Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAG-IBIG

Kasabay ng pag-lalang ng Panginoon sa tao ay ang emosyong hindi mauunawaan kung


hindi maipapaliwanag at hindi malalaman ang kasagutan hanggat hindi nararamdaman
. Marami ang napapahamak,nalilito,nabubulag,nagpapa-alipin,mayroon ding lubos an
g kasiyahan at nakakaramdam ng matinding kalungkutan tuwing nasasaktan.
May mga taong pilit naghahanap ng kasagutan sa kanilang nararamdaman at mayroon
din namang kasagutang hindi maintindihan at kung pag-ibig ang tanging kasagutan
bakit maraming nagtatanong, bakit sa pag-ibig maraming nasasaktan, bakit sa pag-
ibig maraming lumuluha gayong ang nais lamang ng tao ay magmahal at mahalin din.
Sadya ngang makapangyarihan ang pag-ibig sapagkat saklaw nito ang lahat ng bagay
sa mundo. May uri ng pag-ibig na kung saan ang pagmamahal ay nakatuon sa makamu
ndong kasiyahan o sa mga materyal na bagay. Mayroon ding mga taong nasa pera ang
labis na pagmamahal na kung minsan sila ay nilalamon na ng kasamaan nang hindi
nila namamalayan na maaaring magdala sa kanila sa kapahamakan. Dahil sa matindin
g pagsamba at pagmamahal sa pera ito ang siyang sumisira sa pagkatao ng isang ni
lalalng at pinagmumulan ng kasamaan sa mundo.sa labis na kagustuhang magkamal ng
kayamanan nakakagawa ang tao ng mga bagay na ikapapahamak ng kanyang kapwa. Dah
il din dito hindi na niya namamalayang nilalayuan na siya ng kanyang mga mahal s
a buhay dahil nawawalan na siya ng panahon para sa mga ito at nawawalan na rin s
iya ng oras para sa Panginoon dahil ika nga sa banal na kasulatan walang makapags
isilbi ng sabay sa dalawang Panginoon.
May pag-ibig ding tunay at wagas katulad na lamang ng pag-iibang Romeo at Juliet
na ayaw man ng mundo at tutol man ang kanilang pamilya walang makapaghihiwalay
sa kanila kahit kamatayan pa. katulad din ng karaniwang napapanood natin sa mga
pelikula na kung saan hindi mahalaga ang katayuan mo sa lipunan, nasa alta socie
dad ka man o nasa pinakamababang antas sapagkat hindi nasusukat sa kabuhayan ang
tunay na nararamdaman dahil ang pag-ibig walang pinipiling panahon, edad at uri
ng tao, ikaw man ay mahirap o mayaman. Sa oras na tinamaan ka ng pana ni kupido
, wala ka ng magagawa kundi sundin ang sinisigaw ng iyong puso. Subalit kung may
roong tunay at wagas na pag-ibig mayroon din namang mapanglinlang at hindi totoo
kaya may mga taong nabubulag at nasasaktan dahil sa pagmamahal.
Sadya ring mahiwaga ang pag-ibig dahil kapag ito ay hinahanap ito ay mailap at s
a tuwing hindi ito inaasahan tsaka ito matatagpuan at kung kailan natagpuan mo n
a tsaka ka naman hindi handa. Pag-ibig nga naman parang ulan, alam mong darating
pero hindi tiyak kung kailan at tsaka bubuhos kung hindi pinaghandaan kaya wala
ng magagawa kundi sumuong lalo na kung walang masisilungan.
Ngunit paalala lamang, huwag masyadong magpadala sa emosyon dahil ang ulan tumit
ila rin tulad din yan ng pag-ibig, nawawala at naglalaho at alam mo kung kelan?
Kung kailan nag-eenjoy ka na saka pa ito mawawala at titila.
Ganyan ang pag-ibig minsan masaya at minsan malungkot kaya habang ito ay hawak p
a, pangalagaan at pahalagahan dahil hindi madaling maghanap ng tunay na pagmamah
al. Maraming nagmamahal sayo ngunit hindi mo alam kung alin ang totoo. Pag-ibig
ba na galing sa puso o pag-ibig lamang na mapagbalatkayo.

You might also like