Final Thesis in FM4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL



Panimula
Ang wika ay isang makapangyarihang abstraktong bagay na ipinagkaloob ng
Maykapal na nagiging tulay sa pagkakaugnay-ugnay ng magkakaibang indibidwal na
naninirahan sa magkapareho o magkaibang lugar na nagbubunga ng pagkakaisa. Ito ay
ang mabisang kagamitan upang maisangkot niya ang sarili sa kanyang lipunan.
Ang wika ay isang instrumento sa mundo, ito ang dahilan kaya may pag-
uugnayang nagaganap sa bawat pagitan ng mga tao. Ito rin ang nagbibigay buhay o kulay
sa pang araw-araw ng mga tao. Ayon kay Tumangan (1997) Sinasabi na ang wika ay
isang paraan ng pagpaparating ng mensahe o anumang naisin sa tulong ng mga bahagi ng
ating katawan Ito ay nakakatulong sa mas mabisang pakikipagkomunikasyon sa bawat
tao. Sa madaling salita, mahalaga ang paggamit ng bahagi ng katawan ng tao katulad ng
bibig upang mas maunawaan at mas maging malinaw ang komunikasyon ng bawat
indibidwal.
Ayon kay Todd (1987) ang wika ay isang grupo o kabuuan ng mga sagisag na
ginagamit sa komunikasyon. Hindi lamang sa pasalita pati rin sa pasulat naparaan
nagagamit ang wika . Ibig niyang ipahiwatig na ang wika ay siyang nagsisilbing tunog o
musika sa ating buhay. Ang mga tunog at sagisag na ito ay tinatawag na arbitrary at
sistematiko. Ayon din sa kanya, walang dalawang wikang magkapareho bagamat bawat
isa ay may sariling pagkakaiba ng mga tuntunin. Ang wika ay nagiging daan para
mailabas ang mga ibat ibang damdamin ng isang tao.
Ang bawat isa sa mundong ibabaw ay may karapatan at kakayahang ipahayag ang
sariling damdamin, opinion o kuro-kuro gamit ang wika. Pasalita man ito o pasulat. Dala
narin marahil ng pagiging malaya nating mga Pilipino, maraming nagnanais makilala at
makagawa ng sarili nilang pangalan sa industriya lalo na sa midya, kabilang sa mga ito ay
ang mga mang-aawit sa sarili nating bansa.
Sa tala ni Rowthorn, Bloom at Day sa aklat na Lonely Planet Philippines (2006),
ang pagusbong ng industriya ng musika sa Pilipinas ay nabuo sa ibat ibang kultura ng
mga Pilipino. Sa ating bansa OPM ang tawag dito, ay pumapalibot sa malawak na genre
ng musika tulad ng rock, folk, at new-aged genre, kasama pa ditoang pinagsamang tatlo.
Naging popular sa Pilipinas ang Folk Music. Ang kantang Anak ni Freddie Aguilar
napatungkol sa relasyon ng anak sa magulang, ay nagbigay daan kay Freddie upang
sumikat noong panahon ng People Power Revolution noong 1980s. Noong bandang huli
ng 19th siglo, ang Kundiman, na may mapait at matamis na tema tungkol sa pag-ibig,
kapalaran at kamatayan ay nanatiling popular sa mga Pilipino.
Nagkainteres ang mga mananaliksik na pag-aralan ang mga kantang lokal
sapagkat ang panahon natin ay nagiging moderno at nagreresulta ng pagbabago.
Sa pangkalahatan, ang pag-aaral na ito ay nakatutulong hindi lamang sa mga
mananaliksik pati narin sa mga mahilig making sa musika upang mas maging angkop ang
mga musikang kanilang pinapakinggan. Ito ay isinagawa upang makilala ang kalinangan
ng Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kultura at taglay na katalinuhan ng
pinoy sa pagsulat ng awit. Ito din ay isinagawa upang maiwasto ang mga istrukturang
gramatikang ginamit sa paggawa ng kanta at mapagsikapang itoy mapagbuti.

Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa hangaring malaman at masuri ang mga di-
pormal na antas ng wikang ginamit sa mga awiting lokal. Ito ay naglalayong masagot ang
mga sumusunod na katanungan:
1. Ano-ano ang mga di-pormal na antas ng wikang ginagamit sa mga awiting lokal:
1.1 Lalawiganin
1.2 Kolokyal
1.3 Balbal
1.4 Bulgar
2. Paano masasabing di- pormal ang isang awiting lokal na pinapakinggan?
3. Ano ang kadalasang sinasabi ng lipunan sa mga awiting may di-pormal na antas
ng wika?
4. Ano-ano ang mga reaksyon ng mga tagapakinig sa awiting lokal?
5. Ano ang nagging implikasyon ng pag-aaral na ito sa pag-aaral ng Wikang
Filipino?

Kahalagahan ng Pag-aaral
Malaki ang maibabahagi ng mga awiting lokal sapagkat nagpapakita ito ng tunay
na pangyayaring nagaganap sa pang-araw-araw na buhay ng isang tao at gayun din sa
ating bansa, lingid pa sa kanilang kaalaman na itoy isang daan sa pamamagitan ng di
tuwirang pagpapahayag ng mga mensaheng nais iparating ng mga lokal na mang-aawit sa
kanilang mga kanta para sa mga taong may pinaghuhugutan o mambabasa.
Sa mga may katungkulan sa Gobyerno. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong
upang maging maingat sa paggamit nila ng mga awiting kanilang pampublikong
pananalumpati.
Sa mga may posisyon sa Paaralan. Ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay
makatutulong sa mga may posisyon sa paaralan upang mabisang maipaliwanag ang
ginamit na wika ng ibat ibang manunulat ng awit na nagmula pa sa tradisyunal hanggang
makabagong panahon. Makatutulong din ito upang mas lalong mapalawak ang kaalaman
nila sa makabagong istrakturang gramatika, hindi lamang tekstong babasahin ang
mapaghuhugutan kundi rin mga awiting lokal at magkaroon ng sariling interpretasyon sa
pag-aaral sa wika at makisabay sa pagiging makabago.
Sa mga Mag-aaral. Ang result ang pag-aaral na ito ay makakatulong ng malaki
sa mga mag-aaral, mambabasa at mahilig sa awitin upang malinang ang kasanayan sa
tamang paggamit ng wika at mapalawak ang istrakturang gramatika nila at lubos na
mauunawaan din ang mga salitang ginamit sa mga awiting lokal.
Sa mga Mananaliksik. Ang pag-aaral ding ito ay makakatulong sa mga
mananaliksik sapagkat mas mahihikayat silang pag-aralan ang pananaliksik tungkol sa
kahulugan at antas ng wika. Makakapulot din sila ng mga makabagong istilo at
pamamaraan sa pagsulat ng kanta at upang maging mulat sa katotohanan na ang paggamit
ng impormal na salita ay maaaring makaapekto ng malaki sa isang mabisang
komunikasyon. Ito rin ay makakatulong sa mga hinaharap na mananaliksik.

Saklaw at Delimitasyon
Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang sa dalawampung lokal na naisulat
mula sa taong 1980 hanggang sa kasalukuyan. Ang tanging pag-aaralan lamang ay ang
mga salitang di-pormal kung saan ito ay ang mga lalawiganin, kolokyal, balbal, bulgar
na kaurian ng di-pormal na antas ng wika. Ito ay masusing pinili ayon sa kaanyuan na
nagtataglay ng di-pormal na antas ng wika.
Nosi Balasi (1978) ng bandang Sampaguita. Sundot (1985) ng Aegis. Laklak
(1995) ng bandang Teeth. Peksman (1996) ng grupong Siakol. Sinaktan mo ang puso ko
(2002) ni Michael V. Noypi (2004) ni Bamboo. Ordertaker (2005) ng Parokya ni Edgar.
OJ Bumbay (2006) ni Michael V. Itaktak mo (2007) ni Joey De leon. Takubets (2008) ni
Michael. Porque (2011) ng bandang Maldita. Tinamaan ako (2011) ni Anne Curtis. Ako
na lang (2011) ni Zia Quizon. Karakaraka (2012) ni Vice Ganda. Gayuma (2012) ni
Abra. Selfie (2013) nina Jamich at Davey Langit. Buko (2013) ni Jirem Lim. Lord
Patawad (2013) ni Bassilyo. Boom Panes (2014) ni Vice Ganda. Manhid ka (2014) ni
Vice Ganda. Ang pag-aaral ay tumutuon lamang sa 100 na tao. Ang 50 participante ay
manggagaling sa mga mag-aaral ng kolehiyo ng edukasyon at ang natitirang 50 ay
kukuhanin sa mga ordinaryong tao na pamilyado sa Binauganan Tarlac City. Pag-aaralin
ang mga awiting mga binanggit dahil ito ang madalas na pinakikinggan ng mga tao lalo
na at moderno ang mga awitin na ito na kinagigiliwang pakinggan ng mga tagapakinig.

Depinisyon ng mga Terminolohiyang Ginagamit
Balbal. salitang kanto na kadalasang nilikha at ginagamit ng mga kabataan . Ang
balbal o salitang kanto ang madalas gamitin sa mga awitin. Maaaring ipasok rin dito ang
salita ng mga bakla o mas kilala sa tawag na Gay lingo. Sa pag-aaral, ginamit ito bilang
pagpapakahulugan sa mga di-katanggap tanggap na salita na amdalas ding gamitin ng
mga bakla.
Bulgar o Bawal. Mga salitang masasakit pakinggan katulad na lang ng
pagmumura o malalaswang mga salita .Ginagamit ang salita bilang pantawag pansin sa
mga tao, o kaya namay bilang panlabas ng kanilang sama nang loob patungkol sa kanta.
English. Ito ay pangalawang lenggwahe ng mga Pilipino na kalimitang nagagamit
ng mga Pinoy sa kanilang awitin. Sa pag-aaral na ito, ginamit ang salitang Ingles bilang
madalas na gamitin ng mga mang-aawit na Pinoy upang mas maliwanagan ang
makikinig, sapagkat may mga salitang mas medaling maintindihan sa salitang Ingles
kaysa sa salitang Tagalog.
Gaylingo. Ito ay mga salitang binuo ng mga bakla. Sa pag-aaral na ito namutawi
ang salitang Gay lingo sa mga awitin ng isang matatawag nating mga bakla.
Impormal. Ito ay ang mga salitang palasak o simpleng salita na madalas nating
gamitin sa pakikipagtalastasan.
Istrukturalismo. Pagsusuri sa istruktura ng mga salita. Ito ang teoryang ginamit
sa pagsusuri sa mga awiting lokal.
Kolokyal. Ginagamit ang mga salitang madalas gamitin sa impormal na
pakikipag-usap, dito rin napapabilang ang mga wikang pinaikli. Dito ginamit ang
kolokyal upang mapaikli ang salita sa loob ng kanta.
Lalawiganin. Ito ay ginagamit sa isang partikular na pook o lugar. Dito ginagamit
ang mga ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng tunay na kahulugan ng mga salitang bawal
o bulgar.
Pagsusuri. Pag-aanalisa sa mga bagay at ginamit ang salitang pagsusuri bilang
paraan ng pagtingin sa mga di-pormal na antas ng wika sa mga awiting lokal.
Taglish. Mga salitang pinagsamang Tagalog at Ingles. Ang mga awitin ay
makikitaan mo ng mga salitang ganito na masasabing tanggap nang ganap ng mga tao.





Kabanata 2
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Ang bahaging ito ay nagsasaad ng kaugnay na babasahin, pag-aaral at literatura na
batay sa pagbasa at pagsasaliksik sa mga aklatan. Napakalaking tulong ng mga ito sa mga
mananaliksik upang mabuo ng maayos ang pag-aaral na ito.

Kaugnay ng Literatura
Makikita sa konseptong ito ang mga pahayag ng ibat ibang taong nagtangkang
kilalanin at pag-aralan ang mga awiting lokal.
Sa pagdaan ng panahon ay kasabay rin ang pagiging makabago nito. Maraming tao
ang tila nakahiligan ng makinig sa mga awitin lalo na ang mga awiting sariling atin.
Pormal man o impormal na akda ay tinatangkilik pa rin ito ng mga tao.
Sinabi ni Walker sa Music education: cultural values, social change and innovation
(2007), ang terminong popular sa larangan ng musika ay nagpapatungkol sa pagtangkilik
ng karamihan ng tao sa partikular na musika.Sa depinisyong ito, masasabing ang Pang
Siyam na Simponya ni Beethoven ay pop music. Ngunit, sa panahon ng pop culture
ngayon ay iilan lang ang magsasabi nito. Ito ay sa kadahilanang ang Popular Music sa
kultura ngayon ay nangangahulugang musikang kumita ng malaki, nakagawa ng
madaming kopya ng CD, at kinanta ng isang Pop Idol.
Pinaliwanag ni Laughey sa aklat na Music and Youth Culture (2006), na ang musika
ay sinasabing pinakamataas na uri ng sining at kultura. Pinaniniwalaan din ng marami na
ang musika ay gawang ehemplo ng kaugalian. Ang musika ay madalas ginagawa
o binubuo sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan at nararamdaman sa buhay. Sa
kabilang dako, ang musika at kabataan ay madalas naipapalagay na may pagkakaugnay
sa isat isa. Ang mga musika ay tinatangkilik ng mga kabataan at ito ang nagiging daan
upang maging kilala ang musika.
Ayon kay Woods (2006) sa aklat na The Philippines: A Global Studies Handbook,
1970 nang maging maka-Pilipino ang musika sa Pilipinas. Nagsimula ito sa mga
katutubong awitin, di kalaunan ay ang liriko ng mga itoay umangkop na sa mga Pilipino.
Noong 1980s, nagsimula nang gumawa ng pangalan ng ibat ibang compositor tulad
nina Ryan Cayabyab at Freddie Aguilar. Ang kantang Anak ni Freddie Aguilar na
patungkol sa isang anak nanawala sa tamang landas ang buhay at nakalimutan ang
kaniyang mga magulang, ay naging sikat sa buong Asya.
Tinalakay ni Pen sa kanyang aklat na Introduction to Music (1992) na ang musika ay
isang uri ng lenggwahe. Ito ay ginagamit sa komunikasyon. Kaya nitong apektuhan at
pukawin ang emosyon ng tao. Sa kabila ngkapangyarihan ng musika, hindi ito nagsasaad ng
mga kongkretong bagay. Ang musika ay isang abstrak na lenggwahe na ang kahulugan ay
nagiiba-iba depende sa relasyon ng kompositor at ang mga tagapakinig.


Kaugnay na Pag-aaral
Sa ginawang pag-aaral naman nina Gonzales et al. (2012) na may pamagat na
Di-Pormal na Antas ng Wika sa mga aklat ni Bob Ong: Isang Pagsusuri, sinuri nila ang
mga di-pormal na salitang ginamit ni Bob Ong sa mga nobela nila. Ang disensyong
ginamit ng mga mananaliksik ay ang panlarawang pamaraan upang mailalahad ang mga
di-pormal na salitang ginamit ni Bob Ong sa kanyang mga akda. Ang batayang teorya ng
pag-aaral na kanilang ginamit ay ang pagdulog Istaylisko at ang naging resulta ng ginawa
nilang pag-aaral ay napatunayan nila na ang siyam na aklat ni Bob Ong ay ginamitan ng
mga di-pormal na salita.
Sa ginawang pag-aaral ni Ichiano (2004) na may pamagat na Mga Kamalian sa
mga sulating Pormal sa Filipino, sinuri niya ang karaniwang kamalian ng mga mag-aaral
sa pakikipagtalastasan lalo na sa pagsulat. Ang disenyong ginamit ng mananaliksik ay
ang Documentary Analysis upang maisakatuparan ang pag-aaral. Ang batayan ng pag-
aaral at ang pagbuo ng isang modelo sa pagwawasto ng isang sulatin at ang resulta ng
pag-aaral ay mula sa mga mag-aaral ng Ikalawang Sekundarya na napatunayan na sa
paggawa nila ng sulating pormal ay nagsasabing may apat na kaalaman sa paksa ang mga
mag-aaral ngunit limitado sa paraan ng pagpapahayag sa pagtalakay ng paksa dahil
kulang ng oryentasyon sa pagsulat ng sulating-pormal.



Kabanata 3

PAMAMARAAN AT METODOLOHIYANG GINAMIT
Sa bahaging ito nakapaloob ang mahahalagang impormasyon patungkol sa
pagkakabuo at pagkakagawa ng isang awiting local batay sa pananaliksik.

Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang content
analysis na pananaliksik. Tatangkain sa pag-aaral na ito na suriin ang di-pormal na antas
ng wika ng mga awiting lokal na nagtataglay ng di-pormal na antas ng wika sa mga mag-
aaral sa unang antas ng Kolehiyo ng Edukasyon ng TSU.

Populasyon at pagpili ng Tagasagot
Ang mga piniling respondante ng pag-aaral na ito ay ang mga unang antas sa
taong panuruan 2014-2015 ng Kolehiyo ng Edukasyon ng TSU. Ang mga opisyales ng
bawat seksyon ng unang antas ay ang mga pinili upang kumatawan ng kanilang seksyon.
Random at quota sampling ang gagamitin sa pagpili ng isandaan at dalawampu
(120) na respondante. Sa kasalukuyan ay may labindalawang (12) seksyon ang mga
unang antas, at ang mga mananaliksik ay pumili ng sampu (10) sa bawat seksyon para sa
kabuuang 120.

Paraan ng Pangangalap ng Datos
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng corpus,
pagpapakinig sa mga awitin at palatanungan.
Naghanda ang mga mananaliksik ng isang palatanungan na gagamitin upang
malaman ang mga reaksyon at epekto ng mga awiting lokal sa mga respondante. Ito ay
isinagawa upang ang mga mismong nakilahok ang siyang tutukoy sa mga kadahilanang
ito. Ito ay binigyang bisa ng tatlong dalubhasa: Dr. Lachmee Torres, Prof. Shinette P.
Morales at Dr. Mylene C. Narra. Ang palatanungan ay nahahati sa dalawang bahagi: (1)
naging reaksyon sa awitin at (2) epekto nito sa mga respondante.

Pamamaraan ng Pananaliksik
Ang mga mananaliksik ay isasagawa ang sarbey kapag nakapagparami na ng
isandaan at dalawampu na kopya. Pagkatapos ay ibabahagi namin ang mga ito sa bawat
napiling mga kalahok ng kada antas. Ang mga nakalap na datos ay susuriin sa
pamamagitan ng pagtally, percentage at pagkalkula ng mean.
Upang maging malinaw ang presentasyon ng mga datos na nakalap, ibinagay ang
istatistikal na pamamaraan na naaayon dito.
Upang masuri ang unang suliranin, gagamitin ang pag-tally at percentage. Ang
pagsusulit na ipasasagot sa mga respondante ay may kabuuan na limampung (50) puntos,
tatlumpu (30) sa unang pagsusulit at dalawampu (20) sa pangalawa. Ang pasado ay
dalawamput limang (25) puntos pataas. Ang apat na pung (40) puntos pataas ang may
kahusayan. Pagkatapos ay kukunin kung ilang bahagdan ang pumasa at may kahusayan
sa pagsasaling-wika.
Sa ikalawang suliranin ay naging dominante ang paggamit ng pagtatally at
pagkalkula ng mean sa pamamagitan ng madalas na lumabas na pagkakamali sa
pagsusulit na isinagawa.
Ang pagtally at pagkalkula rin ng mean ang gagamitin sa ikatlong suliranin sa
pamamagitan ng madalas na lumabas na pagkakamali sa pagsusulit na isinagawa.
Upang masuri ang ikaapat na suliranin, ang pagtally, percentage at pagkalkula ng
mean ng pangunahing kadahilanan na naging sanhi ng maaaring kakulangan sa kaalaman
sa pagsasalin ng mga mag-aaral na kanilang linagyan ng tsek sa palatanungan.

You might also like