(Para sa Ambagan-Wika: Kumperensiya sa Paglikom ng Salita Mula sa Ibat ibang Wika sa Filipinas, Marso 5, 2009)
ni Abdon M. Balde Jr.
Kung ikay manlalakbay na nakarating sa Rehiyong Bikol sa unang pagkakataonlalo kung nanggaling sa mainit at tigang na lupain ng Hilagang bahagi ng Filipinasay tiyak na mararahuyo at malulumy ka sa gandat gayn ng kakaibang kaligiran ng timugang bahaging ito ng Luzon. Saglit mong makakalimutan ang lupang pinanggalingan.
Ang unang aakit sa agimadmd ay ang lungting kaligiran. Maaaninag ang kasariwaan mula sa Sbangan hanggang sa Sulnpan ng araw. Malalim na lungti ang dahon ng mga pananim. Mayayabong ang punong kahoy. Matatayog ang niyog. Makapal ang taniman at hagtan ng abaka. Ang kapatagan ay nalalatagan ng palay na tila lungti at bulwang banig na bumababa mula sa iray, at gumagapang pababa, patungong ilwod, sa baybayin ng bughaw na dagat.
Kaagad na may magpapahiwatig sa gimat ng lagaslas at tabsing ng tubig sa mga ilog na nakasuso sa mga burbod at busy sa gilid ng mga burol patungong sbang, sa bukana ng dagat. Mahihinuha mong maraming lawa, sapa at ilog na maaaring daluyan at imbakan ng tubig na umaagos at nasasala sa malawak na kapatagan. Dahil maaari lamang manatiling lungti, malago at mayabong ang kaligiran kung itoy sagana sa patubig.
2 Totoong sagana sa tubig ang Rehiyon. Noong panahon ng pananakop, may Kastila pa nga na nagbansag sa Bikol na orinola del mundo. Kung ikaw ay bnog na lumilipad sa papawirin kung katanghaliang tapat, makikitang ang lungting kapatagan ay tadtad ng di mabilang na dnaw at lawa at ng mga bik-bik at umikol-kol na ilogna siyang pinanggalingan ng salitang Bikol. Kung ikaw ay aswang na lyog na lumilipad sa mayahay na gabi, masisilaw ka sa mga tubigan at agos na animoy lusaw na pilak kapag tinatatamaan ng sinag ng namimilog na buwan.
Malimit na ulan ang dahilan ng pag-apaw ng tubig sa mga ilog. Ang tubig ay mamumuong kabit-kabit na dnaw sa halos lambak na kapatagan. Ang panahon ay hindi nahahati sa tag- init at tag-ulan. Walang patid ang salitan ng pagsikat ng araw at pagbuhos ng ulan. Iisiping wari ay mag-agm na hindi mapaghiwalay ang buhos ng ulan at sikat ng araw. Malimit nga ay nagsasabay pa ang ambon, ang tagiti at saldng na pinagbubuhol mandin ng sari-saring kulay ng balngaw sa papawirin.
Hindi lamang sa tubig sagana ang Bikol. Itoy lupain ng walang humpay na salitang ihip ng hanging habagat at amihan. Anupat binabansagan din ang Bikol na highway ng bagyo. Kahit tirik ang araw ay mararamdaman sa pisngi ang malamig na dapyo ng hangin, dala ang simoy ng mga bungang kahoy at ng nahihinog na butil ng palay. May mga salimagy o biglang bugso ng hangin na naglalagos sa malalapad na bintana ng kubo at bintaas ng mga kubol sa latian. Ang ulan, ang hangin at ang indayog ng mayayabong na punong kahoy ang nagdadala ng halumigmig sa maghapong singkad.
3 Subalit tila palaisipan na kung ano ang halumigmig ng kaligiran, siya namang rubdob ng damdamin ng Bikolano. Balog ang loob kung makipagkapwa-tao. Tudok sa buot kung tumanggap at umistima ng panauhin. Udok sa puso kung manuyo sa daragang iniibig. Malimit pa nga na ang damdaming matapat at marubdob ay naipagkakamaling pagkamalibog ng orgon ngunit maginoong Bikolano. Ang dahilan ng pagkamasidhi ng kaniyang pandamdam naakalang nanggagaling sa nagliliyab na sili at lad, at sa gata ng niyogna malalasahan sa pagkain ng Bikol Express, Pinangat, at gulay na Kurakding.
Sa kabilang-dako, nakapagtataka naman na kung pakikinggan magsalita ang Bikolano ay malambing at malambot ang kaniyang tinig. Kung mayroon mang matigas sa kaniya ay tiyak na hindi ang kaniyang dila. Sapagkat malumanay siyang bumigkas ng mga salita. At ang wikang ginagamit ay tila hinango sa lagaslas ng batis at sa banayad na pagaspas ng mga dahong idinuduyan ng amihan.
Tunay na ang BIKOL ay wika ng maginoong oragon: marubdob, mapusok ngunit malambing at mapagmahal. Bilang patunay, narito at ilalahad ang mga salitang may natatanging kahulugang mapagkakakilanlan ng lahi at kulturang Bikolnon, at ipinapanukalang maisali sa korpus ng Wikang Pambansa:
1. ANDROGa)pandiwa, b)kahulugan: makiisa ng damdamin. Kaandrog mo ako sa iyong nararamdaman. Pakikiramay. Nakiki-androg ako sa iyong pagdadalamhati. Sa Ingles: to share experiences or feelings, to offer condolences; c) etimolohiya: Ang andurog ay salitang nagmula sa matatanda. Malimit itong ginagamit sa mga tala, sa 4 nakasulat na talastas at sanaysay, sa mga pormal na pag-uusap, sa mga rawitdawit at sa mga liham ng pag-ibig. Kung pabigkas, ginagamit ang salita sa pormal na talakayan, sa mga pulong na tumatalakay sa maseselang paksa, mga talumpati, pagpapahayag ng masidhing damdamin tulad ng pag-ibig, at sa pagbigkas ng tigsik. Bihirang gamitin ang andurog sa usapan sa kalye o sa palengke. Sa totoo, bihira nang marinig ang salita sa usapan ng mga bata. Malimit ginagamit ang andurog kung may mga kalamidad na nangyayari. Halimbawa, nang sumabog ang Bulkang Mayon noong unang araw ng Pebrero 1814, bisperas ng Candelaria, na sumalanta sa maraming bahagi ng Albay, kasama ang lumang bayan ng Kagsawa. Ang mga nakaligtas at may kakayahang tumulong ay nagbuo ng mga pangkat na aandurog makikiramay, tutulong, magbibigay ng pagkain, ng pansamantalang tirahan, ng damit, at ng pagkakakitaan upang ang mga biktima ng kalamidad ay makabangon sa kahirapan. Nagkaroon ng panibagong malawakang gamit ang salita noong katapusan ng Nobyembre 2007, sa kasagsagan ng Bagyong Reming, nang salantaing muli ng bahang nanggaling sa Bulkang Mayon ang mga bayan ng Guinobatan, Camalig, Daraga, Albay, Legazpi, at Sto Domingo. Naging palasak na gamit ang pag-andurog sa mga kampanya ng ibat ibang lupong pangkawanggawa sa pangingilak ng pondo, damit at pagkain para sa mga nasalantang pamilya. Karaniwang makikita nang panahong iyon ang mga kampanya tungkol sa ANDUROG SA BIKTIMA NG REMING. Sa mga karaniwang mamamayan, kinikilalang kagandahan ng loob ang kusang pag-andurog sa biktima ng kalamidad at ng sakuna; sa mga namumuno, obligasyon ang pag-andurog sa mga nasalanta na miyembro ng kanilang kumunidad. Maaari ring mag-andurog sa isang namatayan sa pamamagitan ng pagdalaw sa 5 panahon ng pagluluksa upang aliwin ang mga nangungulilang naiwan. Nakiki- andurog ako sa dalamhating dala ng pagpanaw ng iyong mahal na ina. Pag-andurog din ang pagtira sa bahay ng isang kamag-anak na hiniwalayan ng asawa o naiwan ng isang naglakbay sa malayong pook. Hayaan mo ngang sumakabilang-kandungan ang bwisit mong asawa, narito naman ako para andurogan ka. Huwag kang mag-alala, aandurogan kita habang nag-iisa ka rito sa bahay. Ang ugat ng salita ay drog, salitang Bikol na nangungahulugan ng pagsama, pakiisa, pag-tabi sa pagtulog o pakipagtalik. Kakatwang isipin na taliwas ang salitang drog sa durg ng wikang Tagalog. Habang ang durg ng mga Tagalog ay nagpapahiwatig ng paghihiwa- hiwalay ng kabuuan sa maliliit na bahagi sa pamamagitan ng pagbayo o pagdikdik, ang drog ng wikang Bikol ay nagpapahiwatig ng pagkabuo ng dalawa o maraming bagay at ng tao patungo sa pagkakaisa. Ang drog ng Bikol ay palaging may pahiwatig ng pakikiisa sa maligaya o malungkot na karanasan ng kaniyang kapwa tao. Kaya nakakatuwa kung sa Filipino gagamitin ang salita, maaari nang sabihin: Kung bibigyan mo ako ng pagkakataon, makiki-andurog ako sa iyo nang marahang- marahan, iingatan kong di ka madurog. d) kahalagahan ng salita: Mahalagang maisama ang salitang androg sa wikang pambansa dahil magpapayaman ito sa korpus ng mga salitang tumutukoy sa maselang damdamin ng pakikipagkapwa tao.
2. BINTASa) pangngalan); b) kahulugan: sahig sa itaas ng pinakasahig ng kabahayan o sahig sa ilalim ng bubong. Sa Ingles, loft, mezzanine, attic; c)etimolohiya: Ang salitang bintas ay nagsimula noong unang panahon na ang mga tao ay nakatira sa maliliit na kubo na gawa sa kawayan at pawid at mahalagang 6 mapakinabangan na imbakan ng gamit hindi lamang ang silong ng bahay kundi ang puwang o agwat ng ilalim ng bubong at ng batangan o barakilan. Sa mga hindi bihasa sa bahagi ng bahay, ang batangan o barakilan ay ang mga pahigang kahoy na nagdudugtong sa itaas na dulo ng mga haligi upang maging matatag ang dingding. Sa kasalukuyan, na ang mga bahay ay gawa na sa kongkreto, ang barakilan ay tinatawag na beam sa Ingles at bega sa Espanyol. Ang mga barakilan ay sinasapinan ng sahig na gawa sa mga patpat na kawayan o kaya ay plywood. Sa gayon ang barakilan ay maaari na ring tawaging soleras, o pamakuan ng sahig sa itaas. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng dalawang sahig ang bahay kubo: ang pinakasahig ng kabahayan na kinalalagyan ng salas, ng silid-tulugan at ng kusina; at ang sahig sa ilalim ng bubong na malimit ay pinaglalagyan ng binalumbon na banig, kumot, unan at mga hindi-pa- gagamiting gamit-bahay na pansamantalang itatabi upang hindi makaabala sa pinakasahigitong pangalawang sahig ang tinatawag na bintas. Nagkakaroon din ng bintaas ang mga kubol sa bukid na nakatayo sa mga pampang ng sapa, sa gilid ng mga pilapil at burol. Ito ang mga kubol na may bubong at apat na haligi, walang dingding, walang sahig at malimit ay may tatlong lampas-tuhod ang taas na pahalang na buong kawayang nakatali sa mga haligi upang maging upuan ng magsasakang ibig magpahinga o kumain ng baon. Katulad ng sa bahay kubo, ang bintas ay mga patpat na kawayan na isinasapin sa itaas ng barakilan upang paglagyan ng asarol, bareta, kalaykay. May mga bintas na bahagyang ibinababa upang lumuwang at mapaglagyan ng malalaking gamit sa bukid tulad ng araro at pagulong. Minsan, ang bintaas ay nagagawa ring tulugan ng batugan na magbubukid o pahingahan kung malakas ang ulan. Maraming maaaring paggamitan sa bintas. Nang akoy walong- 7 taong gulang lamang, may kubol sa malawak na bukid sa likod ng bahay namin. Isang dapithapon ay nagkagulo sa paligid ng kubol at ayon sa narinig kong usap-usapan ng matatanda, ang Lolo ko raw, na setenta anyos na, ay muntik mataga ng asawa ng kaniyang katalik sa loob ng bintas. Mabuti at nakatalon at nakatakas ang Lolo. Ipinagmamalaki ko ang kuwentong ito dahil itoy nagpapahiwatig ng lakas ng katawan kung hindi man ng loob ng oragon kong Lolo. Pansinin na ang bintas ng kubol ay malimit na walang hagdan, samantalang ako ngayon, na di hamak na mas bata sa kaniya noon ay hirap nang umakyat kahit sa may hagdan na mezzanine. Ang Lolo Fermin Remoto ay lolo rin ni Danton Remoto; sayang at pareho kami hindi nagmana ng kaniyang pagka-oragon. Ang bintas ay maaaring nanggaling sa mga salitang binitin sa itaas. Maaari ring panggalingan ang mga salitang bintana at itaas, bagamat ang bintana ay mula sa wikang Espanyol at ang kubol, na may bintas, ay walang bintana. Naniniwala akong may mga bintas na ang mga kubo bago pa dumating sa bansa ang mga mananakop na Kastila; d) kahalagahan ng salita: Sa kasalukuyang problema ang tirahan ng dumaraming mamamayan, ang halaga ng mga pabahay ng gobyerno at pribadong developer ay kailangang umagpang sa kakayahan magbayad ng mga karaniwang empleyado. Kaya ang mga pabahay ngayon ay halos kasinlaki na lamang ng mga bahay-kalapati noong araw, na kung tawagin ng mga Espanyol ay casillas. Maraming low-cost housing ngayon na nagbabalatkayong condominium. Ang nilalaman ng pinakasahig ay isang multi-purpose na parisukat na salas-kainan-kusina; may isang maliit na palikuran, at ang tulugan ng mga tao ay munting sahig na nakabitin sa pagitan ng bubong at salas, na malimit ay tawaging mezzanine, ngunit sa totoo, sa wikang Filpino ay nararapat lamang tawaging bintas. 8 Kung sabagay, mas class kung sabihing nahuli ang Lolo ko na nakikipagtalik sa mezzanine, ngunit hindi angkop sa katutubong kaligiran ng bukid at hindi makatotohanan ang paglalarawan.
3. GIMATa1)pandiwa; b) kahulugan: magising, magkamalay, maunawaan, matanto buhat sa pagkakagupiling o sa pagtulog. Ang pagkakaiba ng gimat sa agimadmd, na na kasama na sa Diksiyunaryong Filipino: Ang agimadmd ay pag-unawa na bunga ng pananaliksik o pagkatapos ng pagsusuri ng isang bagay o kaisipan; ang gimat ay kusang pagkakaroon ng kamalayan mula sa pagkalingat, pagkaidlip o pagtulog. Sa Ingles, to become aware of; to have something dawn on you; to awaken to, to realize; c)etimolohiya: Ang gimata ay nagmula sa salitang matahindi ang bahagi ng katawan o ulo na nakakakitakundi ang estado ng pagiging gising o may kamalayan. Halimbawa: Nagimat ako sa katotohanang matagal na pala niya akong pinagtataksilan. Nagimatn ko na ang kaugaliang pagmamano sa matatanda, kahit hindi kamag-anak. Nagimata ako ngayong umaga na ang agimadmad ay suob pa ng matamis na samyo ng pagtatalik natin kagabi. May isa pang kahulugan ang Gimata: GIMATa2)pangngalan; b) kahulugan: ang lima hanggang anim na araw ng bagong buwan (new moon). Ito ang panahon na sinasamantala ng mga mangingisda na pumalaot dahil madilim ang paligid ng dagat; c) etimolohiya: Maaaring ihinahalintulad ng mga katutubong Bikolano ang buwan sa mata ng tao, at ang bagong buwan ay siyang simula ng pagbubukas ng mga mata, na siya pa lamang na pagsisimula ng liwanag. Ikinukuwento ng matatanda na ang panahon ng gimata ay hindi ganap na karimlan kundi karimlang mapusyaw. Kaya marahil ito ang ipinapalagay nilang pinakamagandang panahon ng pangingisda, dahil naaapuhap nila ang 9 mga gamit sa ibabaw ng bangka, nang walang sulo o ilaw na de-gaas o de-kalburo, ngunit nananatili pa ring madilim ang ilalim ng tubig upang hindi maaninag ng isda ang bingwit o lambat. Sa madaling sabi, may anagag ng liwanag na sapat lamang upang makita ng mangingisda ang mga gamit niya at may karimlan ang tubig na sapat upang lumambong sa bingwit o lambat na panghuli ng isda. d) kahalagahan ng salita: Mahalagang maisama ang salitang gimata sa diksiyunaryong Filipino sapagkat may mga ibang konsepto ito at kahulugan kaysa kahawig na salitang gamit sa ibang rehiyon. Magagamit ang salitang gimata upang tumukoy sa natatanging panahong angkop upang mangisda sa laot ng dagat. Noong kamiy bata pa at mahilig maglaro sa kalsada kung gabi, naaalala kong mas gusto naming mga binatilyo na magpatentero kung gimata kaysa kung kabilugan ng buwan. Kung panahon ng gimata ay maaaninag mo pa rin ang kalaro na hahabulin at tatagain. Ngunit may lambong na ng karimlan upang hindi mahalata ng magandang dalagita na habol-habol mo kung tatagain mo nga siya o yayakapin. At marahil maaari ring mapag-aralan ang gimata upang malaman kung anong mga hayop sa gubat ang madaling hulihin kapag gimata.
4. ILWODa) pangngalan; b) kahulugan: patungo sa laot, paayon sa agos ng tubig (downstream), pababa ng dagat mula sa kaitaasan, mababang pook. Ipinagkakahulugan din ito sa hanging patungong Kanluran (west wind); c)etimolohiya: Ang salitang ugat ay lawd, na sa wikang Filipino ay laot, samakatuwid ay pababa o patungo sa ibaba. Ang mga taong naninirahan sa paanan ng bundok, sa tabi ng ilog o sa pampang ng dagat ay tinatawag na taga-ilawod. Ang taong umaakyat ng bundok ay sinasabing nanggaling sa ilawod. Ang kasalungat na salita (antonym) ng ilawod ay iraya o ilaya. Noong unang 10 panahon, ang mga tao ay kalimitang naglalakbay sa pamamagitan ng tubig. Ito ang pinakamadaling paraan ng paglalakbay, lalo na kapag pababa at paayon sa natural na agos ng tubig. Napakahirap ang maglakbay sa lupa dahil wala pang mga kalsada noon at itoy nangangahulugan ng paglalakad sa magugubat na pook na malimit ay tahanan ng mababangis na hayop at mga taong mandarambong. Ito rin ang dahilan kung bakit karamihan sa mga baranggay noon ay nasa tabi ng mga ilog at pampang ng dagat. Karamihan sa mga mauunlad na tribo ay mga taga-ilog (Tagalog) o mandaragat, dahil madali sa kanilang maglakbay at makipagkalakalan sa ibang tribo o kumunidad, na nasa tabi rin ng ilog at pampang ng dagat. Kaya masasabing ang sibilisasyon ay totoong nagsimula sa ilawod. Nagsimula lamang umakyat ng matataas na pook ang mga tao upang makaiwas sa panganib, katulad ng kalimitang pagbaha at sungit ng dagat; ganoon din nang silay simulang salakayin ng mga pirata at nang dumating ang mga mananakop na Kastila. May mga umakyat din ng bundok bungsod ng mapagsapalarang isip. Nakita ng tao na bukod sa mga isda at pagkaing nahuhuli sa tubig ay may mga hayop din naman sa gubat na maaaring hulihin at kainin. At natuklasan na rin nila ang pagtatanim o ang agrikultura. Hindi nagtagal ang mga tao ay nahati sa mga taga-ilawod at mga taga-iraya. d) kahalagahan ng salita: Mahalagang maisama ang salitang ilawod sa diksiyunaryong Filipino dahil naglalarawan ito ng bahagi ng kaligiran na tutukoy sa mabababang pook at sa pagkakaiba nito sa kabundukan o ilaya.
5. RAWITDWIT a) pangalan; c) kahulugan: tula, dalit berso, poem; c) etimolohiya: Mula sa sinaunang wikang Bikol, ang rawitdawit (walang gitling) ay mga salitang mabulaklak at maligoy na nanggagaling sa isang taong madaldal, matabil, magaslaw at 11 hindi mapigilan ang dila. Literal na salin ng rawitdawit, halimbawa sa ilang dialect ng Rinconada, ay satsat o daldal. Ang salitang rawitdawit ay maaari ring nanggaling sa salitang rawi na nangangahulugang sugot (biro o tukso, to tease or to joke with), na may karugtong na hindi/di awit; sa kabuuan ang ibig sabihin ay satsat lamang at hindi matinong awit. Sinasabing noong unang panahon ang mga rawitdawit ay karaniwang maiikling diskurso na mabida, maligoy, at mabulaklak na mga pananalitang ang pakay ay pagpugayan ang isang magandang dilag o tudyuin ang isang nagkukunwaring magaling. Nang tumagal, ang rawitdawit ay naging isang anyo ng literaturang Bikol na sinimulang isulat at tuloy nagkaroon ng anyo at porma at tumulad na sa mga tula, berso at awit. Marami sa mga unang rawitdawit ay tungkol sa pag-ibig at pangungulila, katulad nito: Mwot ko pa man daw/ Pagkugos-kugoson/ Ikang pighihidaw/ Paghulid sa hapon Sa Filipino: Pangarap kong sa tuwina/ Ikaw ay yakap-yakapin/ sapagkat nangungulila/ pagsapit ng takipsilim May rawitdawit ding tungkol sa kapalaran ng buhay: Daing aksidente sa buhay kan tawo/ May tuyo an kada pag-iro kan mundo/ Dai matatakdag sa sanga an dahon/ Dawa bagyuhon kun dai sa panahon/ May taob an dagat pagsirang kan bulan/ Dawa dai lubos na nasasabutan Salin sa Filipino: Walang aksidente sa buhay ng tao/ May dahilan ang bawat inog ng mundo/ Hindi malalagas sa tangkay ang dahon/ Kahit bagyuhin kung wala sa panahon/ Aapaw ang dagat pagsikat ng buwan/ Kahit hindi natin nauunawaan. May rawitdawit ding tungkol sa pagtanda: Nata kun nuarin ika naggugurang/ Saka puro aki an kapalibutan/ Sain man kumiling kagagayon sana/ Kan nakapalibot na mga daraga/ Dangan an makulog sa puso, sa payo/ Pagka naduotan o nasagidan mo/ Dai man malikay, dai man maribok/ Gari nanunuksong sagin man maliod/ Namamatian daw, naaagimadmad/ Kun ika talagang dai nang kamandag?. 12 Salin sa Filipino: Bakit kung kailan ikay tumatanda/ Saka ang paligid lalong bumabata/ Saan man bumaling mukhang paraluman/ ang nakapaligid na kababaihan/ At ang masakit pa sa ulot sa puso/ Kapag nasagi mo o kayay nahipo/ Hindi man iiwas, hindi man kikibo/ Ngingiti pang tila nanunuksong lalo/ Nakikilatis ba o naaaninag/ Na ikaw ay sadyang wala nang kamandag? Sa ngayon ang rawitdawit ay isa nang matatag na literaturang Bikol na ginagamit sa pagtalakay sa ibat ibang kalagayan ng buhay; d)kahalagahan ng salita: Mahalagang maisama ang salitang rawitdawit sa wikang pambansa upang siyang tumukoy sa isang natatanging literaturang Bikol at sa mga tulang nakasulat sa wikang Bikol.
6. SALIMAGYa) pangngalan; b) kahulugan: badya ng bagyo, sigwa, malakas na ihip ng hangin (the onset of tempest, storm, gale); c) etimolohiya: Ang salita ay galing sa sli (to flaunt, ostentatious display) at bagy (storm, typhoon), samakatuwid ito ang unang paglakas ng hangin na nagpapahiwatig na maaaring magkaroon ng bagyo. Tumutukoy din ito sa biglang unos o biglang hagupit ng hangin na akala moy bigla ka na lamang binulaga ng bagyo ngunit dagli rin namang humupa. Kaya maaari rin itong tawaging dagling bagyo. Popular na salita ito sa pulo ng Catanduanes, na napakalimit daanan ng bagyo. Naranasan ko ang salimagyo nang huling nakaraang ika-5 ng Nobyembre, pagkatapos naming mag-lecture sa Kapitolyo ng Virac, Catanduanes ay inanyayahan kami ni Gobernador Joseph Cua sa kaniyang Twin Rock Beach Resort sa labasan lamang ng Virac. Habang nagsisimula kaming dumighay-dighay sa napakasarap na hapunang mga mala-higanteng alimango at sugpo, at nagsimula nang tumungga ng beer, ay walang kaabog-abog na biglang bumagsak ang ulan na sinundan ng napakalakas 13 na hanging tumuklap sa toldang panangga sa ulan. Bago kami nakatayo ay nagtumbahan nat gumulong sa mesa ang mga basot bote ng beer. Nagtakbuhan kami papasok sa pinaka-tindahang yari sa kongkretong dingding at yerong bubong. Ngunit bago kami nakapuwesto sa mga mesat upuang bakal ay parang nagdahilan lamang na humupa ang unos at ang naiwan ay tikatik na ulan. Natatawang kinantyawan kami ng mga taga- Catanduanes. Kaunting salimagyo, nasindak ang mga taga-Maynila.; d) kahalagahan ng salita: Kung maisasama sa diksiyunaryo ang salitang salimagyo, magkakaroon ng salitang aangkop sa paglalarawan ng bugso ng hangin na nasa pagitan ng banayad na ihip at ng malakas na unos. Sa gayon, hindi na lamang panay bagyo, sigwa o unos ang ginagamit. Isang magandang halimbawa ng salin ng unang saknong ng tulang Canto del Viajero ni Jose Rizal: Hoja seca que cuela indecisa/ Y arrebata violente turbin/ Asi vive en la tierra el viajero/ Sin norte, sin alma, sin patria ni amor. Ito ay malimit na isinasalin sa Tagalog nang ganito: Kagaya ng dahong nalanta, nalagas/ Sinisiklut-siklot ng hanging marahas/ Abang manlalakbay ay wala nang liyag/ Layunin, kaluwa't bayang matatawag. Sa aking palagay ay mas angkop ang salin sa Bikol na ganito: An alang na dahon lagalag na gayo/ Ipiglayog-layog kaning salimagyo/ Siring man sa mundo an buhay byahero/ Daing giya, kalag, daga, o pagmangno Ang hanging marahas sa Tagalog ay maaari nang palitan ng salimagyo, na isang salita lamang.
7. SBANGANa) pangngalan; b) kahulugan: Ang silangang bahagi ng papawirin na sinisikatan ng araw at ng buwan, Silangan, ang pook na unang kinakikitaan ng pagsikat ng araw at ng buwan; c) etimolohiya: Ang salita ay nanggaling sa sbang, (to rise, to go upstream). Ang Sbangan kung minsan ay nagsisimula sa malaking titik upang 14 ipahiwatig na ito ang Silangan (the East). Halimbawa: Kulay pula ng itlog ang araw na nakasungaw sa Sbangan. Ginagamit ang sbangan na nagsisimula sa maliit na titik kung tinutukoy ang bahagi ng ilog na ang mga isda ay lumalangoy pasalubong sa agos ng tubig. Ang kasalungat na salita ng Sbangan ay Sulnpan (the West) na lubugan ng araw at ng buwan; d) kahalagahan ng salita: Mahalagang makasama ang salitang Sbangan upang magkaroon ng salitang tutukoy sa tanging bahagi ng Silangan na sinisikatan ng araw ganoon din sa bahagi ng ilog na nilalanguyan ng isda pasalubong sa agos ng tubig.
8. SULNPANa) pangngalan; b) kahulugan: Ang kanlurang bahagi ng papawirin na nilulubugan ng araw at ng buwan, Kanluran, ang pook na dahan-dahang nilulubugan ng araw at ng buwan; c) etimolohiya: Ang salita ay nanggaling sa sulnp (to hide from view, to disappear from view). Ang Sulnpan kung minsan ay nagsisimula sa malaking titik upang ipahiwatig na ito ang Kanluran (the West). Halimbawa: Nagkukulay dugo ang anagag ng araw sa Sulnpan; d) kahalagahan ng salita: Mahalagang makasama ang salitang Sulnpan upang magkaroon ng salitang tutukoy sa tanging bahagi ng kanluran na nilulubugan ng araw.
9. TALNGKAS, KATALNGKASANa) pangngalan; b) kahulugan: malaya (free), kalayaan (freedom); c)etimolohiya: Ang ugat na salitang talngkas ay mula sa tangkas (tanggal, hiwalay, hindi nakakabit; disconnected, disenggaged). Sa 1865 edition ng Vocabolario de la lengua bicol ni Marcos de Lisboa ay may nakatala na salitang Bikol na talikla, na ang kahulugan ay cadena. Katulad ito ng tanikala ng mga Tagalog. Kung ganoon, ang talingkas na Bikol ay maaaring nagmula sa tangkas na talikala o kaya ay 15 talikalang tangkas. Ang katalngkasan ay malimit na ginagamit ng mga Bikolano sa rawitdawit, tigsik at sa iba pang anyo ng literatura. Ang salita ay malimit ding gamitin ng mga nanunungkulan sa gobyerno at ng mga politiko sa opisyal na kalatas at sa mga talumpati. Halimbawa: An katalngkasan daing kamugtakan kun dai kita makatalingkas sa pagtios Ang salin sa Filipino: Walang halaga ang kalayaan kung hindi tayo makawala sa kahirapan. Hindi ginagamit ang katalngkasan sa relasyon ng mag-asawa o ng magkasintahan. Asiwa at kakatwa kung ganito ang gamit ng salita: Ipagkaloob mo sa akin ang katalngkasan sapagkat may iba na akong mahal. Mas angkop gamitin ang salitang bulag o siblag (hiwalay); d) kahalagahan ng salita: Ang salitang kalayaan ng mga Tagalog ay mula sa salitang ugat na laya, na nagpapahiwatig ng kawalan ng kontrol, kawalan ng nakikialam at karapatang gawin ang nais. Hindi ito nangangahulugan ng pagkaalpas mula sa pagkatanikala o pagkapiit o pagkatanggal ng tali na pumipigil sa isang tao upang gawin ang nais niyang gawin nang walang hahadlang. Kung kaya higit na angkop ang salitang talingkas o katalngkasan sa paglalarawan ng isang taong napiit o isang bansang sinakop na ngayon ay malayang nakapagsasarili.
10. TIGSKa)pangngalan; b) kahulugan: tagay o parangal (toast), puna (banter, satirical remark) o pasaring (whimsical or puzzling remark); c) etimolohiya: Ang tigsik ay isang uri ng literaturang Bikol na pabigkas (oral literature), maikli, daglian, na kalimitan ay tatlo hanggang limang taludtod at may tugma. Noong unang panahon, bago dumating ang mga mananakop, ang mga katutubong Bikolano ay nakaugalian na magkaroon ng mga kasiyahan kapag may namamanhikan, magkasintahang pinag-iisang 16 dibdib o may bagong silang na sanggol. Ang tawag sa mga pagdiriwang na itona malimit ay kasama ang inuman ng nakalalasing na tuba o lambanogay ABATYO. Sa ganitong pagdiriwang, ang mga manginginom na naghahalong lalaki at babae ay nakapaligid sa isang mesa at umiinom sa iisang daod, bao, kopita o maliit na baso at pinagpapasa-pasahan ang baso. Ang unang tinagayan ng inumin ay obligadong itaas muna ang baso at bumigkas ng tigsik bago tunggain ang tuba. Ang iinom na rin ang pipili ng paksa ng tigsik. Kung kasal, ang paksa ay malimit parangal sa mag-kasintahang pinag- isang puso; kung binyagan ay tinitigsik ang bata o ang mga magulang na may gawa ng bata. Pagkatapos tumigsik ay tutungain ang tuba, kailangang ubusin ang laman, kung hindi ay tatagayan siya ng isa pang baso at kailangan niyang muling tumigsik. Pag natungga na ang tuba, ipapasa ang baso sa katabi, tatagayan at siya naman ang susunod na titigsik. Ang tigsik ay palaging nagsisimula sa mga salitang Tinigsik ko ang/si/ikaw/itong/iyang/iyong/kayong at ang karugtong ay ang simun o ang paksang tatalakayin. Ganito ang pinakapopular na tigsik: Tinigsik ko an baso/ Tubig-apoy ang laman nito/ Bumilang ka ng tatlo/ Ang laman uubusin ko sabay tungga ng alak. Malimit ay biglaan ang pagbikas at nagiging sukatan ito ng talas ng pag-iisip at galing sa paggamit ng mabulaklak na salita. Nang tumagal hindi lamang parangal ang tigsik, nagiging puna o pagbatikos na rin, pasaring ng kabastusan, pagbibiro, politika, relihiyon, pahiwatig ng pag-ibig at kung ano-ano na lang. Halimbawa: Tinigsik ko ikaw na tumitigsik/ Tigsik ka nang tigsik/ Mata moy nanlilisik/Laway moy tumitilamsik Nagiging masaya ang pagdiriwang kung sagutan ang tigsik: Tinigsik ko ang aking tandang/ Saan man isabong palaging palaban/ Matapang, malakas ang katawan/ Pagsalpok tusok ang kalaban At may sasagot: Tinigsik ko ang totoo mong tandang/ 17 Kapag mabalahibo ang kalaban/ Kahit himasin ayaw manindigan/ Nanlalambot at ayaw nang lumaban. Pagdaan ng mga taon, ang makabagong tigsik ay nakibagay na rin sa mga tulang may takdang anyo, sukat at rima. Kapag may tigsikan, pinaghahandaan na at isinusulat ang tigsik. May mga manunulat na nilapatan na ng sukat ang tigsk. Ang isang magaling na tigsik ay inaasahang matanlinhaga, angkop sa pinararangalan, nakaaaliw pakinggan, at kalimitan ay may kabulastugang mahirap makalimutan. Ang salitang tigsik ay kinamulatan na ng maraming Bikolano. May nagsasabing ang ugat na mga salita ay tigis ( to pour liquid into a cup) at sikrap (sulyap, to take a quick glimpse of). Ang sabi naman ng iba ay pinaikling tigsisikrap (an attempt to take a quick glance at). Maaaring tanggapin ang dalawang paniniwalang ito dahil ang tigsik ay totoong isang napakaikling sulyap o irap pa man din sa isang bagay na dapat pag-ukulan ng pansinpagkatapos tagayan ng inumin at bago inumin ang laman ng hawak na baso; d) kahalagahan ng salita: Ang tigsik ay salitang tutukoy sa natatanging anyo ng literaturang Bikolnon na daglian at pabigkas. Maaaring masabing kahawig ito ng sinaunang dalit ng mga Tagalog, subalit kaiba dahil may simuno o tiyak na paksang tahasang tinatalakay, at ang pagtalakay ay palaging sa pamamaraang tiyak, sadya, matalinhaga, makahulugan, makabuluhan, may kabulastugan at nakakatuwa. Magagamit din ang salita upang tumukoy sa mga maiikling tagay, puna o pasaring na matalinhaga, makahulugan, at nakaaaliw pakinggan.
Marami pang ibang salitang Bikol na dapat masali sa korpus ng Wikang Pambansa. Ang kulang lamang ay ang panahon sa pulong na ito upang ipahayag ang iba pang magagandang salitang mapupulot sa anim na malakihang diyalekto ng Wikang Bikol. Naniniwala ako na marami pang 18 ibang panahon at pagkakataon upang tayo ay mag-ambagan ng mga salitang magpapayaman sa isang wikang nararapat lamang na paglagakan ng lahat ng kaalaman ng lahing Filipino. Naniniwala ako na darating ang panahon ang pambansang literatura ay isusulat sa isang wika lamang. Naniniwala rin ako na sa pagpapayaman ng isang Wikang Pambansa ay hindi mamamatay, bagkus kasamang yayaman, ang mga wika ng mga rehiyon ng ating bansa. Naniniwala ako na tatatag lamang ang ating bansa kung nagkakaisa tayo at nagkakaunawaan sa pamamagitang iisang Wikang Pambansa.