Panuto: Basahin ang talata sa ibaba at tukuyin ang nawawalang
salita upang mabuo ang kaisipang nais ipahatid ng may akda. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. (Isang sipi mula sa nobelang El fili: kabanata 7: Si Simoun) Ngunit sinuwatan niya sina Basilio at mga kasamahan na nagbabalak magtayo ng paaralan ng Wikang Kastila at humihinging gawing lalawigan ng Espanya ang pilipinas at bigyan ng pantay na karapatan ang mga Kastila ang Pilipino. Ito raw ay magbibigay daan sa 1. (Pilipinas) sa pagiging bayang walang sariling pagkukuro, walang 2. (kalayaan) at pati kapintasan ay hiram dahil sa pagpipilit manghiram ng wika. Ibig raw nina 3. (Basilio) na matulad ang Pilipinas sa mga bansang magugulo sa Timog Amerika (South Amerika).Ayon kay Basilio ang4. ( kastila) ay isang wikang magbubuklod-buklod sa mga pulo ng Pilipinas.Itoy pinabulaan ni Simoun. Anya: Ang kastila kailanman ay di magiging5. ( wikang) pangkalahatan sa bayang ito ; sapagkat sa mga 6 (kulubot) ng kanyang isip at sa pintig ng kanyang puso ay wala ang mga akmang pananalita sa wikang iyan. Iilan lamang daw ang 7. (nakapagsasalita) ng Kastila. At ang iilang ito ay mawawalan ng sariling 8. (kakayahan), magpapailalim sa ibang utak, paaalipin. Tinuligsa ni 9. (Simoun) ang mga pangkat na naghahangad luminang sa wikang Kastila at di sa kaalamang magsalita o sumulat sa sarili nilang wika. 10 (Tinuligsa) rin niya ang mga nagpapanggap na di sila maalam magsalita at umunawa ng sariling wika.
II. Panuto: Bsahin ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang nawawalang salita upang mabuo ang diwa ng pagungusap.
(Isang sipi mula sa nobelang El fili: kabanata 35: Ang Paging) 1. Naroon na sina ( Padre Salvi) ngunit wala pa ang Heneral. 2. Nais tumungo ni (Don Timoteo) sa palikuran ngunit di siya makaalis dahil di pa dumadating ang Heneral. 3. Si (Basilio) ay nasa harap ng bahay at pinapanood ang mga nagdaratingan. 4. Naiisip ni Basilio na bigyan ng (babala) ang mga iyon. 5. Akoy may utang na loob kay (Simoun), sa kanilay wala. 6. Namayani na naman ang (kabutihang-loob) ni Basilio. 7. Hinadlangan si Basilio ng mga tanod dahil sa (marusing) niyang anyo. 8. Sa loob ay nagkatagpo ang nagpipiging ng isang kaputol na papel na ganito ang nakasulat. (Mane Thacel Phares) Juan Crisostomo Ibarra. 9. Isa raw biro iyon, ani (Don Custodio.) 10. May mabilis na pimasok, tinabig ang utusang humadlang, kinuha ang (ilawan), itinakbo sa asotea at itinapon sa ilog,