Kung ating paghahambingin ang kababaihan sa panahon noon at ngayon, kung inyong mararapatin, mapapansin ang malaking pagkakaiba. Ang kababaihan noon ay mahinhin, konserbatibo, at pumipirmi lamang sa kanilang Noon Ngayon
tahanan. Hindi sila pumupunta kung saan-saan at silay mahahawakan mo lamang kapag ikay ikinasal na sa kanila. Samakatuwid, maihahambing natin ang kababaihan noon sa isang birhen na tinitingala ng lahat. Bagkus, sa kabilang banda, ang kababaihan ngayon ay iba na kung ikukumpara sa kababaihan noon. Ang kababaihan ngayon ay mayroon ng kalayaan sa kanilang sarili. Ginagawa na nila ang mga bagay na hindi dapat ginagawa noon at hindi na sila pumipirmi sa kanilang bahay sapagkat nagkaroon na sila ng kalayaan na pumunta kahit saan. Mas bukas na rin sila sa mga bagay- bagay sa kanyang paligid. Malaya na sila sa kung ano ang kanilang maaaring suotin, gawin, o isipin.