Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

AMPON AKO?

BUOD:
Ang kwentong ito ay tungkol sa magkasintahan na nagkaroon ng anak. Pero ang tatay
nito ay hindi tanggap dahil sa dahilang hindi pa handa at bata pa.
Kaya nagawa nitong ibigay sa iba ang bata at iniwan ang nobya nito.
Hindi katanggap tanggap ang nangyari sa babae na basta basta lang ito ibigay, ang
Alam niya lang ang itsura nito. Maputi ang balat na parang amerikano
Pero yun lamang ay isang sakit na ang tawag ay Albinism
At dahil nga iniwan siya ng lalaking iyon may pumalit sa kanya at inalagaan ang
Babae hanggang sa lumuwag ang pakiramdam nito. Alam ng lalaking iyon na iba ang
mahal ng babae pero gagawin niya pa rin yun hanggang sa sumaya ang babae sa
piling niya at para na rin maiwasan ang pagkabagot nito. Sa kabilang banda, ang bata
ay napunta sa isang mahirap na pamilya pagkasilang na pagkasilang pa lang.
Hanggang sa lumaki iyon, dun niya lang nalaman na iba ang tunay niyang ina.At ang
tatay nito ay nagsisi at hinanap ang babae at lumuhod-nagmakaawa na bumalik siya sa
piling niya at hanapin ang anak nila. Natuwa ang babae at tinanggap ang alok ng
kanyang kasintahan at ang lalakeng tumulong sa babae ay tanggap rin iyon. Lahat ay
Masaya, pero ang araw na rin na iyon, ay makikita na niya ang kanyang anak sa huling
pagkakataon.
Namatay ang babae dahil sa matagal nitong tinatagong sakit at yun rin ang una at
huling pagkikita nilang mag-ina.


UNANG TAGPUAN: ( Sa isang kanto, nagkita ang magkasintahang Joshua at Jamaica
at silay nagkayayaang kumain at mamasyal)
Joshua: ( Medyo nainip kakahintay) Ang tagal mo naman, kanina pa ako naghihintay
dito Mash.
Jamaica: Pasensya na ah, hindi kasi ako pinayagan ni Mommy kaya tumakas na lang
ako kaya medyo natagalan.
Joshua: Ah ganun ba. O sige, tara na kain tayo sa restaurant. Libre ko.
Jamaica: O sige, gutom na rin ako tsaka may importante akong sasabihin sayo.
Joshua: O sige, mamaya na natin yan pag-usapan.
IKALAWANG TAGPUAN: ( nagpunta na ang magkasintahan sa restaurant)
Joshua: Anong gusto mo?
Jamaica: Uhhmmm.... Ah gusto ko ng hamburger, spaghetti at watermelon shake!
Joshua: Ah okay ( sabay harap sa cashier) ganun na din ang akin.
Dumeretso na si Jamaica sa isang bakanteng upuan at si Joshua naman ang kumuha
ng kanilang inorder.
Joshua: ( may halong pagtataka) Mash ano bang nangyayari? Ayaw mo naman ng
Hamburger at spaghetti pero ngayon kinakain mo na. Tapos yung favorite mong mais
binili ko sayo dati isinantabi mo lang. Nagbago na ba ang taste mo sa pagkain?
Jamaica: Yun nga ang gusto kong sabihin sayo eh.
Joshua: Ano yun?
Jamaica: Wag kang magagalit sa akin ah
Joshua: Oo na, eh ano ba kasi yun?
Jamaica: ( bahagyang nakangiti) Buntis ako. May anak tayo Mash!
Joshua: ( nagulat) Ha?! Di ba sabi ko sayo di tayo pwedeng magkaanak?! Ipalaglag mo
yan!
Jamaica: ( nalungkot at naiyak) Ayoko, may buhay rin tong dinadala ko! Di ka ba
natutuwa? Anak natin tong nasa tiyan ko!
Joshua: Hindi naman sa ganun, eh kasi bata pa tayo. Wala pa tayo sa tamang edad. At
tsaka baka magalit mga magulang natin, ang mama mo... ( hindi pa tapos ang sinabi
agad ibinuhos ni Jamaica kay Joshua ang tubig sa mukha nito)

Jamaica: ( Galit) Puro na lang sarili mo ang iniisip mo! ?Bahala ka diyan! Papalakihin ko
to mag-isa!
( umalis siya ng umiiyak dahil saglit na ayaw niyang mawala ang batang nasa
sinapupunan niya)
IKATLONG TAGPUAN: ( umuwi si Jamaica sa bahay nila ng umiiyak at nakita siya ng
kanyang ina
Jamaica: Ma.
Terri: oh bakit?
Jamaica: May aaminin po ako sa inyo
Terri: ano yun anak?
Jamaica: Ma.... Buntis po ako..
Terri: ha?!! Sinong Ama niyan! Batang bata ka pa para diyan at hindi ka pa handa.
Ipalaglag mo yan masisira ang kinabukasan mo
Jamaica: Lahat na lang ba kayo ganyan?! Kawawa ang batang nasa sinapupunan ko!(
sabay takbo sa labas)
IKAAPAT NA TAGPUAN: ( sa isang simbahan)
Jamaica: Lord, ano na pong gagawin ko?( umiiyak)
Hindi nila ako naiintindihan eh!
Jonathan : Miss okay ka lang?
Jamaica: Kita mong hindi ako okay tapos tatanungin mo ako ng ganyan.
Jonathan: Sorry naman, eh ano ba kasi iniiyakan mo?
Jamaica: Ano bang pakialam mo?!
Jonathan : Eto naman oh, tinutulungan na nga eh
Jamaica: Hindi ko na kailangan ng tulong mo... (biglang may nakaramdam ng hilo)
(hinimatay bigla at sinalo ni Jonathan at dinala sa hospital)
Sa hospital.....
Jonathan : Doc, ano na po ang lagay niya.
Arianne: Masama po ang pakiramdam niya at nakakasama rin kasi yun sa kanyang
dala dala.
Jonathan : Ano? Buntis siya?
Arianne: Opo, dalawang buwan na po
Jonathan: pero bakit parang hindi? Hindi naman kasi halata.
Arianne: o sige po, mauna na po ako. Iwan ko muna po kayo at pakibantayan na lang
po siya
Jonathan: O sige po, maraming salamat po.
---

Jonathan: yun pala ang iniiyakan mo kanina....
Jamaica: ( biglang nagising at nagtaka) Nasan ako?
Jonathan: Nasa hospital ka, dinala kita dito. Hinimatay ka kasi kanina habang nakikipag
away sa akin.
Jamaica: Sino ka nga ba?
Jonathan: Ako si Jonathan .Nathan na lang ang itawag mo sa kin. Ano ba kasi nangyari
sayo? Balita ko buntis ka daw, eh ano ang iniiyakan mo?
Jamaica: Wala ka ng pake dun.
Jonathan: yan ka na naman eh. O sige, hindi na kita pipillitin pero sana hayaan mo
akong alagaan muna kita kahit isang araw lang.
( di na nag salita muli si Jamaica at pumayag na lang)
---
Ang araw ng panganganak:
Jamaica: baby, laki na ng tiyan ko oh. Malapit ka ng lumabas excited na kitang Makita.
Terri: anak, halika na.
Jamaica: opo.
( maya maya)
Jamaica: Aray!
Terri: anong nangyari anak?!
Jamaica: Ma. Manganganak na ata ako!!
Terri: Ha! Bakit ngayon pa? Ay jusmiyo!( tumingin sa paligid)
Terri: iho, patulong naman dalhin tong anak ko sa hospital
Jamaica: ikaw na naman? Bilis tulungan mo na ako, manganganak na ako!
Jonathan : o sige sige. ( sabay alalay sa kanya papasok sa kotse nito)
Sa hospital ( nasa loob na ng emergency room at napag kamalang asawa ni Jamaica
ang kasama nito kaya pati sa panganganak nito ay kasama pa siya)
Jonathan: kaya mo yan..
Jamaica: ( nahihirapang huminga) kaya ko to, kaya ko to!
Jonathan : hinga ka lang ng malalim.
Jamaica: okay okay
Arianne: Maam malapit na!
Jamaica: hoo hoo hoo...( nahihirapang huminga at napapawisan na)
Jonathan : konti na lang( sabay punas sa pawis ni Jamaica)
Arianne: Waah! Congratulations po! Lalake po ang anak niyo!
Jamaica: ( tuwang tuwa) Salamat.
Jonathan: parang ang puti naman niya sobra, amerikano ba ang ama niyan?
Jamaica: Hindi ah! Ewan ko nga eh.
Arianne: Ah maam, may kailangan po akong sabihin tungkol sa anak mo
Jamaica: ano yun?
Arianne: May pag ka albinism po ang kanyang lahi
Jamaica: ano yun?
Arianne: maitatawag po natin siyang sakit pero hindi naman po yun masakit o wala
naman siyang mararamdamang masakit.
Jamaica: Hay salamat sa diyos.
( umalis ang doctor)
Jonathan: Anong ipapangalan mo diyan?
Jamaica: Uhmm... Di ko pa alam eh
Jonathan: di pwede yan, tutulungan kita. Ano bang pangalan ng asawa mo?
Jamaica: Wala akong asawa, boyfriend ko lang siya.
Jonathan: Ha? Ibig sabihin nauna si Honeymoon bago ang wedding. Eh bakit wala pa
yung boyfriend mo?
Jamaica: Ewan ko dun eh, ayaw niya kasi kaming mag kaanak ipapalaglag niya sana
pero hindi ako pumayag.Kaya ngayon wala siyang pakialam sakin.May load ka ba?
Jonathan: oo, bakit?
Jamaica: patext ako ah ( sabay abot ni jonathan ng Cellphone nito kay Jamaica)
Jamaica: Si mickey mouse pa ang wallpaper mo ah, bakit?
Jonathan: ah yun ba. Favorite ko si mickey mouse eh
Jamaica: Nakaisip na ako ng ipapangalan sa anak ko
Jonathan: ano naman yun?
Jamaica: Micko ang ipapangalan ko sa kanya.Galing kay mickey mouse yung pangalan.
( sabay ngiti at ngumiti rin si Jonathan)
MAKALIPAS NG ILANG ARAW:
Jamaica: sayang hindi mo pa nakita boyfriend ko, eh uuwi na ko.
Jonathan: okay lang. So, kitakits na lang kung nagkataon?
Jamaica: okay. O sige, bye ah! Thank You rin pala.
Jonathan: Walang Anuman.
Makailang linggo:
Jamaica: Wag! Please! Mash, wag mo kunin sa akin ang anak ko
Joshua: Mash, hindi maaari. Ipapamigay ko na lang siya kung sa ganon ay wala ka ng
problema at wala na rin akong poproblemahin!
Jamaica: Hindi naman problema sa akin si Micko!! At tsaka kahit hindi mo na ako
tulungan sa pagpapalaki sa anak natin wala akong pakealam dahil kayang kayak o siya
ipalaki dahil mayaman rin ako tulad mo!!( bahagyang iyak na iyak na)
Joshua: Sorry mash. Iiwan na kita, at iiwan ka na rin ni micko. Mas maganda kung mag
bago ka na lang ng buhay...
Jamaica: teka, wag! Micko!! ( iyak ng iyak)
( may mga gwardyang nakahawak sa braso ni Jamaica kaya hindi nito nagawang
bawiin ang anak nitong si micko)
Jamaica: Micko!! Anak!!Josh! Please!! ( nagwawala sa kaiiyak nung nakaalis na ang
kanyang kasintahan at ang pinakamamahal nitong anak)
Jamaica: anak ko! Micko!
---
Jonathan: hello Jamaica?
Jamaica: Nathan? ( umiiyak pa rin)
Jonathan: anong nangyari? Bakit ka umiiyak?
Jamaica: kinuha sakin ni josh ang anak ko!
Jonathan: ha?! O sige pupuntahan kita diyan( sabay baba agad ng Cellphone nito at
binilisang pumunta sa bahay ng babae)
SA KABILANG BANDA:
Danica: Darshan, wala na tayong bigas
Darshan: mangutang ka na lang muna kay aling nena.
Danica: Darshan naman oh, puro na lang tayo utang.
Melody: Oo nga tay, hindi ba nagtatrabaho ka?
Jay-ann: hoy Melody wag ka ngang makiepal sa usapan ng matatanda wala kang
galang
Melody: opo ate. Osige ma itatanong ko na lang kay aling nena.
( pagkapunta kay aling nena)
Melody: aling nena, pautang daw mo si nanay ng tatlong kilong bigas
Aling Nena: Aba eh, namumuro na kayo ah, baon na kayo sa utang at hindi na ako
papayag na magpautang pa sa inyo
( umuwi si Melody ng malungkot at walang dala dalang bigas)
Jay-ann: o bunso, asana ng bigas?
Melody: bawal na daw eh
Jay-ann: ( pasigaw) Ma, di na tayo pinayagang mangutang.
Danica: ah ganun ba, o sige pupunta muna ako dun saglit at pilitin siya
( pagkabukas ng pinto)
Danica: Kaninong anak to? ( sabay kuha sa bata)Ang cute naman nito. Bakit kaya siya
iniwan ditto. Aba may pera pa dito
(nakita ni darshan na may hawak na bata si danica)
Darshan: tsk tsk, dagdag gastos na naman yan!? Di mo ba naiintindihan ang problema
natin danica? Wala na tayong makain papalakihin mo pa yan!
Danica: may nakaiwang pera at sulat dito
Darshan: ah akin na ang pera bilis.
Jay-ann: Ang cute naman ng baby kanino pong anak yan ma?
Danica: may nagiwan lang nito sa pinto eh, mukha nga siyang ameriakno imposible
namang mahirap rin sila katulad natin. Ngayon aalagaan natin siya at pinapangalanan
ko siyang si Mike.
SA BAHAY NI JAMAICA:
Jonathan: ( nakapasok sa bahay ni Jamaica) Jamaica! Asan ka?
( may narinig na hagulogol sa itaas)
Jonathan: Jamaica, bakit walang gwardya ngayon, yung mama mo asan na sila?
Jamaica: wala sila Nathan. Nathan kinuha ni josh sakin ang anak ko
Jonathan: tama na. Okay lang yan.
Jamaica: ( iyak ng iyak) anong gagawin ko? Wala na si josh wala pa si micko?
Jonathan: Wag kang mag alala, pangako. Aalagaan kita Jamaica. Mahahanap natin
ang anak mo.
Jamaica: Pero Nathan wala( hindi pinatapos ang sinabi nito)
Jonathan: Alam kong wala kang nararamdaman sakin at si josh ang mahal mo. Pero
sana bigyan mo ako ng pagkakataon na alagaan kita at mapakita sayo ang
nararamdaman ko sayo. Pangako, aalagaan kita. Pangako, makikita at makukuha natin
si micko at tayo ang mag aalaga sa kanya.
MAKAILANG TAON:
( Malaki na si Micko)
Micko: Ma, papasok na po kami nila Ate!
Danica: O sige ingat kayo ah.
Sa school
Micko: ate, alam kong pambata lang yung sasabihin ko sayo
Jay-ann: ano nga ba yun?
Micko: hanggang ngayon kasi inaasar pa rin akong gatas sa school eh at mahirap daw
tayo palibhasa kasi mayayaman eh
Melody: Sino sino ba kasi yung mga yun?
Micko: Sina Elton, Dianne, Christian pati si Chelsea
Melody: Si Elton? Yung baklang yun? At ang campus crush pa ng year niyo na si
Chelsea ang nangangasar sayo ah.
Jay-ann; grabe melody nakakatulong ka talaga sa kapatid natin
Micko: Bakit ba kasi ang layo ng itsura ko sa inyo? Bakit ba kasi ang puti puti ko?
Melody: hay naku, kapatid. Wag mo ng isipin yan. Pabayaan mo na lang sila. O yan na
pala Kaibigan mo eh.
Jay-ann: Hi Chrisanta!
Chrisanta: Hello po, chris na lang po ang itawag niyo sa kin.
Jay-Ann: okay. O sige una na kami ni Melody ah malelate na kami. Junior na kasi eh. O
sige mga sophomore pumunta na kayo sa klase niyo
Micko at Chrisanta: Opo.
--
Chrisanta: hulaan ko yang mukhang yan
Micko: anong meron sa mukha ko?
Chrisanta: inaasar ka pa rin nila no?
(ADLIB of CHELSEA , ELTON,DIANNE, at CHRISTIAN)
Chrisanta: Halika na nga mike! Pabayaan mo na lang yung mga panget na yun! Inggit
lang yun kasim as maputi ka kaysa sa kanila!
( at bigla nilang nabangga ang kanilang principal)
Chrisanta at micko: Sorry po maam
Jamaica: hahaha! Okay lang yun. O san kayo pupunta?
Micko: ah eh Maam Principal ang ingay po kasi sa room naming eh,May meeting daw
po yung mga teachers.
Jamaica: Ah oo, pinatawag ko sila. Anong pangalan mo iho?
Micko: Mike po Maam eto po si chris bestfriend ko
Jamaica: nakakatuwa naman kayo.Naalala ko tuloy anak ko. Mike, may lahi ka bang
amerikano>? Ang puti mo kasi eh
Micko: Ah maam hindi po. Mama at Papa kop o ay Pilipino. Ang layo nga po ng itsura
ko sa kanila eh pati rin sila ate wala akong kamukha sa kanila.
Jamaica: o? Talaga? O sige una na ko, basta wag kayo pakalat kalat ah at bumalik
kayo agad sa klase niyo.
Micko: Opo.
( pagkaalis ng principal)
Chrisanta: o bakit ka nakangiti?
Micko: Eh kasi parang ang gaan ng pakiramdam ko nung kinausap ko si maam. Para
bang matagal ko na siyang kilala.
Chrisanta: Asus may crush ka lang sa principal natin
Micko: umayos ka nga. Kitang may anak na yun, tsaka ang bata ko pa noh!
Chrisanta: oo na.
---
Micko: nakauwi na po ako Ma!
Danica: Mike patulong nga dito lasing tong papa mo
Micko: Ah sige po ( inalalayan si darshan)
Darshan: ano ba, di pa ako lasing mike.
Micko: pero pa namumula na po kayo
Darshan : ikaw talagang bata ka, kaya ko na to
Micko: Pero pa..
Darshan: ano ka ba, Ampon ka lang!! Hindi kita anak! Kaya pwede ba wag mo akong
pakielaman!!
Micko: (nagulat at may luha na sa mata nito)
Danica: Ano ka ba darshan! ( at humarap kay micko) Mike wag ka maniwala sa papa
mo
Micko: ( umiiyak na) Ampon lang ako? Ampon ako? Kaya pala wala akong kamukha sa
inyo!
Danica: ( huminga ng malalim) Mike, hayaan mo akong magpaliwanag. Nung sanggol
ka palang nilagay ka ng tunay mong ama sa pinto naming. Pano ko nalaman? Sa sulat
na iniwan niya. Nag iwan siya ng pera para mapag aral kita.
(may kinuha sa cabinet)
Eto yung sulat: Sana po ay alagaan niyo yung anak ko. Hindi ko pa po kayang alagaan
yan pati na rin ang girlfriend ko. Oo, mayaman kami pero hindi ko tanggap na
magkaroon kami ng anak sa murang edad at ayaw kong malaman ng mga magulang
ko. May pera po akong iniwan para sa inyo at sa anak ko. Sana po ay alagaan niyo siya
ng maayos. At sana po wag niyo na lang po ipaalam na ampon lang siya sa pamilya
niyo. Sana po ay maunawaan po ninyo ang sitwasyon ko.
Micko: ( nagulat at naiiyak)
Danica: Eto ang mama mo....
Micko: (mas lalong nagulat at umiyak)
Micko: Si Maam Principal ang nanay ko?( umiiyak)
----
Jamaica: Anong ginagawa mo dito Josh?
Joshua: Jamaica, please magbalikan na tayo. Please. Alam ko kung asan ang anak
natin.
Jamaica: tigilan mo na nga ako. Mahal ko si Nathan Josh!At wag mo kong lokohin.
Joshua: hindi kita niloloko. Nakita ko nga lang siya kanina dito
Jamaica: ha?Anong sabi mo? Pano ka naman nakasigurado?
Joshua: Dahil dito banda ko siya ipinamigay
Jamaica: ( nagulat at may luhang tumulo sa mga mata nito) asan siya?
Joshua: Jamaica si Mike ang anak mo.
----

Danica: Anak, ang principal ang tunay mong ina.
Micko: ( umiiyak) Pero ma
Danica: Okay lang na iwan mo kami dito. Ang mahalaga makakasama mo na ang
mama mo.
Micko: Pero
Danica: Mike, okay lang kami. Pwede mo pa naman kami puntahan at bisitahin kami
dito eh. O ano pang hinihintay mo? Pumunta ka na sa school niyo maaabutan mo pa
ang mama mo
Sa KABILANG BANDA:
Jonathan: Jamaica, okay lang.
Jamaica: pero
Jonathan: ang mahalaga ay makakasama mo na ang anak mo.
Jamaica: Nathan..
Jonathan: Alam kong mahal mo pa rin si Josh. Okay lang sa kin. Natupad naman na
ang pangarap ko eh ang alagaan ka at mahalin ka.Jamaica, ipangako mo sakin di mo
ko makakalimutan ah
Jamaica: ( umiiyak) Oo naman. Ikaw ang naging parang asawa ko sa mahabang taon at
pinasaya mo ako.
Jonathan:Ingatan mo sarili mo ah.
Jamaica: ( ngumiti) Ikaw din.
Jonathan: Mahal kita.
Jamaica: Alam ko. Alam ko rin sa ibang babae mo na yan masasabi.
Jonathan: Hihintayin ko yun. O ano pang hinihintay mo, alis na puntahan mo na ang
anak mo!
Jamaica: Ah oo nga pala.( at lumingon ulit kay jonathan)
Nathan, Mahal ko kayong lahat... ( lumungkot ang mukha)
Jonathan: Anong meron Jamaica?
Jamaica: Wala. Basta tandaan mo, lahat kayo ay mahal ko. Mahal ko kayong lahat.
----
Micko: ( pinunasan ang mga mata nito at tumakbo papunta sa school nito at
nagkasalubong sila ng kanyang mama. Siya ay nasa kabilang kanto ng tawiran at ang
mama naman niya ay nasa ibang direksyon na umiiyak at natutuwang makita rin ang
anak nito)
Micko: Mama!
Jamaica: Anak! ( tatawid na si Jamaica ng..)
Micko: Mama!!
( umiyak lalo si micko at pumunta sa kalsada. Nakita ang kanyang ina na hindi
makahinga at namumutla.)
Ma, anong nangyayari sayo?
Jamaica: Salamat nakita rin kita anak ko.
Micko: Ma..
Jamaica: Anak. May sakit ako. Leukemia.
Micko: Mama wag mo kong iwan.
Jamaica: Micko. Patawarin mo ako. Alam kong ngayon na tayo nagkakilala na ako ay
iyong ina at ikaw ay ang aking anak( umiiyak)
Micko: ma! ( umiiyak)
Jamaica: Micko, aalagaan ka nila Nathan at ang papa mo. Micko, mahal na mahal kita.
Micko: mahal rin kita Ma! Please wag mo kaming iwan ni papa!!
Jamaica: ( ngumiti)dati ilang araw lang kita nahawakan at ang liit mo pa noon. Ngayon
gwapo ka na lalo.ang laki laki mo na. At ito na rin siguro ang huling pagkikita natin anak.
Micko, Mahal ko kayo ng papa mo....( unti unting pumikit at tumulo ang huling luha nito)
Micko: Ma? MA! Ma! Please! Wag! Ma! Ma!MA!!!!!( humahagulgol sa iyak)
PAGKALIPAS NG ILANG TAON:
Micko: Grabe Pa. Ang ganda talaga ni mama noh?
Joshua: Kaya nga eh.
Jonathan: O Jamaica, ito na yung sinasabi mo oh. Girlfriend ko nasa harapan mo.
Girlfriend: Hello Jamaica
Micko: Ang saya ngayon noh ma?( sabay lagay ng bulaklak sa paso)
Happy Halloween ngayon Ma! ( ngiting sabi nito habang kaharap ang puntod ng nanay
nito)
WAKAS

You might also like