Ang Baboy at Ang Baka (PABULA)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Sa gitna ng isang malawak na kapatagan, nakatayo ang isang maliit na kubo.

Ito ay
napapalibutan ng bulubundukin sa hilaga, isang malinis na ilog sa may bandang timog, at
kagubatan naman sa magkabila pang dulo. Ang kagubatan sa silangan ay nababalutan ng
matataas na mga puno at halamang namumunga ng prutas o kayay bulaklak, at ang sa kanluran
namay ang daan papunta sa bayan na ilang kilometro ang layo. Malayo man sa kabihasnan,
masaya naman sina Nilags at Lechy sa kanilang maginhawang pamumuhay at dahil may
kaibigan rin silang mga ibon mula sa kagubatan at bundok.

Mula pagkabata ay magkaibigan na sina Nilags at Lechy. Ngunit isang trahedya ang
sinapit ng kanilang mga magulang noong silay bata pa kaya namay silay napilitang mamuhay
na walang inaasahan kundi ang isat-isa lamang. May nakatakdang gawain ang dalawa sa bawat
araw. Bukod sa mga gawain sa bahay, nangongolekta rin sila sa kagubatan ng mga sanga ng
kahoy, mga kabute, mga bulaklak, at iba pang materyal na maaari nilang ibenta sa bayan o ipalit
para sa ibang produkto. Kada-Sabado sa bawat linggo, naglalakbay si Nilags papunta sa bayan,
at minsan ay sumasama si Lechy.

Araw-araw ay ganoon nga ang kanilang ginagawa para matustusan ang kanilang mga
pangangailangan, pero hindi maiiwasang magkaroon ng pagtatalo ang dalawa dahil minsay
masyadong napapautos si Nilags, at si Lechy namay may pagkatamad at medyo matakaw. Ayon
kay Nilags, sobrang takaw.

Lechy! Gumising ka na nga! Grabe naman anong oras na oh! pasigaw na pagtawag
ni Nilags kay Lechy na mahimbing pa ring natutulog kahit tirik na tirik na ang araw. Halinat
mag-almusal ka na! Hindi ba ngayon ang araw ng linggo na sasama ka papunta sa bayan?

Kinuskos ni Lechy ang mga mata niya sabay hikab na parang kaya niyang isubo ang
kanilang buong bahay. Haaaaaaayyy!!! Nakapikit pa ring bumabangon si Lechy at dahan-
dahang inunat ang kanyang napakatabang katawan.

Nakalinis na ng bahay si Nilags at inihahanda na ang kanilang mga kalakal kaya sa
sobrang inip ni Nilags kay Lechy ay muli niya itong tinawag. Ano pa bang ginagawa mo?!
tanong ni Nilags habang paulit-ulit na tinitingnan ang orasan na ang mga kamay nitoy ngayoy
nakaturo na sa alas otso.

Heto na nga oh! Nariyan na! pasigaw na sagot ni Lechy.

Habang palapit si Lechy sa hapag kainan, may napansin si Nilags sa kanya. Naku,
Lechy tumaba ka na naman ata? Maiging bawasan mo na ang pagmemeryenda mo! Eh dapat
pa nga tatlong beses sa isang araw lang ang pagkain at patuloy pa sa kanyang sermon si
Nilags.

Grrrrr ang naririnding tugon ni Lechy at dahil doon, binagalan niya ang pagkain para
inisin ng konti si Nilags.

Aah! Bahala ka na nga! Ako na lamang pupunta sa bayan Nilags abutin pa ng gabi
ang pagbalik rito kapag hinintay pa kita! naiinis na sinabi ni Nilags habang hinihila ang kariton
na naglalaman ng mga kalakal. Ah! Bago ko pala malimutan pakiayos yung nasirang bahagi
nung bakod, at pagkatapos mong kumuha ng mga prutas at mga panggatong sa gubat, bumalik ka
agad sa loob ng bahay dahil balita ko sa mga ibon, ngayon ang simula ng kanilang pista.

Ah, yung sinasabi nilang pista ng mga lobo? Sa tagal na nating naninirahan dito ng
tahimik ni isa wala pa tayong nakikitang lobo. Lagi pa akong pumupunta roon sa gubat! lakas-
loob na sinabi ni Lechy.

Basta mag-iingat ka nalang, okey?

Ano ka ba walang mangyayaring masama sa akin! at ikinumpas ni Lechy ang
kaniyang kamay na nagpapahiwatig na kailangan na talagang umalis ng kaniyang kaibigan.
Hinila ni Nilags ang kariton patungo sa kanlurang kakahuyan upang lumuwas sa bayan.

Ilang minuto mula nang nakaalis si Nilags ay natapos na rin sa pagkain si Lechy ng
kaniyang agahan. Buuuurrrpp! napa-dighay siya ng malakas. Hayyy busog na busog ako
ah Dapat matapos ko na ang aking mga Gawain bago dumating si Nilags Nilags matadtad
na naman ako ng sermon! natatawang sinabi ni Lechy. Pero bago ang mga iyon, maliligo na
muna ako sa ilog!

Nagtampisaw si Lechy sa ilog ng humigit-kumulang isang oras. Ang sarap sa
pakiramdam! natutuwa niyang sinabi. Kaso, kahit naligo na ako, ang init pa rin! Kinuha niya
ang kaniyang tuwalya upang punasan ang katawan sa tubig at pawis. Ah, oras na pala upang
mananghalian! Kumuha siya ng ilang pirasong mansanas mula sa kusina at nagtungo sa ilalim
ng isang puno sa likod ng kanilang bahay upang doon kumain.

Ang presko talaga dito sa paborito kong tambayan. Sumandal siya sa puno at sinimulan
nang kumain. Pagkatapos ko rito sana namay humina na ang mga sikat ng araw, para
masimulan ko na ang trabaho ko! ang sabi ni Lechy habang nginunguya ang hawak niyang
mansanas.

Pagkatapos niyang kainin ang huling piraso ng prutas, nakaramdam siya ng antok. Ang
bigat ng aking tiyan, ganun rin ang aking mga mata! Nagpakawala ng malaking hikab si Lechy.
Magpapahinga na muna ako sandalisandali lang talaga, pramis! Hehe at ipinikit na niya
ang kaniyang mga mata.

Ilang sandali lamang ang nakaraan, ang simpleng pahinga ni Lechy ay nauwi sa tulog.
Nang nagising siya ay halos pula na ang kalangitan.

Hala! Nakatulog pala ako! Nilags magalit na naman yun sabi niya habang hirap
niyang itayo ang kaniyang katawan. Bago siya pumasok upang kunin ang mga kagamitan para
ayusin ang bakod, nagulat si Lechy nang may narinig siyang parang naputol na sanga ng puno at
paggalaw ng mga halaman sa di kalayuan. Huh? Ano kaya yun? Hmm siguro, sinasabi ng
hangin na kailangan ko nang mangolekta ng mga gagamitin namin sa gubat. Ahaha! O sige na
nga, uunahin ko nalang ang mga iyon dahil mas importante nga naman. Kinuha ni Lechy ang
kanyang malaking basket at hinila ito papunta sa kakahuyan.

Hindi naman kalayuan ang tinatahak ni Lechy sa loob ng kagubatan dahil lahat naman ng
kaniyang kinakalap na mga panggatong at sangkap para sa pagkaing iniluluto nila ay mahahanap
malapit sa labas nito.

Hayan, kasya na siguro ito para sa dalawang araw! sabi ni Lechy pagkatapos niyang
mangolekta. Malapit na sigurong dumating si Nilags, kailangan ko nang ihanda ang aming
hapunan.

Pabalik na sana si Lechy sa kanilang bahay nang may maamoy siyang napakabango na
tila nagmula sa loob ng gubat. Hmmm napakabango naman! Binitawan ni Lechy ang lubid
na ginagamit niyang pang hila sa kanyang basket. Titingnan ko muna sandali kung saan banda
nanggagaling at kung ano ang amoy na iyon. Parang isang napakasarap ulam! Mmmm!... Iiwan
ko muna ang mga ito dito dahil mabigat. Pumasok si Lechy sa mas malalim na parte ng gubat,
sinusundan ang nakapang-aakit na amoy.

Gabi na nang makauwi si Nilags sa kanilang bahay. Haah Nakakapagod ang biyahe!
Ang liwanag na nagmumula sa bilog na buwan at ng mga bituwin na lamang ang nagsisilbing
ilaw sa buong paligid. Tsk! Bakit hindi pa sinindihan ni Lechy itong mga ilaw sa labas? Itinabi
ni Nilags ang kaniyang kariton at pumasok sa kanilang bahay para kumuha ng posporo. Pati ba
naman dito sa loob wala pang ilaw Nasaan ba si Lechy? tanong niya sa sarili. Lumabas
siyang muli at nang mailawan na niya sa labas ay napansin niyang hindi pa rin naaayos ang
nasirang bahagi ng kanilang bakod. Haay, gaya ng aking inaasahan Sanay naman na ako kay
Lechy eh, kaso kailangan na niyang baguhin ang sarili niya.

Bakit kaya wala pa si Lechy? Naroon pa rin kaya siya, namumulot ng mga kahoy at mga
sangkap sa pagkain? sabi ng nag-aalalang si Nilags. Lechy!... Lechy! At nang malapit na siya
sa kakahuyan ay nakita niya ang basket ni Lechy roon na puno ng mga sanga ng kahoy, mga
kabutet maliliit na prutas. Hindi ba kay Lechy ito? Bakit narito ang mga ito? Saan na kaya
nagpunta iyon?

Nilags! Nilags! Napatingin si Nilags sa itaas at nakita niyang paparating ang ilan sa
kaibigan nilang mga ibon.

Si Lechy! Kailangan nating siyang tulungan! Hinahabol siya ng mga lobo roon! sabi ng
isang kuwago na puno ng takot at pag-aalala. Wala kaming magawa dahil hindi naming kaya
ang mga iyon!


Ano?! Naku naman, lagi kong sinasabi sa kanya na huwag siyang magpapakalayo sa
loob ng kagubatan! Hala, walang saysay kung patuloy tayong mag-uusap dito Kinuha ni
Nilags ang isang pala, lambat, at hagdan na gawa sa tali mula sa kanilang bakuran.

Para saan ang mga iyan, Nilags? tanong ng mga ibon.

May naisip akong plano. Mabuti nang may dalhin ako kung sakali Tara na, mga
kaibigan!

Samantala, si Lechy naman, pagkatapos ng mahabang paghahabol sa kanya ng dalawang
lobo, ay na-korner na ng mga ito. Sa sobrang pagod niya sa katatakbo ay bumagsak na siya sa
lupa.

Ano, Lechy, mukhang pagod ka na! sabi ng isang lobo.

Matagal rin naming hinintay ang pagkakataong ito... sabi naman ng isa. Maayos ang
ginawa mong paghahanda sa sarili mo siguradong ang luto namin ang pinaka-masarap sa
pistang ito! Hahahauuu~ Mamayay tuluyan nang nawalan ng malay si Lechy kaya itinali siya
nilang dalawa sa kaniyang dalawang paa at hinila patungo sa kung saan naghihintay ang dalawa
pa nilang kasamang lobo.
Mmm~! Ang bango naman! Heto na ang main ingredient natin! Binuhat nila ang kanilang
nahuli at ibinabad sya sa malaking banga na nauna nang inihanda ng mga taga-lutong lobo. Mas
mabango pa ito mamaya kapag luto na! sabi ng isa. Siguradong marami na sa ating mga
kapatid ang naghihintay sa kabilang banda ng bundok, kung saan ginaganap ang pyesta!

Hindi na ako makapaghintay!!! Auuuuuuuuuu~! sabay-sabay na umulong ang mga
lobo.

Nang marinig ni Nilags at ng mga ibon ang pag-ulong, madali nilang tinungo ang
direksyon kung saan iyon nanggaling. M-mga lobo nga! Medyo nanginginig ang boses ni
Nilags habang patuloy na tumatakbo. Hindi pa kami nakakakita ni Lechy ng lobo kailanman
pero hindi ito ang tamang panahon upang katakutan sila Kailangan nating mahanap na si
Babo-

Sshhh! Hayun sila, Nilags! tahimik na sinabi ng kuwago at itinuro ang kinaroroonan ng
kanilang kaibigan at mga lobo.

A-anong ginagawa niyo sa akin?! Pakawalan niyo ako!!! Huhuhu!!! ang sigaw ni
Lechy na namumula ang balat at sobrang pinagpapawisan. Kinuha naman ng isa sa mga taga-
lutong lobo ang sandok at tinikman ang sabaw ng kanilang niluluto.

O, gising ka na pala ulit, taba! Hinigop ng lobo ang natitira sa sandok. Medyo
matabang pa paabot naman yung asin! At dinagdagan nga niya ng asin ang kanilang niluluto
at muling hinalo ang sabaw. Inilagay na rin nung isang lobo ang mga gulay sa kumukulong
sabaw.

Ang iniiiiit!!! Huhuhu!!! Maawa kayo sa akin! sabi ni Lechy na halos naiiyak na.

Naku po! Kailangan natin siyang makuha roon sa lalong madaling panahon! sabi ni
Nilags habang itinatago nila ang kanilang presensya mula sa mga lobo. Heto ang plano ko,
makinig kayo

Habang hinihintay matapos ang kanilang niluluto, inihahanda ng mga lobo ang
pagsasakyan ng malaking banga na kanilang pagtutulungang buhatin patungo sa pinagdarausan
ng pista.

Aray!

Nagulat ang apat nang biglang may bumato sa isa sa kanila. Lumingon ang binatong lobo
at nakita ang isang kuwago na handa na namang bumato. Ikaw!!! Ano sa tingin mong
ginagawa mo, ha?! Lumipad palayo ang kuwago at sinundan siya ng mga lobo, ngunit bumalik
ang isa nang may narinig siya sa kinaroroonan ni Lechy. Tinawag pa niya ng isa pa sa mga lobo.

Aha! Akala niyo maiisahan niyo kami ano? sabi ng isang lobo nang mahuli nila si
Nilags at ilang mga ibon na kinakalagan ang kanilang main ingredient at inaalalayan itong
makaalis sa kumukulong sabaw.

Lagot, nahuli tayo! sabi ng mga ibon. Hindi pa naman kayang tumakbo ni Lechy sa
kaniyang kalagayan!

Huwag kayong mag-alala sabi ni Nilags habang binubuhat ang malaking banga na
bigla niyang ihinagis sa dalawang lobo! Kayo na muna ang bahala kay Lechy, mga kaibigan!
at tumakbo papalayo si Nilags.

Abat! Ginagalit tayo ng mga iyon ah! Dahil dito wala na tayong Ggrrrrr!!! ang
nagngingitngit sa galit na sinabi ng mga lobo. Dali silang tumayo at hinabol si Nilags.

Nagkasalubong sina Nilags at ang hinahabol ring kuwago at ngayoy tumatakbo patungo
sa iisang direksyon, papalapit sa isang dead end.

Paano ba yan? Mukhang wala na kayong matatakbuhan! Sabay-sabay ang apat na lobo
na tumakbo palapit sa dalawa ngunit lingid sa kaalaman ng mga ito, may naihandang patibong
sina Nilags at ang mga ibon. Ang akala nilang mga nakakalat lang na mga dahon at sanga sa lupa
ay sinusuportahan lang pala ng isang malaking lambat, at sa ilalim nitoy isa palang malaking
hukay! Nahulog silang apat doon at napatalon sa tuwa si Nilags dahil epektibo ang kanilang
plano.

Rrraaaaaarrghhh!!! ang sigaw ng mga lobo na ang mga paay na-huli sa lambat.

Bilisan natin, Nilags! Umalis na tayo bago pa sila makaisip ng paraan para makaalis
diyan huwag mo palang kalimutan yung hagdang lubid na ginamit mo pagkatapos maghukay!
sabi ng kuwago.

Oo, tama ka! Tara nat balikan natin si Lechy

Bumalik sila sa kinaroroonan ni Lechy at ng mga ibon. Pagdating nila roon ay natanggal
na mula sa pagkakatali ang kanilang kaibigan.

Tinapalan na rin namin ng dahon ang ibang parte ng katawan ni Lechy na matindi ang
paso sabi ng isang ibon.

Talaga? Buti nalang palat andito kayo sabi ni Nilags.

Oo nga e maraming salamat talaga mangiyak-ngiyak na sinabi ni Lechy. Teka,
yung mga lobonasaan na sila?

Nagawan na namin ng paraan pansamantala. tinulungan ni Nilags si Lechy at
inalalayan itong tumayo. Bumalik na tayo sa bahay mga kaibigan, pakidala na lang ang aking
mga gamit, at aalalayan ko itong si Lechy. ang sabi niya sa mga ibon.

Kinabukasan, maagang nagising si Lechy at nakita niya si Nilags na inaayos ang kanilang
bakod. Napansin ni Nilags ang kaibigan habang papalapit ito sa kanya.

O, ikaw pala! Magandang umaga! ang bati sa kaniya ni Nilags. Binati rin siya ng mga
ibon. Maayos na ba ang pakiramdam mo?
Ah, oo mahapdi pa rin sa ibang bahagi, pero nakakagalaw na ako ang sagot ni
Lechy.

Mabuti naman kung ganoon! Tatapusin ko lang ito tapos ihahanda ko na ang almusa-
napatigil si Nilags sa sinasabi nya dahil nakita niyang umiiyak si Lechy.

Lagi mong sinasabi *hikbi*... na huwag pakasisigurongligtas tayo dahil may
matibay tayong bakod *hikbi* at walang nakakapasok na lobo dahil doon sana noon pa lang
nakinig na akosa mga payo mo sa akin mapatawad niyo sana ako, Nilags, mga kaibigang
ibondahil nalagay kayo sa kapahamakan sa pagligtas sa akin halos hindi maintindihan ang
ibang sinasabi ni Lechy dahil sa pag-iyak niya.

Tumayo si Nilags at ipinatong ang isa niyang kamay sa ulo ng kaibigan. Huwag mo
nang isipin iyon kaibigan ka namin kaya natural lang na gawin namin iyon.

Tama! sabi ng kuwago. Sumang-ayon din ang mga ibon.

Ang mahalaga ay ligtas tayo, at higit sa lahat ngumiti si Nilags. Masaya ako dahil
alam mo ang pagkakamali mo, nagsisisi ka, at sanay magawan mo na ng paraan ang mga
iyon

Oo, Nilags Gagawin ko na nang maaga ang aking mga gawain. Babawasan ko na ang
oras ng pagpapahinga ko, at siyempre sisimulan ko na talaga ang pagda-DIET! Hehehe!
Nagtawanan ang magkakaibigan.

You might also like