Ang Kodigo Ni Hammurabi

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Kodigo ni Hammurabi o Codex Hammurabi ay isang batas kodigo na nilikha noong ca 1772 BCE

(gitnang kronolohiya) sa sinaunang Babilonya ng ikaanim na hari ng Babilonyang si Hammurabi.


[2]
Iisa
lamang ang halimbawa ng Kodigo ang nananatili at nasagip sa kasalukuyan, na nakaukit sa isang pitong
talampakan, apat na pulgada ang habang basalto
[3][4]
na nasa wikang Akkadian na nasa panitik na
kuneiporma.
Ang Kodigo ni Hammurabi ang isa sa mga pinakaunang isinulat na batas sa kasaysayan at isinulat sa isang
stela at inilagay sa lugar na pampubliko upang mabasa ng lahat. Ang stela na ito ay kalaunang kinuha ng mga
taga-Elam at inalis sa kabisera nitong Susa. Ito ay muling natuklasan noong 1901 at nakalagak ngayon sa
Louvre Museum sa Paris. Ito ay naglalaman ng 282 batas na isinulat ng mga skriba sa 12 tableta. Hindi tulad
ng mas maagang mga batas, ito ay isinulat sa wikang Akkadian na pang-araw araw na wika ng Babilonya at
kaya ay mababasa ng sinumang nakakabasang tao sa siyudad. Sinasabing ang mga kaparusahan nito ay
napakabagsik sa mga modernong pamantayan na ang maraming mga kasalanan ay nagreresulta sa
kamatayan, pananakit o paggamit ng pilosopiyang "mata sa mata". Ang kodigo ni Hammurabi ang isa sa mga
pinakamaagang halimbawa ng ideya ng pagpapalagay ng pagiging inosente ng nagkasala at ang akusado at
nag-akusa ay may pagkakataon na magpakita ng ebidensiya. Ikinatwiran ni David P. Wright na ang mga batas
ng Hudaismo o kautusan ni Moises ay gumamit sa kodigo ni Hammurabi bilang isang modelo na gumagaya sa
istruktura at nilalaman nito.
[5]

Mga halimbawa ng kodigo ni Hammurabi
Kung ang sinuman ay nagdala ng isang akusasyon ng krimen sa harap ng mga nakatatanda at hindi
niya ito napatunayan, siya ay papatayin kung ang inakusa niya ay isang kasalanang may parusang
kamatayan.
Kung ang sinuman ay nagnakaw ng pag-aari ng isang templo o korte, siya ay papatayin. Ang
tumanggap ng ninakaw na bagay mula sa kanya ay papatayin rin.
Kung ang sinuman ay nagsasagawa ng marahas na pagnanakaw at nahuli, siya ay papatayin.
Kung sinaktan ng anak na lalake ang kanyang ama, ang kanyang mga kamay ay puputulin.
Kung binulag ng isang tao ang mata ng isa pang tao, ang kanyang mata ay bubulagin rin.
Kung ang isang tao ay bumungi sa isa, siya ay bubungiin rin.
Kung binali ng isang tao ang buto ng isa pang tao, ang kanyang buto ay babaliin rin.
Kung sinaktan ng isang malayang tao ang katawan ng isa pang malayang tao, siya ay magbabayad ng
10 shekel sa salapi.
Kung ang alipin ng isang malayang tao ay nanakit sa katawan ng isang malayang tao, ang kanyang
tenga ay puputulin.
Kung sinaktan ng isang tao ang katawan na mas mataas sa ranggo sa kanya, siya ay tatanggap ng 60
paghampas sa publiko.
Kung sinaktan ng isang tao ang isang malayang babae na nalaglag ang kanyang hindi pa naipanganak
na anak, siya ay magbabayad ng 10 shekel sa pagkawala ng anak.
Kung ang isang tagapagtayo ng bahay ay nagtayo ng bahay para sa isang tao at hindi ito tamang
itinayo at ang bahay ay bumagsak at napatay ang may ari nito, ang gumawa ng bahay ay papatayin.
Kung ang sinuman ay nagnakaw ng baka o tupa o isang asno o isang baboy o isang kambing, kung ito
ay pag-aari ng isang Diyos o sa korte, ang magnanakaw ay magbabayad ng makatatlumpo nito. Kung
ito ay pag-arri ng isang malayang tao ng hari, siya ay magbabayad ng makasampu nito. Kung ang
magnanakaw ay walang maibayad, siya ay papatayin.
Kung ang isang kapatid na babae ng isang Diyos ay magbukas ng tindahan ng alak, ang babaeng ito ay
susunugin hanggang sa kamatayan.
Kung ang sinuman ay umupa ng isang baka at ito ay pinatay ng Diyos, ang taong umupa nito ay
manunumpa sa Diyos at ituturing na walang sala.
Kung ang sinuman ay nagturo ng daliri (manirang puri) sa kapatid na babae ng Diyos o asawang
babae ng sinuman at hindi ito mapatunayan, ang taong ito ay dadalhin sa harap ng mga hukom at
tatatakan ang kanyang kilay.
Kung inilaan ng isang ama ang isang alila ng templo o birhen ng templo sa Diyos at hindi siya
nagbigay ng regalo: kung ang ama ay namatay, tatanggapin ng babae ang ikatlo ng bahagi ng anak
mula sa pagmamana ng bahay ng kanyang ama at magtatamasa ng isang usuprukto habang siya ay
nabubuhay. Ang mga pag-aari ng babae ay kabilang sa kanyang mga kapatid na lalake.
Kung ang sinuman ay umupa ng baka at napatay ito sa pamamagitan ng masamang pagtrato o
pananakit, babayaran niya ang may ari, baka sa baka.
Kung ang isang tao ay bumili ng aliping lalake o babae at bago lumipas ang isang buwan ay
nagkaroon ng sakit na benu, kanyang ibabalik ang alipin sa nagbenta at tatanggap ng perang kanyang
binayaran.
Kung ang sinuman ay nangasiwa sa isang lupain upang bungkalin ito at hindi siya nakapag-ani dito,
dapat patunayang wala siyang ginawang trabaho sa lupain at dapat siyang maghatid ng butil gaya ng
itinaas ng kanyang kapitbahay sa may ari ng lupain.
Kung ang sinuman ay mangasiwa sa isang tigang na lupain upang bungkalin ngunit siya ay tamad at
hindi ito ginawang matataniman, kanyang aararuhin ang hindi natanimang lupain sa ikaapat na taon,
at bubungkalin at ibabalik ito sa may ari at sa bawat 10 gan, ang 10 gur ng butil ay babayaran.
Kung mabigo ang sinuman na bayaran ang utang at ibinenta ang kanyang sarili, kanyang asawa, anak
na lalake at anak na babae para sa salapi o ibigay sila sa sapilitang pagtatrabaho: sila ay
magtatrabaho ng tatlong taon sa bahay ng taong bumili sa kanila o may ari at sa ikaapat na taon, sila
ay palalayain.
Kung habang nasa isang dayuhang bansa, ang isang tao ay bumili ng aliping lalake o babae na
kabilang sa isa pang tao ng kanyang sariling bansa; kung bumalik siya sa kanyang tahanan at nakilala
ito ng may ari ng aliping lalake o babae; kung ang aliping lalake o babae ay katutubo ng bansa,
kanyang ibabalik ito nang walang salapi.
Kung ang isang lalake ay nag-asawa at hindi siya nagkaanak at ninais ng lalake na mag-asawang muli:
kung kanyang kinuha ang ikawalang asawang ito at dinala siya sa kanyang bahay, ang ikalawang
asawa ay hindi bibigyan ng pagiging pantay sa kanyang asawa.
Kung ang isang lalake ay nagbigay sa kanyang asawa ng isang lupain, hardin at kasulatan nito, kung
pagkatapos mamatay ng asawa at ang mga anak na lalake nito ay hindi nagtaas ng pag-aangkin, kung
gayon ibibigay ng ina ang lahat sa kanyang mga anak na lalake na kanyang ninais at hindi mag-iiwan
ng anuman sa mga kapatid na lalake ng asawa niya.


Ang Hanging Gardens ng Babylon ay isa sa mga Pitong kababalaghan ng Laong World, at ang isa lamang na
ang lokasyon ay hindi pa siguradong itinatag. Ayon sa kaugalian sila ay sinabi sa ay nai-built in sa sinaunang
lungsod ng Babilonia, malapit sa kasalukuyan-araw na Hillah, Babil lalawigan, sa Iraq. Ang Babylonian pari
Berossus, pagsusulat tungkol sa 290BC at naka-quote sa ibang pagkakataon sa pamamagitan ng Josephus,
maiuugnay ang mga hardin sa Neo-Babylonian king Nebuchadnezzar II, na pinasiyahan sa pagitan ng 605 at
562 BC. Walang mga nabubuhay pa Babylonian mga teksto na banggitin ang mga hardin, at walang tiyak na
arkeolohikal na ebidensiya ay natagpuan sa Babilonia. [1] [2] legend Ang sabi, na ang mga Ang Hanging
Gardens ng Babylon ay nilikha ng Emperor Nebuchadnezzar II ang Hari Ng Babylon, para sa Persian asawa,
Queen Amytis, dahil siya nasagot ang berdeng burol at lambak ng kanyang tinubuang-bayan. Emperor
Nebuchadnezzar II na mayroon ding binuo ng enggrandeng palasyo na dumating na kilala bilang 'Ang
kababalaghan ng sangkatauhan' o ('Al A'akheed vach altira'av Chad'). Dahil sa kakulangan ng ebidensiya ito
ay nai-iminungkahi na ang Hanging Gardens pulos maalamat, at ang mga paglalarawan na natagpuan sa
sinaunang Griyego at Romanong manunulat kabilang Strabo, Diodorus Siculus at Quintus Curtius Rufus
kumakatawan sa isang romantikong perpekto ng isang hardin eastern. [3] Bukod dito , ang orihinal na hardin
ay maaaring isang mahusay na dokumentado isa na ang Asiryan hari Sennacherib (704-681BC) na binuo sa
kanyang kabisera lungsod ng Nineveh sa Tigris River malapit sa modernong lungsod ng Mosul.

You might also like