Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Banghay Aralin sa Edukasyon sa

Pagpapakatao

Inihanda ni:
Emerciana T. Angeles Ed.D.
MT1/ Legarda Elem. School
DCS, Manila
Layunin

Natutukoy ang mga pagkaing mainam sa
kalusugan

Paksang Aralin

Tema:
Pananagutang Pansarili

Paksa:
Pangangalaga sa Sarili
Paksang Aralin

Pamantayang Pangnilalaman:
Pag-unawa sa kahalagahan ng
pangangalaga sa Kalusugan

Pamantayan sa Pagganap:
Pagpili sa mga Pagkaing Mainam sa
Kalusugan
Sanggunian:
Gabay sa Kurikulum ng K to 12 d.13

Kagamitan:
Mga tunay na bagay, larawan,
showcards

Mga Gawain sa Pagkatuto
Alamin

Pagsusuri sa takdang aralin (mga
larawang ipinadala na nagpapakita ng
gawaing nakapagdudulot ng kalinisan at
kalusugan.

Mga Gawain sa Pagkatuto
Pansaloobing Pagsasanay

Ipakita ang tsek (/) kung ang larawan ay
nagpapakita ng wastong paraan ng pangangalaga sa
kalusugan ng sarili at ekis (x) kung hindi.
____1. ( larawan ng batang nagsesepilyo ng ngipin)
____2. (larawan ng batang marumi ang katawan)
____3. (larawan ng batang nagpuputol ng kuko)


Mga Gawain sa Pagkatuto
Isaisip

1. Pagganyak
Mga bata, ano ang kinain at ininom ninyo
kanina? Sino-sino sa inyo ang umiinom ng gatas?
Sino-sino naman ang kumakain ng itlog, gulay at
prutas?
Bakit gusto ninyong uminom ng gatas? Kumain
ng itlog, gulay at prutas?

Mga Gawain sa Pagkatuto
2. Paglalahad

Tugma: Ang gatas at itlog
Pagkaing pampalusog
Ang prutas at gulay
Pampasigla ng tunay.

Mga Gawain sa Pagkatuto
Pagtalakay

Ano-anong pagkain ang binanggit o narinig ninyo sa
tula na nakapagpapalusog ng katawan?
Ano-ano naman ang mga pagkain na nagpapasigla
ng ating katawan?
Bukod sa mga pagkaing binanggit sa tugma, may
alam pa ba kayong mga pagkaing mainam sa ating
katawan?
Sino-sino ang mga kumakain ng gulay? Ano-anong
gulay ang inyong kinakain? Prutas? Bakit?

Mga Gawain sa Pagkatuto
Isagawa
Ano-anong pagkain ang mainam sa ating
katawan?
Pagpapangkat
Pangkat 1 Pagbuo ng puzzle
Pangkat 2 Pag-awit ng mga awiting may
kinalaman sa pagkain
Pangkat 3 Pag-uuri-uri ng prutas at gulay

Mga Gawain sa Pagkatuto
Isapuso

Pagbuo ng pangako

Simula ngayon, ako ay
________________________.

Mga Gawain sa Pagkatuto
Isabuhay
Ipakita ang ibat ibang larawan sa tsart. Ipakuha
sa bata ang mga pagkaing nagpapalusog ng
katawan.

Halimbawa: itlog saging
bubblegum atis
Coca cola gatas
Chippy isda
kendi

Mga Gawain sa Pagkatuto
Magpakita ng dalawang larawan( larawan
ng batang umiinom ng gatas at larawan
ng batang umiinom ng softdrinks).
Itanong kung sino ang umiinom ng
tamang inumin. Bakit?

Mga Gawain sa Pagkatuto
Subukin
Ipakita ang titik ng tamang sagot.
1. Oras ng rises.Pumunta ka sa kantina ng paaralan. Anong pagkain ang iyong
bibilhin?
a. Nilagang saging
b. Chippy
c. Kendi
2. Maghahanda ng baon si nanay.Alin dito ang dapat niyang ihanda?
a. Itlog at tinapay
b. Chippy
c. Stick-o
3. Alin sa mga inuming ito ang mabuti para sa mga bata?
a. Coke
b. Kape
c. Gatas

Takdang Aralin
Magdala ng baon para sa rises ninyo
na mainam sa ating kalusugan.

You might also like