Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Filipino IV-1

Banghay ng El FIlibusterismo

12 Cuenca, Julia Hazel S.
19 Sing, Bianca Lorraine W.

Gng. Ruth Gabiane
Guro





















I. Simula
Nagwakas ang Noli Me Tangere na may temang pagtitiis noong bisperas ng Pasko,
buwan ng Disyembre. Makalipas ang labing tatlong taon, sa parehas na buwan ay nagsimula
ang El Filibusterismo. Sa pagkakataong ito, nagbabalik ang pangunahing tauhan ng naunang
nobelang si Juan Crisostomo Ibarra bilang Simoun upang maghiganti.

Noong umaga ng Disyembre, lumayag ang mabagal tumakbong Bapor Tabo sa tabi ng
Ilog Pasig patungong Laguna. Nahahati ito sa ibabaw at ilalim na kubyerta. Ang Bapor Tabo
na ito ang kumakatawan sa pamahalaan at lipunang Pilipino at ang pagkahati naman nito sa
dalawa ay sa antas ng lipunan: mataas at mababa.

Sa ibabaw ng kubyerta naririto ang mga prayle, Kastila at ang mga mayayaman. Dito
ipinakilala sina Don Custodio na may bansag na Buena Tinta dahil laging laman ng balita, Ben
Zayb, isang manunulat at mamamahayag, Padre Camorra, ang mukhang artilyerong Pari,
Pari Irene, ang namamahala sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila at si Pari
Florentino na amain ni Isagani. Naririto rin ang mga nagbabalik na mga tauhan ng Noli Me
Tangere na sina Pari Sibyla na Vice Rector na ng Unibersidad, Pari Salvi, Donya Victorina na
larawan parin ng kolonyal na mentalidad at higit sa lahat, ang nagbabalik na Crisostomo
Ibarra sa katauhan ng isang mag-aalahas sa ngalang Simoun. Sa loob ng labing tatlong taon
ay nagpayaman siya sa ibang bansa at ang kanyang mga alahas ang gagamitin niyang
kasangkapan sa kaniyang paghihiganti.

Sa ilalim naman ng kubyerta naririto ang mga indiyo o mga karaniwang tao. Dito
ipinakilala sina Isagani, isang binatang taga-Ateneo at Si Basilio ang biktima noon sa Noli Me
Tangere ng pamamalupit ng mga prayle at ngayon ay magtatapos na ng kursong medisina.


II. Pagtindi ng Galaw ng Kwento
a. Pagtutunggali nina Simoun at Isagani
Bumaba si Simoun sa ilalim ng kubyerta at inalok si Isagani na uminom ng serbesa ngunit
tumannggi ang binata. Sinang-ayunan ni Simoun ang sinabi ni Pari Camorra na kaya
walang sigla ang mga Pilipino dahil sa pag-inom ng maraming tubig. Agad agad na
tinutulan ito ni Isagani at nagwikang,

Kung tubig man kamit kayoy apoy naman
Nasa isip ninyot sariling palagay!
Mangag-ingat kayot nang di madapuan
Ng sunog na hindi tayoy nagkatuwang
Higit na mabuting tayoy magkakambal
Ng dunong sa dibdib ng kalderong iyan
Walain ang galit, ang diri, ang suklam
At nang magkasamang lumikha ng singaw
Na magiging buhay, sulot kabihasnan
Na sa ating mundo ay magpapagalaw.

Dito ipinahiwatig na ang tubig ay ang mga Pilipno at ang apoy naman ay mga Kastila.
Kapag hindi na nakapagtimpi pa ang mga Pilipino, maari itong matutong lumaban at
sugpuin ang pamamahala ng mga Kastila.

b. Pakikipaglaban ni Kabesang Tales
Si Kabesang Tales ay isang magsasaka na iginipit ng uldog na korporasyon sa
pamamagitan ng pagpataw ng pataas na pataas na buwis. Sa una ay tahimik lamang ito
ngunit nang hindi na makabuluhan ang hinigingi sa kanyang buwis ay natuto na siyang
lumaban. Ngunit ang paglaban niya ay walang kinahantungan. Ika ngay, Para siyang
isang langgam kumakagat kahit alam naman niyang matitiris lamang siya. Kahit alam
naman niyang wala siyang laban ay nagpumilit pa rin siyang lumaban. Si Kabesang Tales
ang naging larawan ng mga tao biktima ng kawalang hustisya sa panahong iyon.

c. Ang Alitan sa pagitan nina Simoun at Basilio
Natuklasan na ni Basilio kung sino talaga si Simoun. Inanyayahan ni Simoun na
sumanib sa kaniya si Basilio sa plano niyang paghihimagsik. Siya daw ang mamumuno sa
mga kabataan at si Simoun na ang bahala sa mga matataas na lipunan. Ngunit
tumannggi si Basilio dahil ayaw na nito masangkot pa sa gulo at nais na niyang
kalimutan na lamang ang masakit na nakaraang kaniyang sinapit.
Dito ipinakita ang magkaiba nilang pananaw pagdating sa pagbabago. Nais
magkaroon ng pagbabago ni Simoun sa pamamagitan ng paghihiganti samantalang si
Basilio naman ay sa pamamagitan ng karunungan at katarungan.
Nagkakaiba rin sila pagdating sa paniniwala. Naniniwala si Simoun na ang
wikang Kastila ay isa lamang hadlang sa ninanais nilang pag-unlad ng bayan ngunit ayon
naman kay Basilio, ang wikang Kastila ang magiging lunas sa kahirapang kanilang
sinasapit.
Nang matapos ang kanilang usapan, Nagbitiw si Simoun kay Basilio ng isang
payo:

Hindi laging kabaitan ang pagpapaumanhin, ito ay kasamaan kapag nag-
uudyok sa paniniil. Walang mang-aalipin kung walang paaalipin.

Nais sabihin ni Rizal dito na kapag ikaw ay nasa katwiran dapat matuto kang
lumaban nang hindi ka apihin ng ibang tao.

d. Mga Pagtatalo tungkol sa Akademya ng Wikang Kastila
Tanging si Pari Irene at ang mataas na kawani lamang ang may nais na matuloy
ang pagpapatayo sa Akademya ng Wikang Kastila habang tutol naman sina Pari
Camorra, Pari Sibyla, Don Custodio at Simoun dito.
Dito, ipinahihiwatig ni Rizal na sa panahon ng mga Kastila ay pinagdamutan tayo
ng edukasyon. Ayaw ng mga Kastila na matuto ang mga kabataan sa kadahilanang kapag
natuto daw sila ay maaaring matuto nang lumaban at mangatwiran ang mga Pilipino.

e. Pag-uusap nina Ginoong Pasta at Isagani
Nagtungo si Isagani kay Ginoong Pasta upang humingi ng tulong ukol sa
pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila. Tumanggi si Ginoong Pasta. Mas pinili
niyang panigan ang pamahalaan dahil ayaw nitong madamay at mapahamak . Dahil sa
pagtanggi ni Ginoong Pasta, nasabi ni Isagani ang linyang ito:
Pagdating po ng araw na may uban na ako at walang nagawang mabuti sa aking
kapwa, ang bawat uban pong ito ay aking ikahihiya sa halip na ikararangal.
Ito ay parinig ni Isagani kay Ginoong Pasta na may edad na ngunit walang pang
nagagawang mabuti para sa bayan.

f. Pagkamatay ni Maria Clara
Si Maria Clara ay nagpakamatay dahil sa panggagahasang ginagawa sa kanya sa
loob kumbento. Dahil sa kaniyang pagkamatay ay naantala at muntik nang maglaho ang
plano ni Simoun dala ng matinding pagkabigo sa pag- ibig.
Si Maria Clara ay sumisimbolo sa mga kababaihan noon na inabuso sa mga
kumbento. Tunay na noon pa lamang ay may mga ginagawa ng kababalaghan ang mga
prayle na akala ng iba ay malilinis.

g. Pagpapakamatay ni Juli
Dahil nais ni Juli na makalaya si Basilio, wala na siyang ibang paraan kung hindi
ang humingi ng tulong kay Pari Camorra. Sa paglapit niyang iyon ay may alitang naganap
sa pagitan ng dalawa na siyang nagbunsod ng pagpapakamatay ng dalaga.
Maraming nagsasabi na si Juli ay nagpakamatay dahil ginahasa raw siya ni Pari
Camorra. Si Juli ay tuald ni Maria Clara na isang biktima ng pang-aabuso ng mga alagad
ng Diyos sa panahong iyon.

h. Ang Mataas na Kawani at ang Kapitan Heneral
Ang dating Kapitan Heneral ay ang Mataas na Kawani na ngayon. Siya ay
binabaan ng posisyon dahil sa pagkampi nito sa mga Pilipino. Nais ng Kapitan Heneral
na manatiling nakakulong si Basilio upang maging halimbawa ito sa mga taong nais
magkaroon ng pagbabago at gusting mag- alsa. Hindi nagkasundo ang dalawa at dahil sa
pagsasagot ng Mataas na Kawani sa Kapitan Heneral ay maaari itong matanggal sa
posisyon. Kung kayay bago pa man mangyari iyon ay kusa nang bumitiw ang Mataas na
Kawani sa trabaho. Ang Mataas na Kawani ay isang patunay na hindi lahat ng Kastila ay
masama.


i. Pagpapatuloy ng Himagsikan
Sumang-ayon na si Basilio na makisali sa magaganap na himagsikan. Ipinakita ni
Simoun sa kanya ang nitro-glicerina na ilalagay sa lamparang magdudulot ng matinding
pagsabog. Ang pagsabog na ito ang magiging hudyat ng simula ng himagsikan at ang
papatay sa mga may matataas na posisyon.

Ang pagsabog ay sumisimbolo sa pagwawakas ng pamamahala ng mga Kastila
upang magkaroon ng bagong lipunan at magkaroon ng kalayaan ang Pilipinas.

III. Kasukdulan
Kinasal na sina Juanito Pelaez at si Paulita Gomez. Sina Don Timoteo Pelaez at Simoun
ang namahala sa marangyang piging nila sa bahay ni Kapitan Tiyago. Dumating si Simoun sa
bahay ni Kapitan Tiyago dala ang lampara. Nang umalis na siya ay nakita ito ni Basilio at agad
agad lumayo sa naturang bahay. Nakasalubong ni Basilio si Isagani na nakatitig lamang kay
Paulita. Ayaw umalis ni Isagani kaya napilitang ibunyag sa kanya ni Basilio ang magaganap na
trahedya. Agad na naisip ni Isagani si Paulita. Nagmamadali siyang pumunta sa loob ng
bahay upang mailigtas ang pinaka-iniibig na si Paulita sa pagsabog. Kahit na wala na sa kanya
si Paulita ay wagas pa rin ang pagmamahal niya sa kanya.

Sa loob naman ng piging may papel na nakasulat,
Mane..Thacel Phares
Juan Crisostomo Ibarra
Nangangahuluga itong Mamamatay kayong lahat. Dahil nagawa na niyang kopyahin
ang lagda ni Ibarra noon, tanging si Pari Salvi lamang ang nakasisiguro na tunay ang lagda at
buhay pa nga si Ibarra! Nang gagalawin na ni Pari Salvi ang mitsa ng lampara ay biglang
kinuha ito ni Isagani at sabay sa kaniyang pagtalon palabas ay ibinato na rin niya ang
lampara sa ilog.

Muli, hindi nanaman natuloy ang hudyat ng himagsikan dahil sa labis na pag-ibig na
nadarama ng binata. Ika ngay, Ang wagas at tapat na pag-ibig ay nakabubulag sa masama
at mabuting layunin.

IV. Kakalasan
a. Ben Zayb
Ipinakita nanaman ang kabulukan ng sistema ng pamamahayag noon. Nais pa gumawa
ni Ben Zayb ng balita na puno ng palusot upang maitago ang tunay na nangyari sa mga
nakatataas sa piging. Pinigilan siya ng Kapitan Heneral na mailathala ang mga ito at mula
rito ay makikitang ang mga may anumang gawain noon.

b. Mga Orenda
Dito ikinalat ni Chichoy ang balita tungkol sa mga pulbura na nakita sa bawat paligid ng
bahay ni Kapitan Tiyago. Ang salarin daw ay si Simoun dahil labas- pasok daw ito noong
piging. Ipinakita ni Rizal dito ang ugali ng mga Pilipinong mahilig sa tismis.

Naroon din si Isagani at ang huli na niyang winika ay,

Ang kumuha ng hindi kanyang sariling ari ay kasalanan. Marahil, hindi gagawin iyon ng
magnanakaw kung nalaman niya kung pang sa ano ang lampara, hindi niya ginawa
iyon. Ano man ang ipalit, hindi ako lalagay sa kalagayang iyon.

Ipinahihiwatig nito na kung alam lamang niya kung para saan talaga ang lamaprang iyon,
hindi na niya sana pinigilan ito. Nagpapakita ito ng pagsisisi sa pagiging makasarili ng
binata.

c. Trahedya sa Pamilya
May Death March na nagaganap. Kapwa Pilipino ang nagpapahirap sa Pilipino. Si
Mautang at Carolino o kilala bilang Tano ang mga nagbabantay. Maya mayay nagkaroon
ng putukan. Namatay ang mga umatakeng tulisan. Nang makita ni Tano kung sino ang
mga iyon ay agad-agad siyang namutla. Ang kanyang lolo na si Tandang Selo at kanyang
ama ang kaniyang napatay.
SInasabi rito na noong panahon ng mga Kastila, kapwa Pilipino ang kumakalaban
sa mga Pilipino. Pinapakita rito ang kawalan ng pagkaka-isa na siyang isang malaking
balakid sa pagtamo ng kalayaan ng Pilipinas sa kamay ng mga Kastila.

V. Katapusan ng Nobela
Tinanggap ni Pari Florentino si Simoun na nooy lubhang mahina at sugat- sugatan.
Pinakita ng pari ang kaugaliang Pilipino na mainit na tinatanggap ang kahit na sinong
panauhin sa kaniyang bahay. Sa kabila ng atraso ni Simoun sa pari noon ay nangibabaw sa
kaniya ang pananagutan sa panauhin. Nag-isip ang pari kung paaano ililigtas ang buhay ng
panauhin subalit mismo ang panauhin na rin ang hindi natigatig.
Wala pang dalawang buwan nag nakakaraan nang nagbalik si Simoun sa bayan na
kinakatakutan sa taglay na kayamanan at kapangyarihan. Ngayon, isa na siyang sawimpalad
na sa ilang oras nalang ay darakipin at walang pakundanagang kukunin sa kaniyang
kinahihimlayan patay o buhay.
Bago siya bawian ng buhay ay nagbalik loob ang ginoo sa Panginoon. Nangumpisal siya
kay Pari Florentino at isinalaysay ang kaniyang mga pinakamatitinding lihim. Pinaliwanag sa
kaniya ni Pari Florentino ang kagalingan ng Maykapal at hindi sa ayaw Niyang tulungan si
Simoun, bagkus, may mas malalim pa Siyang dahilan.
Tuluyan nang iniwan ni Simoun/ Ibarra ang mundo. Kinuha ni Pari Florentino ang
maletang naglalaman ng kayamanan ni Simoun at inihagis sa dagat at nagwika:
Manatili ka nawa sa sinapupunan ng walang katapusang dagat, kasama ng kaniyang
mga korales at perlas. Kapag dumating ang panahong kakailanganin ka para sa isang dakong
layon, Diyos ang magtuturo sa iyo sa sinapupunan ng mga alon. Habang wala pa ang
panahong iyon, diyan ka muna sa pusod ng dagat upang di ka makasangkapan sa pagliliko ng
katwurian o kayay mag-udyok ng kasamaan.

You might also like