Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

PROYEKTO SA

FILIPINO
Isinulit ni:
Sarah Kaye B. Malapajo

Isinulit kay:
Gng. Rosiel Sancho



Ito Pala Ang Inyo (dula)
ni Frederico b. Sebastian
Part 1

Clary: sabik na sabik na akong makarating sa bahay bert.
Bert: totoo ba yan?
Clary: oo naman. Ang hangin sa lalawigan ay tunay na nakakaakit.
Bert: masaya ako dahil nasisiyahan ka mahal ko.
Clary: Nais ko na talagang makarating Bert sa ating paraiso!!!(papasok na sa maralitang bahay)
Clary: Ito pala ang sinasabi mong bahay Bert.
Bert: Oo mahal ko.

*tumitingin tingin pagkatapos umupo sa bangko ito ay bumagsak

Clary: Aray ko pohhh!!!!
Bert:Nasaktan ka ba mahal?
Clary:Nasaktan!?hello??!bumagsak kaya ako dahil sa upuan na yan!Hindi mo man lang sinabi na bulok na pala
yan.(galit na galit)
Bert: (aamuhin si Clary) Wag ka nang magalit.(I mamasahe ang binti ng babae) Matagal na kasi ako hindi nakakauwi
dito mahal.

*ngingiti na si Clary at babangon

Clary: ito pala ang sinasabi mong paraiso. Kita mo pala ang mga bituin kahit araw na araw.
Bert: oo nga. At ang sofa namin ay matigas lamang.

*tatawa ang dalawa

Clary: Bert.wala ka na bang damit maliban pa diyan?
Bert:Ano naman ang masama sa suot ko, mahal kong Claring?
Clary: (nagalit) Baket noong dumadalaw ka pa sa amin ang ayos ng iyong suot? And by the way havent I told you call
me Clary.
Bert: ayaw mo bang Claro na lang?(tatawa)
Clary: its not Claro its Claryyyyy!(lalayo kay bert at tatalikuran ito)
Bert: (yayakapin patalikod si Clary) sige Clary. Bakit nga pala tayo naguusap ng ganito,kakasal pa lamang natin ah?
Clary: Oo nga.
Bert: Sige na, magbihis ka na muna.
Clary: saan ako magbibihis?
Bert: Aba saan pa e di dito. Wala naman taong makakakita sayo kundiako lang(titingin sa manonood tapos tataas-
taas ang kilay)
Clary: Dito?!(titingin sa nanonood)
Bert: Alam mo mahal ko, dito sa probinsya lalo na sa katulad kong mahirap wala ka ng makikita pang room kundi ito
lang.
Clary: mamayang gabi na lang ako magbibihis.(magdadabog)
Bert: Ikaw ang bahala. Pero ang gabi sa amin ay tunay na gabi?
Clary: Huh?
Bert: walang electrisidad dito, mahal ko.
Clary: OMG! Di na talaga ako makakapag bihis!!! Sa Maynila na nga lang ako magbibihis.
Bert: (tatawa)
Clary: (iirap) At saka asan pala ang ating bed?
Bert: wala tayng katre mahal ko.
Clary: Ano?! San Tayo matutulog?
Bert: sa sahig mahal ko.
Clary: Sa ganda kong ito matutulog ako sa sahig?
Bert: masanay ka nasapagkat mahirap lang ak.
Clary: tama na! wala na akong magagawa!!!samahan mo na lang ako sa banyo at maliligo muna ako.
Part 2
Alberto: Wag ka na maligo Clary. Malamig ang panahon at hindi ka pa masyado sanay ditto.
Clary: Bakit pati paliligo ko ay iyong pinapakialaman?At bakit ako magsasanay maligo, hindi ba ako naliligo?
Alberto: Hindi sa hindi ka naliligo. Iba kase ang banyo mo sa maynila sa banyo namin. Hindi ka nga makapagpalit dahil
sa hiya ang pagliligo pa kaya sa batalan.
Clary: Sige na..Mr. Alibi
Bert: (sa sarili) ang hirap pala magkaasawq lalo na ang tulad ni Clary na laki sa Maynila at mayaman. At ano kaya ang
mangyayari kung malaman niya na ako ay may mga anak.

*bumalik na galling sa batalan si Clary

Clary: Bert! Hindi ako pwedeng maligo doon.wala man lang harang yung
Bert: batalan, mahal
Clary: at bert wala pa akong nakikitang gripo. Saan kayo kumukuha dito ng tubig?
Bert: kumukuha kami ng tubig sa poso mga kalahiting kilometro lang naman mula rito. Kung maliligo ka, sabihin mo
na para ako ay maguumpisa ng maglakad.
Clary: Wag na, bert! sa maynila na lang ako maliligo.
Bert: Sa maynila ka na rin maliligo at doon ka rin magbibihis?
Clary: oo.at asan dito yung.
Bert: Ano?
Clary: yung kasilyas.
Bert: wala kami. Karamihan sa amin ay wala pang toilet, lalo na ang mga mahihirap na tulad ko. At hindi pa kase
nakakarating ang sibilisasyon sa amin e.
Clary: ano?! Ano ang gingamit niyo?
Bert: nakikita mo ba yun?(tuturo sa kabilang direksyon)
Clary: yung kawayan?
Bert: oo, yun ang kasilyas naming.
Clarita: what?! Sukdulan na ang mga pagsubok mo sa akin bert! Dito mo ba ako ititira?! Akala ko ba may sarili tayong
paraiso at mamumuhay tayo ng parang si Adan at si Eba!!!? Ano ang nangyari sa sinabi mo???

*magugulat na lang si Clary may pumasok na matanda

Bert: (gulat) Tiya Isyang!!!
Tiya Isyang: Berto!(nakakunot ang noo)
* ang mga bata ay pupunta kay bert

Mga bata: tatay!tatay! tatay! wala ka bang pasalubong sa amin?(with a cute face)

* gulat na gulat si clary(nakatingin lang sa nakikita niyang pangyayari)

Bert: tiya isyang siya ay si clary ang aking asawa , Clary ang aking tiya at aking mga.
Clary: Anak! Walang hiya ka, hindi ka nagsabi sa akin ng buong katotohanan.
Uuwi na lang ako sa maynila. Doon may banyo, toilet, bed, rooms at higit sa lahat walang mga makukulit na bata ang
manggugulo sa akin.

*umalis si Clary at hinabol naman siya ni bert at nahawakan sa kamay

Bert: Hindi ka maaring umalis na wala ako.

(nag iiyakan ang mga anak)

Aling Isyang: Tumahimik kayo! Tinamaan kayo ng lintik.


























Sa Huling Silahis ( TULA)
ni: Avon Adarna

1
Inaabangan ko doon sa Kanluran,
Ang huling silahis ng katag-arawan,
Iginuguhit ko ang iyong pangalan,
Sa pinong buhangin ng dalampasigan.

2
Aking dinarama sa hanging habagat,
Mga alaala ng halik mot yakap,
Sa bahaw na simoy ng pagkakasangkap,
Ay nagdaang samyo ng iyong paglingap.

3
Ginugunam-gunam, sinasaklit-anyo,
Ang iyong larawan at mga pagsuyo,
Ang lungkot ng diwat dibdib pati puso,
Sa kutim na ulap nakikisiphayo!

4
Sa pag-aagawan ng araw at buwan,
At pagkapanalo nitong kadiliman
Ay nakikibaka ang kapighatian,
Sa pangungulila sa iyong pagpanaw.

5
Ang iyong pag-iral, hindi na babalik,
Kahit na akoy lubos na tumangis
Pag-ibig na lamang na igting na nais
Ang makakapiling sa huling silahis.


Ang Pitong Anak na Babae ni Sultan Liwanag (MAIKLING KWENTO)

Maikling Kuwento ni Percival Campoamor Cruz


Maunlad ang pulo ng Pulang Lupa dahilan sa mahusay na pamumuno ni Sultan Liwanag. Ang mga taga-roon ay may
kani-kaniyang gawain at katangian.

Sa kabundukan ay may mga nagbubungkal ng lupa upang makahanap ng ginto at pilak. Sa kapatagan ay naghahabi ang
mga kababaihan ng mga kayo na maseselan ang uri o di kayay may itinatampok na burda o desenyo. Gumagawa sila ng mga
banig, buslo, at kung anu-ano pang maipagbibili o mapagkakabuhayan. Ang mga lalaki ay abala sa pagpapalago ng pananim sa
bukid o di kaya ay sa paggawa ng mga malalaking balanghay o sasakyang-pangdagat.

Masasaya ang mga tao sapagkat silay may ikinabubuhay, sagana sila sa pagkain at pangangailangan, at higit sa lahat, sila
ay may kalayaan. Matalino at maunawaing pinuno si Sultan Liwanag.

Dumadaong sa pampangin ng Pulang Lupa ang mga dayuhan na mula sa Tsina at Indiya. Sinasadya nila ang pulo upang dito
ay makipagpalitan ng paninda. Dala nila ay mga pinggan, alahas, sandata, at kung anu-ano pang doon lamang sa kanilang bansa
niyayari. Pinagpapalit ang mga ito sa mga likha ng mga taga-Pulang Lupa. Kung di man palitan ay nangyayari ang bilihan sa
paggamit ng salaping yari sa bakal na noon ay uso na.

Matanda na si Sultan Liwanag. Ayon sa kaugalian, susunod sa kanya bilang pinuno ng kanyang lipi, ay ang kanyang
pinakamatandang anak.

Pito ang anak ni Sultan Liwanag at lahat sila ay babae. Ang pinakamatanda at dapat na maging tagapagmana ng trono ay si
Prinsesa Luningning. Sa kasamaang-palad, hindi maaaring maging sultana si Prinsesa Luningning sapagkat siya ay isinilang na
may kapansanan. Isip-bata siya. Humigit-kumulang na ang prinsesa ay apatnaput limang taong gulang na, ngunit ang kanyang
isip ay katumbas ng isip ng sampung taong gulang na bata. Mahal na mahal ni Sultan Liwanag ang prinsesang may kapansanan,
ngunit hindi niya maaaring hirangin siya bilang tagapagmana ng kanyang luklukan.

Iyan ang kasalukuyang alalahanin ni Sultan Liwanag. Paano niya maisasalin ang kapangyarihan sa kanyang anak bago siya
bawian ng buhay? Gagawin ba niyang sultana ang susunod kay Prinsesa Luningning, batay sa katandaan; o mag-iiba siya ng
paraan ng pagpili ng tagapagmana?

Nagpasiya si Sultan Liwanag na mag-iiba siya ng paraan ng pagpili ng tagapagmana. Ibabatay niya ang pagpili sa talino at
galing, sa halip na, sa kung sino ang nakatatanda.

Ano mang sandali na kayo ay nakahanda na, ipaalam sa akin, at kayoy bibigyan ng pagkakataong ipakita ang inyong talino
at galing, payo ni Sultan Liwanag sa kanyang pitong babaeng anak.

Ang pitong babaeng anak ay nagkaroon ng masasabing pantay-pantay na pagturing at pagmamahal ng ama. Silang lahat ay
dumaan sa pag-aaral sa ilalim ng pagtuturo ng mga matatalinong guro sa pulo. Silang lahat ay nakarinig at nakabasa ng mga
kasaysayang kapupulutan ng dunong at magagandang kaugalian mula sa mga dayuhang galing sa Tsina at Indiya. Silang lahat ay
dumaan sa pagsasanay sa paggamit ng sandata at pakikilaban, kung sakaling sila ay mapapaaway. Higit sa lahat, ang ama ay
nagpakita sa kanilang lahat, kung papaano magiging mahusay na pinuno ng kaharian; gayon din naman, ang mabuti at kapaki-
pakinabang na pakikipag-negosyo sa mga Intsik at taga-Indiya.

Sa kabila ng lahat, ang bawat isang anak na babae, ay may kani-kaniyang naiibang ugali, hilig, at katangian.

Si Prinsesa Sibat ang maliksi at malakas na anak ng sultan. Sa alin mang gawain ibig niyang siya ang nauuna. Kung kaya't sa
hiningi ng sultan na pagsubok ay agad siyang nagkusang-loob na mauna.

Iniharap niya sa sultan ang tatlong lalaki na sa buong kaharian ay bantog sa bilis, lakas, at tapang. Ang una ay hinamon ng
prinsesa ng takbuhan. Ang pangalawa ay ng palakasan, ang paghatak sa nakasingkaw na sampung kalabaw. Ang pangatlo ay ng
paligsahan sa katapangan.

Sa karera at sa hatakan ng mabigat ay nanalo sa mga lalaki ang prinsesa. Gayon din, nanalo siya sa pagdakot at pagsilo ng
buwaya, na katibayan ng katapangan.

Nasiyahan ang sultan sa kanyang nakita.

Pagdating kay Prinsesa Paraluman ay nakita ng sultan ang pambihirang katalinuhan ng anak pagdating sa paggamit ng isip.
Magaling siya sa paggamit ng abakus, sa numero, at sa pagbibigay kalutasan sa mga palaisipan at talinghaga. Siya na ang may
pinakamaraming aklat na nabasa sa buong kaharian. Siya lamang ang anak na ipinadala ng ama sa Tsina upang doon ay mapag-
aralan ang astronomika.

Sa mga gabing pusikit ang dilim at nakalitaw nang maliwanag ang lahat ng bituin, iniipon ni Prinsesa Paraluman ang mga
bata upang maipakita sa kanila ang ganda at lawak ng mga liwanag sa kalangitan. Tuloy ay nauunawaan ng mga bata ang mga
lihim ng universo.

Ipinahayag ni Prinsesa Paraluman sa ama ang kanyang katangian at dahilan kung bakit siya ang nararapat na maging
tagapamana ng trono. At ang sultan ay nalugod.

Si Prinsesa Mabini ay nagpa-alaala sa ama na ang kanyang galing ay sa larangan ng pananim at paghahayupan. Sa kanyang
pamumuno ay hindi magugutom ang mga tao. Siya ang utak sa likod ng masaganang ani ng palay at bungang-kahoy sa mga
bukirin. Malulusog ang mga kalabaw, kabayo, kambing at baka na ginagamit ng mga magsasaka sa pag-aararo at sa paglalakbay;
at sila ring pinagmumulan ng pagkain ng bayan sa hapag-kainan.

Si Prinsesa Matuwid naman ay inihayag sa ama ang kanyang galing sa paggawa at paghawak ng pera, sa komersyo. Siya ang
naatasan ng sultan na maningil ng buwis sa bawat sasakyang-dagat na dumadaong sa kaharian. Iginagalang siya ng mga
dumarating na taga-ibang lupain at, hanggang siya ang kausap nila, ay magpapatuloy ang magandang takbo ng komersyo at ng
mabuting pagkakaunawaan ng mga taga-Pulang Lupa at mga dayuhan. Ang sultan ay nag-isip nang malalim.

Si Prinsesa Makahiya ay may galing sa panggagamot. Sa kanya lumalapit ang mga taong nagkakasakit at, sa tulong ng mga
natutuhan sa mga dayuhan at pagsubok sa sari-saring halaman, ay may lunas siya sa ibat ibang uri ng karamdaman. Sa
katunayan ay si Prinsesa Makahiya ang dahilan kung bakit ang sultan, bagamat may edad na, ay nananatiling matalas at
malakas. May ipinaiinom na katas at ipinakakain na halamang-gubat si Prinsesa Makahiya sa kanyang ama na pinagmumulan
niya ng pambihirang lakas at mahabang buhay.

Ang pinakabunso sa mga anak na babae, palibhasa ay pinakamura ang kanyang isipan, ay ang pinakamamahal ng lahat.
Hindi maipapantay ang kanyang talino kung ihahambing sa talino at katangian ng mga nakatatandang kapatid.

Nguni't kailangan ding lumahok sa paligsahan si Prinsesa Maputi, sapagkat iyon ang utos ng ama, kahit na wala siyang
hangarin na makipagtagisan ng talino sa mga nakatatandang kapatid. Wala siyang nagawa kundi magpakilala ng ano mang
gawain o galing niya.

Kinausap niya ang mga kapatid na sila ay pumayag at tumulong sa kanya sa paglikha ng isang pagtatanghal na
kinabibilangan ng mga kanta at sayaw. Ang pagtatanghal ay iaalay sa sultan, sa kanilang ina, at sa mga mamamayang
nasasakupan.

Sila ay susunod sa kanyang ituturong kanta at sayaw at magsusuot ang mga kapatid ng iba't ibang makukulay at
masasayahing damit-pang-tanghalan sa gabi ng palabas. Ang mga kapatid ay masayang pinagbigyan ang kanilang bunso.

May mga batang lalaki at babae na isinali ni Prinsesa Maputi sa palabas, na silang tutugtog ng bandurya, gitara, tambol, at
flawta; ayon din sa kanyang pagtuturo at pamamatnubay. Ang palabas ay mababalot ng magagandang musika at tagpo mula sa
simula hanggang sa katapusan, salamat sa galing ng mga magsisiganap.

Inipon ni Prinsesa Maputi ang mga babae sa kaharian upang bumuo ng koro at pangkat ng mananayaw; habang ang mga
kalalakihan ay pinagawa niya ng mga palamuti, upang maging kagila-gilalas ang tanghalan, pati na ang paghahanda ng mga
kuwitis na sa dulo ng palabas ay sisigabo sa kalangitan.

Dumating ang gabi ng pagtatanghal. Nalibang at namangha ang sultan at ang buong kaharian. Nagandahan ang lahat sa
pagtatanghal. Buong gabing nagpatuloy ang kasayahan, ang pagsasalu-salo, at ang pag-iinuman ng tuba. Hindi pa nangyari ang
ganoong napakagandang karanasan sa kasaysayan ng nasabing lupain.

Nang dumating na ang panahon ng pagpapasiya ay hinirang ng sultan si Prinsesa Maputi, ang bunsong anak, bilang
susunod na pinuno.

Magiging mabuting pinuno si Prinsesa Maputi, sabi ng sultan. Batay ito sa galing niya sa pagsasama-sama sa galing ng
iba't-ibang tao upang makabuo ng isang balakin. Nahikayat niya kayo na tumulong at gumanap ayon sa kanyang binabalak, hindi
ba? May kani-kaniya kayong galing at katangian. Kung ihahambing sa inyong nalalaman ang sa kay Prinsesa Maputi ay
pangkaraniwan lamang ang kanyang talino, dala ng kanyang edad at kakulangan ng karanasan; ngunit ipinakita niya na ang
kanyang kakayahan ay ang mapagbuklod ang mga taong may ibat ibang galing at silay mapasunod niya na magtulung-tulong
tungo sa iisang layunin.

Sumang-ayon ang lahat sa hatol ni Sultan Liwanag at mula noon ay ibinigay nila ang kanilang buong pagtitiwala at
pagtangkilik sa darating na pamumuno ni Prinsesa Maputi.










Ang Ningning at ang Liwanag ( SANAYSAY)
Emilio Jacinto

Ang ningning ay nakasisiLaw sa paningin. Ang Liwanag ay kinakaiLangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng
mga bagay-bagay.

Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na
dumampot.

Ang ningning ay madaya.

Ating hanapin ang Liwanag, tayo'y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan ng masamang kaugaLian: Nagdaraan ang isang
karwaheng maningning na hinihiLa ng kabayong matuLin. Tayo'y nagpupugay at ang isasaLoob ay mahaL na tao ang nakalulan.
Datapwa'y marahiL naman ay isang magnanakaw; marahiL sa iLaLim ng kanyang ipinatatanghaL na kamahaLan at mga hiyas na
tinatagLay ay natatago ang isang pusong sukaban.

Nagdaraan ang isang maraLita na nagkakanghirap sa pinapasan. Tayo'y mapapangiti at isasaLoob: Saan kaya ninakaw?
Datapwa'y maLiwanag nating nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng kanyang katawan sa siya'y nabubuhay sa sipag at
kapagaLang tunay.

Ay! Sa ating pang-uga-ugaLi ay Lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwiL sa Liwanag.

Ito na nga ang dahiLang isa pa na kung kaya ang tao at ang mga bayan ay namumuhay sa hinagpis at daLita.

Ito na nga ang dahiLan na kung kaya ang mga Loob na inaakay ng kapaLaLuan at ng kasakiman ay nagpupumiLit na Lumitaw na
maningning, LaLung-LaLo na nga ang mga hari at mga Pinuno na pinagkatiwaLaan ng sa ikagiginhawa ng kaniLang mga kampon,
at waLang ibang nasa kundi ang mamaLagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng Bayan na nagbigay sa kaniLa ng
kapangyarihang ito.

Tayo'y mapagsampaLataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo ng ating mga ugat ay
magbaLatkayo ng maningning.

Ay! Kung ang ating dinuduLugan at hinahainan ng puspos na gaLang ay ang maLiwanag at magandang-asaL at matapat na Loob,
ang kahit sino ay waLang mapagningning pagkat di natin pahahaLagahan, at ang mga isip at akaLang ano pa man ay hindi
hihiwaLay sa maLiwanag na banaL na Landas ng katwiran.

Ang kaLiLuhan at ang katampaLasanan ay humahanap ng ningning upang huwag mapagmaLas ng mga matang tumatanghaL ang
kaniLang kapangitan; ngunit ang kagaLingan at ang pag-ibig na daLisay ay hubad, mahinhin, at maLiwanag na napatatanaw sa
paningin.

MapaLad ang araw ng Liwanag!

Ay! Ang anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kayang kumuha ng haLimbawa at Lakas sa pinagdaanang mga hirap at
binatang mga kaapihan?
Ang Pabula ng Daga at ng Leon
Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na
leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba.
Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon
ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa
pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.

"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain
ang pagtulog ko," sabi ng leon.

"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, "
sagot ng daga.

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa
kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa
lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama
ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na
nakawala sa lambat.

"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa
kaibigang daga.

You might also like