mga hakbanging dapat isagawa.
Ang mga manlalaro ay gumagamit ng maliit na bakal na may buntot o kumpol ng mga goma o tinastas na
sako. Sinisipa ito ng mga manlalaro.




Bahay Kubo - Pambansang Bahay
Ang tipikal na Bahay Kubo ay simple at munting tirahan na yari sa mga materyal gaya ng kawayan, buho at
nipa o kogon.




Barong Tagalog - Pambansang Damit Panlalaki
Ang Barong Tagalog ay panlalaking pormal na kasuotang na may burda. Ang salitang Barong Tagalog ay
may literal na kahulugang damit o baro ng Tagalog. Karaniwang gawa ito sa manipis at magaang tela tulad
ng pia at jusi.




Baro't Saya - Pambansang Damit Pambabae
Ang Baro ay walang kuwelyo at manipis ang tela na kasuotang pang-itaas ng mga kababaihang Pilipino. Ang
Saya ay mahabang palda na gawa sa mas makapal na tela ng koton, sinamay at iba pang kauri ng mga ito.




Cariosa - Pambansang Sayaw
Ang Cariosa ay isang uri ng sayaw na kilala sa buong Pilipinas. Ang salitang Cariosa ay salitang Kastila na
ang ibig sabihin ay mapagmahal, maganda, o palakaibigan.




Bakya
Ang Bakya ay isang uri ng sapin sa paa na yari sa kahoy, karaniwan ay mula puno ng laniti at santol. Ito ay
inuukit na may bahagyang lundo o kurba sa magkabilang bahagi upang bigyan ng anyong animo'y paa.




Dr. Jose Rizal - Pambansang BayaniSiya ang ating Pambansang bayani dahil ginising niya ang mga pilipino
sa pagaalipin ng mga kastila. Gumamit siya ng mga akda na kanyang nilikha, tulad ng nobelang noli me
tangere ,el filibusterismo at marami pang iba, dahil sa mga ito nag-alsa ang mga Pilipino laban sa mga kastila




Ito ang watawat ng Pilipinas. Hugis parihaba. Sa kanyang kaliwa ay may tatsulok. Sa bawat sulok ay may
bituin na sumasagisag sa tatlong malalaking pulo sa Pilipinas-Luzon, Visayas at Mindanao. Ang sinag ng araw
ay sumasagisag saw along lalalwigang unang naghimagsik laban sa mga Espanyol. Ito ay ang mga
sumusunod: Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Maynila, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac. Ang ating watawat
ay may tatlong kulay. Ang bawat kulay ay may kahulugan. Ang kahulugan ng bughaw ay kapayapaan; ang pula
ay katapangan at ang puti ay kalinisan.

Lupang Hinirang - Pambansang Awit

Ang Lupang Hinirang ay ang pambansang awit ng Pilipinas. Binuo ni Julian Felipe ang himig nuong 1898 at
ang mga titik ng awit naman ay inangkop mula sa tulang Filipinas na isinulat ni Jose Palma sa wikang
Kastila nuong 1899.
Filipino - Pambansang Wika

Ang Alpabetong Filipino ay hiniram mula sa alpabetong Latin. Noong Agosto 2007, ang Komisyon sa Wikang
Filipino ay nagpalabas ng dokumento tungkol sa palabaybayan ng wikang Filipino, na maaring bigyan ng
komento.Ito ay hango sa paggamit ng mga titik ng alpabetong Filipino, at ang mga radikal na rebisyon na
isinagwa noong taong 2001.

Noong Mayo 2008, inilabas ang KWF ang pinal na burador ng Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino.
Itinakwil nito ang mga radikal na rebisyon ng 2001 at mas binigyang-halaga ang status quo, bagaman
kinokodipika o ginagawa nang opisyal ang ilang mga aspeto nito.

You might also like