Katangian NG Wika

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Katangian ng Wika

1. Ang wika ay artbitraryo - sapagkat walang tiyak na makapagsasabi kung paano nga
talaga nagsimula o paano nagkaroon ng wika ang bawat lahi sa daigdig, ang anumang
paggigiit sa isang teoryang pinagmulan ng wika ay lilikha lamang ng pagtatalo.

2. Ang wika ay buhay o dynamic - tulad ng isang bagay na buhay, ang wika ay patuloy
na nagbabago sa pagdaan ng panahon. Ito ay masasabing permanenteng katangian ng
wika. Ang pagbabago ay maaring tungo sa pag- unlad. Maaring may mga salitang
nawawala o hindi na ginagamit subalit ito'y napapalitan ng mga bagong salita.
Halimbawa ang salitang pinid. Ilan pa ba sa ating ang nagsasabing "Ipinid mo ang
pinto"? hindi ba wala na? Ang ginagamit ngayon ay isarado sa halip na ipinid. Gayon
din ang buhay na mga bagay may, mga bahagi na nawawala subalit napapalitan ng
bago. Isang halimbawa ay ang kuko. Kapag nabunot ang kuko ng tao ito'y napapalitan
ng bago.

3. Ang wika ay nakasandig sa kultura - bawat wika ay may naiibang katangian na hindi
matatagpuan sa iba sapagkat may mga bagay na bahagi ng isang kultura na hindi
matatagpuan sa ibang kultura. Halimbawa sa Pilipinas ay mayroon tayong iba-ibang
tawag sa estado ng palay. Palay tawag nating sa tanim na at bunga nito na hindi pa
nababalatan. Subalit pag ito ay nabalatan na, ito'y tinatawag na itong kanin, bahaw ang
tawag sa malamig na kanin. Mayroon tayong iba't ibang katawagan dito dahil ito'y
bahagi ng ating kultura. Subalit sa Ingles ang lahat ng ito ay tinatawag nilang rice dahil
ito'y bahagi ng regular na pamumuhay ng mga Ingles ang pagkain ng kanin. Nilalagyan
lamang nila ng panuring o modifier ang rice (cooked rice) para ipaalam ang pagkakaiba.
Sa kabilang dako naman, wala tayong katawagan sa iba't ibang uri ng yelo. Sa Ingles
ang mayroong ice, snow, hailstorm, iceberg, glacier at iba pa. Kapag sa ating ay
nagkaroon ng hailstorm, sinasabi nating umulan ng yelo. Wala tayong katawagan sa
mga bagay na ito sapagkat hindi it bahagi ng ating kultura at regular na pamumuhay.

4. Walang wikang dalisay o puro - sapagkat ang wika ay nakasandig sa kultura, ang
panghihiram ng salita sa ibang wika ay hindi maiiwasan. May mga knoseptong hindi
maipahahayag sa isang wika na naipapahayag naman sa iba. Dahil dito, walang
masasabing purong Tagalog, purong Hapon o purong Ingles man. Tingnan nating ang
wikang Ingles. Maraming salita sa Ingles ang galing sa Latin, Griego, Kastila at iba pang
wika. Maging ang Tagalog ay pinaghiraman din ng Ingles. Halimbawa ang salitang "
amok" o nagromentado. Matatagpuan natin sa mga diksyonaryong Ingles ang salitang
amuck na ayon sa etimolohiya nito ay galing sa salitang amok ng Tagalog. Ang Tagalog
ay hindi rin natin pwedeng sabihing puro dahil marami sa ating mga salita ang galing sa
Kastila, Ingles, Intsik at iba pang bansa ng nakaugnayan ng mga Filip





ANO ANG WIKA
Answer:
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga
kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito
sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong
likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa
pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa
paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga
kaanib ng isang pulutong ng mga tao.

Kahalagahan ng wika
Answer:
Mahalaga ang wika dahil ito ang batayan ng pakikipagugnayan at pakikipagtalastasan tungo sa
pagkakaunawaan at pagkakaintindihan sa sangkatauhan. Mawawalan ng saysay ang gawain ng
sangkatauhan kung wala ang wika. Dahil ang wika bilang pakikipagugnayan ay ginagamit sa
pakikipagkalakalan, diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan at pakikipagpalitan ng
kaalaman sa agham, industriya at teknolohiya. Ang wika bilang pakikipagtalastasan ay ginagamit sa
pagtungo, paghahanapbuhay at paninirahan sa ibang bansa. Ito rin ang hudyat ng ating
pakikipagtalastasan sa iba upang magkakaintindihan.


Kalikasan ng wika
Answer:
ang kalikasan ng wika ay ang mga sumusunod:

-pinagsama-samang tunog
-may dalang kahulugan
-may spelling o baybay
-may grammatical structure/ma sistemang balangkas
a.ponolohiya
b.morpolohiya
c.syntax
d.symantix/simatika
e.progmatics





Ano ang balangkas ng wika
Answer:
Ang balangkas ay maayos na paghahanda ng ulat sa pamamagitan ng pagsulat ng mga
mahahalagang punto hingil sa paksa.

Mga Uri:
1. Balangkas sa pangungusap - gumagamit ng buong pangungusap sa pagpapahayag ng
pangunahing kaisipan.
2. Balangkas sa paksa - mga parirala ang ginagamit o pangunahing mga salita lamang

Mga mahahalagang hakbang sa pagbabalangkas
1. Basahin ang buong materyal
2. Piliin ang pantulong na kaisipan na bumubuo sa bawat pangunahing kaisipan
3. Huwag isama ang mga impormasyong hindi saklaw sa paksa
4. Gamitin ang balangkas na ninanais para sa paksa

You might also like