Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Edukasyon ( Talumpati)

By: rose ann alariao




Edukasyon ay di mananakaw ninuman, kultura ang
kinapapalooban ng mga paniniwalat kaugalian, palakasan ang daan
sa pakikipagkaibigan, sandatang kailangang maangkin ng mga
kabataan.
Mahal kong mga tagapakinig naririto na naman po tayo sa isang
pagtitipon kung saan an gating pag- uusapan ang mga aspekto na
makapagpapalakas sa mga kabataang tulad ko. Mga kabataang
magiging susi upang umunlad ang ating Lupang Sinilangan. Mga
kabataang makapagbibigay liwanag sa mga mamamayan mula sa
madilim na nakaraan. Na magiging daan sa pagbabagong ating
inaasam.
Hindi na lingid sa ating kaalaman na laganap na ang pag- unlad
ng agham sa ating lipunan. Kaliwat kanan na ang mga makabagong
bagay. Katulad ng cellphone at computer. Mga makabagong bagay na
makagpapadali n gating pamumuhaylalung lalo na ng mga
kabataan.
Kahit saang dako ka man ngayon tumingin,marami ng mga
internet caf ang nagkalat. Ibat ibang model na rin ng cellphone ang
lumalabas. At hindi maikakaila na halos lahat tayong mga nag- aaral
sa pribadong paaralan ay umaangkin ng mga bagay na ito. Ngunit, ito
ba ay ginagamit natin sa tamang paraan?
Mga kaibigan, ang computer ay malaking tulong sa ating mga
mag- aaral. Katulad sa mga pananaliksikhindi mo na kailangang
maghalukay pa ng sandamukal na mga aklat para kumuha ng mga
kakarampot na datos sa bawat aklat. Punta ka lang ng yahoo..encode
mo lang ang topikong hinahanap momag-antay ka lang ng ilang
segundo..binggo na .. makikita mo na ang hinahanap mo.
Nariyan din ang cellphone na makapagpapadali ng ugnayan
natin. Magagamit sa mga panahon ng kagipitan. Hindi mo na
kailangan pang mag- antay ng ilang buwan maipadala at tumanggap
ng sulat. Sapagkat sa isang text lang, minuto lang aantayin
mo..tanggap kaagad.
Ngunit sadyang namamali ang ilang mga kabataan sa paggamit
ng mga teknolohiyang makabago. Sa halip na sa pagpapaunlad ng
karunungan ito gagamitin, ginagamit nila ito sa walang kuwentang
bagay. Sa halip na magresearch para sa assignmentDOTA,
counterstrike, YM at facebook ang inaatupag. Mayroon din diyan na
pakikipagtextmate ang pinagkakaabalahan. Nagpupuyat tuwing gabi.
Nanlalalim ang mga mata sa kinaumagahanang siste
nakikipagtextmate sa kung kanino na lamang. Pagdating sa
klase..bagsak si nene, inaantok, walang assignment. Pagkatapos
magpapadala sa mga magagandang quotes, mag- a-eyeball,
magkakarelasyon, mabubuntis, mawawala sa huwisyo ang
kinabukasan, malulugmok sa putikan. Ito ang paraan ng paggamit ng
mga kabataan sa mga makabagong teknolohiya.tsk tsk tskhindi bat
edukasyon ang natatanging kayamanan na hindi mananakaw
ninuman? Ito ang natatanging sandata na maipagsasanggalang sa
lahat ng pagsubok ng buhay. Kapag edukado ang isang tao nagagawa
nitong maitama ang mga maling paniniwala na bunga ng
kahunghangan. Naisasalba ang isang tao sa lupit ng kahirapan.
Bumaling naman tayo sa ating banal na kultura. Ito ay ang
kinapapalooban ng mga paniniwalat kaugalian. Ito ang makinang na
kasaysayan ng ating mga ninuno. Alam ba ninyo na sa buong mundo,
Pilipino ang tinitingala ng mga dayuhan pagdating sa kulturang
kinamulatan? Kung kayat maraming mga dayuhang ang piniling
mag- asawa ng isnag Pilipino nang dahil sa ating kultura. Sapagkat
tayong mga Pilipino ay kilala bilang matulungin, mapagkumbaba,
masunurin, at magalang na lipi. At ito dapat ang magiging katangian
ng ating mga kabataan. Sa kadahilanang kung taglay ng mga
kabataan ang mga ganitong uri ng mga katangian ay mapapadali ang
ating pag- unlad. Magkakaroon ng matiwasay na pagsasama.
Makakamtan ang paggalang sa bawat kapwa.
Ang Kultura natin ay maipapakita rin sa mga palakasan. Dahil
ito ang isang makinang na daan sa pakikipagkaibigan. Ditto
nalilinang ang mga kakayahan na sangkatauhan. Nahahasa rin ditto
ang tiyaga ng mga kabataan s apagkamit ng tagumpay. Kung ang
bawat kabataan ay mapapabilang sa isang legal na palakasan,
mapapalayo sila sa bisyo. Bagkus, mararagdagan pa ang mga
kaalaman at kakayahan nito sa pagsunod sa agos ng buhay. Hindi
lamang pisikal na kakayahan ang mahahasa kundi pati na rin ang
emosyonal at intelektwal. Sa mga palakasan nagsisimula ang isang
magandang pagsasamahan.
Kayat mahal kong mga tagapakiniglalung lalo na sa mga
kabataang tulad ko, huwag nating antaying mawala ang lahat ng mga
pagkakataon para sa ikauunlad natin. Sama sama nating yakapin at
tanggapin ang mga aspektong makapagbibigay sa atin ng lakas na
makakatulong sa ating ikauunlad. Nasa ating kamay ang pag-unlad
na inaantay ating bayan. Sapagkat tayo ang tinaguriang pag- asa ng
bayan.

You might also like