Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

ISINULAT NI: ALLIRAIN C.

PADILLA

PAHINANG PAMAGAT











KWENTONG
PAMBATA


ALLIRAIN C. PADILLA
TALAAN NG NILALAMAN



SINO AKO? 1

MGA NAGPAPASAYA SA AKIN 2

AKO ANG BATANG MASAYAHIN .3












SINO AKO?

Ang batang masayahin ay ako, sino nga ba ako. Halika kayo
at akoy inyong kilalanin. Ang pangalan ibinigay sa akin ng
magulang ko ay Angela, dahil isa daw akong anghel na dumating
sa kanila. Mula ng ako ay isinilang, naging makulay ang aming
tahanan at napuno ng kasiyahan. Ako ay walong taong gulang at
kasalukuyang nasa ikatlong baitang sa elementarya. Laging akong
masaya dahil pinuno ng aking magulang ng pagmamahal ang
aking kapaligiran.


1
MGA NAGPAPASAYA SA AKIN
Ako si Angela, ikwekwento ko ang mga bagay na
nagpapasaya sa akin. Ang unang nagpapasaya sa akin ay ang
dakilang pagmamahal ng aking magulang, kapatid at mga
kaibigan kong tunay. Bilang isang bata mahilig akong maglaro na
siyang nagdudulot sa akin ng kagalakan. Marami akong kaibigan
sa eskwela at sa aming baryo kaya naman tuwing walang pasok at
pagkatapos ng aking mga asignatura ay lumalabas na ako ng
aming bahay upang makipag laro sa mga katulad kong bata.







2
AKO ANG BATANG MASAYAHIN
Mga bata nakilala nyo na ako, si Angela ang batang
masayahin. Makinig kayo sa aking sasabihin mga kapwa ko bata.
Hindi makikita o makakamit ang kaligayahan sa dami ng laruan o
materyal na bagay. Ang tunay na kaligayahan at maaring
maramdaman sa pamamagitan ng pagmamahal na magmumula
sa mga taong mahalaga sa atin. Kaya mga bata ating tandaan na
mas mahalaga pa rin na magmahalan tayo. Sapagkat ang mga
laruan at materyal na bagay na mayroon tayo ay panandalian
lamang ang hatid nitong kasiyahan. Sanay may natutunan
kayong aral sa akin maikling kwento.Paalam mga bata! Laging
maging masaya.

3
GLOSARI

Isinilang ipinanganak (halimbawa: ang bata ay isinilang)
Dakila labis, matindi, malaki (halimbawa: ang
pagmamahal ng magulang ay dakila)
Nagdudulot rason, pinagmumulan (halimbawa: ang
basura ang nagdudulot ng pagbaha)
Kagalakan - masayang-masaya, tuwang- tuwa
(halimbawa: buong kagalakan niyang
tinangap ang tropeyo )
Asignatura takdang- aralin (halimbawa: natapos niya
ang kanyang asignatura sa Filipino)
Makakamit maabot (halimbawa: makakamit ang
tagumpay ng taong masipag)



INDEKS

A
Angela, Pahina 1-3
B
Bagay, Pahina 2-3
Bata, Pahina 2-3
Baryo, Pahina 2
D
Dakila, Pahina 2
E
Elementarya, Pahina 1
Eskwela, Pahina 2
K
Kagalakan, Pahina 2
Kaligayahan, Pahina 3
Kasiyahan, Pahina 1, 3


PAUNANG SALITA

Ang aklat na ito ay isinulat ng may akda upang magabayan
at makatulong na maipaunawa sa mga batang mambabasa na ang
tunay na kaligayahan ay hindi matatagpuan sa mga materyal na
bagay. Maituro at maipaliwanag sa mga bata na matutong higit
na pahalagahan ang mga taong nakapaligid sa kanya at hindi ang
mga materyal na bagay na panandalian lamang maghahatid ng
kaligayahan sa tao.
Iminumungkahi ng may akda ng aklat na ito na gabayan ang
mga batang mambabasa, upang mas kanilang maunawaan ang
nilalaman at nais ipahatid ng aklat na ito.

You might also like