Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Kasaysayan ng mga Muslim sa Pilipinas

Ang Islam ay nakilala sa Pilipinas noong 13 siglo sa pamamagitan ng isang


Arabong Misyonaryo na si Sharif Makhdum na lumapag sa Sulu. Ipinagawa niya
ang unang Masjid sa Pilipinas sa Tubig-Indangan, Pulo ng Simunol, Lalawigan
ng Tawi-Tawi. Ang natitirang bahagi ng Masjid ay makikita pa rin sa dati niyang
kinalalagyan. Si Makhdum ay namatay sa Pulo ng Sibuto, Lalawigan ng Tawi-
Tawi at ang kanyang puntod ay dinadayo ng mga turista hanggang sa ngayon.
Ng taong 1390, si Rajah Baginda ay dumating sa Bansa at pinagpatuloy ang
pagpapalaganap ng Islam na sinimulan ni Sharif Makhdum. Si Abu Bakr ay
dumating sa Jolo noong 1450 at pagkatapos ay pinakasalan niya ang dalagang
anak ni Rajah Baginda na si Putri (Princess) Paramisuli. Si Abu Bakr ang
nagtatag sa tinatawag na Sultanate of Sulu na kung saan silang mag-asawa ang
naging unang Sultan at Sultana.
Pagkatapos maitatag ang Islam sa Sulu, ang mga Muslim ay naglakbay
patungong Mindanao sa pamumuno ni Sharif Kabungsuwan. Siya ay
lumapag sa Maguindanao (Cotabato) sa taong 1475 at pagkatapos ay
pinakasalan niya si Putri Tunina. Sila rin ang kauna-unahang Sultan at
Sultana sa Maguindanao.
Sa paglipas ng maraming taon, maraming Datu na Muslim ang pumunta
sa Pilipinas pagkatapos marinig ang magandang balita sa magandang
pagtanggap sa mga naunang Muslim. Magmula sa Borneo ay dumating
ang sampung Datu na lumapag sa Panay. Ang mga Datung ito ay sina :
Datu Puti, Datu Sumakwel, Datu Bangkaya, Datu Dumalogdog, Datu
Paiburong, Datu Paduhinog, Datu Lubay, Datu Dumangsil, Datu
Kalantiaw at si Datu Balensula.
Si Datu Puti ang siyang pinuno ng grupo ng mga Datu. Si Datu Puti ay
dalubhasa sa paglalakbay at sila'y lumapag sa San Joaquin, Iloilo (ang
pangalan nito noong una ay Siwaragan). Si Datu Puti at ang mga kasama
niya ay binili ang mababang lupa sa Iloilo na nagmula kay Marikudo, ang
pinuno ng mga Ita. Nagtatag sila ng sarili nilang pamayanan. Nang ang
pamilya ng mga taga Borneo ay natatag sa Panay, si Datu Puti, si Datu
Balensula at si Datu Dumangsil ay naglakbay muli at kanilang narating
ang Batangas na sakop ng Luzon.
Si Datu Balensula at si Datu Dumangsil ay nagtatag ng sarili nilang
pamayanan at si Datu Puti ay nagbalik sa Borneo sa daang Mindoro at
Palawan. Isinalaysay niya ang kanyang karanasan sa mga Borneans at
dumami ang nabighani para makapunta sa Pilipinas.
Nang lumapag si Magellan sa Pulo ng Limasawa noong ika-16 ng Marso
1521, ang Pilipinas ay isa ng Bansa ng mga Muslim sa kadahilanang ang
karamihan ng populasyon ay mga Muslim na. Pinatutunayan din sa
kasaysayan na noong dumating si Legaspi (ang pumalit kay Magellan na
napatay ni Lapu-Lapu), ang kaharian ng mga Muslim ay naitatag na sa
Batangas, Pampanga, Mindoro, Panay, Catanduanes, Cebu, Bohol, Samar,
Manila, Palawan, na hindi pa kasali ang solidong mga Pulo ng Mindanao.
Noong ika-13 ng Hunyo 1571, ang mga Kastila ang nagpasimula ng
mainit na digmaan laban sa mga Muslim ng Maynila na pinamumunuan
ng huling haring Muslim na si Rajah Soliman (ang pinuno ng mga Sultan
sa Luzon).
Ipinagtangol ni Rajah Soliman ang kanyang kaharian ng buong tatag
hanggang sa kahulihulihang hibla ng kanyang buhay na nangyari sa
Bangkusay, (sa dalampasigan ng Tondo). Sa pagkatalo ni Soliman, ang
mga Kastila ay nagdulot ng lagim sa Pulo ng Luzon. Pinatay nila ang mga
lalaki at babae, matanda at bata.
Ang mga Muslim sa karatig bayan ay nagtangol sa kanilang mga sarili
hanggang sa kanilang huling hininga. Itak at palaso laban sa baril at
kanyon.
Itinatag ng mga Kastila na pangunahing lugar ang Manila at nagplano sila
na lusubin ang Visayas. Sa maikling sandali, nalupig nila ang Visayas.
Ang mga Muslim na hindi namatay sa digmaan ay napilitang talikdan
ang kanilang relihiyon at tanggapin ang Kristiyanismo. Pero ang mga
matatapang at bayani ay mas nilubos pa nilang mamatay kaysa sumira sa
ALLAH (Subhanahu Wa Taala). Ang mga katutubo na mahihina ang
pananampalataya sa kanilang dating relihiyon ay tinangap ang relihiyon
ng mga Kastila.
Hindi huminto ang mga Kastila sa pagsakop sa Luzon at Visayas. Di pa
sila nakontento, pinangarap pa nilang masakop ang mayamang lupain ng
Mindanao. Pero ang mga tribu ng Kalagan, Maguindanao, Iranon,
Maranaw, Tausog, Yakan at Sama, nilabanan nila at pinahinto ang
pangarap ng mga Kastila.
At doon nagsimula ang tumanyag na digmaan ng mga Muslim at Kastila.
Dalawang bagay ang dahilan kung bakit nagkaroon ng digmaan :
1. Gusto ng mga Kastila na siyang maghari at sakupin ang mga Muslim pero
mahal ng mga Muslim ang kanilang kalayaan at mas gugustuhin pa nilang
mamatay kaysa maging alipin ng mga Kastila.
2. Nagpahayag ang mga Kastila ng mensahe ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng
espada kaya't nag-alsa ang mga Muslim at ginamit ang kanilang kris at bolo para
ipagtanggol ang Islam hangang sa huling sandali.
Ang mga Datus na nagtangol sa lupain ng Mindanao laban sa kasakiman ng
mga manlulupig na Kastila ay ang mga sumusunod :
1. Si Sultan Pangiran na isang Tausog, ipinagtanggol niya ang lugar ng Zamboanga
at Sulu.
2. Pinatay nila Datu Sirugan at ang kanyang kapatid na si Datu Ubal ng
Maguindanao si Kapitan Figueroa na isang Kastilang mananakop.
3. Sa ginawang paglusob ng mga Kastila sa Mindanao, naghiganti sina Datu
Sirugan ng Maguindanao at si Datu Buisan ng Lanao ng isa ring maingat na
paglusob. Nilusob nila ang Cebu, Negros at Panay at nabihag nila ang maraming
Kristiyano at sila ay kanilang ginawang alipin.
4. Si Datu Tagal ng Cotabato ay nakapatay ng maraming mandirigmang Kastila.
5. Si Sultan Kudarat ng Cotabato, ipinagtanggol niya ang Lamitan hanggang siya'y
napilitang lumipat sa Iligan dahil sa napakalakas na puwersa ng mga Kastila.
6. Si Sultan Bungsu ng Zamboanga ay nakipaglaban sa mga mananakop ng buong
giting. Nang ang kanyang asawa na si Pangian Tuan Baloca ay nahuli ng mga
Kastila, sinikap niyang maging maganda ang kanyang pakikidigma hanggang sa
makuha niya ang Jolo noong taong 1645 sa mga kamay ng mga Kastila at iniutos
niyang sirain ang kanilang garison na itinayo sa Zamboanga.
7. Si Sultan Jamaluddin Al Alam at si Sultan Badruddin II ang siyang nagpatuloy
ng pakikidigma para protektahan ang Mindanao hanggang sa dumating ang
mga taga-Britanya. Sa dahilang hindi malupig ng mga Kastila ang mga Muslim,
sila ay napilitang lumagda ng kapayapaan at nagbayad ng buwis kay
Jamaluddin at Badruddin.
8. Si Datu Udtog ng Cotabato ang siyang pumatay kay Gobernador Emilio Terrero
na isang Kastila.
9. Si Datu Ali ng Baloi, Lanao, napatay niya ang Gobernador ng Misamis na si
Valeriano Weyler.
10. Pinatay ng mga magigiting na Maranaw si Heneral Ramon Blanco sa huling
pagsubok ng mga Kastila na sakupin ang Mindanao.
Ang pagsakop ng mga Kastila sa Pilipinas ay nagwakas noong taong 1898
at ang mga Amerikano ang siyang pumalit sa mga Kastila.
Sa mahigit na tatlong daang taon na sinubukan ng mga Kastila na
sakupin ang mga Muslim, ang Espanya ay bumagsak at napahiya dahil
ang mga Muslim sa Mindanao ay nagtagumpay na maipagtangol ang
Islam sa Mindanao. Ganoon din ang nangyari sa mga Amerikano at
Hapon na walang nagawa para sakupin ang mga Muslim. Dito natin
makikita ang kapangyarihan at kadakilaan ng ALLAH (Subhanahu Wa
Taala) na kapag ginusto Niya, walang makapipigil lalo na't ipinaglalaban
ng mga Muslim ang relihiyon ng ALLAH, ang Islam.
Kaya't masugid naming mambabasa, buksan ang kaisipan at damdamin
para ang ganap na gabay at liwanag tungo sa Kanya at makamtan.
Manumbalik loob tayo sa dati nating relihiyon, ang Islam, at ang
kapayapaan at kapanatagan ay mapapasaatin.
Nawa'y gabayan tayo ng ALLAH (Subhanahu Wa Taala) para makamtan
natin ang kaligtasan at kaligayahan tungo sa buhay na walang hanggan -
ang PARAISO.

You might also like