Ang pangngalang pantangi ay pangngalang nagsisimula sa malaking titik na tumutukoy sa tiyak na
ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, kathang-isip o pangyayari na ibinubukod sa kauri nito. Halimbawa Larawan Pangulong Benigno Aquino
Bulkang Mayon
Luneta Park
Manga
Rosas
Pambalana Ang pangalang pambalana ay karaniwan o pangkalahatan itong ngalan ng tao, bagay, gawa, hayop, lugar, pangyayari o kaisipan. Halimbawa Larawan Bulaklak
Barko
Isla
Punong kahoy
Gusali
Konkreto o Tahas Ang pangalang konkreto o tahas ay nakikita at nahahawakan.
Halimbawa Larawan Lapis
Prutas
Papel
Computer
Pera
Di Konkreto o Basal Ang pangalang di konkreto o basal ay di nahahawakan.
Halimbawa Larawan Pagmamahal
Galit
Saya
Inggit
Pagdurusa
Palansak o Lansakan Ang pangalang palansak o lansakan ay tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay
Halimbawa Larawan Klase
Mag-anak
Buwig ng Saging
Pumpon ng Rosas
Batalyon ng Sundalo
Di-Palansak o Di Lansakan Ang pangalang di palansak o di lansakan ay tumutukoy sa mga bagay na isinaalng-alang ng paisa isa.