Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

Copyright 2012 by Alyoony Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in


any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording,
or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the
author, except where permitted by law.


The Light
by alyloony



***



gusto ko ng mamatay


Ang mga katagang yan ang nagdala saakin ngayon dito sa LRT station. Sa tiyan ko ay
isang sanggol na wala na kong plano pang buhayin. Hindi ko alam kung paano ako
nahantong sa ganitong kapalaran. Halos buong buhay ko ay naglingkod ako sa
simbahan pero bakit nangyari saakin ito? Bakit pinabayaan ako ng Diyos?


Ako si Miracle. Ayon sa mga magulang ko, ayan daw ang ipinangalan nila saakin dahil
para sa kanila, isa akong biyaya. Dati kasi hirap magbuntis si mama kaya naman nung
maipanganak ako, ganun na lang ang kasiyahan nila. Sabi nila, laking pasasalamat daw
nila sa Dyos dahil dumating ako sa buhay nila.


Second year college na ako ngayon sa kursong education. Isa rin ako sa mga
naglilingkod sa simbahan bilang isang choir member. Bata pa lang ako ng magsimula
akong kumanta sa simbahan. Bukod kasi sa hilig ko na ito, pinalaki rin ako ng mga
magulang ko na maka-Diyos kaya naman masaya ako na naglilingkod sa kanya.


Masaya ang buhay ko. Meron akong mabubuting kaibigan at mapagmahal na mga
magulang. Lagi kong iniisip na mahal na mahal ako ng Panginoon dahil biniyayaan niya
ako ng masayang buhay. Naniniwala ako noon na hindi niya ako pinababayaan at lagi
siyang nandiyan para saakin. Na kahit anong mangyari hindi niya ako aabandunahin.


Pero nagkamali ako.


Dahil sa isang insidente, nagbago na lahat ng paniniwala ko.


Tandang tanda ko pa ang araw na yun. Medyo ginabi kami ng practice ng choir nung
panahon na yun. Sasali kasi kami sa isang choir singing contest at yung
mapapalanunan naming premyo ay balak namin i-donate sa isang charity. Lahat kami
ay pursigidong manalo kaya naman ganun na lamang ang pag pa-practice namin.


Miracle, uuwi ka na ba? Gusto mo bang sumama saamin kumain saglit? tanong
ni Ate Megan, yung president namin ng choir.


Naku hindi na Ate, uuwi na ko agad. Nagluto kasi si Mama ng hapunan eh. Sa
bahay na lang po ako kakain


ay ganun ba? Sige ingat ka pag uwi ah? Delikado pa naman ang daan pauwi sa
inyo


opo, kayo din po


Nagpaalam na ako sa kanila at naglakad pauwi tutal walking distant lang naman ang
bahay namin.


Pero hindi ko inaasahan, nung mismong gabi na yun, mawawala ang lahat saakin.


Habang naglalakad ako pauwi, biglang may isang lalaking humarang saakin at hinila
ako sa isang liblib na lugar. Doon ay walang awa niya akong ginahasa. Umiyak ako ng
umiyak at humingi ng tulong pero walang dumating para saakin. Kinabukasan,
nadatnan na lang nila ako sa tambakan ng basura na walang malay, puro galos at
walang saplot sa katawan.


Madaming nagsasabi na maswerte ako dahil nabuhay ako. Maswerte ako dahil kahit
nagahasa ako, hindi ako pinabayaan ng Dyos.


Pero mali sila.


Naging mahirap para saakin ang buhay simula ng magahasa ako. Naranasan kong
mapagusapan ng mga tao kaya naman nagkulong na lang ako sa bahay dahil sa
kahihiyan. Pilit akong dinalaw noon ng mga kaibigan ko sa iskwela pati narin yung mga
kasamahan ko sa simbahan kaya naman kahit papaano, nabawasan ang kahihiyan ko.
Nung una akala ko unti-unit na akong makakabangon dahil sa mga taong ito. Naniwala
ako na kahit nagahasa ako, hindi ako pinabayaan ng Panginoon dahil nandiyan parin
ang mga taong nagmamahal saakin. Ngunit isang araw nagising na lang ako para
malaman na nagdadalang tao ako. Nabuntis ako ng rapist ko na hanggang ngayon ay
hindi pa nahuhuli.


Doon nag bago ang pananaw ko.


Eto ba ang maswerte?! Ito ba ang hindi pinabayaan ng Panginoon?! Mas gugustuhin ko
pang mamatay eh! Hindi lang ang puri ko ang nawala saakin kundi buong buhay ko!
Dahil sa pagdadalang tao ko, hindi na ako makapasok sa iskwelahan! Dahil sa
kahihiyang nararamdaman ko, ni hindi ko na maipakita ang mukha ko sa ibang tao.
Wala akong ginawa kundi umiyak magdamag habang nakakulong sa kwarto ko.


Buong buhay ko naniwala ako na mahal ako ng Panginoon, na hindi niya ako
pababayaan. Naglingkod ako sa kanya ng buong puso. Lahat ng ginagawa ko ay
inaalay ko para sa kanya. Pero sa bandang huli, inabanduna parin niya ako. Hinayaan
niyang mangyari ang mga bagay na to saakin.


Sa sobrang sakit, sobrang hirap, sobrang panghihinayang at sobrang kahihiyan, isa na
lang ang tanging naiisip kong paraan upang matigil na ang lahat ng ito.


At ayun ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon sa LRT station.


Umakyat na ako sa platform ng LRT station at hinintay ang padating na tren na siyang
tatapos ng buhay ko. Ilang saglit lang at narinig ko na ang pag ungol nito. Unti-unti
akong naglakad papunta sa may riles habang unti unti kong nararamdaman ang bilis ng
pagtibok ng puso ko. Alam ko na sa ilang sandali na lang ay hihinto na ang pagtibok
nito, matatapos na lahat ng paghihirap ko at mawawakasan narin ang nasira kong
buhay.


Pero habang naglalakad ako palapit sa riles ng tren, bigla namang may yumakap na
batang babae sa mga binti ko kaya napahinto ako sa paglalakad ate, ate! Nakita mo
ba si mama? tanong saakin nung batang babae


huh?


nawawala kasi si Mama! Ate tulungan mo akong hanapin si mama! sabi niya na
parang iiyak na.


Chloe! sigaw naman nung isang babae habang patakbo siya papunta saamin


Bigla naman kaming napalingon doon sa babae.


Mama! sigaw nung bata at tumakbo siya papunta sa mama niya


Ok ka lang ba anak? Kinabahan ako nung nawala ka! sabi nung babae sabay
yakap doon sa bata wag ka na ulit hihiwalay kay Mama ha?


opo mama!


Maya maya lang, huminto na ang tren sa harap namin. Pinanood ko ang mga tao
habang papasok sila sa loob ng tren. Nakita ko rin yung mag-ina kanina na papasok
narin sa loob ng tren.


Miss papasok ka ba tren? Kung hindi pwede bang wag kang humarang sa
daan! sigaw nung isang lalaki saakin.


Tumabi ako sa gilid. Nagsara na ang mga pintuan ng tren at tuluyan na itong umalis.


Bigla na lang bumagsak ang luha ko.


Bakit ganun ang Diyos? Hindi niya ko iniligtas pero hindi rin niya ako hinayaang
wakasan ang paghihirap ko? Gusto ko lang naman ay matapos na ang paghihirap na ito
eh! Oo alam ko masama ang magpakamatay. Pero para saakin, wala ng kwenta kung
ano ang tama sa mali. Hindi na ako takot gumawa ng kasalanan dahil simula ng
mangyari saakin ito, nawala narin ang takot at paniniwala ko sa Diyos. Wala siyang
kwenta! Inalay ko ang buhay ko sa kanya! Naniwala akong hindi niya ako pinabayaan
pero ano ito?! Bakit nangyari saakin ito?!


Ngayon alam ko na, ang Diyos na pinaniniwalaan ng marami ay hindi kasing buti ng
tulad ng inaasahan natin. Kaya niyang magabanduna ng tao.


miss, panyo oh


Bigla akong napatungo ng makita kong may nagaabot ng panyo sa harapan ko. Nakita
kong may isang lalaki ang nakangiti saakin. Pero bago pa ako makapag react, bigla na
lang ako nakaramdam ng hilo at nagdilim ang paningin ko.



Nagising ako sa isang ospital. Sa tabi ko ay yung lalaking nag abot saakin ng panyo sa
LRT at meron siyang kasamang middle age na babae.



miss ok ka lang ba? tanong saakin nung lalaki.


sino kayo? Bat ako nandito?


ako si Amelia sabi nung middle age woman at eto naman si Michael, ang anak
ko. Hinimatay ka kanina sa LRT station kaya naman dinala ka namin dito sa
ospital. Sabi ng doctor anemia daw


Napaayos ako ng upo at naalala ko lahat ng mga nangyari. Hindi natuloy ang
pagtatangka kong pagpapakamatay. Buhay ako at miserable parin.


tinawagan na namin ang parents mo at papunta na sila dito. Di ba ikaw si
Miracle? Kaibigan ni mama yung mga magulang mo. Buti kami ang nakakita sayo.
Pero bago ang lahat, gutom ka na ba? Kailangan mo ng kumain para maging
healthy yung baby na dinadala mo sabi naman ni Michael saakin


Baby?


Oo nga pala, nagdadalang tao ako. Bakit pa kasi hindi nalaglag ang batang to eh!!
Ayoko na! Hindi ko na to kaya!!


Bigla na lang ako napahagulgol ng iyak. Sinubukan nila akong pakalmahin pero patuloy
lang ang pag iyak ko. Inabutan nila ako ng pagkain pero tinabing ko lang ito at
pinagpatuloy ang pag iyak ko.


Maya-maya lang din ay dumating na ang mga magulang ko na bakas ang pag-aalala sa
kanilang mukha. Tinanong nila kung kamusta ako at kung anong nangyari saakin pero
hindi ko sila sinagot at umiyak na lang ng umiyak.


Sa loob ng ilang araw ganun ang sitwasyon ko. Wala akong kinakausap at lagi lang
akong nakakulong sa kwarto. Halos araw araw akong umiiyak at hindi ako masyadong
kumakain. Sa sobrang sakit at hirap na nararamdaman ko, gusto ko na lang matulog at
hindi na kailanman magising


Akala ko, ganito na lang ako habang buhay. Palagi na lang akong miserable. Sa
pangalawang pagkakataon, sinubukan kong pagtangkaan ulit ang buhay ko sa
pamamagitan ng paglalaslas kaya lang nakita naman ako agad ni Papa kaya hindi na
naman ito natuloy.


Pagod na pagod na ko, gusto ko ng mamatay. Ayoko ng magpatuloy sa buhay. Hindi ko
na kaya to. Palagi na lang ba akong miserable?


Ayan ang lagi kong tanong sa isipan ko. Akala ko habang buhay na kong ganito


Pero nagbago ang lahat dahil sa isang hindi inaasahang bisita.


Mga bandang hapon nun ng magpunta si Michael sa bahay namin. May ipinabibigay
kasi ang mama niya na mga pasalubong galing probinsya. Nung mga panahon na yun,
nasa kwarto lang ako at umiiyak. Nagulat naman ako ng bigla akong pasukin ni Michael
sa kwarto.


Miss panyo oh sabi niya saakin habang nakangiti sabay abot ng panyo


Hindi ko siya pinansin noon at nagtalukbong lang ako ng kumot.


nabalitaan kong member ka pala ng choir dito sa simbahan. Alam mo ba nanalo
ang mga kasamahan mo sa isang choir singing contest? Ang galing no?


Hindi parin ako umimik sa kanya pero sa totoo lang gusto ko siyang patahimikin. Bakit
ba niya kinukwento yun ha?! hindi ba niya naisip ang mararamdaman ko?!


alam mo ba dinonate ng mga ka member mo yung napanalunan nila tapos
nagbigay pa sila ng party para sa mga bata sa ampunan! Nandun nga kami ni
mama eh at kitang kita namin yung tuwa sa mga mata ng mga bata. Inbitado ka
din daw pero bat hindi ka pumunta? Sayang naman yun! Masaya pa naman yung
party


ay oo nga pala Miracle, may uwi kaming pastillas at buko pie galing Laguna,
mahilig ka ba doon?


Hindi ko parin pinansin si Michael pero patuloy lang siya sa pagkukwento saakin ng
kung anu-ano. Medyo pagabi na nung umalis siya kaso nagulat ako, kinabukasan,
bumalik ulit siya sa bahay namin para kuwentuhan na naman ako.


Halos araw-araw, ganun ang ginagawa niya. Pumupunta siya saamin at
kinukuwentuhan ako ng ibat ibang bagay. Tungkol sa paaralan niya, tungkol sa
pamilya, mga kaibigan. Hindi ako umiimik sa kanya pero inaamin ko na naiingit ako sa
kanya dahil meron siyang isang normal na buhay. Gusto ko ulit bumalik sa dati kong
buhay na katulad ng buhay ni Michael pero alam ko, hindi na magiging normal pa ang
buhay ko.


Pero sa kabilang banda, hindi ko rin maiwasang matuwa sa mga kinukwento niya. Hindi
ko alam kung bakit, pero araw araw lagi akong umaasa na pupunta siya sa bahay
namin para mag kwento saakin. May mga beses na hindi siya nakakarating, at sa hindi
malamang kadahilanan, hinahanap hanap ko ang mga kwento niya.


Hapon na naman at nandito sa tabi ko si Michael na nagkukwento tungkol sa nangyari
sa kanya sa paaralan niya.


Grabe Miracle nakakahiya talaga! Na-late ako sa klase ko kanina eh kamalas
malasan, kalahating halimaw yung professor ko! Alam mo ba pinagawa saakin?
Pinakanta niya ako ng ako ay may lobo sa harap ng mga kaklase ko! nakakahiya
talaga


Hindi ako umimik sa sinabi ni Michael pero pilit kong itinago ang ngiti sa sarili ko.


tapos alam mo ba, nag exam kami sa English, spelling yung quiz! Grabe no?
College student na kami pinag spelling pa kami! Pero alam mo ba bumagsak ako
sa quiz na yun! Mga alien words ata yung pina-spell saamin ng prof namin eh. Sa
totoo lang, paano mo i-ispell ang salitang supercalifragelisticexpialidocious?!
Tsaka ano ba meaning nun?


non-sense sabi ko sa kanya na siyang ikinabigla niya. Bigla siyang napatigil sa
pagsasalita at kahit ako din napatigil. Parang nabigla rin ako ng lumabas sa bibig ko
ang salitang yun. Kada kasi mag ku-kwento si Michael, hindi ako umiimik kahit
nagtatanong siya. Ito ang unang beses na kinausap ko siya


Nagulat naman ako ng biglang mapalitan ng ngiti ang mukha ni Michael ahh! Yun pala
ang ibig sabihin nun! Non-sense? Sus! ang daming alam ng teacher ko no? hindi
ko na ulit siya pinansin at iniwas ko ang tingin ko sa kanya


Linggo na naman bukas Miracle. Gusto mo bang sumama saakin mag simba?
tanong ni Michael saakin tamang tama kailangan mo naring mag pa check up para
masiguro nating healthy yang baby mo. Babae kaya o lalaki magiging baby mo?
siguro kung babae magiging kasing ganda mo siya. Uy! Ninong ako ah!


Parang biglang nagpantig ang tenga ko ng dahil sa sinabi niya. Ok na sana eh! Medyo
gumagaan na ang pakiramdam ko pero bakit kailangan pa niyang ipaalala saakin ang
sanggol na ito?! Napabangon ako bigla sa kama at hinarap siya


pwede ba! Wag mo nga mabanggit banggit ang tungkol sa sanggol na yan! wala
akong plano isilang to!! pinaghahampas ko ang tyan ko itong sanggol na to ang
bunga ng kademonyohan ng hayop na lalaking yun!! Wag mong babanggitin
saakin ang tungkol dito!!


P-pero Miracle, anak mo yan. Kahit pa bunga yan ng panghahalay sayo, biyaya
yan ng Diyos


Pinaglololoko mo ba ko ha?! paanong magiging biyaya to kung nagsisilbing
alaala to ng nangyari saakin?! Isa pa wag na wag mo rin babanggitin ang tungkol
sa Diyos na yan! Masama siya! Ayoko ng maniwala sa kanya!!


hindi totoo yan..


Anong hindi?! Kita mo na ngang pinabayaan niya ko eh! pwede ba umalis ka
na! kinuha ko yung unan ko at ibinato ko sa kanya Wag na wag ka ng babalik!
Ayaw na kitang makita!


M-miracle, s-sorry


ano ba!! kinuha ko pa ulit yung isang unan at ibinato ko sa kanya sabi kong umalis
ka na di ba?! wag na wag ka ng babalik dito!! Ayoko na kitang makita! Ayoko ng
marinig mga kwento mo! umalis ka na!


s-sige, iwan na muna kita tumayo na si Michael at naglakad palabas ng kwarto ko
habang nakayuko.


Ilang linggo ding hindi pumunta si Michael sa bahay namin. Siguro nga hindi na talaga
siya pupunta. Pero sa totoo lang, araw araw ko parin siyang inaabangan at umasang
dadating siya na may baong panibagong kwento saakin. Kaso siguro mas maganda na
nga rin na hindi kami magkita. Kahit medyo napapagaan niya ang loob ko, meron parte
saakin ang naiinggit sa kanya at nagsasabing gusto ng bumalik sa dati kong buhay.
Kaso alam ko, wala namang madudulot na maganda yun eh. Makukutya lang ako at
masasaktan ulit kaya naman mas mabuti ng mag kulong ako sa kwarto.


Kaso hindi ko inaasahan, bigla ulit nagpakita sa bahay namin si Michael habang may
dala-dalang dyaryo. Dali-dali siyang sumugod sa kwarto ko


sabi mo hindi ka mahal ng Diyos? ayun ang pambungad na salita niya saakin
sabay abot ng isang dyaryo hanggang sa huli hindi ka niya pinabayaan Miracle.
Sadyang nabulag ka lang ng galit kaya hindi mo ito nahalata. Mahal ka ng Diyos
Miracle, at kahit kailan, hindi ka niya inabanduna o pinabayaan. Mahal ka
niya matapos niyang sabihin yun ay umalis na siya


Tinignan ko yung dyaryo na inabot saakin ni Micheal at bigla na lang akong
napahagulgol ng mabasa ko ito. Yung rapist ko, inamin na sa mga pulis lahat ng ginawa
niya at sinabing nasa impluwensya siya ng droga kaya niya nagawa ang mga bagay na
yun. Araw gabi daw siyang binabagabag ng konsensya niya kaya sumuko na siya at
nakahanda siyang pagbayaran lahat ng kasalanan niya. Sabi pa dito ay lubos siyang
humihingi ng tawad sa babaeng nagahasa niya.


Napatakip na lang ako ng bibig habang patuloy ang pagiyak ko matapos kong mabasa
ito. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Simula ng ma-rape ako, inisip
ko ng inabanduna ako ng Diyos pero dahil sa pangyayaring ito, nagdadalawang isip na
ako sa kung ano ba talaga ang totoo.



Kinabukasan, nagulat ako ng dumating ulit sa bahay namin si Michael pero sa
pagkakataong ito, kasama niya si Amelia, ang mama niya. Akala ko dinadalaw lang ni
Amelia si mama at papa pero nagulat ako ng pumasok ito sa kwarto ko at kinausap ako.


Miracle, kamusta ka na? tanong niya saakin pero katulad ng karaniwan kong
ginagawa, hindi ko siya pinansin nahuli na daw yung rapist mo, hindi ka ba
masaya?


kung kakausapin niyo ko tungkol diyan, makakaalis na kayo madiin kong sabi sa
kanya kaso nagulat ako ng sinagot niya lang ito ng isang ngiti.


alam mo ba, isa rin akong rape victim at nabuntis rin ako ng taong gumahasa
saakin? nagulat ako sa sinabi niya kaya naman napatingin ako bigla sa kanya at
kilala mo ba kung sino ang bunga?


S-si Michael?


siya nga. Nawalan din ako ng pag-asa nun Miracle. Ilang beses ko ring
pinagtangkaan tapusin ang buhay ko at sinisi ko din ang Diyos noon. Pero
nakabangon ulit ako kasi hindi ko inalis sa buhay ko ang mga taong nagmamahal
saakin. Sa kanila ako humugot ng lakas para magsimula ulit


pero ganun parin yun!! Pareho parin tayong pinabayaan ng Dyos! Inabanduna
parin niya tayo! giit ko sa kanya


Miracle, hindi ginusto ng Diyos ang nangyari sa atin. Alalahanin mo, walang
masamang bagay na ginawa ang Diyos pero lahat tayo ay binigyan ng kalayaan
upang gawin lahat ng bagay na gusto natin. Ang pagkakagahasa saatin ay gawa
ng isang demonyo pero Miracle, pinabayaan ka nga ba ng Diyos? Inabanduna ka
nga ba niya? Imulat mo ang mata mo. Kung pinabayaan ka niya, sana inalis niya
lahat ng taong nagmamahal sayo, sana hindi ka niya binuhay. Oo marahil hindi ka
niya tinulungan ng mga panahon na yun pero isipin mo, bawat bagay ay may
dahilan.


Bigla na lang akong napatakip ng tenga at biglang napahagulgol ng iyak


hindi ko alam.. HINDI KO ALAM!!! Kung totoo yan bakit niya hinayaan na
mabuntis ako?! At anong dahilan ang gusto niyang ipakita saakin?!


Hindi ako sinagot ni Amelia pero bigla na lang niya hinawakan ang tiyan ko Alam mo
ba, habang nagdadalang tao ako kay Michael noon, buo na ang loob kong iwan
siya sa ampunan. Gusto ko na kasi nun makalimot at magsimula ulit. Gusto ko ng
ialis lahat ng bagay na makakapag-paalala saakin sa madilim kong nakaraan.
Pero alam mo, nung isinilang ko si Michael, nakaramdam ako ng kakaibang saya.
Hindi ko na siya magawang iwan nun kaya naman ako na ang nagpalaki sa kanya.
Si Michael, lumaki siya bilang isang mabuting bata. Matulunging siya sa kapwa at
napaka gentleman pa. Isa pa, masipag mag-aral yan at talented. Wala siyang
ibang ibinigay saakin kundi puro saya hinawakan niya ang kamay ko at nun ko
lang naintindihan ang dahilan ng Diyos kung bakit nangyari saakin ang bagay na
yun bigla akong niyakap ni Amelia si Michael ang nagsabi saakin na makipagusap
sayo. Ewan ko ba sa batang yun, pero nakikita kong gustong gusto ka niyang
tulungan. Miracle, magpakatatag ka. Hindi ka nagiisa matapos sabihin saakin ni
Amelia ang mga bagay na yun, lumabas na siya sa kwarto ko.


Maya-maya lang din, pumasok sina Mama at Papa sa kwarto ko.


Anak.. tawag ni mama saakin


Lumapit naman si Papa kain na tayo ng dinner


Tinignan ko ang mukha ng mga magulang ko at kitang kita ko ang labis na pagkaalala
at kalungkutan sa mata nila. Si mama at papa, lagi ko silang pinagtatabuyan nun pero
hindi nila ako pinabayaan. Araw gabi pinupuntahan nila ako sa kwarto ko para yayain
akong sumabay sa kanila sa pagkain pero lagi ko silang ptinatabuyan. Pilit kong inilayo
ang sarili ko sa kanila. Pero sa kabilang banda, lagi silang nasa tabi ko at nagaalala
saakin.


Bigla kong naalala yung sinabi ni Amelia saakin Hindi ka nagiisa..


Bigla na lang akong napahagulgol ng iyak at niyakap si mama at papa.


ma, pa.. s-sasabay na po akong kumain sa inyo.. bulong ko sa kanila


Nakita kong may tumulong luha sa mga mata nila at niyakap din nila ako ng mahigpit.
Iniyak ko lahat ng sama ng loob ko nun habang nakayakap sa kanila.


At pagkatapos nun, ipinangako ko na sa sarili ko na hindi na ulit ako iiyak dahil gusto ko
ng bumangon at magpakatatag kasama ng mga taong nagmamahal saakin.


Dahil sa mga sinabi saakin ni Amelia, naglinaw lahat ng bagay na nasa isip ko. Doon ko
naalala ang mga nagaalalang mukha ng mga magulang at kaibigan ko, mga taong pilit
na lumalapit saakin para tulungan ko pero pilit kong tinataboy. Doon ko nakita lahat ng
mga taong nagmamahal at nagmamalasakit saakin.





[After a couple of months]



ang cute cute cute mo talaga! Kamukhang kamuka mo si mommy oh! sabi ni
Michael habang buhat buhat niya ang isang sanggol. Lumapit siya saakin at itinabi niya
saakin yung baby


Bigla akong napangiti ng makita ko yung bata sa tabi ko habang inaabot nito ang mga
daliri ko. Katulad ni Amelia, nakaramdam ako ng di inaasahang kaligayahan. Habang
tinititigan ko yung sanggol, hindi mukha ng rapist ko ang nakikita ko kundi mukha ng
kaligayahan


F-felicity.. bulong ko Felicity. Yan ang gusto kong pangalan niya


Nakita kong ngumiti si Mama maganda yang name na yan anak! Bagay na bagay sa
maganda kong apo!


syempre mana sa mama at lola! sabi naman ni Papa


syempre kasi pati ninong gwapo! singit naman ni Michael kaya nagtawanan
kaming lahat.


Tinignan ko yung mga tao sa paligid ko na masayang nagtatawanan pagkatapos nun,
ibinalik ko ang tingin ko sa sanggol na nasa tabi ko at napangiti ako.


Thank you God, dahil hindi mo po ako pinabayaan bulong ko sa sarili ko


Naging madilim man ang buhay ko noon, merong mga taong unti unting nag sindi ng
kandila upang kahit papaanoy mabigyang liwanag ang buhay ko. Muli akong nakakita
ng liwanag at nakabanggon. Bumalik ang paniniwala ko sa Diyos at naging masaya
narin ang buhay ko.


Ngayon, alam ko na ang dahilan niya kung bakit nangyari ito. Gustong ipakita ng
Panginoon saakin kung gaano ako kaswerte sa pamilya at mga kaibigan ko. Hindi ako
iniwan ng pamilya ko pati ng mga kaibigan ko sa iskwela at sa simbahan. Nung dalawin
ulit nila ako, nakita ko kung gaano sila kasaya na makita ulit ako. Kahit sa simbahan,
buong buo na tinanggap ng mga kasamahan ko sa choir ang nangyari saakin. Sabi nila,
ako lang daw ang hinihintay nila noon.


Unti-unti akong nakabanggon at naging masaya. Unti-unting nagliwanag ang madilim
kong buhay. Humingi ako ng tawad sa Diyos at patuloy na nagpasalamat sa kanya.


At ngayon masayang masaya na ako kasama ang mga mahal ko sa buhay


At ang anak ko na si Felicity na siyang magiging simbolo ng kasiyahang nadadala
saakin ng mga taong mahal ko.

You might also like