Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Binago ng Modernong Pagsasaka angDaigdig

Saan galing ang kinakain mo? Bumibili ka ba o nagtatanim? Noon, karamihan ng


mga tao ay nagsasaka para may pagkunan ng pagkain sa araw-araw. Pero ngayon, sa
ilang industriyalisadong bansa, 1 na lang kada 50 katao ang nagsasaka. Ano ang nangyari?
Unti-unting nagkaroon ng pagbabago sa pagsasaka, at pagkatapos ay bigla itong
sumulong. Bawat pagbabago, napakalaki ng epekto sa milyun-milyong pamilya, at
hanggang ngayon, patuloy pa rin ang mga pagbabago sa buong daigdig. Para maunawaan
ang nangyayari ngayon sa daigdig, tingnan natin ang epekto sa mga tao ng pagsulong sa
pagsasaka.

Malaking Pagbabago sa Pagsasaka
Noong ika-12 siglo, biglang nagkaroon ng malaking pagsulong sa pagsasaka sa
Europa nang makaimbento ng kulyar para sa kabayo. Sa paggamit nito, nakapagtatrabaho
ang kabayo nang hindi nasasakal. Kaya mas malakas itong humila, mas mabilis, at hindi
agad napapagod kumpara sa barakong baka na dating ginagamit. Sa tulong ng mga
kabayo, mas mapalalaki ng mga magsasaka ang kanilang ani. Puwede na silang gumamit
ng bakal na pang-araro sa mga lupang dating hindi nila mabungkal. Isa pang pagsulong
noon ang pagtatanim ng mga halamang nagpapataba at nagbibigay ng nitroheno sa lupa
gaya ng beans, sitsaro, clover, at alfalfa. Kapag mas mataba ang lupa, mas sagana ang
ani.
Dahil sa mga pagsulong na iyon, sobra-sobra ang ani ng ilang magsasaka kaya
mayroon na silang pambenta. Bilang resulta, nagkaroon ng mga bayan, kung saan ang
mga tao ay makakabili ng pagkain, makakapagnegosyo, at makakapagtayo ng mga
pabrika. Ang ilan sa mayayamang may-ari ng pabrika, mga negosyante, at magsasaka ay
nakaimbento ng unang mga makinarya sa pagsasaka.
Dati-rati, maraming nasasayang na binhi dahil manu-mano itong isinasaboy. Pero
noong mga 1700, nakaimbento si Jethro Tull, isang Ingles na magsasaka, ng makinang
nagtatanim ng binhi na hinihila ng kabayo. Pagkatapos noong 1831, sa Estados Unidos,
nakaimbento si Cyrus McCormick ng makinang panggapas na hinihila ng kabayo na limang
ulit na mas mabilis gumapas kaysa sa manu-manong paggapas gamit ang lingkaw, o karit.
Nang mga panahon ding iyon, ang mganegosyante ay nagsimulang magbenta sa Europa
ng mga abono galing sa baybayin ng Andes sa Timog Amerika. Dahil sa makinarya at
abono, napakalaki ng itinaas ng ani. Pero ano ang naging epekto nito sa mga tao?
Dahil sa pagsulong sa pagsasaka, dumami ang ibinebentang murang pagkain sa
mga bayan at umakay ito sa industrial revolution. Una itong naganap sa Britanya noong
mga 1750-1850. Libu-libong pamilya ang kinailangang lumipat at magtrabaho sa mga
bayan na may minahan ng karbon, hulmahan ng bakal, pantalan, at gawaan ng tela. Wala
silang magawa. Ang maliliit na magsasaka na hindi makasabay sa bagong pamamaraan ng
pagsasaka ay walang gaanong kinikita sa kanilang ani, kaya hindi sila makabayad ng renta.
Kailangan nilang iwan ang kanilang mga bukirin at manirahan sa masisikip na lunsod kung
saan mabilis kumalat ang sakit. Sa halip na sama-samang nagsasaka ang mga pamilya,
ang mga padre-de-pamilya ay napipilitang magtrabaho nang malayo sa kanilang mga
mahal sa buhay. Pati mga bata, subsob sa pagtatrabaho sa mga pabrika. Nang maglaon,
ganiyan din ang nangyari sa ibang mga bansa.

Higit Pang Pagbabago Dahil sa Modernong Pagsasaka
Pagsapit ng 1850, may mauunlad na bansang gumastos para sa mga pananaliksik
tungkol sa agrikultura. Patuloy pa rin hanggang ngayon ang pagbabago dahil sa mga
pananaliksik na ito. Halimbawa, may mga nag-aral ng genetics at nakabuo ng uri ng
halaman na saganang namumunga o hindi madaling tablan ng sakit. Natuklasan din ng
mga mananaliksik ang tamang timpla ng nitrate at phosphate na kailangan sa ibat ibang uri
ng pananim at lupa. Habang lumalaki ang mga pananim, abala naman ang mga trabahador
sa bukid sa pag-aalis ng mga panirang-damo. Pero marami sa kanila ang nawalan ng
trabaho nang makaimbento ang mga siyentipiko ng mga herbicide na kumokontrol sa mga
panirang-damo. Matagal na ring kalaban ng magsasaka ang mga insekto, uod, at weevil.
Pero ngayon, ang magsasaka ay marami nang mapagpipiliang kemikal na panlaban sa
halos lahat ng uri ng peste.
*

Nagbago rin ang buhay ng mga nag-aalaga ng hayop. Dahil sa mga makinang
naggagatas at nagpapakain sa mga hayop, isang katulong na lang ang kailangan ng isang
tagapag-alaga ng kawan sa pag-aalaga ng hanggang 200 baka. May paraan na rin ngayon
para mas mabilis na bumigat ang mga baka at baboy. Inaalagaan ang mga ito, hindi sa
parang kundi sa mga kural na may bubong, kung saan kontrolado ang temperatura at ang
pagkain ng mga ito.
Kadalasan nang napakalaki ng kita sa modernong pamamaraan ng pagsasaka. Ang
produksiyon ng bawat manggagawa ay tumaas nang sandaan o sanlibong ulit pa nga
kumpara sa lumang pamamaraan. Pero paano naman nakaapekto sa buhay ng magsasaka
ang mga pagsulong na ito?
Nagbago ang Buhay ng Magsasaka
Binago ng mga makinarya ang buhay ng mga magsasaka sa maraming lugar.
Karamihan ng magsasaka at trabahador sa bukid ay kailangan ngayong maging bihasa sa
paggamit at pagmamantini ng sopistikadong makinarya. At parami nang parami ang
nagtatrabaho nang mag-isa. Hindi na katulad noon na sama-sama sa pagtatanim, pag-
aasarol, at pag-aani.
Sa maraming bansa, nagkaroon ng bagong uri ng magsasaka, isang edukadong
negosyante na nagpapakadalubhasa sa mass production ng ilang uri, o kahit isang uri, ng
produkto sa agrikultura. Namumuhunan siya nang malaki sa lupa, mga gusali, at
makinarya. Pero nakadepende pa rin siya sa iba. Ang malalaking kompanya na
nagpoproseso ng pagkain at may-ari ng mga supermarket ang nagdidikta hindi lamang ng
presyo, kundi ng uri, laki, at kulay ng kaniyang produkto. Ang mga agricultural engineer ang
nagdidisenyo ng kaniyang sistema ng produksiyon, at may mga kompanyang nagsusuplay
ng abono, pestisidyo, at hybrid na binhi na tamang-tama sa kaniyang bukid. Ang laki na ng
isinulong ng pagsasaka sa ngayon. Pero hirap pa rin ang magsasaka, at nababahala ang
ilan sa posibleng masasamang epekto ng ilang pamamaraan ng pagsasaka.

Nasa Krisis Pa Rin ang Magsasaka
Sa mauunlad na bansa, marami pa ring magsasaka ang nawawalan ng lupa dahil
hindi nila kayang makipagkompetensiya sa malalaking kompanya. Para hindi iwan ng ilang
magsasaka ang kanilang mga bukid, ginawa nila itong resort o mga lugar para sa camping
at golf at gawaan ng mga handicraft. Ang ilan ay nag-alaga ng mga hayop, gaya ng ostrich
at alpaca. Ang iba naman ay nagtanim ng mga bulaklak at pananim na hindi ginagamitan
ng kemikal na pataba.
Sa mahihirap na bansa, kung saan halos 80 porsiyento ng populasyon ay umaasa
sa bukid, maraming maliliit na magsasaka ang dumanas ng matinding dagok. Nabibili ng
internasyonal na mga kompanyang gumagamit ng modernong pamamaraan ng pagsasaka
ang karamihan sa pinakamagagandang lupain, para tamnan ng mga pananim na
ibinebenta sa malalayong lugar. Kadalasan na, sa mga tigang o kakapirasong lupa na
lamang nagtatanim ang maliliit na magsasaka, gamit ang ilang makina kung mayroon man,
para mapakain ang kanilang pamilya.
Ang pagdagsa ng mga tao sa lunsod na karaniwan ngayon sa maraming bansa ay
resulta ng mga pagbabagong nagsimula maraming siglo na ang lumipas. Ang pag-iwan sa
bukid para magtrabaho sa lunsod ay may dalawang epektonakikinabang ang ilan,
nalulugi naman ang iba. May ilang gobyerno, kung mayroon man, na nagbibigay ng
praktikal na tulong sa mga naapektuhan. Talagang kailangang-kailangan ng sangkatauhan
ang Kaharian ng Diyos na magbibigay sa atin ng mas magandang buhay.

DALAWANG PARAAN NG PAGSASAKA
Si Eusebio ay nakatira sa Andes. Nagsasaka siya at nag-aalaga ng 14 na baka.
May pangalan silang lahat, ang sabi niya. Gustung-gusto kong magsaka. May mga tanim
kaming gulay. Tumutulong kaming mag-asawa sa mga kapitbahay namin sa pag-aararo at
paggapas, at pagkatapos, tinutulungan din nila kami. Wala kaming makinarya. Toro ang
katulong namin sa pag-aararo at gumagamit kami ng pala sa pagbubungkal sa matatarik na
dalisdis.
Namatay ang halos lahat ng alaga naming baka noon dahil sa peste. Kaya kumuha
ako ng maikling kurso sa beterinarya. Mula noon hindi na kami namamatayan ng hayop
dahil sa peste, at nakakatulong pa ako ngayon sa mga kapitbahay namin sa pag-aalaga sa
kanilang mga hayop. Nagbebenta kami ng keso sa palengke sa bayan, pero kaunti lang din
ang kita. Kahit ganoon, lagi kaming may naihahain para sa aming anim na anak.
Si Richard ay nagsasaka ng mahigit 500 ektarya ng bukid sa Canada. Umupa siya
ng isang trabahador na makakatulong niya sa panahon ng pagtatanim at pag-aani.
Ang pagsasaka sa ngayon ay mas nakakapagod sa isip kaysa sa katawan, ang
sabi ni Richard. Ang traktora ko at makinang pang-ani ay parehong naka-air-con kaya hindi
ko problema ang alikabok at insekto. May mga makina ako na [siyam na metro] ang lapad,
kaya sa isang araw [65 ektarya] ang natatamnan ko o naaani. Pero sa mga makina ako
umaasa, at iyan ang dahilan kung bakit ako nai-stress. Paminsan-minsan, kailangan kong
mangutang para mapalitan ang mga ito. Ang pagbabayad ko ay nakadepende sa mga
bagay na hindi ko naman kontroladoulan, niyebe, presyo ng bentahan, at patubo ng
bangko. Dahil sa stress, maraming magsasaka rito ang may mga problema sa pamilya, at
nagpapakamatay pa nga.

Ang McCormick na panggapas, na naimbento noong 1831, ay nakatulong sa mga
magsasaka na gumapas nang limang ulit na mas mabilis kaysa sa dating pamamaraan

You might also like