Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Bulkang Mayon

Matatagpuan sa lalawigan ng Albay sa bansang Filipinas ang Bulkang Mayon . Inihahambing ito sa Fuji
ng bansang Hapon dahil sa perpekto nitong hugis na tulad ng sa apa. Matatagpuan ang Lungsod ng
Legazpi ilang kilometro sa timog nito.
Ayon sa mga bulkanologo, isa itong stratovolcano o kompositong bulkan. Ang tila simetriko niton kona ay
nabuo sa pamamagitan ng pagkapatong-patong ng mga daloy ng lahar at lava. Dahil umaabot ng halos
50 beses na ang mga pagsabog nito sa nakaraang 400 taon, itinuturing itong pinakaaktibong bulkan sa
buong bansa. Matatagpuan ito sa isang convergent plate boundary 1 sa gitna ng Platong Eurasian at ng
Plato ng Plipinas.
Ang bulkang Mayon ay may 47 pagsabog sa kasaysayan; ang una ay sa taong 1616, ang pinakahuli ay
may katamtamang pagbuga ng lava nuong June 2001. Ang pinakamalakas na pagsabog ng bulkang
Mayon ay noong 1 Pebrero 1814. Natabunan ng lava ang bayan ng Cagsawa at may 1,200 taong
namatay. Ang kampanaryo ng simbahan ng bayan ang nakikita na lamang sa ibabaw ng lupa. Ang maiinit
na abo ang nakapatay sa 77 katao, karamihan magsasaka, sa huling malakas na pagsabog ng Mayon
nuong 1993. Sa taong 1984, mahigit 73,000 katao ang pinaalis sa 'danger zones' ayon sa mga
siyentipiko ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, wala namang naiulat na namatay.
[baguhin]Muling Pagputok nang Bulkang Mayon
Sa pagitan nang buwan nang Setymbre at Oktubre taong 2014 Muli ito ay nagpapakita nanaman nang
pagputok o paglabas nang mga lava at binabantayan ito nang PHILVOCS.

You might also like